Saturday, September 12, 2009

baby under construction

today marks the first birth and death anniversary of our twins. ang bilis ng panahon! kung tutuusin, dapat kalimutan na lang para hindi masakit kapag inaalala pa. pero it also marks the day when my beautiful wife was given her second life. dahil lalong malalagay sa panganib ang buhay nya kung patatagalin pa ang mga babies sa kanyang sinapupunan. kumbaga, nailabas ang mga babies in the nick of time. at iyon ang gusto naming alalahanin sa araw na 'to, thanksgiving.

bachoinkchoink is in her 18th week of our third baby. so far so good, very very good compared last year. kung totoo yung kasabihang kapag maganda at blooming ang buntis ay babae ang magiging baby nya, siguro ay babae na naman ito (pero kapag humarap siya sa akin sa webcam nang hindi pa naliligo, wari ko ay lalaki. hehehe).

binibiro ko nga siya. sabi ko next year ulit gawa kami baby para blooming siya ulit lagi. hehehe. bisyo na 'to.

(ninenok lang ang larawan dito)

20 comments:

Reesie said...

huwaw!!! congratulations! wish your wife and your baby good health!God bless your family! :D

gilbert said...

di ko alam yung tungkol sa kambal... sayang naman yun... at least may mga angel na nagbabantay na sa inyo ngayon.

antuken said...

actually, i admire your wife kse hindi sya nag-alinlangan maging pregnant muli. i had a friend na stillborn ang baby. after that she was so depressed at ayaw na nya mag-baby ulet.

buti kayong 2 you see the good dito sa palagay ko'y tragic moment na to.

RJ said...

Sa first birth and death anniv ng kambal, may isa namang napakagandang balita. 18th weeek na! 18 weeks more to go. Congrats, bro! U

Teka, nasaan ba si Bachoinkchoink?! Bakit 'webcam'? Akala ko kasi kasama mo siya diyan sa Doha.

BlogusVox said...

I've known about the twins, dahil kinukwento mo ito dito noon. But I didn't know na hindi pala sila nagtagal.

Triplehin mo nalang pards ang iyong pagmamahal sa baby nyong ito. I wish them (wifey and baby) good health.

Traveliztera said...

congrats! last year may have brought u guys to a rocky road (ansarap ata ng ice cream na un) pero we all know that it was a huge test for you both probably for certain reasons... :) and now you're blessed with another and since everything's going well right now, i know that this is your reward for having been able to make it last year. : ) keep on with ur faith! :)

aun o. nakakadugo sinabi ko haha.

rolly said...

Okay ka rin ha. buti hindi nagagalit sayo si misis at binibiro mo sya sa blog mo. Hala ka, baka pag uwi mo babanatan ka nya. haha

p0kw4ng said...

huwaw buti naman at okay sya ngayon...

blooming ako nong buntis ako..(tingin ko yun ha) pero lalaki ang anak ko...baka mali yung salamin namin,hihihi

sana good health ang baby at si bachoink palagi!

RJ said...

reessie, thank you.

gilbert, i wonder how they would look like if they survive. sabi identical pa naman daw silang dalawa.

RJ said...

antuken, yup. she is very brave indeed. di ko rin akalain na papayag siya ulit na magbaby kami after that incident.

RJ, yup. siya ang inaasahan namin to ease those pain. paglabas niya eh yung ang idudulot nya sa aming lahat tiyak.

nope, ako lang ang nandito sa qatar. at naiwan siya sa pinas habang pinagbubuntis si bunso.

RJ said...

blogusvox, salamat pards. hindi na nga ko makapaghintay umuwi next year, magiging tatlo na kami sa wakas. hehehe.

steph, huge test nga. pero buti binigyan kami ulit ng panibago. yung iba kasi hirap din makabuo.

tinakam tuloy ako sa rocky road mo. hehehe.

RJ said...

tito rolly, sinasabi ko rin sa kanya yun kasi lagi. sanay na siguro. hehehe.

pokw4ng, di ko nga alam kung may scientific explanation ba yun kung talagang kapag blooming ang buntis, malamang eh babae ang baby nya. hindi pa rin naman sumasablay sa mga nakikita kong buntis.

Anonymous said...

isang taon na yun?
naalala ko pa nung nabalitaan ko

magbaby lang kayo ng magbaby
hanggat kaya!
ikalat ang magandang lahi
hahahaha











.xienahgirl

lyzius said...

thanks be to God!

wag gagalitin si bachoingkchoink ha...

eto lang ang time ng mga misis na maginarte ng legal...

bwahahahaha

Anonymous said...

ang bilis talaga ng panahon.alala ko pa dati, halos sabay ipinagbuntis ang kambal mo at si liloboy ko. pareho taung nalagay sa pagsubok. at pareho taung nakabangon.

God Bless pare. gudluck sa magiging baby mo.antayin ko na lang ung pix nya d2. :)

RJ said...

xienah, masarap nga siguro kung nabuhay tayo noong araw no. yung kahit sampu ang anak eh kaya mong pakainin basta meron ka lang lupang tataniman. masarap kasi pag madami.

ewan ko lang kung masarap para sa mga nanay. hehehe. pero siguro oo, kasi masaya ang lola ko eh.

RJ said...

lyzius, mabait naman ang misis ko talaga. ngayong buntis siya, mabait pa rin siya. siguro dahil hindi naman gaano masama ang pakiramdam nyang magbuntis ngayon.

dagdag mo na rin siguro na hindi nya ako maabot para masabunutan dahil malayo ako. hehehe.

RJ said...

kuri, oo nga ang bilis ng panahon. kaya nga kapag nakikita ko ang baby mo eh naiisip ko rin ang kambal na ganyan na din sana sila kalaki ngayon. salamat.

UtakMunggo said...

isang taon na pala yun parekoy..

natutuwa ako't may bagong baby na parating. blooming ka ba parekoy? kasi kapag yung ama raw ang blooming, lalaki ang anak. ahihihi (gumawa na naman ako ng sariling script)

RJ said...

marekoy, ako nga itong nalolosyang eh. kaya babae nga siguro ang malikot na baby sa loob. hehehe. :D