Friday, August 28, 2009

sweet child in me

paborito kong panoorin ang prison break. impak, paulit-ulit ko itong pinapanood mula season 1 for the past 3 years na naka-save ito sa ipod ko.

one busy day sa work, biglang naisip kong gayahin at gawin din ang paper crane na laging hawak ni michael scofield, and i named her 'silver'.



at dahil mas magaling daw ako kaysa kay michael scofield, gumawa na rin ako ng frog named 'echo'. parang ginutom tuloy ako, sarap ipirito ng mga legs.



but wait, there's still more! here's 'puff' the colorless dragon.



apat sila. itong huli ang pinaka-leader sa kanilang lahat. siya si 'spandex' the t-rex.



itong si puff at spandex din ang pinaka-talented sa kanila. pag sumigaw si spandex ng "let's volt in!", automatic na lumilipad si puff paatras kay spandex para mag"volt-in". *insert voltes V music here*. at sila'y tatawaging the horny jurrasics.



teka lang. nasabi ko bang busy ako sa work?

Friday, August 21, 2009

solomon's key

naiwala ko na naman ang susi ng kwarto ko sa ikalawang beses ngayong linggo na 'to. una ay noong nakaraang araw lang. bigla na lang nawala sa bulsa ko, nahulog siguro noong tuma-tumbling ako sa trabaho. at kanina yung pangalawa, naiwan ko sa tray noong nagbreakfast ako. hindi naman napansin nung nagliligpit. buti na lang madaling makakuha ng duplicate dito, may bayad nga lang na QR10 (Php130) per lost key.

hindi lang yan, naiwala ko rin months ago ang susi ng opisina namin sa site. at ang mahusay pa nito, wala pala itong duplicate key. kaya sinira na lang ang pinto para lang may makapasok at pinalitan na lang ng padlock, yung parang sa mga gate ng mga bahay. at least, sikat ako.

pero ang hindi ko talaga malilimutan ay noong naiwan ko ang susi sa loob ng nai-lock ng kotse. kakain kasi kaming magkakapatid sa wendy's sa may MCU, monumento. nilock ko nang manual pagkalabas namin ng kotse, huli na ng maalala kong nakakabit pa pala ang susi sa loob. pinagpawisan ako ng malamig. naisip ko na sana meron akong kakilalang carnapper para sa kanya ko papabuksan yung sasakyan. no choice kundi pinapunta ko ang daddy dala ang duplicate ng susi ng sasakyan. at humanda sa umaatikabong sermon. buti na lang, cool ang pamilya ko. at pinagtatawanan na lang namin ang nangyari na yon.

moral lesson of the story? wala. burara pa rin ako sa susi hanggang ngayon. buti pa nga siguro para hindi na nawawala, lagyan ko ng keychain at gawing hikaw sa aking "you-know-what".

Friday, August 14, 2009

available upon request

early next year, matatapos na ang project namin dito sa qatar. iyan ang disadvantage kapag nasa construction industry ka. nothing is permanent. pagkatapos ng construction, maghahanap na naman ng panibagong project na itatayo ng mga multi-national companies. bagong adventure, bagong pakikisama. you have to go to different parts of the world at kadalasan, kung hindi sa middle east, sa mga isolated areas itinatayo ang mga oil and gas refineries.

kaya nananawagan ako sa gma-7 o kay idol manny pacquiao na kung ayaw na niya sa co-host nya sa "pinoy records" na si chris tiu, available upon notice naman ako. nandito pa ako sa qatar pero kung gusto niyong makita ang picture ko para inyong masuri, please see attached.



thank you and i am hoping for your immediate reply.

(tik tik tik) tikman mong kamao (kamao)... (tik) tikman mong kamao!

Wednesday, August 12, 2009

a present from trishabiik

after almost one and a half years ng blog na 'to, sa wakas, nakatikim din ng totoong header. congrats to you, blog! siguro naawa na ang original at nag-iisang trishabiik kaya nagkusa na siyang igawa ako. (original at nag-iisa dahil wala na daw dapat na iba pa. copyright na n'ya daw yon. labas ako diyan. hehehe.)


ps: thank you! thank you! bilang gantimpala, bibigyan kita ng 25% discount sa ibibigay mong regalo paglabas ng pamangkin mo next year. deal?

Sunday, August 9, 2009

Monday, August 3, 2009

baby if you strip you can get a tip coz i like you just the way you are

kakakuha lang ng aking maganda/buntis kong asawa ng full video ng aming kasal sa softshots, ang nagcover ng event, sa baliuag. dati pa ready ang video pero ngayon lang niya nakuha dahil laging masama ang pakiramdam nya gawa ng naglilihi pa siya nitong mga nakaraang linggo. buti na lang to the rescue ang daddy at mommy at sila na ang nagpunta ng baliuag, ipapa-copy pa kasi ito para mapanood ng mga lolo at lola ko na hindi nakapunta sa kasal namin. hirap na kasi silang bumiyahe, kaya sabi ko na lang sa kanila abangan na lang nila ng live sa channel 2 ang kasal namin. ewan ko lang kung tinotoo nila.


isa sa highlights ng wedding namin ay ang first dance. we were doing a traditional slow dance nang masira ang music at magmix into the way i are, courtesy pa rin ni twin brother. doon nagsimula ang semi-showdown namin ni bachoinkchoink sa paghataw ng damoves. pero ang asawa ko lang naman talaga ang humataw, nagpatawa lang ako. hehehe.

kung hindi magplay ang video sa ibaba, pwedeng magpunta doon sa malaking screen ng mercury sa may quiapo i-click dito.

maraming salamat kay joel pangilinan aka mr. scooby. siya ang gumawa ng sde (same day edit) namin na still showing pa rin kung pindutin nyo yung picture diyan sa gilid. meron siyang post tungkol sa wedding namin dito at dito. ang galing nyo, sir! good job! magrerequest pa nga sana ako na baka pupwede pang i-edit, magsingit lang ako ng bed scene. hehehe.

regards na rin sa wedding crew ng softshots. we had fun and had a very comfortable time with these cool guys taking our photos and videos. sa uulitin, mga sir. salamat. cheers!

Saturday, August 1, 2009

ang iche-chemo

kapag may pumuputok na balita na may namatay na naman dahil sa cancer, medyo natatakot ako at nanlulumo. nakaka-takot lang yung hassle ng matinding gamutan by chemotherapy. siguro mali ako dito, pero parang lalo pang napapabilis ang pagkamatay ng tao dahil sa epekto ng radiation ng chemotherapy. mamamatay ka na nga lang, mamumutla at makakalbo ka pa ng tuluyan.

idagdag mo pa ang umaatikabong gastusan. yung ilang taon mong pinaghirapan at inipon eh mapupunta lang halos lahat sa ipampapagamot mo imbis na sa pamilya nakalaan. tsk. yan ang nakakatakot sa tumatanda, ang paglitaw ng kung anu-anong sakit.

kaya kapag may lumilitaw na mga casualty ng cancer na dumaan sa chemotherapy, nagkakaroon ako ng realization. kailangang ingatan ang katawan habang maaga pa, tignan mabuti ang kinakain at palaging may exercise tulad ng basketball. kung lalake ka, isama mo na rin ang pagja-jakol araw-araw. iwas prostate cancer din daw yon. at kung babae ka naman, pupwede kang tumulong sa mga lalake para iwaksi ang paglaganap ng prostate cancer.

pero ang pinakamatindi don kung ayaw mong magkaron ng cancer, wag ka na lang magpunta ng doktor. at siyempre pa, ito ay joke lang.

* * *


dati ko nang nabasa sa abante ang joke na to, pero benta pa rin sakin pag naaalala ko:

lola: dok, ano ho ang gagawin ninyo sa akin?

doktor: che-chemo lola...

lola: aba'y ang bastos nito ah! titi mo rin!