Wednesday, July 9, 2008

oh yeah it fucking hurts!

“pasensya na kayo ha, kung sa simula nung isang araw hanggang sa ngayon ay hindi maayos ang pagpapagamit ko sa inyo. gusto ko man kayong pagsilbihang maigi, wala akong magawa. meron kasing sobrang nasasaktan sa ginagawa natin. pinipilit ko naman kayo abutin sa lahat ng paraan na makakaya ko. wag sana kayong mainggit kung bakit sa iba lang ako kumakayod ng husto at nagpapagamit, baka bukas lang o sa makalawa, back to normal na tayo. mahal na mahal ko kayo…”

iyan ang sabi ng toothbrush ko sa mga ngipin ko sa may bandang kanang pisngi ko. tinamaan kasi ng bola ng basketball ang mukha ko nung isang araw kaya nagkaroon ng madaming singaw at malaki. takot din naman akong patakan ng gamot kaya hinihintay ko na lang gumaling.

tangina ang sakit sakit! tanga tanga kasi.

24 comments:

Dakilang Islander said...

hahah meron ka na palang talking toothbrush dyan!!

UtakMunggo said...

be a man, parekoy! lagyan mo ng tawas. yan ang pinakamabisa laban sa singaw. hehehe

tas habang humahagulgol ka sa sakit eh tumawag ka kay choink choink mo for moral support.

asus kayong mga lalake, ang tatapang nyo kunyari pero sa iniksyon, at mga gamot para sa sugat eh tiklop rin naman. hehe

pagaling ka. :D

neens said...

hahahaha! Tatang Arj, gargle with warm water and salt...that should make the healing process faster.

RJ said...

islander,

epekto rin ito ng laging mag-isa sa kwarto, naririnig ko na ang usapan ng mga bagay bagay sa paligid. hehehe. =D

RJ said...

UM,

ayoko masakit, mas matitiis ko pang humapdi ito habang kumakain at may sawsawang patis, at least masarap. hehehe.

pinapagalitan nga ko ni misis, gamutin ko na raw. kahit kasi sa pinas hindi ko ginagalaw ito. kung magkasama lang daw kami ngayon eh pipitikin nya singaw ko eh. sweet talaga ng cute kong asawa. hehehe. =D

salamat!

RJ said...

neens,

ayuuun, yun ang naiisip ko. hehehe sige mamaya mumumog ko to, salamat! =D

chroneicon said...

tawas pare!!!

wag ka juding!

damdam said...

shet gusto ko nyan! i mean nung talking toothbrush ha! mag isa lang ako sa bahay e.. ahaha!

rolly said...

masakit nga yan. Yun lang dumulas ang sepilyo mo at tumama sa bagang masakit na eh yun pang nangyari sayo.

RJ said...

chrone,

okey na pare, magaling na (palusot). =D

RJ said...

damdam,

akala ko singaw ang gusto mo. ngayon lang ako nakarinig ng gusto magka-singaw eh. hehehe. wag mo na pangaraping mayrong magsalita sa bahay mo, nakakatakot. =D

RJ said...

tito rolly,

ayaw na ayaw ko talaga itong mga singaw na singaw na to. tsk!

Panaderos said...

Ang sakit niyan, Pards! Banas din ako noon pag may singaw ako. Nawawalan din ako ng gana kumain. 'Di bale, mawawala rin iyan, kaunting tiis na lang.

I hope you feel a lot better soon!

RJ said...

panaderos,

'kain-mayaman' ako kapag may singaw, tipong isang subo lang tapos dahan dahan ang nguya. hahaha! kakainis lang ang hapdi, mapapaluha ka talaga.

Anonymous said...

tusukin na lang kaya ng karayom? hmmm... hehe...
mawawala din yan..matakot ka kung permanent na yan..hehe...
-
wei

jheyamhei said...

haha.kwawa ka nman kuya.tanga tanga kasi.hehe.*juke lang*.impernez,caring masyado ang toothbrush mo.ang sweet pa. ;)

RJ said...

gagitos,

ang hirap siguro ng boksingero ano? kada laban mo sureball kang may singaw, kahit sa sparring. pero kung babayaran naman ako ng milyon milyon eh ayos lang.

RJ said...

jheya,

oo sweet ang toothbrush ko, araw araw gabi gabi nya kong pinapaligaya. ;P

Anonymous said...

ang kulit!!!






ng toothbrush!
hehhheeh!!!

GODDESS said...

daanin mo sa mumog! hihihihi

RJ said...

shayleigh,

gusto mong hiramin toothbrush ko? =D

RJ said...

goddess,

good news mare, magaling na siya. haaay ang sarap talaga ng walang singaw. =D

Anonymous said...

anakanam.. akala ko kung ano na.

toothbrush pala!

na nagsasalita.. nyaaaaaaaa!

RJ said...

azrael,

sa iyo ba diyan wala pang nagsasalita? hehehe. =D