Sunday, July 20, 2008

chikkaminute! 'the kutings' updated

nung isang araw ay ang scheduled check-up sa doktor ni bachoinkchoink ko. 4 months na kasi ang mga kuting kaya tinignan kung ayos pa naman ang buhay buhay nila sa loob. ayos naman daw ang bilis ng heartbeat ni twin 2, pero ang kay twin 1 ay hindi daw ganun kabilis. ano kayang ibig sabihin non? sa totoo lang, konting balita lang na ganyan eh kabadong kabado na ako. medyo nahirapan pa nga daw si doktor sa kakahanap, yun pala ay nasa may bandang singit na ito ni bachoinkchoink.

medyo nangangayayat din si bachoinkchoink ko. she's still 124 lbs (same as last month) kahit nag-increase dramatically na ang kanyang tiyan. nilalakasan naman daw nya ang pagkain pero hindi siguro makacatch-up ang katawan nya dahil dalawang matatakaw ang sinusuplayan nya ng sustansya. parang mga squatter na naka-jumper sa poste ng kuryente.

posible daw na first week of december kunin ang mga sanggol sa loob kung hindi mag-early labor si bachoinkchoink. by the 6th month daw, bawal na talaga ang mga lakad lakad at strictly bahay at bedrest lang sya. baka daw kasi baka mapa-anak sya ng maaga-aga. the longer they stayed on choinkchoink's womb the better.

iniinform ako ni bachoinkchoink time to time kung ano ang nararamdaman nya. kanina, parang mayron daw sumusumpung-sumpong na sakit sa lower left ng kanyang puson, dun sa pwesto ni twin 1. pero hindi naman daw extreme ang sakit tulad ng mga signs ng miscarriage. pasulput-sulpot lang daw, iniisip ko na lang para hindi ako mapraning, ay nilalaro-laro na ni twin 1 ang kung ano-anong bagay sa loob. that idea makes me feel better.

kung first week ang 'pag-aani' sa mga babies ko, i'll be home last week of november. gusto ko nandun ako sa tabi ni bachoinkchoink paglabas na aming babies. ako nang bahala bumili ng crib at strollers paguwi ko dahil hindi na ito maaasikaso ng maganda kong asawa. at syempre dapat may part din ako sa paglabas ng mga future barkada ko.

four and a half months to go, tumatanggap pa rin po kami ng panalangin.

20 comments:

neens said...

Uyy! Baka maging magka-bertday pa sila ng twinnies ko! November 29 sila, pero due date ko talaga was supposed to be December 26.

Hope your wifey and your babies are doing well. Ganyan talaga pag minsan, some expectant mothers don't gain any weight. Mga iba talagang lumolobo! (me for example) hahaha...

God bless you and your cute family!!

UtakMunggo said...

tay!
wag masyadong istreyst! common sa mga buntis ang magkaron ng mga abdominal pain paminsan minsan, at baka naman e puno lang ang pantog ni misis ganda. naku lalo pa kamo yan sa pag tapag ng 5 months dahil mapi-feel na niya ang mga kalabog ng little drummer kids mo.. dalawa pa man din sila, parang dalawang kabayo sa kwadra.
e pero syemps hindi rin dapat i-ignore kung talagang machakit na talaga..
buti ka pa uwi ka november. good luck at maligayang pagbati sa nalalapit mong pagiging ganap na ama!

:D

RJ said...

neens,

kung ako lang ang papipiliin, isasabay ko na sa birthday ko. november 22 kasi ako. hehehe.

thanks so much! =D

RJ said...

UM,

kailan ba ang uwi mo?

syempre hindi maiwasan kabado ang lolo mo, first time kasi. alam ko din naman ang feeling ng buntis buntisan dahil sa laki ng tiyan ko pero totohanan na itong kay misis. hahaha! =D

Mar C. said...

NAKS NAMAN! TATAY KA NA KUYA AH. HAYAAN MO, PAGPAPARAY KO KAYO.

The Gasoline Dude™ said...

Ayus! Alam na ba ang gender ni Twin Two?

I'm happy for you Insan. Sana bloggers din paglaki ang mga kuting mo. Hehe.

chroneicon said...

meeyaw! pagdarasal ko sila pare. at sana magpainom ka sa bday mo! hehe

RJ said...

pensucks,

hindi pa, 4 months pa bago ako maging ganap. hehehe salamat, kailangan namin ang panalangin ng mga matuwid. :D

RJ said...

insan GD,

hindi pa, next month pa. akala ko nga i-ultrasound ulit ngayon. hehehe excited na nga ko. di na ko makatulog sa atat. salamat. :D

RJ said...

chrone,

salamat parekoy. oo magpapainom ako, ng gatas. hehehe raawr!

rolly said...

sandaling panahon na lang at tatay ka na! Kaka excite no?

GODDESS said...

sana december 8.. kabirthday ko! hehehe!

my prayers are always with you, cousin!

RJ said...

tito rolly,

oo nga konting hintay pa. hehehe. yun nga lagi laman ng isip ko sa gabi. =D

RJ said...

goddess,

december 8 ka pala, malamang banda run ang date ng paglabas nila. hehehe thanks! =D

Panaderos said...

Don't worry, Pards. Everything's going to be fine with both your wife and the kids. They'll be in my prayers.

Ingat.

Dakilang Islander said...

lapit ka na maging tatay at makadalawa agad...ang saya nun

damdam said...

sana ay maging maayos ang mga kutings mo. masaya yan. damay kita sa prayers..

welcome to parenthood! ingats lagi si misis!

(off topic: nakakainggit ang sweetness mo kay misis. pag nag ka jowa ako pwede ko pang ipa seminar sa iyo?lol)

RJ said...

panaderos,

maraming salamat pare. =D

RJ said...

islander,

sinabi mo pa. im so excited, and i cant hide et. hehehe.

RJ said...

salamat damdam!

seminar? ang alam ko si gerry geronimo nagpapa-seminar ng longganisa making at pag-aalaga ng manok at tilapia. hahaha!