Saturday, December 27, 2008

ang tatay kong adik

birthday ngayon ng daddy at 51 years old na siya pero matikas pa rin. paano ba naman kasi, adik na adik sa paglalaro ng tennis. derecho sa court pagkagising ng alas-singko y medya ng umaga. kung saan saan pa ngang subdivision nakakarating para iba-iba ng nakakalaro. kaya tuloy kapag namimili kami sa mall, paborito nyang puntahan ang sports shop at nagtitingin tingin ng mga accesories nya sa paglalaro. natatawa pa nga ako dahil minsan ko siyang naabutan na nanonood ng prince of tennis, cartoon sa QTV channel 11 na tungkol pa rin sa tennis.

buti na nga lang sa sports naadik ang daddy kaya maayos pa ang katawan nya ngayon at walang sakit. laging kasing batak at pinagpapawisan. kaysa nasa bahay lang na nakaupo at painom inom.

pero kahit anong gawin ay mahirap kalaban ang edad. kahit anong gawing pagtatambling ni vicky belo eh pupusta akong hindi nya kayang solusyunan ang mukha ni madam auring. nitong nakaraang buwan kasi eh nagkaroon ng pamamaga ang tuhod ng daddy. nagpa-MRI pero salamat naman at negative daw sa ACL tears, sakit sa joints ng tuhod dahil gasgas na ang cushion. ito pa naman ang kadalasang injury ng mga superstar sa sports, sayang at sikat na sana.

kaya pinaghihinay-hinay na siya sa paglalaro at hindi na todohan tulad ng dati. gusto pa ng isip, nagrereklamo na ang katawan. kumbaga sa sex, malibog pa pero lambot titi na.

sana bago siya magretire sa tennis eh makapagshowdown muna kami. hindi pa kasi ako marunong magtennis saka kapag nasa bakasyon ako pilipinas, hindi ko kayang gumising ng alas-singko y medya.

happy birthday dad!

Friday, December 19, 2008

Wednesday, December 17, 2008

extreme! extreme! magic sing!

ngayong araw na ito ang 30th birthday ng idol nating lahat. ang mala-lollipop (payat pero malaki ang ulo), jologs-looking (kulay manok panabong at hati ang buhok) na boksingero noong 90's pero poging pogi na ngayon, ang mas nakatatandang anak ni aling dionisia at kapatid ni bobby da "blow-blow" man, champion in four weight divisions, ang reigning wbc lightweight champion at world's number one pound for pound boxer of the world, si emmanuel dapidran pacquiao.

wala naman talagang sikreto sa tagumpay na tinatamasa ng pambansang kamao. si freddie roach na mismo ang nagsabi na ang attitude sa training ni pacman ang kaibahan nya sa ibang boksingero. work etits etits grrrr... etits (hinga malalim) ethics ang totoong nakakabilib kay pacman. talagang makikita mo sa trainings nya kung paano siya kadedicated kahit maraming distractions at linta ang nakapaligid sa kanya. read mga pulitiko.

masasabi kong swerte ang generation natin na ito dahil sa lumitaw sa panahon natin ang once-a-generation kind of boxer sa pilipinas. inaamin kong hindi ako mahilig sa boxing dati. pero nang mapanood kong makipagbugbugan ang batang taga-gensan laban kay chatchai sasakul noong 1999, bigla akong nagka-interes sa boxing. ganon ang impluwensiya nya. parang si michael jordan sa states, parang beatles sa england. parang april boys, phenomenal.


* * *


medyo mali ang prediction ko noon. medyo lang dahil meron naman talagang nabugbog ng husto at umayaw sa boksing. mali dahil hindi iyon si pacman. si golden boy ang nabugbog at si pacman ang umuwing poging-pogi at walang kagalos-galos sa mukha.

sa totoo lang, paulit-ulit kong pinagpraktisan si golden boy sa fight night sa psp. mahirap naman talaga dahil maliit si pacman, pero pagtagal ay nahuli ko din ang laro niya. nakakatuwa lang dahil ganon na ganon ang ginawa ni pacman sa actual na laban. 5-punch combinations sa katawan at mukha, in and out. kaya kapag babanat na ng suntok si manong oscar, nakalayo at naka-ilag na si manong manny. at ang isa pang nakakatuwa, sa maniwala kayo't sa hindi, although napapabagsak ko na si oscar sa earlier rounds, 8 rounds ang pinakamabilis ko para mapasuko si golden boy. parehong pareho sa totoong buhay.

ngayon naman, dahil si ricky "hitman" hatton ang napipisil na susunod na makalaban ni pacman, siya naman ang pinagpa-praktisan ko. pero hindi katulad ni oscar, mas madaling kalabanin itong si hatton. mas maliit pero mas bulky ang katawan. sugod din ng sugod kaya swak na swak ito sa style ni pacman. ang hula ko eh puro right hook at left straight powershots ang sasaluhin ng mukha nitong si hatton. napapatulog ko si hatton sa fight night ng round 3 lang. malamang ganon din sa totoong buhay. ngayon palang magiipon na ko ng pamusta. buti na lang nasa lupain ng mga bitoy si mareng bechay na pwedeng maging taga-kubra sa mga pupustang mga bitoy sa manok nila (may porsyento ka 'day).

dapat ngayon pa lang, kunin nang trainer ni hatton si george bush. para maturuan siya ng magaling na pag-ilag kung ayaw nyang lamunin ng buong buo ang mga malulutong na hambalos ni marvelous manny.



sabi nga ni larry merchant patungkol sa panggu-gulpi ni pacman kay golden boy last week: "death by a thousand left hands"


* * *


sa dalawang sunod na pagkakataon, may lumubog na naman sasakyang pangdagat sa pilipinas pagkatapos lumaban ng boksing ni pacman. barko noong june at malaking bangka naman ngayong disyembre.

madami na naman ang namatay kaya't hindi lang gasolina ang magro-rollback, pati presyo ng isda babagsak din.

Saturday, December 13, 2008

asian tour

kakatapos lang ng week-long trip sa hongkong at vietnam ni bachoinkchoink kasama ang kakambal nyang si leo. nagkatuwaan kasi ang magkapatid na magliwaliw muna saglit para naman bago matapos ang traumatic na taon na ito ay meron naman silang bonding moment.


heto ang aking poging bayaw at magandang asawa. sa unang tingin, mapagkakamalan mo pa silang mag-syota lang kung hindi mo sila kakilala.. buti nga rin at hindi sila identical at hindi ako malilito kung sino ang asawa ko sa kanila.

mag-isa munang pumunta ang asawa ko sa hongkong para i-meet ang kapatid nyang doon nagtatrabaho at sabay silang nagtour sa vietnam. at dumaan ulit sa hongkong nung pauwi na.

wala rin akong alam kung anong magandang meron sa vietnam. ang naiimagine ko lang na itsura ng vietnam eh puro palayan at mga singkit na taong merong suot na salakot. yung scene doon sa rambo 4 na pinapasabog ng mga NPA ang mga magsasaka. at kung hindi sa china at taiwan, dito rin ginagawa karamihan ng mga rubber shoes na ibinebenta sa pinas.

bisitahin nyo na lang ulit sa isang araw ang site ni bachoinkchoink para sa kumpletong kwentong vietnam. sa isang araw pa ha, sa lunes, hindi pa daw kasi niya tapos ang nobela. binigyan ko na siya ng deadline para tapusin. nauna lang muna ang advertisement. hehehe.


si carol... si bachoinkchoink sa totoong buhay, in vietnam.

Tuesday, December 9, 2008

2007 - year of sakhalin island

napaka-ideal sana ng sitwasyon kung magkasama kaming nagtatrabaho dito sa abroad ng maganda kong asawa. walang homesick, walang inip, mas malaki ang ipon. parang last year lang, magkasama kaming nagtrabaho sa maliit na isla ng russia, ang sakhalin island.

nauna sakin si bachoinkchoink ng tatlong buwan pumunta sa sakhalin bago ako sumunod sa kanya on the new year's eve of 2007. nakaka-senti din dahil sino ba namang hindi, sarap mag-ihaw at makipag-inuman habang nanonood ng mga nagpapaputok sa labas at sa dvd. naalala ko pa noon, 12 midnight pa talaga ang flight ko kaya't habang naghihintay ako ng pagpasok sa gate, kitang kita ang mga paputok kahit sa malayo, para lang sa poster ng meteor garden na nakatingin sila sa langit habang nakaupo. pagkaangat ang eroplano ay kitang kita ko ang mga paputok na umaangat sa himpapawid galing sa mga bahay-bahay. pero hindi ko nakikita siyempre ang mga nagpapaputok dahil sobrang layo na nung eroplano siyempre.

pero mas nanaig pa rin sakin ang excitement dahil gusto ko na rin makita at makasama ulit si bachoinkchoink, na first time magpasko at bagong taon sa labas ng pilipinas. excited din dahil first time kong makakaranas ng isnow at doon mayaman ang bansang russia. umaabot ang temperature ng -25 celcius sa umaga kapag winter. pag bagong ligo at naglakad nga kami ni bachoinkchoink sa labas eh biglang namumuti at naninigas ang buhok nya. mukha lang talagang masarap ang snow, pero kapag ihip ng hangin, parang makapunit hymen balat ang lamig. ang hirap din huminga.

sa totoo lang, walang kabuhay-buhay ang buhay sa isla. oil and gas plant kasi ang ginagawa namin, kaya talagang sa remote na lugar ang dapat na location. dati rin ginawang tapunan ng mga kriminal at mga sanggano ng mainland russia ang sakhalin island kaya ang mga buildings at structures sa city ay parang pinagdaanan ng giyera.

hindi rin tourist friendly ang lugar. halos walang mga english translation magmula sa kalye hanggang sa karamihan sa mga menu ng mga restaurants. halos hindi rin marurunong mag-english karamihan ng mga local. naaalala ko pa nga nung kakain sana kami ni bachoinkchoink, hindi namin maintindihan ang nasa menu dahil russian characters ang nakasulat. tinatanong din namin ang waitress pero 'no english' din sila. nagturo na lang kami kung ano ang mapag-tripan namin. para kaming mga musmos na hindi marunong bumasa at walang kaalam-alam sa mundo.

kaya nga buti na lang at pinagkaloob na magkasama kaming dalawa sa lugar na yon. kung siya lang o ako lang mag-isa ang nandoon, nakaka-buang siguro. masarap kapag kasama mo ang asawa mo sa ibang bansa. parang hindi mo ramdam na nagtatrabaho ka pala. kahit araw-araw ay trabaho-bahay lang ang routine walang pagka-bato at pagka-bagot. para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan at namamasyal-masyal at pagkatapos ay pareho kayong makakatanggap ng payslip na mas malaki di-hamak kumpara sa pilipinas. parang YEMEN - Yugyugan Every Morning Every Night. december last year nung sabay kaming umalis doon.

at ngayong disyembre, wala kaming magawa kundi ang magtiis-tiis muna. hindi naman kami nasa ganitong setup habang buhay. alam naming darating ulit ang pagkakataon na magkakasama ulit kaming magtrabaho sa isang lugar at sa pwedeng makapagsimula ng pamilya. kaya dito sa qatar kapag tumatama ang homesick, nasa aking mga kamay lang ang kasagutan.

malayo na naman kami sa isa't isa, wala akong magagawa but to think at a positive sides of things kaysa magmukmok. kahit papano, meron pa ring masasabing advantages. tuwing umuuwi kasi ako, nararamdaman ko ulit ang tamis unang halik namin ni bachoinkchoink nung nireyp sinagot nya ako noong 2005. sabi nga ni drew barrymore sa 50 first dates, "nothing beats the first kiss". tuwing umuuwi ako, parang first time ulit naming nagho-honeymoon.

* * *


kakanta na lang muna ako dito sa ngayon...

"ang disyembre ko ay malungkot
pagka't miss kita
anumang pilit kong magsaya
miss kita, kung krismas..."

Thursday, December 4, 2008

ang kasabay ng kape at monay sa umaga

sa mga katulad kong walang ginawa kundi ang magbilang ng oras at araw sa maghapon, malaking bagay ang makahanap ng mapaglilibangan sa araw araw. kumbaga sa mga misis at lola (at pati na rin mga mister) sa pilipinas, katumbas ito ng pagsubaybay sa mga kapanapanabik na mga telenobela tuwing hapon at gabi.

bukod sa email at sa blog ko, dito ako lagi nagbabasa ng balita pagdating ng opisina:

1. nba results/opinions dito at dito. para kasing telonobela ng totoong buhay ang araw araw na nangyayari sa isang season ng nba. may nananalo, natatalo, trades, nai-injured, highlight plays etc etc.

2. pacland, where pacman fans around the globe congregate. dito mababasa lahat ng balita at updates sa buhay ng idol nating si manny pacquiao. news sa trainings, next bouts, boxer's info, transactions at mga forums meron dito. pati na rin kung ano ang inulam ni pacman habang nasa training, pati kung ano ang tatak at kulay ng suot nyang brief ay nababalita dito.



sobrang atat na atat na nga ako dahil 3 tulog na lang ay bakbakan na naman. nabasa ko na lahat ng balita, tsismis at mga sabi sabi patungkol sa dream match. naikasa ko na nga ang QR200 kong pamusta. kay pacman pa rin ako siyempre kahit sinasabi nilang dehado. mas masarap kasing manood ng boxing kung may pustahan, pampadagdag libog ba.

note: hindi na ko nagbabasa sa internet ng balita tungkol sa ating bayang minamahal. nauumay akong makibalita lalo kung tungkol sa mga kakurakutan at anomalya ng mga pulitiko lang din ang masasagap ko. pagtaas lang ng dollar ang tinitignan ko.

Sunday, November 30, 2008

some things about nothing

isang quick post lang.

nasa ganitong posisyon na naman ako ngayon habang binabasa ko ang post ni pareng tapsiboy tungkol sa mga bagay bagay. meron din akong gustong ibahagi habang nasa ganitong pagkakataon:

1. mahirap huminga at nagbabara ang ilong kapag iniire mo ang madami, mahahaba, matitigas at nagtatabaang mga tubol.

2. hindi agad kayang lunukin basta basta sa isang flush-an lang ng inidoro ang madami, mahahaba (isang dangkal), matitigas at nagtatabaang tubol. sintaba ng kebab.


yun lang.

Friday, November 28, 2008

PBLQ 21st Season 2009 atbp.

kamakailan lang ay nagdaos ang company namin ng tryout para maghanap ng 16 players na bubuo sa roster ng team na sasali sa Philippine Basketball League Qatar (PBLQ) 21st Season First Conference 2009. sa january 16 ang opening at gaganapin ang mga laro sa doha every friday.



at pagkatapos ng tatlong session ng tryout, buong pagpapakumbaba ko pong inaanunsyo na nakasali ako sa team na lalaban sa doha sa january. sasabihin ko mamaya ang sikreto kung paano ako napasama sa team. first time ko itong makakasali sa inter-company tournament. noong nagtatrabaho ako sa makati, inter-department lang liga kaya excited ako sa pagsali dito sa PBLQ.

nahahati sa tatlong category ang liga: category A: kung saan ang bawat teams ay mga rated players ang kasali. category B: kung saan ang bawat team ay may at least 2 rated players na kasali. at ang category C na kung saan kami kasali, ay ang mga team na walang mga rated players. kaya ang category C ay lalabas na inter-company lang sa mga nandito sa qatar.

kung ang criteria lang ng pagiging rated player ay ang pagkahilig sa panonood ng mga rated x na pelikula eh tiyak na magkakaroon kami ng rated player. secret na lang kung sino yung mahilig na yun.

* * *

on-going pa rin ang elimination round ng ginagawang in-camp basketball tournament. kumbaga, para lang itong inter-department ng aming company, at baka pagtapos nito ay sisimulan naman ang inter-camp tournament.

nananatili pa rin kaming unbeaten with a record of 6-0. nakalaban na namin last week ang mga dalawa sa pinaka-astigin na team ng bracket namin, umiskor ata ako ng 24 at 15 points sa dalawang larong yon. magagaling din kasi ang mga kakampi ko kaya't balanced attack lagi ang opensa namin. this week ang last game namin sa elimination, na susundan ng semifinals against sa number 2 team ng kabilang bracket kung kami ang magiging number 1 sa bracket namin.


heto ang picture ng team namin. ang mga matitipuno at nagkikisigang mga manlalaro ng oilers. kung meron kayong kursunada eh sabihin nyo lang sakin ang numero sa jersey at ako na ang bahala. isipin nyo na lang na para lang kayong namimili sa loob ng aquarium.

* * *

tanong: ano ang sikreto ko kung paano ako napasama sa 16 player roster ng team sa PBLQ?

sagot: 18 lang ang nagtryout.

Monday, November 24, 2008

goodmorning, goodnight

ano ang laman ng isip ko pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi? heto...

pagkagising sa umaga (4:30am):
1. tanginangyan bakit ba hindi ako natulog ng mas maaga gabi? ang bilis ng oras, parang kakapikit ko pa lang ah.
2. kaya pa bang mag-additional 10 minutes na tulog?
3. maliligo kaya ako? tangina ang lamig eh.
4. ano kayang ginagawa ni bachoinkchoink sa pilipinas (9:30am sa pilipinas)?
5. di nga? kailangan ba talagang maligo?

bago matulog sa gabi (10:30pm):
1. ayoko pang matulog. baka may maganda pang palabas na bakbakan sa tv.
2. nasa mood ba ako para magsagawa ng paborito kong ritwal?
3. sana kayakap ko si bachoinkchoink.
4. sana magising pa ako bukas, para madagdagan ang iniipon kong 180 days bago magbakasyon ulit.
5. pwede kayang gumising ng 5:00am para hindi muna ako maligo?

* * *


namimiss ko lang ang ginagamit na takure ng mommy para pampainit ng tubig sa timba pampaligo noong elementary pa ko.

Saturday, November 22, 2008

who's happy on my birdie?

birthday ko daw ngayon. pero i feel very flat right now. just another ordinary day that will pass. although may mga kaibigan din ako dito to keep me company, iba pa rin ang ligayang dulot ng presence ng mga mahal mo sa buhay. namimiss ko ang asawa ko, ang daddy, ang mommy, si trisha at si bj. balewala ang birthday kapag umepekto na ang homesick. wala ako sa mood.

26 years old na ko. pero sa tinagal-tagal ng panahon, meron din akong katanungan na hindi ko masagot-sagot. hindi ko alam kung kanino na ako maniniwala. hinahanap ko pa rin ang tunay kong identity. hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung ako ba ay...

scorpio o sagittarius?

iba-iba kasi ang mga nakalagay sa tabloid eh.

Monday, November 17, 2008

please release it, let it go

hindi ko namamalayan, almost 8 months na rin pala ako nagba-blog. so far so good. meron akong online diary na nailalabas ko kung ano ang nararamdaman ko. kapag nagba-backread nga ako sa mga sinulat ko, natatawa pa rin ako at parang hindi ako ang nagsulat. madali mong maalala ang mga bagay bagay na nakalipas dahil meron kang journal na naisusulat. nag-eenjoy at nalilibang din akong maka-kwentuhan tungkol sa kung anu-ano ang mga kaibigan na nakilala ko dito, nakita at nakakulitan ko na nga rin ng personal ang iba. pakalat-kalat din sa iba't ibang sulok ng mundo ang ilan.

nagsimula sa ilang taong pagiging lurker sa kwentong tambay ni batjay, nagkaroon ako ng idea na bakit hindi ko rin isulat ang aking journey. nainggit ako dahil kahit ilang taon na ang nakalipas, nababalik-balikan ko pa rin ang mga kalokohan nya kahit noong magsisimula pa lang siyang tumambay sa singapore.

napunta din ako ng singapore at bago umalis, nakapagsimula akong mag-blog. parang sinundan ko nga ang yapak ni batjay dahil pareho kaming kyut na mahilig magjakol damer at mapuan. yun nga lang, andito ako sa qatar. ang tanong na lang ay kung kailan din kaya kami mapapadpad ni bachoinkchoink sa states? hehehe.

years from now, lagi ko pa rin maaalala ang mga moments na nakalipas dahil sa pagbo-blog. babalik balikan ko lang ang mga naisulat kong mga anik-anik dito at presto, parang akong ibinalik sa panahong isinulat ko ang mga entry na yon.


"ang pag-ebak at pagbo-blog ay parehong paraan ng paglalabas ng saloobin..." - rj tejada

Friday, November 14, 2008

in the land of TGIS batch '69

isa sa mga namimiss ko sa pilipinas noong nagsimula akong magtrabaho sa makati 4 years ago ay ang samahan namin noon ng mga kaopisina ko. puro kasi kaming mga new graduates at wala pang mga experiences sa pagtatrabaho. first time naming lahat kumbaga. para lang kaming bagong pasok sa school at sabay sabay nagaaral ng kung anu ano patungkol sa trabaho. nabuo agad ang barkadahan among us. noong mga panahon rin na yon kami nabuo ang tandem namin ng maganda kong bachoinkchoink. hehehe.

noon parepareho pa kaming mga walang kapera-pera. kapag sweldo ay inuman na agad ang gimik. uuwi ng madaling araw na susuray suray. hindi malaman kung paano nakauwi. sakto lang ang sinuweldo ng dalawang linggo para sa isang gabing kasiyahan. swerte na kapag may natirang pambili ng t-shirt.

parang ang dami nang nangyari mula nung umalis ako sa kumpanya na yun noong december 2006. nagsi-alisan na rin ang mga kaibigan ko don noon. nagkahiwa-hiwalay na kami. kung saan saang lupalop na napadpad.

yun ang namimiss ko dito sa qatar. ang feeling ng may kabarkada na mga kaedad ko lang sa trabaho. halos karamihan kasi ng mga kasama ko dito ay mga katatay-tatayan na. mga TGIS batch '69. isa ako sa mga maituturing na bata pa dito. kahit mas malaki ang kinikita ko dito, parang meron pa ring kulang. parang gusto ko rin bumalik noong mga wala pa kaming moolah pero sama sama kami. money isnt really that can make you happy.

meron din naman mga napadpad dito sa qatar, magkakaiba nga lang kami ng kumpanya. at kagabi nga ay nagkita kami para makapagkumustahan. sarap ng tawanan at reminiscing the times not so long ago. namiss ko rin itong mga mokong na to. hehehe.

ako, si jerryboi, si val at ang kanyang misis na si joy. litaw na litaw kung sino ang pinagpala (clue: blog ko to.)

moral lesson: kung lalaki kayo at nasa qatar at gigimik kayo sa mga bars sa hotels, huwag kayong magsho-short. hindi rin kayo papapasukin. tanginangyan!

Monday, November 10, 2008

basketball tournament 101

one month ago nang magsimula ang in-camp basketball tournament ng company namin dito sa qatar. nasa pilipinas ako noon kaya hindi ako nakasama, pero kasali na ako sa isang team dahil nakabuo na kami ng team bago pa man ako mapauwi. kumbaga nagkaamuyan na rin kami ng betlog laro kahit papano.

walong teams sa bawat bracket at naka-dalawang laro na ang team naming itatago na lang natin sa pangalang OILERs. dahil sa natural at likas na matitikas ang mga kagrupo ko ay 2-0 ang record na dinatnan ko.

sa unang linggo ko dito sa qatar, dalawang laro agad ang naka-schedule sa amin. pareho naming nilampaso ang kalaban. 4-0 na kami. i scored 15 points and 23 points respectively. sayang nga at walang mga naggagandahang mga courtside anchors gaya ng sa pba na nagiinterview sa mga players tuwing end game. pangarap ko pa namang mainterview.

courtside anchor: wow rj! anong ginawa ng team nyo kaya maganda ang pinakita nyong performance sa game na to?

ako: aaah oo! pwedeng bumati?


* * *

ito ang aking uniform. 3 ang favorite number ko pero pinili ko ang number 33. bakit? unang una, in honor of my wife's initials which is CC. at pangalawa, dahil magkakaroon sana kami ng twin, naisip kong bakit hindi ko na lang doblehin ang favorite number kong 3. swerte daw ang 3, mas maswerte kung doble.



and so the number 33 legend was born.

* * *

malamig na dito sa qatar, lalo sa umaga at gabi. kaya naiisip ko rin na talagang pinagpala ang pilipinas pagdating sa klima. tama ang timpla. dito kasi, sobrang init at sobrang lamig. urong na naman ang burat ko dito.

ang hirap tulog maglaro ng basketball sa gabi. dahil lalong lumalamig kapag nahipan ka ng hangin ng pawis. konti pa, magiging ganito na rin ang utong ko.

Saturday, November 8, 2008

he’s so vulnerable, vagina in my hands

ang kamatayan at ang pagkakasakit ay mga paraan para laging maipaalala sa ating mga tao na tayo ay mga mortal na nilalang. kapag mayroong namamatay na malapit sa atin, meron itong mensahe na nais iparating sa mga taong naiwanan. kapag nagkakasakit naman tayo, ito ay gumigising sa atin na may hangganan din ang ating lupang katawan at maaari itong mamatay any moment.

kadalasan, hindi ito naiisip ng mga taong walang nararamdamang sakit sa katawan. lalo ng mga kabataan na nasa rurok ng kanilang kakisigan, invincible ang pakiramdam nila sa kanilang sarili. na hindi sila tatanda. na walang anuman ang makakapagpabagsak sa kanila. na habambuhay silang magiging bata. na hindi sila madadapuan ng kahit na anong sakit. na… nana… nananana… hey jude.

ako, kahit nasa katigasan ng aking pagkalalaki pa lang, naranasan ko na kung paano magsystems down ang aking katawan. tatlong beses na akong hinihimatay. noong elementary, dalawang beses ako tumumba nung nagkaroon ako ng mataas na lagnat. buti na lang, dalawang beses din akong naispatan ng mommy na susuray-suray bago ako bumagsak kaya nya ako nasasalo. parang artista na naghintay muna ng tagasalo bago bumagsak. pero walang halong arte yung sakin.

akala ko hindi na yon mauulit. akala ko dahil matigas na ang titi katawan ko, kaya ko ng saluhin ang sakit kung tamaan man ako. gusto ko pa ngang i-dare ang sarili ko na kalabanin ang antok kapag uminom ako ng sleeping pills. kaso naalala ko, kahit walang gamot eh likas sakin ang pagiging antukin. kaya hindi ko na tinuloy.

noong july 2006, nagising na lang akong may lbm. hindi pa ako nakapagbreakfast nung pumasok ako sa opisina. nilalagnat at giniginaw na rin ako nung nasa opisina. naninilaw na ang paningin ko at nung magpapaalam na akong maghalfday… (blag)… nagising na lang ako na nakatungo ang mga kaopisina ko sakin. nakahiga na pala ako sa sahig. para daw akong trosong sinibak ng magkakahoy nung tumumba(ibang sibak ang iniisip mo, gago). naalala ko, hindi ako tinulungan agad ng kaibigan ko kasi akala nya umaarte lang ako. joker daw kasi ako. huwag daw akong ganon, umayos daw ako, hindi daw magandang biro yon.

sa mga nangyaring yon, ramdam na ramdam ko na may limitation ang mura at ma-alindog kong katawan. tuloy, nakapagpauso tuloy ng tawag sakin ang maganda kong asawa: santo roberto juanito tumbatito (hmmm... bachoinkchoink ko talaga so kyut kyut, papisil nga sa pisngi. tara, ligo tayo? hehehe).

at ang pinakalatest ngayon, meron akong iniindang gout na nagpapakirot sa bandang likuran ng aking left heel. nagmula ito last year noong nasa sakhalin russia ako, dahil sa dami ng tinira kong sunflower seeds. ang sakit! kaya ramdam ko na agad kung ako ang pakiramdam ng mga matatanda. the gouty 25 year old. kaya kapag nagbabasketball, sumasakit sakit pa rin ang paa ko lalo after the game. hindi ako makalakad ng diretso. para akong bigat na bigat sa sarili kong bayag.

moral lesson of the story: huwag ibubuka ang bibig kapag pinapanood ang sariling ebak na bumagsak sa kubeta.

* * *


akala ko nagdadalaga na ang kumpare kong talentado na si ron turon kaya nya ako pinadalhan ng invitation para sa kanyang 18th birthday, hindi pala. binigyan nya pala ko ng award o kung ano man ito sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. hindi ko alam kung kikita ba ako dito o baka may perang nakaipit sa loob. hehehe. biro lang. maraming salamat sayo pareng ron turon. =D

* * *


pati na rin sa kaibigan nating si madbong galing pa ng new zealand, nagpadala pa ng package via lbc, hari ng padala. mukhang mabigat, siguro mahal ito kung ipapakilo ko sa mga bakal-voiz. mabulaklak at kumikinang pa, para lang akong nakatambay sa loob ng reyes haircutters. hehehe salamat pareng madbong. =D

Thursday, November 6, 2008

nakakaiyak


isang linggo pa lang ako dito sa qatar, nagkakaganito na ko
masakit sa dibdib, ang hirap huminga
nahihirapan na ko, hindi ko kayang itago
hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa mata ko
hindi ko mapigil ang paglabas ng uhog sa ilong ko



hindi makahinga, naluluha at naiiwang tulala,
ganyan ang pakiramdam ng isang tao...

kung paulit-ulit na hindi natutuloy ang sana'y maluwalhating paghatsing dahil sa sipon na malabnaw. tanginangyan.

Thursday, October 30, 2008

i believe i can fly...


and now i will.

again.

* * *

habang binabasa nyo ito ay marahil nasa himpapawid na ako at nasa 9 oras na byahe papuntang qatar. magkahalo ang nararamdaman ko ngayon, malungkot at masaya.

malungkot: dahil alam naman nating lahat kung bakit, anim na buwan na naman kaming magkakahiwalay ni bachoinkchoink.

masaya: dahil walang tfc sa qatar, anim na buwan ko ding hindi makikita si willie revillame at ang kanyang araw araw na concert sa wowowee (huwag ka nang magpapaboogie).

walang pakialamanan ng trip.

Saturday, October 25, 2008

idol

dahil malapit na naman ang opening ng nba season.

disclaimer: ang ilang nilalaman ng post na to ay kabulastugan lamang at hindi dapat seryosohin. anumang pagkakapareho ng mga ito sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. bawal ang sensitive.

aba ginoong dwyane wade
napupuno ka ng highlights
kaming taga-hanga mo'y sumasaiyo
ubod kang pinagpala noong 2006
at tiyak na pagpapalain sa susunod pang years

oh dwyane wade, ang 2006 finals mvp
pakinggan mo kaming humahanga
mapanood ka sana namin ng live balang araw
kami'y nababakla natutuwa kapag ika'y naglalaro.


agoy!

* * *

habang naglalakad kami ni bachoinkchoink sa isang mall, nakakita ako ng dvd ng idol kong si dwyane wade. istorya ito ng buhay niya, kung paano siya lumaki sa drug infested neighborhood sa chicago, kung paano siya muntik nang hindi makapasok sa college school dahil bagsak sa entrance exam, kung paano siya nakilala sa basketball nung college hanggang sa mapadpad sa nba at magchampion nung 2006.

wala lang naikwento ko lang.



naalala ko, first time ko pala itong magkaroon ng original na dvd. parang nagiging panata ko na tuloy na sa tuwing bakasyon ko eh meron akong nabibiling memorabilia. ito naman ang mga nabili ko last year, na nagpapailing na lang sa asawa ko.





kaysa naman gumastos ako sa pambababae di ba?

Wednesday, October 22, 2008

slow down the clock

isa sa pinaka ayaw kong lugar sa pilipinas ay ang second floor ng ninoy aquino international airport. lagi kasing malungkot ang mood tuwing mapupunta kami dito. dito nagaganap ang mga huling babye, iyakan at habilin ng mga aalis para sa mga maiiwan. sumisimbulo ng ilang buwan o taon na naman ang dapat bunuin para makabalik sa comfort zone at makasama ang mga mahal sa buhay. at next week ay pupunta na naman ako sa impaktong lugar na yan.



pero nagpapasalamat na rin ako at binigyan ako ng amo ko ng 2 weeks extension dagdag sa ipinaalam kong 1 month emergency plus rotational leave. sabi nga ng daddy ko, sa tinagal nya sa abroad hindi pa niya natry magbakasyon ng ganon kahaba. sa wari ko naman eh base to base casis lang naman talaga dahil alam naman ng lahat kung ano ang nangyari sa amin. kahit gaano kahaba naman ang bakasyon, talagang mahirap kapag parating na ang bye bye time.

on the positive note, hinahanap hanap na rin ng katawan ko ang trabaho. meron kasi akong parang napagiiwanan na pakiramdam kapag matagal akong nakabakasyon. kailangan ko ng bumalik sa agos ng buhay at kailangan na rin madagdagan ang ipon kung meron para siyempre sa future at sa mga bayarin. kapag nasa bakasyon kasi, puro withdrawals ang makikita sa mga passbook sa banko ng mga ofw.

at kapag naaalala ko ang mga bagay na ganyan, nasusura na naman ako sa gobyerno ng pilipinas. talagang kahit saan mo tignan, talagang sa gobyerno ang sisi. kung bakit kailangan pang lumayo at mapunta sa ibang bansa para lang kumita ng kaunti. and so on and so forth so help me god.

tapos mababalitaan mong 7 million pesos ang baon ng isang general sa russia. tanginangyan.

tama na muna ang drama at pagkamuhi. manonood muna kami ng pba sa araneta.

Wednesday, October 15, 2008

once upon a rainy day

nilubos lubos ko na ang katamaran ng katawan ko kahapon. eto ang pangarap kong araw nung nasa qatar ako.

9:00am - nagising na lang ako na malakas ang ulan sa labas, at nakadantay sa akin si bachoinkchoink habang naghihilik pa rin. ang breakfast namin ay tinapang galunggong na may sawsawang suka't bagoong na galing pa ng malabon. sabay higop ng mainit jimm's 5-in-1 coffee.

9:30am to 1:00pm - nag-internet at naglaro ng aking itlog psp with my newly downloaded final fantasy VII: crisis core. kakasimula ko lang kanina, astig ang gameplay, story, graphics at cinematics. ito na yata ang pinakamagandang title sa psp bukod sa gta series. ang lakas mangubos ng oras.


1:00pm - ang lunch ay piniritong breaded porkchop at meron pang ceasar's salad.

1:30pm to 7:00pm - internet at pototoy psp ulit. oo xerex, hindi pa ko naliligo.

7:00pm - meron din pala akong nagawang kapaki-pakinabang kahit papano. tinulungan ko ang daddy sa pagiihaw ng mga dambuhalang pusit na amoy tocino dahil marinated.


sarap kumain ng matatabang mga galamay na sinawsaw sa toyomansi habang malamig ang panahon. nyaawr!



pasensya na talaga sa mga kaibigan kong wala sa pilipinas at naglalaway, makakaganti rin kayo hehehe.

8:00pm to 10:00pm - nag-internet ulit at tinapos ang post na 'to. oo xerex, ngayon pa lang ako maliligo.

* * *

natutuwa ako dahil nakapagsimula nang magsulat si bachoinkchoink ko sa kanyang blog. pwede nyo siyang bisitahin dito.

napapagod na rin siguro siya kakakwento sa mga nagpapakwento sa nangyari. kaya minabuti niyang magkaroon ng official statement sa mga press release.

Monday, October 13, 2008

twist and shout

sa isang tindahan tulad ng watson's, may customer na nakapila at magbabayad na sa cashier...

cashier: (shouting to the stockboy) "magkano trust lubricant?, walang presyo ito!"

stockboy: (shouting back to the cashier) "saan yan? anong aisle?!"

cashier: (shouting back to the stockboy) "ano ka ba?, dyan lang yan sa mga condom!"

stockboy: (shouting back to the cashier) "puro trust condom lang nandito walang lubricant! hindi ko produkto 'to tawagin mo yung trust stockboy!"

cashier: (goes to the PA system) "paging trust stockboy, paging trust stockboy!, paki-replenish lang trust lubricant, may customer dito kanina pa naghihintay!"

customer: "di bale na lang miss..."



note: this is NOT a true to life story of the owner of this blog.

Friday, October 10, 2008

i'll eat you dirty

kapag nasa abroad, kahit anong sarap ng pagkain na ihain sa iyo ay hahanap hanapin mo pa rin ang mga pagkaing kinalakihan mo at ang nagpapaalala sayo ng bansang iyong pinanggalingan. kapag meron ngang dumadating galing pilipinas, isang espesyal na pasalubong para sa mga ofw ang makatikim ng bagoong, galunggong, daing, sardinas at iba pa na hindi mahahanap sa abroad.

bawal ang baboy sa qatar (although may nagbebenta rin underground), nakakapaglaway kapag mayroon nagdadala ng adobong baboy, chicharong baboy o kahit ano basta may baboy. namimiss ko rin ang binababoy kapag nasa qatar. hindi katulad dito sa pinas na sagana sa baboy. madaming baboy. tanginang mga baboy. teka, pagkain nga pala ang topic ko...

in a certain amount of time na nasa overseas, pinagkakaitan ka ng pagkakataon na makakain ng mga gusto mong makain na very available sa bansang pinanggalingan. kaya sa tuwing nakabakasyon, i see to it na makakain ng mga pagkaing matagal ko nang hindi natitikman. ang pinya.

at noong isang araw nga, habang sinamahan ko si bachoinkchoink sa bayan para magpagupit, nadaanan namin ang isang umpok ng mga tindero ng fishballs at malaking kwek kwek. streetfoods. pinipigilan at kinokonsensya pa ko ni bachoinkchoink dahil nga dugyot at madudumi ang mga iyon, sagana rin ito sa pagkakaroon ng hepa-A at gastroentiritis. pero nanalo pa rin ang katakawan ko. ang point ko naman, walang ganun sa qatar kaya once or twice a year lang ako makakakain ng ganun, kayang kaya naman siguro itolerate ng tiyan ko ang mga dumi at bacteria non.

sinong makakatanggi sa sarap ng lumalangoy na fishball sa mantika sa bangketa, sabay sawsaw sa masarap na suka na puno ng sibuyas at may sili, o kaya sa matamis na sauce na pambata?

namiss kita, oh fishball ni kuya...


at sinong hindi tatakamin sa sarap ng coating na orange na ibinalot sa itlog ng itik at ibabad ito sa mangkok na may suka rin?

namiss din kita, oh itlog ni manong...


isang patunay iyan na hindi mo kailangan ng maraming pera para lang lumigaya, para sa kin, isa ito sa mga simple pleasures in life.

PS: at kapag nakatiyempo pa ako ng hilaw na mangga at singkamas na nakasakay sa tricycle na de-padyak with masarap na bagoong na binudburan ng asin... yari ka sa kin.

Friday, October 3, 2008

children of valentines

last trimester ng taon ang pinakapaborito kong season. madaming reasons para maging favorite ito. christmas, new year, bigayan ng bonus, at ang malamig na simoy ng panahon. ito ang tamang panahon para dumiga at magtapat ng nararamdaman kung gusto mong sagutin ka ng nililigawan mo. mapalalake man o babae, gusto ng kahit sino ng kayakap kapag nagiinit nilalamig. pero ibang topic yan.

pagtapak kasi ng ber months, panahon na ng kabirthdayan ng aming pamilya. september si trishabiik, october si mommy at bunso, ako ang sa november at si daddy ang december. ewan ko kung sinasadya iyan pero hindi ko pa natanong sila mommy at daddy.

at ngayon nga ang 51st birthday ng pinakamamahal kong mommy. hinatid ko sila sa naia 3 at nagpunta silang apat sa bohol para magbakasyon saglit. hindi kami kasama ni bachoinkchoink dahil nasa qatar pa ako supposed to be at 7 months na ang kambal supposed to be. kaya kami ang taong bahay ngayon dito sa valenzuela, parang practice na rin bilang magasawa na may sariling bahay. ang hirap pala magisip ng uulamin sa maghapon, naubos na nga ang mga naisip ko: sardinas, cornedbeef, luncheon meat, hokkaido mackerel, hotdog at itlog na pula with kamatis.

happy birthday mommy! labyu!

* * *

napapansin ko, buwan ng oktubre ang pinakamaraming merong may birthday. kung ikukumpara sa ibang mga buwan, laging angat ang bilang ng mga nagdidiwang sa buwan na to. napapaisip tuloy ako kung kailan ginawa ng kanilang mga magulang ang mga octoberians...

september... august... july... june... may... april... march... february!

talaga palang may epekto ang mga nararamdaman nating lindol tuwing buwan ng mga puso (daw). lalo sa edsa-balintawak at malate, kung saan naulat na mga sentro ng lindol.

Thursday, October 2, 2008

caregiver

kung hindi nangyari ang mga ayaw nating mangyari, sa bulacan sana muna titira ang aking magandang asawa at aming mga anak. iyon ang plano. sa katunayan, under construction ngayon ang extension ng bahay para sa aking magiina. mahirap pa kasing bumukod agad kami kung lalagi pa naman ako sa abroad at iiwan ko si bachoinkchoink sa pagpapalaki sa dalawa. kaya napagdesisyunan namin na doon muna kami sa kanila para may kasama siya sa pagpapalaki sa dalawa habang sanggol pa sa tulong ng kanyang pamilya.

pero we were caught unguarded. walang nag-akala na mauuwi sa ganon ang story.

kaya mula nung dumating ako dito sa pilipinas almost three weeks ago, doon sa bahay nila bachoinkchoink sa bulacan muna kami nakatira. doon, ako ang kaniyang alalay/nurse/caregiver/driver/runner/katsismisan. doon ko binubuhos ang aking tender loving care para gumaling agad ang kanyang sugat, physically and emotionally.

ngayon ako bumabawi sa kanya dahil nung naglilihi siya, wala siyang mapaginitan at mapahirapan sa paghahanap ng mga gusto nyang kainin gaya ng mga napapanood sa pelikula.

twice a day kung linisin ko ang sugat nya sa puson. ako ang naglilinis at nagpipiga ng sugat para kumatas ang nana, nagpapahid ng ointment at nagpapalit ng gauze pad. ako ang nagbabangon sa kaniya tuwing maiihi siya sa madaling araw, at naglilinis ng arinola sa umaga. etsetera etsetera.

lahat nang iyan ay masaya kong ginagawa, bawat task ay isang masarap na kiss ang aking gantimpala. para akong dolphin sa isang dolphin show na nag-aabang ng reward na isda pagkatapos ng isang trick.

Sunday, September 21, 2008

Ba de ya - say do you remember

kapag sasapit ang ika-bente uno ng setyembre, isang kanta lang ang lagi kong naaalala. ang september ng earth, wind and fire.


kapag naaalala ko naman si maurice white ng earth, wind and fire, naaalala ko si ben tisoy.

at kapag naaalala si ben tisoy, gusto kong maniwala sa darwin's theory of evolution

and speaking of ben tisoy...

nasaan na kaya siya?

* * *

happy 22nd birthday din sa maganda kong kapatid na si trishabiik.

Wednesday, September 17, 2008

recap

september 10 nang dalhin sa ospital si bachoinkchoink dahil sa contraction ng kanyang tiyan. nang mawala ng bahagya ang pananakit dahil sa mga gamot at turok, under constant monitoring na siya at kambal sa delivery room maya't maya. hindi pa muna inultrasound at minonitor lang ang heartbeats ng dalawa, at normal naman. ang unang plano ng mga doktor ay magstay na si bachoinkchoink sa ospital hanggang sumapit ang ika-7th month ng kanyang pregnancy para makapagcomplete bedrest talaga siya sa ospital, siya ay nasa 6th month sakto pa lang.

september 12, 3:00pm, nang isagawa ang scheduled ultrasound sa kanyang tiyan at doon na nga nagconclude ang doktora na very very slim or almost impossible ang survival ng dalawa kong anghel. nagkaroon na kasi sila ng tinatawag na twin to twin transfusion syndrome. sa madaling sabi ay sharing sila ng veins at nutrients na tinatanggap, merong donor at recipient sa kanila. kaya ang resulta, payat na payat at halos walang dugo ang isa, samantalang malaki at puro tubig naman sa katawan at ulo ang isa. nagiging visible lang daw ang ganitong problema bago dumating ang 26th week.

halos wala na daw magagawa para sa survival ng dalawa kahit pahinugin pa sila sa tiyan ni bachoinkchoink ng another month. so we decided na tanggalin na sila sa tiyan and hope na masurvive sila, kaysa sa loob pa sila mamatay at madamay pa ang maganda kong asawa.

hindi ko pa alam ang totoong sitwasyon noon. ang sabi lang sa akin ay ini-schedule na daw ng c-section si bachoinkchoink at umuwi na daw ako. friday noon kaya walang tao sa opisina kaya hindi ako makapagpa-book ng flight agad agad. nakausap ko pa ang asawa ko bago siya manganak, and she seems to be excited and ecstatic sa pagkakabalita nya sa kin, to assure me that everything is alright. although nalaman na nya sa ultrasound na ang survival rate ng mga bata ay 1% lang. doon ako sobrang touched kay bachoinkchoink, kahit sa ganoong sitwasyon ay ayaw nya akong mag-alala habang ako ay nasa malayo.

ceasarian section... groggy na si bachoinkchoink ko ng marinig nya ang unang umiyak na sanggol. 3 seconds. yun lang ang itinagal ng 'recipient' twin na puno ng tubig ang katawan. 2.5 liters of water was removed from her body. pinaalalahanan din sya ng doktor na wala na nga siya.

2nd baby comes out, at halos isang dangkal lang siya at payat na payat. tinutulungan ng parang bag para lang makahinga. 10 minutes lang siyang umiyak at pagkatapos non ay wala na. pagkatapos ay another 3 liters of water has to be removed from her womb.
hindi na nakita ni bachoinkchoink ang aming babies, pero narinig niya ang sandali nilang pagiyak.

at doon pa lang ibinalita sakin ng daddy ko ang nangyari nang tumawag siya sa akin sa qatar. alam ko namang anything can happen kaya i already braced myself to hear the worst. nang marinig ko ang boses ng daddy kong "hello jay... wag kang mabibigla...". that's it. alam ko na agad ang ibabalita nya. ang concern ko na lang ay kung kumusta ang asawa ko pagkatapos ng operasyon. tinanong din ako kung ibuburol pa ba o ipapalibing na agad. sa totoo lang, parang ayaw ko makita ang sitwasyon nila. sabi nga rin ng daddy ko, hindi rin makakatulong sa aming mag-asawa.

september 13, 2:00pm, nang ilibing ang dalawa naming anak sa iisang lalagyan.

september 14, 5:00pm, doon pa lang kami nagkita ni bachoinkchoink sa ospital derecho galing ng airport. everybody was cool and joking around, to keep the atmosphere happy. oo malungkot, pero mas nananaig sa amin ang pagiging thankful dahil walang masamang nangyari sa bachoinkchoink ko.

kapag pinatagal pa ang twins sa loob, baka mas masama pa ang mangyari sa asawa ko. kung magsurvive man ang isang baby, maaaring abnormal at puno ang complications. kinuha na agad sila ni Lord para hindi na nila maranasan ang mga iyon, at iniligtas din ang asawa kong maganda sa sakit ng dulot ng pagbubuntis nya.

* * *

ang mga anghel naming umakyat na sa langit ay identical twin girls pala. hindi rin pala 100% reliable ang ultrasound results.

* * *

gusto kong magpasalamat sa aking mga kaibigan, kakilala at mga napadaan na nagpahatid ng kanilang panalangin, sentimyento at comments para sa aming pamilya sa pagkakawala ng pinakahihintay naming mga anghel. salamat sa mga nakihintay, naki-update, nakisabik, nakiramay at nakidalamhati.

alam kong lahat tayo ay naging excited habang palapit ng palapit ang kanilang pagdating pero minsan may kaloob ang langit na dapat nating tanggapin sa ayaw natin at sa gusto.

especially sa mga kaibigan kong nag-effort pa ng pagpost sa kanilang mga blogs, hindi ko rin maisalarawan kung paano ako relieved nacomfort at may virtual akong mga kaibigan na concerned. parang 'tccic' ba.

1. insan gasoline dude
2. lyzius
3. mareng betchay aka utakmunggo
4. mariano
5. ms. maru
6. ron turon
7. pareng badoodles
8. chico
9. trishabiik

maraming salamat sa inyong lahat. kung meron man akong hindi alam, kalabitin nyo na lang ako. gustu kong malaman nyo na naappreciate ko kayo.

let's cheer up and move on. standby lang kayo at magse-second honeymoon muna kami. =D

Friday, September 12, 2008

all of a sudden

wala na sila. kailangan na sila sa langit.

uwi na ako ng pilipinas bukas.

Thursday, September 11, 2008

drama-rama with professor X

sa istorya ng buhay, hindi pwedeng laging smooth ang mga bagay bagay. laging merong problema, laging merong drama para mas exciting ang plot. gustuhin man nating maging smooth ang pagbubuntis ni bachoinkchoink at paglabas nila kambal, merong drama in between to spice things up.

muntik na kong mapa-emergency leave kanina. nagpa-confine kasi sa CGH si bachoinkchoink dahil nananakit ang tiyan, likod, tagiliran, lahat, dahil hindi maka-wiwi ng maayos (isang kutsara kada sampung minuto) kaya hindi siya makatulog ng normal for the past few days dahilan ng pagtigas at pagkasakit ng tiyan. dahil siguro malaki na ang mga dobol trobol sa loob, naiipit na ang pantog niya at hindi makapag-function ng maayos.

ready na talaga akong magpaalam sa amo ko na uuwi ako, kaso pagkatawag ko kay bachoinkchoink kaninang umaga ay nasa ospital na siya at okay na rin ang sitwasyon. she feels fine at ang pakiwari ni doktora ay baka magpremature siya, kung sakali ay next month which is 7th month. matigas na raw kasi ang tiyan. kasi naman, 5 flat lang si bachoinkchoink ko tapos kambal pa ang baon, astig.

hindi ko na itinuloy ang balak kong paguwi, for the meantime. pinigil na rin kasi ako ni bachoinchoink, ok na raw naman at wala naman akong magagawa rin. in two to three days, lalabas na rin siya ng ospital. mas gugustuhin pa namin na ang stay ko sa pinas ay ang pag-aani sa aming dalawang chikutings. kung next month ako mage-emergency leave, mas ayos. november pa kasi ang appoved vacation leave ko.

* * *

ang hirap din ng maging ofw, para kang si professor x. libangan ay ang mag daydream ng kung ano-anong mga nangyayari sa pilipinas. wala ako doon physically, pero nandun ang utak at isip ko.

wala ako doon para magasikaso sa asawa kong buntis, hindi ako makatulong, hindi ko siya maalagaan specially for times like these, (you need a juicy). lagi lang naka-antabay kung anong mga mangyayari. naguutos sa mga makakagawa at makakatulong in my absence. buti na lang very supportive ang aming pamilya at lagi silang naka-alalay.

si professor x ay para ding matinong ofw tulad ko (ehem!), walang sex life.

Saturday, September 6, 2008

HIV infected

quarterly kung magkaroon ng electronics IT fair sa singapore, kung saan makalaglag panty at brip ang mga presyo ng kung anu-anong mga gadgets at electronics na sale. last march noong ako ay nasa singapore pa, dito ko binili si bachoinkchoink ng suhol dahil sa desisyon kong magpunta ng qatar regalo kong ibinigay sa kanya pagkauwi ko ng pilipinas. doble ang tapyas ng presyo kumpara sa makikitang price sa website na ito.

pero dahil hindi ko pa alam na meron palang IT fair sa singapore 4 times a year, napabili na ako ng sarili kong laptop nung nagkaroon ng sale sa harvery norman, funan digitalife mall. hindi siya kasing bagsik ng discount ng IT fair pero mas maganda ang specs at perks with the same model and price sa pilipinas.

ginulat ako ng laptop ko nitong biyernes ng umaga. pagbukas ko ay dalawang beep na malalakas ang isinigaw nya sa akin. laking taka ko dahil kakapanood ko lang kagabi ng porn kakagamit ko lang sa kanya kinagabihan. una kong naisip na ginaw na ginaw ako kagabi dahil todo ang thermostat ng aircon ko, baka kako sobrang siyang gininaw, wala siyang kumot. so hininaan ko ang aircon ko at binuksan ang pinto para pumasok ang kaunting init (troubleshooting, the tabon man version).

waepek. kanina, kinonsulta ko ang IT ng department namin kung ano kaya ang posibleng nangyari. una nyang tinanong kung ano ang tumutunog pag binubuksan ko ang power. two loud beeps ang sabi ko. parang doktor na nagreseta ng biogesic sa batang nilalagnat, ganun kabilis ang pagkakasabi nya ng "naku bro, motherboard na ang problema nyan. yun ang problema kapag dalawang beep lang ang tumutunog at walang output ang monitor".

bwakanginangyan. saka ko lang naalala na hindi ako nagvi-virus scan tuwing magsasalpak ako ng usb sa kanya. halos araw araw din yon. malamang nadali siya ng virus. ayoko naman ipagawa sa doha dahil baka tagain ako eh wala akong maipambayad dahil ang sweldo namin ay derecho sa pilipinas. mukhang maghihintay pa ako ng mahigit dalawang buwan para maipagawa at magpalit ng mother board. motherfucking board.

valid pa ang warranty pero hindi ko alam kung kasama ba roon ang kapabayaan kapag nalagyan ng virus. saka ang natatandaan ko ay sa singapore lang ito pwede ibalik. wat da ef! bakit ba naman kasi hindi ako ng scan using anti-virus?! sa susunod, ito na ang gagamitin ko para hindi ko na malilimutan magproteksiyon bago magsalpak.

Tuesday, September 2, 2008

interview with the vampire bachoinkchoink

excited na ko sa pagdating ng aming munting mga anak. malalaman ko na rin ng lubos kung ano ang feeling ng pagiging daddy pag narinig ko ang kanilang unang iyak. maeexperience rin namin kung ano ang pakiramdam ng maging magulang sa isang pares ng kambal.

naitanong ko na rin sa sarili ko noon kung kumusta naman kaya ang magiging buhay ko ngayon kung nagkaroon ako ng kakambal ko. una kong naisip na ang sarap sarap siguro ng meron kang permanent companionship at sanggang dikit na maituturing. meron kang malalapitan sa lahat ng oras at kayo kayo ang matutulungan, dahil kayo ay kambal.

pero minsan nao-overlook natin na marami ring hirap ang pinagdadaanan ng mga multiples. halos lahat ng happily ever after ending ay nagsisimula sa masalimuot na once upon a time.

you can never have the full attention of your parents. laging hati dahil pareho kayong dapat bigyan ng atensyon. you and your sibling are on a constant comparison with each other. mula sa pagiging baby, sa paglalaro, at maging hanggang school. marami pang iba.

* * *

mas maeexplain ng isang taong may kakambal ang mga bagay na ito. buti na lang, natyempuhan ng ardyeytology para sa isang maikling interview si bachoinkchoink, ang maganda kong asawa na buntis sa kambal, at meron ding kakambal na lalaki. adik. hehehe.

ardyeytology: how was the kids baby kong jontis?

bachoinkchoink: eto nakahiga lang kami. kanina tahimik lang sila, tinapatan ko ng music, ayan nag-gagalawan na naman. nag-sasayawan siguro. hehehe.

ardyeytology: hahaha kakatuwa. siguro pwede natin sila isali sa sexbomb at sa universal motion dancers. teka matanong lang kita, kumusta naman ang buhay nyo ni ogidapogi noong mga bata pa kayo?

bachoinkchoink: we really had sibling rivalry since childhood. puro away talaga. andiyan maghabulan ng tadyakan, sabunutan, suntukan at kagatan. andiyan butasan ko alkansiya nya at kunin ang pera. andiyan gupit-gupitin nya shoes ko, basta gamit ko. basta may lihim siyang galit sa akin kasi tinusok ko ng pencil ang gilid ng mata niya at tinadyakan ko balls nya nung bata pa kami. pinukpok naman nya binti ko ng plastic na pamaypay na matigas kaya nagpoklat.

ardyeytology: kaya pala sanay na sanay ka sa mixed martial arts kapag binubugbog mo ko no?

bachoinkchoink: gago.

ardyeytology: ok next question, kumusta naman sa school? Lagi ba kayong napagkukumpara?

bachoinkchoink: mas matalino siya at gusto ko lage papaturo or kokopya ng mga assignments for reasons na hindi na ko mahirapan at tama answers ko. ayaw nya kahit bigyan lang ako ng clue or hints or turuan how he solved that pero ayaw nya. bahala daw ako magdiscover ng ginawa nya. madamot yan pinaturuan sya organ nung bata kami, there were nights na umiiyak ako sa gabi dahil bakit siya pinaturuan at bakit pag natuto lang siya saka lang ako tuturuan, hindi rin niya ginawa dahil gusto nya siya lang magaling. we were always being compared. lagi siyang pinagmamalaki kasi laging honor, well ako honor din nun. nung tumagal, top na lang ng class.

ardyeytology: siguro puro abnoy, adik at mga sintu sinto mga classmate mo noon kaya nag nagto-top?

bachoinkchoink: abnoy parang ikaw. hehehe.tsup!

ardyeytology: pogi naman. hehehe so pano ka naka-cope up at paano ka nag-aadjust?

bachoinkchoink: well, hinayaan ko na siya sa academics. extra curricular like dancing, declamation and drawing ako nag-excel in which he tried doing also pero hindi nya kinaya pantayan, mas magaling pala ako sa kanya. mula nun naovercome ko na yung selos at competition.

ardyeytology: buti hindi na kayo nagsisipaan, sapakan at tadyakan ni ogidapogi ngayon, sagwa na eh. Ang laki laki nyo na. Kelan kayo naging close na?

bachoinkchoink: we have to live together in an apartment nung college. nung una, nagsusungitan kami at hindi masaya. until we discovered the goodness in each one of us. pinaglalaba ko na sya at gentleman na sya sakin. dahil film ang kinuha nya, sometimes he even consulted my ideas at ganun din ako sa kanya sa mga projects and assignments ko. we learned to trust each other and became very supportive sa isa’t isa.

ardyeytology: buti naman at happily ever after ang nangyari sa inyo. at least meron kang maraming idea on how to raise our twins well, dahil dumaan ka rin sa may kakambal sa paglaki. salamat sa pagpapaunlak sa aking interview. isang tanong na lang, ano ang masasabi mo sa nalalapit na laban ni idol pacman at golden boy?

bachoinkchoink: ewan! whatever!

ardyeytology: tignan mo to…labyu.

Thursday, August 28, 2008

billboard

minsan naisip ko, ano kayang gagawin ko kung ang dami dami ko nang pera at di ko na kailangang magtrabaho pa para lang kumita. yung ang problema ko na ay kung paano ko wawaldasin ang perang dumadating.

kapag napapadaan ako sa edsa, lagi kong naiisip na sana meron akong pera para lang magkaroon ng sarili kong billboard. iyon ay kung hindi ako maging artista o walang kumuha saking kumpanya bilang model.

balak ko pa naman sanang magmodel ng underwear garments para kumpetensyahin ang mga billboard nila dingdong dantes at christian vasquez sa may balintawak.



mas bagay sigurong model ng diatabs ito, hindi ng underwear.

siguro pwede pa rin akong maging model pagtanda ko. model nga lang ng arthro, tutal may talent naman akong maglakad ng paatras.

Monday, August 25, 2008

everyday jaywalker no more

nasaan si ardyey, si ardyey si ardyey si ardyey?

ang tagal ko nang hindi nakapag-update dito. paano ba naman kasi, iniba ang working schedule namin kaya sobrang pagod ako lagi at hindi makapag-isip. 5am to 6pm ang bago naming working schedule, with 3 hour lunch break from 11am to 2pm. sinasabayan kasi namin ng pasok ang mga tauhan namin. tatlong oras ang lunch sa tanghaling tapat dahil matindi ang init. gardenget!

kailangan din akong nasa site office palagi, kung saan walang internet connection. kaya pagkatapos kong kumain ng tanghalian ng 12pm, babalik sa main office at doon lang ako nakakapag-internet ng isang oras, pagkatapos ay matutulog ng isang oras din bago bumalik sa trabaho.

(eh sa gabi pwede ka naman makapag-internet ah?)

sige na nga, ito ang tunay na salarin kung bakit hindi ako nakakapagupdate pati sa gabi:

ngayon lang kasi naitayo dito sa kampo ang basketball courts, kaya sabik ang lahat na maglaro. kahit pagod at puyat galing sa trabaho, naglalaro pa rin ako araw araw hanggang 8pm. ganun talaga kapag adik. next month na kasi ang first basketball tournament dito pagkatapos ng ramadan.

isang linggong straight palang akong naglaro ng basketball, im down to 170lbs mula sa 180lbs kasama ang pagcontrol sa pagkain. hindi rin ako nakapagbawas ng timbang sa gym dahil sa bukod sa nakakatamad, ang lamig ng aircon kaya napakahirap pawisan. hindi tulad ng paglalaro sa labas, tagaktak ang pawis hanggang kasingit-singitan at nageenjoy ka pa.

at least naman nalilibang ako kahit papano, meron na akong alternative bukod sa ritwal kong “J-walking” gabi gabi.

Friday, August 15, 2008

oh girl!

is there anybody going to listen to my story, all about a girl who came to stay?

matapos ang ilang buwan na hindi ako patulugin sa curiosity ng pangalawa kong kuting na mahiyain, confirmed! it’s a baby girl! kumpleto na ang barkada ko, meron na kaming magiging daboy and dagirl!


kanina ay ang pangatlong scheduled checkup (20th week) ni tabachoinkchoink ko sa doktor at sinilip ulit ang dalawa sa loob ng tiyan para tignan kung okey lang ba ang buhay buhay nila sa looban. sumama si daddy at mommy ko para may special participation ang mga lolo’t lola na excited na rin sa kanilang unang apo.

mas malaki daw talaga si dagirl and she weighs around 0.344gms samantalang ang kapatid naman nya ay mas mababa ng kaunti ang weight division, 0.300gms si daboy.

pasag daw ng pasag at mas aggressive si big sister. huling huli pa nga ng 'bitag extreme' ang kolokoy na hine-headbutt ang kanyang mahal na kapatid. hindi na ako magtataka kung paglabas nila eh makita kong may bukol, pasa at kalmot itong si daboy. hehehe.

nauna na namin nalaman na boy ang isa sa kanila, kaya hiling talaga namin na sana girl naman yung isa. although gusto ko magkaroon ng baby boy dahil masarap itong makalaro ng mga larong pang-barako, i think one is enough. masarap din magkaroon ng baby girl dahil masarap silang maglambing at magpacute. gustu ko din magkaroon kami ng isang daddy’s girl.

ngayong confirmed na ang identity ng dalawa, makakapag-isip na rin kami ng malinaw sa wakas tungkol sa ibibigay naming pangalan sa kanila. mahirap din pala magpangalan lalo kapag hindi mo pa alam kung boy-boy or boy-girl ang magiging anak mo. dapat kasi maging bagay o angkop ang itatawag sa kanila. kumbaga, dapat relevant at may meaning kahit papano ang maging pangalan nila, hindi iyong kahit ano na lang na mapagtripan. baka sa future eh mabasa ng mga anak ko ang pangalan nila sa mga listahan ni coldman. inangkupo! hehehe.

salamat po.

Wednesday, August 13, 2008

don't lie to me

kapag meron nangta-tag sa akin para gumawa ng kahit na ano, pakiramdam ko eh para akong nahihipuan nata-touched. naisip ka kasi nila nung mga time na yon (bukod sa nautusan kang magsasagot ng kung ano ano, hehehe). nai-tag ako ng kumare kong itatago natin sa alyas na utak munggo, and here it goes:

* * *

Here’s the rule..

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go to, over and over:

dito sa qatar, parang putol ang kaligayahan ko dahil wala naman ibang mapuntahan kundi trabaho. kapag wala naman pasok, wala ako sa mood magexplore kapag ako lang mag-isa at hindi kasama si bachoinkchoink ko. isa pa, mainit kaya i'd rather stay in my room at magjack-en-poy holiholihoy.

* work / job site
* camp / recreational area (internet, billiards, beer)
* doha city center, para maiba naman kapag day-off paminsan minsan.
* repeat and repeat hanggang makauwi ng pilipinas.

2. Four people who e-mail me regularly:

* mga dating katrabaho na nagfoforward ng kung ano ano
* mga katrabaho ngayon na nagfoforward ng kung ano ano basta mahahalay
* si lina jobstreet
* si penis enlarger sales agent

3. Four of my favorite places to eat:

* ineng’s chicken inasal, with suka na kasing kulay ng diesel
* dampa sa macapagal ave
* glutton's bay sa singapore
* mcdo, anywhere

4. Four places i’d rather be:

* kahit saan basta kasama ang bachoinkchoink ko with the kutings
* kahit saang lugar basta't maiiyak ako sa kakatawa. gusto kong umiyak sa kakatawa.
* beijing, at manood ng USA basketball
* tumira sa bansa na maayos ang sistema, at bansa na ang pangalan ay hindi pilipinas

5. Four TV shows I could watch over and over:

* prison break
* nba games
* movies: kung pow / white chicks
* porno porno

6. Four people I think will respond:

* prinsesa
* prinsesa musang
* panaderos
* wei

Saturday, August 9, 2008

ang pakwan



tatlong buwan sa gitnang silangan
tatlong buwan din walang kuwan
ikaw, gusto mo ba "pakwan"
gusto ko talaga "pakwan"

Wednesday, August 6, 2008

usapang mainit

dahil masyadong exposed sa init ang mga nagtatrabaho sa isang construction facility dito sa qatar, nauuso na dito ngayon ang tuwaran tumbahan.

yes maybilabedbraderensister, you heard it right. usung-uso na dito ang torohan tumbahan.

last week, meron nang namatay sa gitna ng initan. hindi naman direktang init ang dahilan dahil nagkaroon daw ng heart stroke ang mama habang nagtatrabaho, pero pwedeng sabihin na heat related ang pangyayari. this week, dalawang beses nang nagbandera ng black flag ang management, meaning ay stop work ang mga nasa site dahil umaabot ng 60 deg celsius ang temperature. tatlo ang hinimatay noong sabado at onse naman kanina. tumbahan blues.

sobrang tindi na kasi ng humid at init dito, parang hininga na ng tao ang nilalanghap mo. pag lumalabas tuloy ako, laging lumalabo ang suot kong shades dahil sa moist na parang hiningahan ng bakulaw. lagi tuloy basang basa sa pawis ang mga trabahador pati na rin ang mga bisor. kung ipapakita nga sa tv, parang peke lang dahil parang binuhusan lang ng tubig ang epek. pero this is true to life.

tsk. ang hirap talaga kitain ng dolyar dito. pawis talaga.

* * *

speaking of hotness, bihira lang ako magka-crush sa mga negra or semi-negra, except syempre kay beyonce. yung tunay na beyonce ang tinutukoy ko ha, hindi yung kung sinu-sinong kabarkada nila chenelyn, chorvalou at cobralyn. type ko talaga ay mga babaeng mapuputi dahil naniniwala ako na opposite attracts.

pero kakapanood ko lang ng wnba kung kaya napaisip ako sa mga bagay bagay na negra or semi-negra, at eto ang ilan sa mga bihira na iyon:

candace parker, forward rookie sensation of the los angeles sparks



leilani mitchell, point guard of the new york liberty



sige na nga, isasama ko na rin ito kahit hindi siya negra. eat bulaga kasi ang huling napapanood ko sa tv sa gabi bago matulog. isa siyang eb-babe, kaya madel, itaktak mo na yaaan!

Saturday, August 2, 2008

golden pacman

medyo matagal ko nang nalaro ang fight night round 3 sa psp at nasubukan ko na din pagboksingin si pacman at golden boy. 5’6” featherweight (130 lbs) vs. 5’10” welterweight (147 lbs)? wala lang trip lang. para may challenge naman. lagi na lang kasi ako panalo kapag computer ang kalaban. ang resulta ng boxing match, nanalo ako gamit si pacman sa best of seven series sa score na 4-3.

pero dahil mukhang malapit na sa katotohanan na mangyari ang paglalaban ni pacman at ni golden boy sa totoong buhay, naisipan kong laruin ulit ang fight night round 3 sa aking psp. once and for all, this is it, no holds barred, walang rematch rematch.

kayang saktan ni pacman si dela hoya sa pamamagitan ng mga jab at hook sa tagiliran, kaliwa’t kanan. in and out style. right jab sa mukha, left haymaker sa katawan at hook naman sa kanan sabay ilag pabalik. kaso lang, hindi pwedeng hindi tatamaan si pacman lalo kapag napa-parry ni dela hoya ang mga suntok. babawi ito ng malalakas na hook sa mukha.

umabot ng round 11. basag na basag na ang mukha ni pacman. hingal kabayo na, pero poging pogi at malakas pa ang stamina ni dela hoya. pero kahit sino pwede nang bumagsak kung tatamaan ng matindi-tindi. nang biglang saluhin ng ulo ni pacman ang isang matinding left uppercut na pinakawalan ni dela hoya , tumigil ang laro.



pinutol ng siraulong referree ang laban. hindi na raw kayang ipagpatuloy ni pacman ang boxing sa dami ng pasa at sugat sa mukha. hindi malayong mangyari sa totoong buhay.



poor pacman, rich pacman. 20 million dollars in the bank! kaching kaching!

Sunday, July 27, 2008

parang kailan lang...

nitong nagdaang mga araw, lalo akong naiinip sa dalawa kong kuting. sila kasi ang mga unang anak namin ni bachoinkchoink at mga unang apo ni daddy at mommy. naglalaro na ang isip ko kung pano ko sila kakargahin at paliliguan at papalitan ng mga lampin. umaabot na rin ang imagination ko kung paano at saan kami maglalaro, kung saan kami mamamasyal at kung anu ano pa.



napapa-isip tuloy ako tungkol sa buhay buhay. sobrang nabibilisan kasi ako sa panahon. parang kailan lang kasi nung ako palang ang 'baby' ng mommy ko. meron akong natatandaang mga scenario ng mga pangyayari nung bata pa ko na sariwang sariwa pa rin na parang ilang araw o buwan pa lang ang nakakalipas.

1. paborito kong ulam noon ay tocino. hindi pa ako makalunok ng karne ng baboy noon kaya si mommy ang kumakain ng laman at ibinibigay nya sa akin ang taba. nasa bilugan kaming lamesa namin noon. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.

2. 3 years old ako noon at kapag sabado, sinasama ako ng mommy ko sa office nya sa may mabini. kabisado ko pa ang linya ng LRT mula monumento at pedro gil. gustung-gusto ko sasama dahil bukod sa nakakapaglaro ako ng computer game sa office, nakikita ko pa ang anak ng officemate ni mommy na mas matanda di hamak sa akin na crush ko. musmus pa lang, may halay na. tandang tanda ko pa ang mga araw na yon, parang kailan lang.



3. nung una akong matae sa brip nung kinder sa school, sobrang lamig ng pawis ko at sobrang nerbyos sa kahihiyan. ang ginawa ko, sumilip-silip ako sa ilalim ng mesa na kunwari may naaamoy ako na mabaho. sabay turo at sigaw ng malakas sa katabi kong si emmanuel ng "AMBAHO! MAY TUMAE!". siya tuloy ang napagbintangan at napagtawanan hanggang uwian. paguwi sa bahay, galit na galit ang yaya kong si lola rosa at ako ang pilit pinaglaba ng brip kong puno ng ipot. syempre di pa ko marunong maglaba non. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.

4. isang mainit na hapon sa graduation day nung kinder, pagka-akyat sa stage, inabot ni mrs. llenado (principal) ang kamay nya sakin. imbis na shake hands, nagmano ako. parang kailan lang.

5. tuwing kasagsagan ng init ng hapon, paborito naming past time noon ng mga kalaro ko ang manghuli ng tutubi, manghuli ng gurame at butete, at maglaro ng apoy sa basurahan (at iyan ang mga dahilan ng pagkakaroon ng lalaking nognog). tumatambay din kami sa itaas ng puno ng aratilis para magkuwentuhan ng kung anu-ano basta tungkol kay pedro at juan. tandang tanda ko pa ang mga alaala na yon, parang kailan lang.

6. nung magkasunod na ipinanganak ang dalawa ko pang kapatid, hindi ako nagselos katulad nung sa commercial ng mcdo. tuwang tuwa ako sa kanila dahil ang cucute nilang dalawa noon (hindi na ngayon. hehehe joke lang). ang liliit pa nila noon, at nauuto ko pa lagi. kapag nag-aaway, sila lagi ang magkakampi. i miss those days, parang kailan lang.



madami pa akong masasayang memory nung kabataan ko na kung iisipin ay parang kailan lang. parang masarap balikan ang ganung panahon na sa tingin ng bata, napakasimple lang ng mundo. quarter-life crisis yata ang tawag dito. naiisip ko kasi ang pakiramdam tungkol sa mundo ng mga kuting ko paglabas nila. kung ano-anong first times ang mararanasan nila na napagdaanan ko na din. sana maranasan din nila ang mga naranasan ko, childhood well spent, parang ganon.