Monday, September 21, 2009

old manila

kapag napupunta ako ng manila, bumabalik sa isip ko yung years ko noong college. araw-araw, back and forth from valenzuela. sumasakay ng tricycle at jeep papuntang monumento, lrt, bababa sa central station at maglalakad papuntang intramuros. isa't kalahating oras ang byahe one way. hindi ako kumuha ng boarding house dahil iba pa rin ang comfort ng umuuwi sa sariling bahay. libre kain, libre tubig/kuryente, libre laba, pati ligpit ng kama libre na rin. hehehe.



kapag nasa biyahe, ginagawa kong libangan ang pagsa-sight seeing ng mga cute na mga students na nakakasabay at nakakasalubong ko. pero i had this conclusion na halos karamihan (80%) ng mga students ng UST ay magaganda, lalo na kapag white dress ang uniform. sa intramuros area, nandiyan ang mga girls ng lyceum (40%) at letran (30%). (note: ang mga percentages ay sariling haka-haka ko lamang) eh ang sa mapua? okay, next topic.

ngayon, kapag nasa bakasyon at mapapadaan ako ng manila, binabalikan ko pa rin ang porkchop ni manang na makikita isa sa mga stalls sa pader ng intramuros. makikita ito sa gitna ng mapua at lyceum. masarap ang pagkakaluto ng porkchop with her patented sauce na talaga namang di mo makakalimutan sa sarap.

saan ba patungo itong post ko na 'to? hindi ko din alam. nakita ko lang kasi sa inbox ko itong old pictures ng manila. mga panahong buhay pa ang mga magulang ng mga lolo't lola ko. mga panahong puro kalabaw at kabayo pa lang ang means of land transportation.

binondo early 1900's


escolta year 1884

gate to intramuros late 1800's

gateway to fort santiago


ilog pasig 1900's

luneta park 1900's: wala pa halos mapupwestuhan ang mga mahihilig mag-quickie.

napakahirap palang magplantsa noon, pero kahit madali na lang ngayon, tamad pa rin ako magplantsa. hehehe.


ang malacanang noong panahong hindi pa niya kailangan ng gates at sandamakmak na pulis para bantayan ito

may tram din pala sa atin noon. 1900's

san sebastian church and hidalgo street

sampaloc street



20 comments:

RJ said...

Laking Mindanao ako, kaya nu'ng makarating ako ng Maynila noong 1996, inaasahan kong 'Old Manila' pa rin ang masasaksihan ko base sa mga obra ni Pepe. Well, nagkamali ako.

Pero kahit na makabagong Maynila na ang aking naabutan, gustung-gusto ko pa ring magawi sa Maynila noong sa Luzon pa ako nagtatrabaho. Sa totoo lang, tapos na ako ng college nu'ng ma-appreciate ko ang HeKaSi subject ko noong elementary.

Salamat sa post na ito. Buhaying Muli ang Maynila! U

Traveliztera said...

Nakakamiss pare (parang nabuhay ako dati sa panahon na yan e noh? hahaha) ... ewan... pumapanget na ang mundo e.

gilbert said...

1990's o 1890's? medyo nalito ata ako sa dates...

LoV said...

grabe din ang byahe ko nung college..from cavite to manila..isang bus lang naman sinasakyan ko kaso ang haba ng byahe..

namiss ko na din intramuros.i miss better, namiss ko ung lechon kawali sa may tapat ng lyceum..namiss ko na din tumambay sa may gutter near parian..namiss ko si nanay na nagbebenta ng candy at yosi sa tapat ng lyce..

at talagang 40% lang ang pretty girls from lyceum?hmp!!jk..

makadalaw nga sa intra paguwi ko ng pinas..

RJ said...

doc rj, wala naman akong probinsiya. kaya hindi na ako nashock nung mag-aral ako ng college sa manila. alert lang ako sa mga holdaper. hehehe.

RJ said...

pareng steph, parang sabog lang, pare. hahaha. sarap lang isipin kung pano kaya kung nabuhay tayo noong black and white pa lang ang mundo. yung relax pa ang pamumuhay at hindi minamadali ang lahat.

RJ said...

gilbert, binago ko na bossing. pati ako nalito eh. hahaha. :D

RJ said...

lov, yup. alam ko din ang hitsura at pakiramdam ng mga taong sa cavite umuuwi. wasted na rin katulad ko pagdating sa opisina. hehehe.

better? ito ba yung bilyaran? hindi kasi ako nagagawi doon eh. yung lechong kawali, hmmm (tulo laway).

40% lang talaga ayon sa aking photographic memory. pero malay mo kasama ka naman don sa 40% na yun. hehehe.

LoV said...

better, tama ka..un ung bilyaran na 2 floors tapos dorm sa taas paglagpas lang ng lyceum..

sana nga kasama ako sa 40%..lolz..

siguro nga nagkasalubong na tayo dati..

ang tagal ko kumakain sa wall pero di ko natry ung pork chop na sinasabi mo..parang i miss 1/4 of my college life..

p0kw4ng said...

ang gandang tingnan ng ilog pasig pala non..daming bangka at nawindang ako sa mag iina..namamalantsa ba yun? grabe,hihihi

jeck said...

nostalgic ang post mo ha. madalas din ako dyan sa intramuros nung nag-aaral pa ako sa PNU. dyan din kasi yung church namin noon kaya paikot-ikot lang din ako dyan. hehe

masarap balikan ang masarap na sisig sa san marcelino street. :)

BlogusVox said...

Meron kaming kasabihan dati tunkol sa chicks:

Pag si Maria maganda at nag-aaral sa LaCo - yan si Maria taga LaCo.

Pag si Maria maganda at nag-aaral sa Usti - yan si Maria taga Usti, maganda.

Pag si Maria maganda at nag-aaral sa Mapua - yan si Maria taga Mapua, napakaganda! : )

RJ said...

lov, tsk. nagutom tuloy ako sa porkchop. paguwi ko next year pupunta ako doon.

RJ said...

pokw4ng, ganda siguro ng manila noon napakalinis. ang tubig eh parang yung mga dinadayo natin sa mga probinsya. ganda talaga ng pilipinas.

UtakMunggo said...

ang galing! napakaganda ng old manila! natats ako parekoy sa mga houseboats sa pasig. siguro andaming biyaya ng ilog pasig noon kasi magkakatabi mga houseboats.

naimagine ko kung hanggang ngayon kabayo at karitela pa rin ang means of transpo, ano kaya ang itsura kapag traffic? ahhaha

GANDA TALAGA!!!!

RJ said...

insan jeck, sisig ng san marcelino? hindi ko ata nadaanan yun. andami ko ngang gustong balikan tuwing nagbabakasyon ako ng pilipinas.

RJ said...

blogusvox, hindi ko nagets yung joke pards. kumbaga dahil ba maganda na nung pumasok si maria kaya talagang maganda lang siya? hehehe.

RJ said...

marekoy, hanggang ngayon nama'y meron pa ring magkakatabing house along pasig. hindi nga lang boats, mga squatters. kaya imaginin na lang natin na lahat ng dumi at sewage nila eh doon ang takbo directly. nakakapanghinayang ang ganda ng manila, nababoy.

kung kabayo pa rin ang gamit ngayon at trapik? hmmm. amoy tae ang buong manila. hehehe.

Jerick said...

ganda talaga. the best yung colgante bridge. siya yung alam nating ayala bridge ngayon.

RJ said...

jepoy, saan nga pala yung ayala bridge?