Monday, April 27, 2009

contingency plan and the pansit

kakasabi ko pa lang na there's a 90% possibility na hindi na ako babalik sa work ko sa qatar. well, tinamaan ko ang 10%. babalik pa ako ng qatar next month, nakakatawa nga lang ang nangyari.

nakatanggap kasi ako ng job offer to work sa algeria. natapos na ang panel interview over the phone at tawaran portion, naisend na sa akin ang draft ng contract at naikwento na sa akin ang mga dapat kong i-expect tungkol sa buhay buhay doon.

medical na lang pagdating sa pilipinas ang kulang. impak, nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at nagpa-pansit para sa kaunting salu-salo. binitbit ko nang lahat ng gamit ko palabas ng qatar. pagkatapos kong magcheckin sa airport at habang naghihintay na lang ng boarding time, nagcheck ako ng email at ito ang bumungad:


biglang nabulilyaso ang lakad ko. may bago kasing regulation ang labor ministry ng algeria, just 4 days ago na hindi na sila nag-iissue ng work permits sa mga expats 28 years old below. wala na kong magagawa don, talagang 1982 lang ako ipinanganak. at hindi rin naman ako nagmamadaling tumanda kaya no regrets.

mabuti na lang, hindi pa ako nagresign sa current job ko at meron pa akong babalikang trabaho. dapat laging may contingency plan, kung hindi eh naging forever ang duration ng vacation leave ko. mahirap pa naman at global recession ngayon.

kaya babalik pa ako ng qatar, para maningil ng ipinang-pansit. tngngyn.

Saturday, April 18, 2009

that’s why I’m gonna be on the next plane home

merong 90% chance na hindi na ko babalik dito at lilipat na naman ako ng company sa ibang lugar. mukhang napangatawanan ko na ang pagiging no-permanent-address na nakalagay sa brief description ko. para tuloy akong bibitayin o may taning na ang buhay, bilang na ang mga araw ko dito.

i am now on the final stretch of my stay here in qatar at next week ay uuwi na ako sa pilipinas. ang nakakapagtaka lang, parang lalong bumagal ang oras kung kailan 5 days na lang.

kung si pacquiao ay gigil na gigil nang makipagrambulan kay hatton, ganon din ako kay bachoinkchoink. let's get ready to rumble. hehehe.

Tuesday, April 7, 2009

on wasabi and nasabi

isa sa paboritong bahog sahog ng mga japanese sa pagkain ay ang kanilang wasabi. lalo kapag isinasama ito sa toyo para sa sawsawan ng sushi o maki. pero ako, ayoko ng wasabi. hindi kasi ako mahilig sa maanghang. naalala ko rin nung sinabi ko sa amo kong hapon na hindi ako kumakain ng wasabi, para daw akong baby. hehehe.

naaalala ko rin kasi yung napanood ko sa jackasss na sinisinghot yung wasabi. adik.

pero alam nyo rin ba yung “nasabi”? eto yun:

1. noon: kapag naka-graduate ako at nagtrabaho, iti-treat ko ang mga magulang at kapatid ko kung saan-saan at ako ang magbabayad ng bills sa bahay.

ngayon: hindi ko nagawa. cannot be. php8000 a month ang una kong sinusweldo. minus daily expenses, php3000 lang ang natitira sakin. eh pano pa yung pang-girlfriend.

2. noon: nung nagtrabaho ako, isang kumpanya lang ang paglilingkuran ko hanggang tumanda.

ngayon: sa five year working experience ko, apat na ang nagiging kumpanyang napasukan ko. hindi ito maiiwasan. lalo pa’t kung aburido ka sa napasukan mo at merong nasisipat na greener pasture over the horizon. pero pangarap ko pa ring mapasama sa kumpanyang worth staying for.

3. noon: hinding-hindi ako mag-aabroad. ayoko maging ofw.

ngayon: lahat ng kumpanyang pinasukan ko ay required akong lumabas ng pilipinas. ayos din naman, maliit ang sweldo ng mga engineers sa pilipinas.

4. noon: hangga’t maaari, hindi ako pupunta ng middle east para magtrabaho.

ngayon: no choice, nandito ang greener pasture. hindi maiiwasan lalo pa’t global recession, kakaunti ang choices for a place to work.

5. noon: lalong hinding-hindi ako pupunta sa africa para magtrabaho din.

ngayon: ika nga nila, we can never really can tell (bwahaha). niluluto na. tanginang greener pasture yan.


isa lang ang ibig sabihin non, ang dami ko na palang nakain na nasabi. nagiging favorite ko na nga siya. kayo nakakain na ba kayo ng nasabi? try nyo.

Saturday, April 4, 2009

i get high with a little help from my friends

akala namin, best in uniform at best muse lang ang mapapanalunan namin dito sa sinalihan naming basketball tournament sa doha. meron pa pala.

biruin mo nga naman, mula nung talo namin noong opening, we are on a two game winning streak. 2-1 na ang standing namin. and we did it on a spectacular fashion dahil parehong tambakan ang kalaban. although wala ako noong third game dahil meron akong pasok. call of duty.


three point shooting ang assignment ko sa team. ako ang outside threat kapag nagkakarambulan na sila sa loob. magaling daw kasi ako mag-shoot. you know, shoot. nakakatuwa nga dahil tuwing makaka-shoot ng three points, meron pang sound effects na tutugtog na "jumbo hotdog kaya mo ba to? kaya mo ba to?", at sasagot naman ang kasama naming bading ng "kaya ko yan! kaya ko yan!".

pero wala pa rin ako sa galing sa shooting ni chroneicon. talo kasi kami ni lv sa kanya noong nagpustahan kami last year.