Showing posts with label wala lang. Show all posts
Showing posts with label wala lang. Show all posts

Monday, January 17, 2011

look up, look up

muntik ko nang hindi makita na si luke mijares pala yung nakasalubong ko sa escalator nung nagpunta kami sa mall kahapon.

muntik ko ng hindi makita dahil nakatingin ako sa cleavage ng girlfriend nya.

Saturday, November 13, 2010

naisip ko lang

eh ano kaya kung unti-unting ipinusta ng pilipinas ang utang nitong mga dolyar sa tuwing may laban si pacquiao sa amerika, siguro bayad na tayo sa mga utang natin sa ibang bansa.

ano nga kaya?

Thursday, November 4, 2010

Wednesday, October 13, 2010

caught on bad

"time to wake up! time now is... four forty-five AM..."

"shit, nag-snooze na naman pala ang alarm ko."

nagising ang lalaki sa tunog ng kanyang alarm clock. nagmamadali siyang tumayo at pupungas pungas na pumunta ng banyo.

tumingin sa salamin. tinitigan ang sarili. ngumiti.

nagsipilyo. naligo. nagba....nlaw, nagbanlaw. nagpunas. nagbihis. lumabas ng banyo.

"gusto ko magtimpla ng chocolate drink. kaso male-late na ko. hayun! buti na lang nandito pa yung bote ng gatas na ininuman ko kagabi. dito ko na lang isasalin ang chocolate at dito ko na lang iinumin", ang wika ng lalaki sa kanyang sarili.

patay pa ang ilaw sa silid dahil natutulog pa ang kanyang roommate.

binuksan ang bote. isinalin ang chocolate powder. naglagay ng maligamgam na tubig. shake. shake. shake.

lumabas ng bahay. naglakad papunta sa sakayan ng bus. binuksan ang bote. tinungga. lunok. lunok. may nakapa ang kanyang dila na magaspang.

"siguro'y buo-buo pa ang chocolate, hindi pa siguro nahalo na mabuti. hayaan mo na siya", ang sabi ulit ng lalaki sa kanyang sarili. hindi pinansin ang nakapa ng dila na magaspang. tuloy sa paglagok.

"puta, bakit parang may stick?!"

kinabahan. kinagat ng lalaki ang 'stick' sa kanyang iniinom na chocolate at hinila palabas ng bote. idinura sa lupa.

at doon tumambad ang naghuhumindig na dalawang pirasong cotton buds na kanya palang ginamit kinagabihan at itinapon sa loob ng bote ng gatas na walang laman.

lumingon-lingon. walang nakakita. masuka-suka si lalaki.

end of story.


moral lesson: dispose your trash properly.

trivia: the lalaki is me.

Monday, January 11, 2010

Friday, January 8, 2010

new face of KFC

ang bagong mukha ng KFC, ang kupal floyd chicken.



galing sa KFC Pacland Branch.

Sunday, January 3, 2010

first two days

sabi nila, kung ano raw ang ginawa mo sa simula ng taon ay siyang mangyayari sayo sa kabuuan ng taon. puwes, hindi ko gusto ang mga nangyayari. dahil ang simulang dalawang araw ng 2010 ko ay:

day 1 - pumasok sa work nang bangag at puyat dahil naglasing kinagabihan

day 2 - pumasok sa work nang hindi nakaligo dahil late nagising

kaya ngayon pa lang habang maaga pa, itinigil ko na ang paniniwala sa kasabihang nabanggit sa itaas. so much for the 'start the new year right' attitude.

Thursday, December 31, 2009

i think i'm fallin'....

luna.



fallin' luna.


happy new year everyone!

Monday, December 28, 2009

free as a bird

malamig na dito. sa umaga pagkagising talaga namang pahirapan sa pagbangon ng alas-kwatro y medya. lagi akong nagdadalawang isip pumasok dahil sa ang sarap pa ituloy ng tulog. paglabas ko naman ng bahay, gumuguhit sa ilong ang lamig.

pero kanina, ibang klaseng lamig ang naramdaman ko. kahit may suot akong makapal na jacket, tumatagos pa rin sa kaloob looban ang lamig. inisip ko nga climate change na talaga. sumosobra na ang lamig kapag december sa middle east. pagtagal pa siguro magkaka-isnow na dito.

pero bandang hapon ko na nalaman kung bakit ganon na lang ang lamig na nararamdaman ko sa maghapon. eto ang salarin.

Sunday, December 13, 2009

carry that weight

just last week, pinilit ko na naman ang sarili kong bumalik sa gym para magbuhat at magpapawis. i am standing 5 foot 10 inches tall and lying down 5 inches only and weighing 175 lbs. kung titignan ang body mass index ko, slightly overweight. kumbaga sa boksing, nasa light heavyweight division na ko.

kailangan patigasin ko ulit ang aking mga muscles. 27 years old pa lang ako pero mukha nang pang-silhoute kwarenta ang katawan ko.

pero ang kinakatakot ko talaga, baka paglabas ng anak ko at pagkarga ko sa kanya eh sakin siya dumede (read: man-boobs).

Thursday, November 19, 2009

engk engk

sa family feud...

richard gomez: magbigay ng bagay na hinihipan?

contestant: condom?

richard gomez: tignan natin ang sabi ng survey...

engk engk.

condom amputcha.

Thursday, October 15, 2009

read more

sa wakas, sinipag ako at natutunan ko na rin kung paano lumalabas sa blogger yung "read more..." na option para maputol ang post at maipagpatuloy sa susunod na page.

kung alam mo na kung papano, press "CTRL + F4".

kung hindi pa at gusto mo malaman, eh di click read more.



1. pumunta sa Blogger Dashboard. click layout, then edit HTML


2. tick Expand Widget Templates


3. type Ctrl-F at hanapin ang code na to:
4. isingit ito before the code:
then ilagay naman ito after ng code:
it will look like this
7. then click Save.

8. balik tayo sa Blogger Dashboard. click Settings, then Formatting.


9. hanapin ang Post Template sa ibaba at i-type ang ganire:



tapos na. ngayon, kapag gumawa ka na ng post, ilagay angpagkatapos ng gusto mong mailagay sa first page. at ilagay angsa pinakahuling part ng post.

Thursday, September 24, 2009

the lonely hearts club band

gusto ko ng ganitong t-shirt. the lonely hearts club band ang tawag ko sa kanila, na gawa ni christian san jose. astig 'di ba?



sino pa bang hindi nakakakilala sa kanila? sumikat na tuloy ang magkakabarkadang 'to. nasan na kaya sila? ano na kayang itsura nila ngayon? buhay pa kaya sila?

Monday, September 21, 2009

old manila

kapag napupunta ako ng manila, bumabalik sa isip ko yung years ko noong college. araw-araw, back and forth from valenzuela. sumasakay ng tricycle at jeep papuntang monumento, lrt, bababa sa central station at maglalakad papuntang intramuros. isa't kalahating oras ang byahe one way. hindi ako kumuha ng boarding house dahil iba pa rin ang comfort ng umuuwi sa sariling bahay. libre kain, libre tubig/kuryente, libre laba, pati ligpit ng kama libre na rin. hehehe.



kapag nasa biyahe, ginagawa kong libangan ang pagsa-sight seeing ng mga cute na mga students na nakakasabay at nakakasalubong ko. pero i had this conclusion na halos karamihan (80%) ng mga students ng UST ay magaganda, lalo na kapag white dress ang uniform. sa intramuros area, nandiyan ang mga girls ng lyceum (40%) at letran (30%). (note: ang mga percentages ay sariling haka-haka ko lamang) eh ang sa mapua? okay, next topic.

ngayon, kapag nasa bakasyon at mapapadaan ako ng manila, binabalikan ko pa rin ang porkchop ni manang na makikita isa sa mga stalls sa pader ng intramuros. makikita ito sa gitna ng mapua at lyceum. masarap ang pagkakaluto ng porkchop with her patented sauce na talaga namang di mo makakalimutan sa sarap.

saan ba patungo itong post ko na 'to? hindi ko din alam. nakita ko lang kasi sa inbox ko itong old pictures ng manila. mga panahong buhay pa ang mga magulang ng mga lolo't lola ko. mga panahong puro kalabaw at kabayo pa lang ang means of land transportation.

binondo early 1900's


escolta year 1884

gate to intramuros late 1800's

gateway to fort santiago


ilog pasig 1900's

luneta park 1900's: wala pa halos mapupwestuhan ang mga mahihilig mag-quickie.

napakahirap palang magplantsa noon, pero kahit madali na lang ngayon, tamad pa rin ako magplantsa. hehehe.


ang malacanang noong panahong hindi pa niya kailangan ng gates at sandamakmak na pulis para bantayan ito

may tram din pala sa atin noon. 1900's

san sebastian church and hidalgo street

sampaloc street



Saturday, September 12, 2009

baby under construction

today marks the first birth and death anniversary of our twins. ang bilis ng panahon! kung tutuusin, dapat kalimutan na lang para hindi masakit kapag inaalala pa. pero it also marks the day when my beautiful wife was given her second life. dahil lalong malalagay sa panganib ang buhay nya kung patatagalin pa ang mga babies sa kanyang sinapupunan. kumbaga, nailabas ang mga babies in the nick of time. at iyon ang gusto naming alalahanin sa araw na 'to, thanksgiving.

bachoinkchoink is in her 18th week of our third baby. so far so good, very very good compared last year. kung totoo yung kasabihang kapag maganda at blooming ang buntis ay babae ang magiging baby nya, siguro ay babae na naman ito (pero kapag humarap siya sa akin sa webcam nang hindi pa naliligo, wari ko ay lalaki. hehehe).

binibiro ko nga siya. sabi ko next year ulit gawa kami baby para blooming siya ulit lagi. hehehe. bisyo na 'to.

(ninenok lang ang larawan dito)

Friday, August 28, 2009

sweet child in me

paborito kong panoorin ang prison break. impak, paulit-ulit ko itong pinapanood mula season 1 for the past 3 years na naka-save ito sa ipod ko.

one busy day sa work, biglang naisip kong gayahin at gawin din ang paper crane na laging hawak ni michael scofield, and i named her 'silver'.



at dahil mas magaling daw ako kaysa kay michael scofield, gumawa na rin ako ng frog named 'echo'. parang ginutom tuloy ako, sarap ipirito ng mga legs.



but wait, there's still more! here's 'puff' the colorless dragon.



apat sila. itong huli ang pinaka-leader sa kanilang lahat. siya si 'spandex' the t-rex.



itong si puff at spandex din ang pinaka-talented sa kanila. pag sumigaw si spandex ng "let's volt in!", automatic na lumilipad si puff paatras kay spandex para mag"volt-in". *insert voltes V music here*. at sila'y tatawaging the horny jurrasics.



teka lang. nasabi ko bang busy ako sa work?

Friday, August 21, 2009

solomon's key

naiwala ko na naman ang susi ng kwarto ko sa ikalawang beses ngayong linggo na 'to. una ay noong nakaraang araw lang. bigla na lang nawala sa bulsa ko, nahulog siguro noong tuma-tumbling ako sa trabaho. at kanina yung pangalawa, naiwan ko sa tray noong nagbreakfast ako. hindi naman napansin nung nagliligpit. buti na lang madaling makakuha ng duplicate dito, may bayad nga lang na QR10 (Php130) per lost key.

hindi lang yan, naiwala ko rin months ago ang susi ng opisina namin sa site. at ang mahusay pa nito, wala pala itong duplicate key. kaya sinira na lang ang pinto para lang may makapasok at pinalitan na lang ng padlock, yung parang sa mga gate ng mga bahay. at least, sikat ako.

pero ang hindi ko talaga malilimutan ay noong naiwan ko ang susi sa loob ng nai-lock ng kotse. kakain kasi kaming magkakapatid sa wendy's sa may MCU, monumento. nilock ko nang manual pagkalabas namin ng kotse, huli na ng maalala kong nakakabit pa pala ang susi sa loob. pinagpawisan ako ng malamig. naisip ko na sana meron akong kakilalang carnapper para sa kanya ko papabuksan yung sasakyan. no choice kundi pinapunta ko ang daddy dala ang duplicate ng susi ng sasakyan. at humanda sa umaatikabong sermon. buti na lang, cool ang pamilya ko. at pinagtatawanan na lang namin ang nangyari na yon.

moral lesson of the story? wala. burara pa rin ako sa susi hanggang ngayon. buti pa nga siguro para hindi na nawawala, lagyan ko ng keychain at gawing hikaw sa aking "you-know-what".

Friday, August 14, 2009

available upon request

early next year, matatapos na ang project namin dito sa qatar. iyan ang disadvantage kapag nasa construction industry ka. nothing is permanent. pagkatapos ng construction, maghahanap na naman ng panibagong project na itatayo ng mga multi-national companies. bagong adventure, bagong pakikisama. you have to go to different parts of the world at kadalasan, kung hindi sa middle east, sa mga isolated areas itinatayo ang mga oil and gas refineries.

kaya nananawagan ako sa gma-7 o kay idol manny pacquiao na kung ayaw na niya sa co-host nya sa "pinoy records" na si chris tiu, available upon notice naman ako. nandito pa ako sa qatar pero kung gusto niyong makita ang picture ko para inyong masuri, please see attached.



thank you and i am hoping for your immediate reply.

(tik tik tik) tikman mong kamao (kamao)... (tik) tikman mong kamao!

Saturday, August 1, 2009

ang iche-chemo

kapag may pumuputok na balita na may namatay na naman dahil sa cancer, medyo natatakot ako at nanlulumo. nakaka-takot lang yung hassle ng matinding gamutan by chemotherapy. siguro mali ako dito, pero parang lalo pang napapabilis ang pagkamatay ng tao dahil sa epekto ng radiation ng chemotherapy. mamamatay ka na nga lang, mamumutla at makakalbo ka pa ng tuluyan.

idagdag mo pa ang umaatikabong gastusan. yung ilang taon mong pinaghirapan at inipon eh mapupunta lang halos lahat sa ipampapagamot mo imbis na sa pamilya nakalaan. tsk. yan ang nakakatakot sa tumatanda, ang paglitaw ng kung anu-anong sakit.

kaya kapag may lumilitaw na mga casualty ng cancer na dumaan sa chemotherapy, nagkakaroon ako ng realization. kailangang ingatan ang katawan habang maaga pa, tignan mabuti ang kinakain at palaging may exercise tulad ng basketball. kung lalake ka, isama mo na rin ang pagja-jakol araw-araw. iwas prostate cancer din daw yon. at kung babae ka naman, pupwede kang tumulong sa mga lalake para iwaksi ang paglaganap ng prostate cancer.

pero ang pinakamatindi don kung ayaw mong magkaron ng cancer, wag ka na lang magpunta ng doktor. at siyempre pa, ito ay joke lang.

* * *


dati ko nang nabasa sa abante ang joke na to, pero benta pa rin sakin pag naaalala ko:

lola: dok, ano ho ang gagawin ninyo sa akin?

doktor: che-chemo lola...

lola: aba'y ang bastos nito ah! titi mo rin!

Monday, July 20, 2009

gg

buti dito sa qatar, hindi masyadong nakaka-dagdag sa pagka-homesick pagdating sa pagkain. pagkaing pinoy pa rin kasi ang ihinahain sa amin. dahil sa majority ng empleyado dito sa kumpanya ay pinoy kaya meron talagang allotted na mess hall para sa mga pinoy (meron din sa mga puti at itik).

impak, ang sarap ng almusal ko kanina. crispy daing na galunggong with sinangag. binababad ko muna sa suka bago ko isubo, pati ulo hindi ko na pinatawad sa lutong. kung hindi nga lang ako natatakot na sumabit sa lalamunan ko baka kinain ko na rin pati buntot. tumingin din ako sa salamin pagkatapos dahil baka mukha na pala akong bangkay sa putla ng labi ko dahil sa suka. deym! naglalaway na naman ako.



buong araw nga kanina, kada buka ng bibig ko ay yung daing na galunggong na yun ang laman pa rin ng isip ko. bakit? hindi kasi tumalab ang toothpaste sa tapang ng amoy ng galunggong. buong araw tuloy akong conscious sa pagsasalita at tikom ang bibig.


ang larawan ay hiniram dito.