Sunday, July 27, 2008

parang kailan lang...

nitong nagdaang mga araw, lalo akong naiinip sa dalawa kong kuting. sila kasi ang mga unang anak namin ni bachoinkchoink at mga unang apo ni daddy at mommy. naglalaro na ang isip ko kung pano ko sila kakargahin at paliliguan at papalitan ng mga lampin. umaabot na rin ang imagination ko kung paano at saan kami maglalaro, kung saan kami mamamasyal at kung anu ano pa.



napapa-isip tuloy ako tungkol sa buhay buhay. sobrang nabibilisan kasi ako sa panahon. parang kailan lang kasi nung ako palang ang 'baby' ng mommy ko. meron akong natatandaang mga scenario ng mga pangyayari nung bata pa ko na sariwang sariwa pa rin na parang ilang araw o buwan pa lang ang nakakalipas.

1. paborito kong ulam noon ay tocino. hindi pa ako makalunok ng karne ng baboy noon kaya si mommy ang kumakain ng laman at ibinibigay nya sa akin ang taba. nasa bilugan kaming lamesa namin noon. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.

2. 3 years old ako noon at kapag sabado, sinasama ako ng mommy ko sa office nya sa may mabini. kabisado ko pa ang linya ng LRT mula monumento at pedro gil. gustung-gusto ko sasama dahil bukod sa nakakapaglaro ako ng computer game sa office, nakikita ko pa ang anak ng officemate ni mommy na mas matanda di hamak sa akin na crush ko. musmus pa lang, may halay na. tandang tanda ko pa ang mga araw na yon, parang kailan lang.



3. nung una akong matae sa brip nung kinder sa school, sobrang lamig ng pawis ko at sobrang nerbyos sa kahihiyan. ang ginawa ko, sumilip-silip ako sa ilalim ng mesa na kunwari may naaamoy ako na mabaho. sabay turo at sigaw ng malakas sa katabi kong si emmanuel ng "AMBAHO! MAY TUMAE!". siya tuloy ang napagbintangan at napagtawanan hanggang uwian. paguwi sa bahay, galit na galit ang yaya kong si lola rosa at ako ang pilit pinaglaba ng brip kong puno ng ipot. syempre di pa ko marunong maglaba non. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.

4. isang mainit na hapon sa graduation day nung kinder, pagka-akyat sa stage, inabot ni mrs. llenado (principal) ang kamay nya sakin. imbis na shake hands, nagmano ako. parang kailan lang.

5. tuwing kasagsagan ng init ng hapon, paborito naming past time noon ng mga kalaro ko ang manghuli ng tutubi, manghuli ng gurame at butete, at maglaro ng apoy sa basurahan (at iyan ang mga dahilan ng pagkakaroon ng lalaking nognog). tumatambay din kami sa itaas ng puno ng aratilis para magkuwentuhan ng kung anu-ano basta tungkol kay pedro at juan. tandang tanda ko pa ang mga alaala na yon, parang kailan lang.

6. nung magkasunod na ipinanganak ang dalawa ko pang kapatid, hindi ako nagselos katulad nung sa commercial ng mcdo. tuwang tuwa ako sa kanila dahil ang cucute nilang dalawa noon (hindi na ngayon. hehehe joke lang). ang liliit pa nila noon, at nauuto ko pa lagi. kapag nag-aaway, sila lagi ang magkakampi. i miss those days, parang kailan lang.



madami pa akong masasayang memory nung kabataan ko na kung iisipin ay parang kailan lang. parang masarap balikan ang ganung panahon na sa tingin ng bata, napakasimple lang ng mundo. quarter-life crisis yata ang tawag dito. naiisip ko kasi ang pakiramdam tungkol sa mundo ng mga kuting ko paglabas nila. kung ano-anong first times ang mararanasan nila na napagdaanan ko na din. sana maranasan din nila ang mga naranasan ko, childhood well spent, parang ganon.

Wednesday, July 23, 2008

fixing a bed

hindi ako mahilig magligpit ng pinag-higaan sa kama. hindi ko kasi makita ang logic kung bakit kailangan ang pagliligpit ng mga kumot at bedsheet pagka-gising kung sa gabi naman ay magugulo rin ito ulit.

hindi rin naman ito katulad ng sala o kusina, dahil madaming tao ang makakakita kung malinis o madumi ang iyong bahay. maraming paroo't parito kaya para safe din ang iyong bahay lalo sa sunog, dapat i-maintain ang good housekeeping. pero sa kama sa kwarto, wala naman ibang papasok kundi ikaw. wala rin naman ibang mahihiga kundi ikaw din. mas masasarapan pa nga ako matulog kapag magulo ang kama.

hindi ko naman binibigyan ng dahilan ang pagiging tamad ko kung minsan, pero nakakatamad naman talaga gawin ang isang bagay na hindi mo nalalaman ang dahilan kung bakit mo siya kailangan gawin.

bigla ko tuloy naalala si kuya sa pinoy big brother (na ubod ng bagal magsalita, lalo kapag nagpapalusot) na nagsabi ng ganito:

"hindi ba't... mas masaya... kapag... ginagawa natin... ang isang bagay... na... hindi natin nalalaman... ang dahilan..."

mali si kuya. kaya nga tayo ginaganahan ay dahil alam natin ang dahilan at pinaglalaanan ng ating ginagawa. pero alam ko namang nagpapalusot lang itong si kuya kapag napipikon na ang mga pinagtitripan nya sa bahay nya kaya pinapatawad ko na siya.



iyan ang nasa isip ko kanina. kanina lang, mga 15 minutes ago.

sa tingin ko okey lang naman kung hindi ako nagliligpit ng hinigaan ko noon dahil binata pa ako at ako pa lang naman mag-isa sa kwartong natutulog. pero hindi na ngayon (okey, hindi pa ngayon dahil nasa abroad nga ako at paguwi pa sa pilipinas ako magkakaron ng kasama matulog).

ngayong may asawa na ko, dapat bigyan din ng respeto si bachoinkchoink kaya dapat panatiliing maayos at nakaligpit ang kama pagkatapos gamitin sa mixed martial arts magdamag. iba pa rin kasi ang maayos ang kwarto, malinis at maaliwalas. nakaka-stress din kapag nakikitang magulo ang paligid.

kaya mula ngayon, hindi na ko kailangang sabihan sa umaga ni bachoinkchoink ng...

"hoy lumarga ka na naman magligpit ka muna ng higaan mo hoy!"

Sunday, July 20, 2008

chikkaminute! 'the kutings' updated

nung isang araw ay ang scheduled check-up sa doktor ni bachoinkchoink ko. 4 months na kasi ang mga kuting kaya tinignan kung ayos pa naman ang buhay buhay nila sa loob. ayos naman daw ang bilis ng heartbeat ni twin 2, pero ang kay twin 1 ay hindi daw ganun kabilis. ano kayang ibig sabihin non? sa totoo lang, konting balita lang na ganyan eh kabadong kabado na ako. medyo nahirapan pa nga daw si doktor sa kakahanap, yun pala ay nasa may bandang singit na ito ni bachoinkchoink.

medyo nangangayayat din si bachoinkchoink ko. she's still 124 lbs (same as last month) kahit nag-increase dramatically na ang kanyang tiyan. nilalakasan naman daw nya ang pagkain pero hindi siguro makacatch-up ang katawan nya dahil dalawang matatakaw ang sinusuplayan nya ng sustansya. parang mga squatter na naka-jumper sa poste ng kuryente.

posible daw na first week of december kunin ang mga sanggol sa loob kung hindi mag-early labor si bachoinkchoink. by the 6th month daw, bawal na talaga ang mga lakad lakad at strictly bahay at bedrest lang sya. baka daw kasi baka mapa-anak sya ng maaga-aga. the longer they stayed on choinkchoink's womb the better.

iniinform ako ni bachoinkchoink time to time kung ano ang nararamdaman nya. kanina, parang mayron daw sumusumpung-sumpong na sakit sa lower left ng kanyang puson, dun sa pwesto ni twin 1. pero hindi naman daw extreme ang sakit tulad ng mga signs ng miscarriage. pasulput-sulpot lang daw, iniisip ko na lang para hindi ako mapraning, ay nilalaro-laro na ni twin 1 ang kung ano-anong bagay sa loob. that idea makes me feel better.

kung first week ang 'pag-aani' sa mga babies ko, i'll be home last week of november. gusto ko nandun ako sa tabi ni bachoinkchoink paglabas na aming babies. ako nang bahala bumili ng crib at strollers paguwi ko dahil hindi na ito maaasikaso ng maganda kong asawa. at syempre dapat may part din ako sa paglabas ng mga future barkada ko.

four and a half months to go, tumatanggap pa rin po kami ng panalangin.

Friday, July 18, 2008

kukurukuku...kadyot lang kadyot lang!

ni-tag ako ni kaibigang panaderos para gawin ito.

1. WHAT WAS I DOING 10 YEARS AGO?

10 years ago? shet, medyo gurang na pala talaga ako ngayon dahil 4th year high school pa lang ako noon sa notre. hindi pa ako nagkaka-syota.

lahat excited na dahil simoy graduation na sa pagtatapos ng school year. kapag naglalakad sa canteen, ang mga kasalubong naming lower years na ang tumatabi sa daraanan naming mga seniors dahil sa astig 'IV' na badge na nakadikit sa aming uniform.

ang peyborit naming meryenda kapag recess ay ang sabaw ng pares galing sa tindahan sa may front gate ng notre. take note, sabaw lang na nakalagay sa plastic cup. libre ang kasi ang sabaw kaya ang binibili lang namin ay fried rice na nakaplastic sa halagang 5 pesos. bonus na kapag may sumamang taba at laman sa sabaw. dumudungaw lang kami sa pader at nagpapabili kay manong na patawid tawid sa kalsada para ideliver ang aming mga orders.


2. WHAT ARE THE FIVE THINGS ON MY TO-DO LIST TODAY?

a. dahil friday ngayon at day off namin, tanghali na ko gumising at derecho sa internet cafe at gawin ang post na to. 1 month na pala akong hindi nagpupunta ng doha, nakakatamad kasi mainit.
b. maya maya kakain na ko ng lunch.
c. matutulog pagbalik sa room, o kaya'y mag-PSP at solusyunan ang problema ko sa metal gear solid portable ops. maghintay na rin ng update kay bachoinkchoink ko dahil 4th month check up nya ngayon sa doktor, excited sa balita ang tatay.
d. magpunta sa gym at magbuhat-buhat ng kaunti, tapos derecho dinner na.
e. magkulong sa kwarto habang makatulog. hindi ko na babanggitin ang ritwal ko para makatulog agad.


3. SNACKS I ENJOY:

a. fishballs, squidballs, kikiam at tokneneng. yung nasa kariton at hindi ang nasa stall ng malls.
b. tunay na halo-halo. hindi yung puro makukulay na sago at gulaman lang ang laman.
c. lugaw ni ogo sa malabon, with matching mata ng baka at sawsawang calamansi at patis. sabayan mo pa ng malamig na sprite. deym.
d. laman-loob barbeque specials; isaw (manok/baboy), balumbalunan, tenga, adidas, at helmet. with matching c2 apple.


dumadayo pa kami minsan dati sa yupi para lang kumain ng isaw. i miss you isaw bachoinkchoink ko. labyu.

4. PLACES WHERE I LIVED:

a. bahay ni lolo jose sa navotas
b. bahayang pagasa sa valenzuela
c. metrovilla sa valenzuela
d. showa-ryo sa nagasaki, japan
e. cityland tower 1 sa makati
f. refrigerator sa sakhalin, russia
g. blk. 196, rivervale drive sa singapore
h. oven sa qatar


5. THINGS I’D DO IF I WERE A BILLIONAIRE (USD):

a. magrerequest ng sariling atm machine sa bakuran.
b. maglalagay ng sariling kariton ng fishball at barbequehan sa garahe.
c. magtatayo ng sariling engineering school at kakalabanin ko ang mapua. tatawagin itong tejada institute of technology or TIT.
d. magiging action star, packed with beatiful leading ladies (style pacman)
e. bibili ng mga isla sa the world at magpapagawa ng mga mansyon para sa mga mahal ko sa buhay.
f. magnenegosyo para mabayaran ang mga nasa itaas.
g. iaayos ang aking will of testament para sa dalawa kong tagapag-mana.


hindi na muna ako magtatawag ng gagawa nito, kung trip nyo at wala kayong magawa, feel free lang na sagutan ito. ciao!

Tuesday, July 15, 2008

Hot in.....So hot in heerre.....Oh!

isang dahilan kung bakit ayaw kong mapunta sa middle east noon ay ang tindi daw ng init dito. isa rin ito sa mga tanong ko kung gaano nga ba kainit ang sinasabi nilang mainit. at alam kong mararanasan ko na iyan sa mga susunod pang mga araw at buwan.

mula nitong nakaraang buwan, unti unti nang nagpaparamdam ang init dito sa qatar. kung sa pilipinas ay may morning breeze na tinatawag, hindi ko pa nararanasan yon dito. paglabas ko kasi ng kwarto ng alas-singko ng umaga, mainit init na agad ang hangin kahit pasilip pa lang si haring araw. pinakamatindi ang init tuwing tanghali (10am to 3pm), nag-aaverage na ng 42 deg celcius.

kahapon, kapansin pansin ang tindi ng humidity sa labas. pano ko ba maide-describe? parang humihinga ka sa loob ng napakalaking sauna bath. ok sige, hindi naman todo ang heater syempre, pero yung hinihinga mo ay parang mamasa-masa at may kasamang vapors, ganun.

aabot pa raw ng 55 deg celcius malamang next month. Sabi pa ng mga matatagal na dito sa qatar, para mo daw inangat ang takip ng kaldero at nilanghap ang simoy ng sinaing, ganun daw ang pakiramdam ng init dito sa agosto. kaya ang kwento din nila, itong qatar daw ang pinakamainit kumpara sa mga napuntahan na nilang lugar sa middle east gaya ng saudi, oman, or iraq.

ngayon pa lang, konting lakad lakad ka sa labas kahit walang araw ay maba-'baskil' o basang kili-kili ka talaga (word baskil courtesy of ayz). pwede rin tiyak maging 'basbur', bahala na lang kayong magbuo nyan, i dont want to explain further.

kaya ang kawawa dito ay yung mga skilled o blue collared laborers na nakabilad sa labas. sila kasi ang naka-frontline sa trabaho. at least ako kahit papano, pasilip silip lang sa ginagawa nila pagkatapos ay magtatago na para magpalamig. kaya hanga rin ako sa mga mababahong mamang mga ito, talagang napakadami nilang tinitiis para may maipadalang kaunting pera sa pamilya. they’ve been through hell ika nga, literal.

kung gusto nyong madama at maisapuso ang kwento ko kung gaano kainit dito, punta na sa pinakamalapit na sauna bath center. wag na nga lang kayong kukuha ng maganda, cute, chinita at sexy na attendant para magmasahe, malamang kung saan pa mauwi ang lakad nyo. bad yun. wholesome at authentic sauna bath lang ang pino-promote ko.

Wednesday, July 9, 2008

oh yeah it fucking hurts!

“pasensya na kayo ha, kung sa simula nung isang araw hanggang sa ngayon ay hindi maayos ang pagpapagamit ko sa inyo. gusto ko man kayong pagsilbihang maigi, wala akong magawa. meron kasing sobrang nasasaktan sa ginagawa natin. pinipilit ko naman kayo abutin sa lahat ng paraan na makakaya ko. wag sana kayong mainggit kung bakit sa iba lang ako kumakayod ng husto at nagpapagamit, baka bukas lang o sa makalawa, back to normal na tayo. mahal na mahal ko kayo…”

iyan ang sabi ng toothbrush ko sa mga ngipin ko sa may bandang kanang pisngi ko. tinamaan kasi ng bola ng basketball ang mukha ko nung isang araw kaya nagkaroon ng madaming singaw at malaki. takot din naman akong patakan ng gamot kaya hinihintay ko na lang gumaling.

tangina ang sakit sakit! tanga tanga kasi.

Sunday, July 6, 2008

extreme makeover

karamihan ng mga babaeng kakilala ko, gusto nilang itsura ng mga partner nila ay yung mga maaliwalas tignan ang pagmumuka. clean cut dapat, walang bigote at balbas. pero depende rin siyempre, meron din naman itong binabagayan at kung nabuhay ka noong 70s or 80s, gwaping ka kapag meron kang facial hairs.

hindi bagay sakin ang magkaroon ng bigote at balbas. pangit kasi ang tubo ng mga buhok, hiwa-hiwalay at hindi makapal kaya mukha tuloy dugyot tignan. kapag nakakalimot akong mag-ahit, ako na mismo ang nagkukusa dahil nangangati ako at naaalibadbaran.

ayaw ni misis ko ng nagpapaka-bigotilyo ako at nagpapalago ng balbas, mukha daw sanggano o holdaper. sabagay, sa mga pelikulang pinoy nga, ang mga kontrabida at mga goons eh mga balbas sarado talaga at mga mukhang kurimaw.

pero ngayong nandito ako sa qatar at wala naman masyadong social life dahil busy sa trabaho, minsan masarap magpaka-rugged looking. kahit hindi bagay sakin, hinahayaan ko lang tumubo ang kung ano anong buhok sa mukha ko. lalo pa’t sobrang busy, kasama mo pa puro lalaki sa trabaho, meron pang mga indiano at mga pakistani na pare-pareho ang mga pagmumukha kaya okey lang magpakadugyot. walang pakialamanan ba.

wala rin naman si bachoinkchoink sa tabi ko sa gabi dito kaya walang nagrereklamo ng ‘nakakakiliti’ (ngiting aso).

pero gaya ng sinabi ko, hindi ko rin matiis pahabain at patagalin. heto ang step by step sikreto naming mga gago:


huminga ng malalim.


maghilamos at maglagay ng shaving cream kung meron, para smooth at masarap ang feeling. kung wala pwede rin ang sabon (wag mo lang kukunin ang sabon sa lapag kapag sa common shower room ka naliligo).


tumingala at ahitin ang mga buhok sa leeg. magdasal na rin na sana walang kalawang ang blade mo at wag kang masugatan, baka sumirit bigla ang dugo. brutal.


itagilid ang ulo at isunod ang bigote. hindi kasama sa inaahit ang kilay.


magbanlaw at titigan ang ‘new you’. totoy na totoy no? totoy mola.

Wednesday, July 2, 2008

great things start from weird beginnings

pangarap ko noong bata pa ko ang isang maging jeepney driver. isang tsuper na byaheng malinta hanggang tollgate lang. yun kasi ang lagi namin sinasakyan ng mommy ko kapag nagcocommute kami pauwi sa bahay namin sa valenzuela.

kaya kapag sumasakay kami ng jeep, lagi akong nasa likuran ng driver para ako ang taga-abot ng mga barya. gusto ko rin tinitignan kung paano paikutin ni manong ang manibela at ang kabayo na umuugoy sa unahan ng hood. at kung paano nya bilutin ang mga perang papel at isingit sa mga singit singit ng jeep nya. ang tingin ko kasi sa mga driver ay sobrang mayayaman dahil sa dami ng barya sa kahon nila. 2.50 pesos pa lang yata ang pamasahe noon. at alam naman natin na sa bata, kayamanan na ang barya.

wala namAng course sa college ang para maging propesyunal na tsuper, dahil halos lahat naman ay pupwede. pero dahil kailangan kong makapagbayad ng tuition fee ng apat hanggang limang taon, isa ako sa madaming mga magiging college students na na hindi alam ang kukuning kurso. tipong nasa harap na ko ng registrar para mag-apply ng entrance exam, hindi ko pa rin alam ang isusulat ko application form.

hindi ako pumasa sa UP, UST dahil puro may quota lahat ng mga pinili ko at ininjan ko ang exam schedule ko sa Adamson dahil natapat sa swimming ng class namin ng 4th year high school. kaya takbo ako ng Mapua bago magsimula ang school year dahil baka walang nang tumanggap sakin.



isa lang ang alam ko, civil engineering ang dapat kong kuhanin. iyon kasi ang laging binabanggit ng daddy ko na gustu nya akong maging. so iyon ang isinusulat ko sa application form, kasunod ang second choice kong computer engineering (dahil mahilig naman kako ako maglaro ng computer).

pumasa naman ako sa exam, iyon nga lang, meron pa ring quota ang mga napili kong course at hindi ako umabot. At dahil napogian sa akin ng registrar, pinapili ako ng ibang course na available. industrial, chemical at mechanical engineering.

kasama ko noon ang pinsan ko na 2nd year electrical engineering student sa Adamson, tinanong nya ko kung bakit hindi electrical ang kunin ko. ang sagot ko naman, “pangalan pa nga lang ng course mo, takot na ko eh.” oo xerex, takot ako sa kuryente, kahit ma-ground lang. buti na lang mas matapang magbuntingting ng circuit breaker ang misis ko kaysa sakin. Hehehe.

baktudatapik, tinanong ko ang pinsan ko kung ano ang idea nya sa mga pagpipilian ko para matulungan nya ko kung ano ang kukunin ko.

una, industrial engineering. no idea. ang perception ko, magiging empleyado ako sa mga pabrika. yun lang. oo xerex, hindi ako resourceful magresearch that time. ang mga mayayaman pa lang ang may alam yata ng internet at tamad akong magpunta sa library. ekis.

pangalawa, chemical engineering. madami daw babae dito. isang lalake sa bawat apat ng babae, isa sa mga pangarap ko (hanggang ngayon. Hehehe). at isa pa tong pangalan pa lang eh turn-off na ko. Chemistry kasi ang pinaka-ayokong subject (dahil terror na bading ang teacher) nung highschool, kasunod ng english. ekis pa rin.

lastly, mechanical engineering. hindi ko malaman kung anong klaseng bata ba ako noon, walang kaalam alam sa mundo. natatandaan ko pa rin ang tanong ko sa pinsan ko kung ano ba itong ME na to: “ito ba yung mga gumagawa ng mechanical pencil?”.

iyon na rin ang kinuha ko eventually, dahil ang reason ko eh maganda naman pakinggan ang ‘mekanikal’. mukhang hightech. watdapak!

at pagkatapos ng apat at kalahating taon ng pangongopya at pagiging maparaan, nakagapang ako hanggang maka-graduate. at pagkatapos ay nakapasa din naman ng licensure examination.

sa darating na ika-pito ng hulyo, magiging ika-apat na taon ko na ng pagtatrabaho kalakip ang titulong mechanical engineer. minsan, wala sa hinagap natin kung paano tayo naging tayo sa ngayon. parang series of events na nagtulak sayo kung saan ka man nais papuntahin ng tadhana. sabi ng iba, nasa guhit daw ito ng bayag. gusto ko nga ipakapa sa manghuhula minsan.

being so is not my dream when I was a kid, but i had learned to appreciate it.

parang mcdo, im lovin' it. papparappapa…