pero dahil hindi ko pa alam na meron palang IT fair sa singapore 4 times a year, napabili na ako ng sarili kong laptop nung nagkaroon ng sale sa harvery norman, funan digitalife mall. hindi siya kasing bagsik ng discount ng IT fair pero mas maganda ang specs at perks with the same model and price sa pilipinas.
ginulat ako ng laptop ko nitong biyernes ng umaga. pagbukas ko ay dalawang beep na malalakas ang isinigaw nya sa akin. laking taka ko dahil
waepek. kanina, kinonsulta ko ang IT ng department namin kung ano kaya ang posibleng nangyari. una nyang tinanong kung ano ang tumutunog pag binubuksan ko ang power. two loud beeps ang sabi ko. parang doktor na nagreseta ng biogesic sa batang nilalagnat, ganun kabilis ang pagkakasabi nya ng "naku bro, motherboard na ang problema nyan. yun ang problema kapag dalawang beep lang ang tumutunog at walang output ang monitor".
bwakanginangyan. saka ko lang naalala na hindi ako nagvi-virus scan tuwing magsasalpak ako ng usb sa kanya. halos araw araw din yon. malamang nadali siya ng virus. ayoko naman ipagawa sa doha dahil baka tagain ako eh wala akong maipambayad dahil ang sweldo namin ay derecho sa pilipinas. mukhang maghihintay pa ako ng mahigit dalawang buwan para maipagawa at magpalit ng mother board. motherfucking board.
valid pa ang warranty pero hindi ko alam kung kasama ba roon ang kapabayaan kapag nalagyan ng virus. saka ang natatandaan ko ay sa singapore lang ito pwede ibalik. wat da ef! bakit ba naman kasi hindi ako ng scan using anti-virus?! sa susunod, ito na ang gagamitin ko para hindi ko na malilimutan magproteksiyon bago magsalpak.
34 comments:
Hahaha! Ipadala mo dito sa Singapore ang laptop mo at... si Lyzius na ang magdadala sa Harvey Norman. *LOLz*
Laki laki ng sweldo mo dyan eh bumili ka na lang ng bago. Hehehe.
Kahit na ayoko ng proteksyon, may anti-virus pa rin ang laptop ko. Hehehe....
Teka, medyo nakakalito yata ang sinabi ko. :D
at ayun na nga.. nahantong na naman tayo sa kasabihang
"ang pagsisisi ay laging nasa bandang huli."
eh, maiba ako.
ano ba yung motherboard? nanay ng keyboard?
hehe
ang sosyal mo namang magbigay ng suhol ay este regalo pala!
at talagang may proteksyon pa dapat.
kaya next time ingat!
sana maayos na yang laptop mo!
e ano gamit mong pc ngayon?
wow. sana makapunta din kami ni my man sa singapore para sa IT sale. mukang IT yun eh. lol. aba, aba bakit may proteksyon ka diyan eh wala naman si bachoinkchoink diyan ah? lagot ka.
insan GD,
hahaha iba pa ang pinagvolunteer mo. tignan ko kung mahanapan ko ng solusyon dito, kung hindi naman ay ichecheck ko kung international warranty ba ito paguwi ko ng pilipinas. nandun kasi ang resibo eh. hehehe.
panaderos,
nakakatamad kasing gumamit ng proteksyon. mas maganda yung salpak na lang ng salpak...ng usb. hahahah! =D
mareng betchay,
kahapon nga, iniisip ko kung magkano ang gagastusin ko kung sakali. tapos inisip ko na rin kung ano sana ang mabibili ko doon kaysa ipampalit sa motherboard. sannamabetch talaga.
sa tanong mo, ang pagkakaalam ko ay malayong kamaganak yun kay mother lily. choink choink. hahaha! =D
prinsesa,
pag nakumpara mo kasi ang price sa singapore kapag IT fair, makalaglag undies talaga. kaya sulit kung ipangreregalo di ba.
may internet cafe naman sa camp namin, at nagbo-blog sa office. ahehehe. =D
prinsesa musang,
hiniram ko lang yun kay kumpareng gugel, di ko naman binuksan, ibinalik ko rin agad. hehehe. =D
oo nga bakit meron ka ng ganung klaseng protection dyah ha mag-isa ka lang! heheh aminin may sideline ka ano hahahh
islander,
di naman ako nagpapapick-up tulad mo no. hahahaha! =D
baka naman low batt lang yang loptop mo....gamitan mo kaya ng dynamo, tapos naka-kabit sa stationary bike...oh di ba, habang nagco-computer ka, nakakapag exercise ka pa....LOLs
"...dito ko binili si bachoinkchoink" <--- gulat naman ako dito. kala ko sa FAIR mo nabili si mare. hehehe!
uy Ansell! yan din ang brand na binibili ko. uu, matibay kasi at kahit ilang beses gamitin hindi napupunit. HAND GLOVES na Ansell ang tinutukoy ko. Ano baaaaa!
teka teka!
si gasul ang pinsan mo di ba???? bakit ako ang iprinisintang magdala sa harvey norman????
nyahahahaha!
kakatapos lang ng IT show dito at sa katunayan kakabili lang ni gasul ng laptop nya...
...hindi ba kasing mura dito sa dubey ang gadgets kumpara sa doha? me gitex din ba jan gaya dito?
ehehe kala ko gamot yan sa kalimot..
natawa ako kay utakmunggo
hahahaha
ingat ingat kasi
sus
e yung pC ko
di ko alam
kung gaano karaming bayrus
ang inaalagaan
tsk tsk
pero kaya rin siguro
nabayrusan kasi ibang proteksiyon
ang ginamit mo!
hahaha
.xienahgirl
naku grabe naman yung virus na nakadale sa laptop mo. :( bigla tuloy akong kinabahan kasi ganun din ang gawain ko, indi ko ni-scan ang mga usb....nakupp, mamaya pag-uwi ko un ang uunahin kong gawin. :)
maganda, may moral lesson pala itong post mo hehe.. :)
ah kong,
ginawa ko na ngang lahat sa battery: nicharge, hinugasan ng alcohol, binilad sa araw (solar energy) etc etc. wala pa rin.
maru,
"ilang beses gamitin hindi napupunit" <--- at dito naman ako nagulat sa sinabi mo, akala ko ay condom nga ang tinutukoy ko. hahaha!
di pa ko nakakagamit ng ansell, kaya di ko alam kung gaano katibay iyan (hand gloves). =D
lyzius,
mabait nga yang pinsan ko eh, laging nagpiprisinta... ng iba. hehehe.
naaalala ko ang scenario sa IT show diyan sa singapore, parang nagpapanic ang mga tao sa groceries. electronics nga lang. hehehe. =D
sommer,
sorry ha, ano ba yung gitex? napkin ba yun? hahaha! =D
hindi pa ako nakakapunta ng dubai kaya di ko macompare. dito rin mura lang din daw ang electronics, hindi ko pa nga lang nasusubukan bumili. wala akong kapangyarihan dito eh. hehehe. =D
lei,
kailangan ko talaga ng gamot sa kalimot. tatlong buwan ba namang walang scan scan eh. hehehe. =D
xg,
madami ka din palang alaga sa pc mo, painumin mo ng yakult para healthy bacteria. hehehe. =D
wala nga akong ginamit na proteksyon kaya nadali ang pc ko. yung nasa picture eh susubukan ko pa lang sana kung epektib. hehehe.
aling baby,
yahooey! may katulad ko din palang hindi nagi-iscan. hehehe pero sana nakatulong ang naexperience ko dito. wag sanang matulad sa pc mo. hehehe.
oist hindi wag ansell ang gamitin mo ha. =D
baka natalsikan din yan nung nag-ano ka? di kaya? hahaha!
insan jeck,
ok lang naman kung natalsikan, good bacteria naman yun eh. ok ka ba tiyan? hehehe. =D
bro, tindi nung virus na yan. oi bakit ka may baong goma?
paltan na kasi ng bago :D
mahal ba electronics dyan?
madbong,
tinamaan yata ng sipilis itong laptop ko. bwiset. hindi akin yan, kay mr. google yan. hehehe. =D
mari,
mura lang din ang electronics dito, pero sobrang nakakapanghinayang, baka magawan pa ng paraan. hehehe.
hmmmm... ang alam ko kasi, pag nasira ang motherboard, kailangang palitan. kung cover ng warranty, dapat ipaayos na agad. if not, try to check kung ano ba ang model number ng motherboard mo at hanapan na sa ebay ng mabibilhan. or better yet, bili ka na lang ng bagong laptop jan... i believed the cost is not that bad. in fact, ung laptop ni utol na binili jan 2004 pa, until now, in good working condition pa, battery lang ang kailangang palitan.
wala lang, na-share lang... :P
shayleigh,
kung motherboard nga ang nadali nito, mas mabuti pa yatang bumili ng bago. pero try ko muna kung mahanap ko ang resibo ng warranty nito sa pinas. at kung international ang warranty. hehehe burara kasi ako eh. hehehe. =D
Post a Comment