isa sa highlights ng wedding namin ay ang first dance. we were doing a traditional slow dance nang masira ang music at magmix into the way i are, courtesy pa rin ni twin brother. doon nagsimula ang semi-showdown namin ni bachoinkchoink sa paghataw ng damoves. pero ang asawa ko lang naman talaga ang humataw, nagpatawa lang ako. hehehe.
kung hindi magplay ang video sa ibaba, pwedeng
maraming salamat kay joel pangilinan aka mr. scooby. siya ang gumawa ng sde (same day edit) namin na still showing pa rin kung pindutin nyo yung picture diyan sa gilid. meron siyang post tungkol sa wedding namin dito at dito. ang galing nyo, sir! good job! magrerequest pa nga sana ako na baka pupwede pang i-edit, magsingit lang ako ng bed scene. hehehe.
regards na rin sa wedding crew ng softshots. we had fun and had a very comfortable time with these cool guys taking our photos and videos. sa uulitin, mga sir. salamat. cheers!
22 comments:
Bakit may Intsik na nagko-comment sa 'yo? Ibang level ka na talaga Insan! LOL
Alam mo bang ni-post ko sa Plurk 'yung Wedding Dance niyo ni Bachoinkchoink? Nyahaha! Masyado talaga akong naaliw. At ang galing ng moves ni Bachoink, wala akong masabi sa galaw ng elbows niya. = P
At tama, nagpatawa ka na nga lang. LOL
Napanuod ko nga sa plurk yung sayaw niyo. hehe. sayang di ako imbitado, mukhang masaya yung kasal niyo. hehehe
Bakit kaya hindi ko makita ang video? Sayang, alam kong maaaliw ako.
@insan gasul, di ko nga alam kung pano ko babarugin tong lintik na intsik na to eh. di ko naman maintindihan ang advertisement niya. buti sana kung english, baka bumili pa ko ng binebenta nya (baka kasi pampalaki).
kailan mo ni-post? talagang free advertisement ako sayo ha. hehehe. salamat insan. =D
@gilbert, sensya na pare. yaan mo sa binyag na lang ng baby ko harinawa. sasayaw na lang ulit ako. hahaha. =D
@blogusvox, ina-attach ko pa lang kasi baka hindi pa lumilitaw. malaki laki kasing file eh. anyway, pwede mo siyang mapanood dito http://vimeo.com/5162655. heehe salamat. =D
hankyut naman..sana pagnikasal ako ganun kakyut din..best wishes and more babies sa inyo ni bachoinkchoink..
salamat lov. kailan kayo ni pat?
tanginakang intsik ka! hindi ko kailangan ng pampalaki ng tite! (kung yun man ang ibinebenta mo. hindi ko kasi maintindihan eh.)
anak nang champoy! bat may spammer na Genghis Khan sa blog nyo sir?
gnun daw siguro tlg pag mtaas ang traffic ng blog. naaliw ako talaga sa first dance nyo. sana mkatrabaho nmin kayo ulit.
... o mga kaibigan nyo sana...
at may onsite din para belong ako. hahaha!
best wishes po sir. :D
spam ata yang intstik na yan eh. taga-malinta ka pala? taga-dalandanan kami dati until lumipat ng antipolo.
ang cute ng comment ni anonymous...puro square..papaano kaya yun,hehehe
hataw ang damoves ah..naaliw naman ako...
nung kinasal ako sumayaw kami sa saliw ng red jumpsuit apparatus. nung kinasal ung utol ko nag traditional, modern, sexy at hiphop dance sila.
nakakatuwa ang mga ganitong pakulo sa kasal. di n kasi uso ang masyadong seryosong wedding. mas magulo mas masaya. weeeeeeeeee!
DIKO PA NAPAPANOOD UNG VID. NAKA-BLOCK D2 SA OFIS EH. :)
magaling ka palang sumayaw tsong.
@joel, ayan na nga o, free advertisement. hahaha. highly recommended ko kayo dont worry. thanks again.
@jerick, dalandanan, malapit sa school ko noong elementary. sa cmic.
@pokwang, gusto mo ipakilala na lang kita diyan sa intsik na yan? hahaha.
@kuri, idea talaga ni misis yan. pakipot pa nga ako ng una kasi nahihiya talaga ko. pero blast naman ang kinalabasan. hahaha.
@tito rolly, basta dancer sweet lover daw. hehehe.
Congratulations! Na-inggit tuloy ako.
@reesie, kailan kayo ni JLC? hehehe.
Post a Comment