pangarap ko noong bata pa ko ang isang maging jeepney driver. isang tsuper na byaheng malinta hanggang tollgate lang. yun kasi ang lagi namin sinasakyan ng mommy ko kapag nagcocommute kami pauwi sa bahay namin sa valenzuela.
kaya kapag sumasakay kami ng jeep, lagi akong nasa likuran ng driver para ako ang taga-abot ng mga barya. gusto ko rin tinitignan kung paano paikutin ni manong ang manibela at ang kabayo na umuugoy sa unahan ng hood. at kung paano nya bilutin ang mga perang papel at isingit sa mga singit singit ng jeep nya. ang tingin ko kasi sa mga driver ay sobrang mayayaman dahil sa dami ng barya sa kahon nila. 2.50 pesos pa lang yata ang pamasahe noon. at alam naman natin na sa bata, kayamanan na ang barya.
wala namAng course sa college ang para maging propesyunal na tsuper, dahil halos lahat naman ay pupwede. pero dahil kailangan kong makapagbayad ng tuition fee ng apat hanggang limang taon, isa ako sa madaming mga magiging college students na na hindi alam ang kukuning kurso. tipong nasa harap na ko ng registrar para mag-apply ng entrance exam, hindi ko pa rin alam ang isusulat ko application form.
hindi ako pumasa sa UP, UST dahil puro may quota lahat ng mga pinili ko at ininjan ko ang exam schedule ko sa Adamson dahil natapat sa swimming ng class namin ng 4th year high school. kaya takbo ako ng Mapua bago magsimula ang school year dahil baka walang nang tumanggap sakin.
isa lang ang alam ko, civil engineering ang dapat kong kuhanin. iyon kasi ang laging binabanggit ng daddy ko na gustu nya akong maging. so iyon ang isinusulat ko sa application form, kasunod ang second choice kong computer engineering (dahil mahilig naman kako ako maglaro ng computer).
pumasa naman ako sa exam, iyon nga lang, meron pa ring quota ang mga napili kong course at hindi ako umabot. At dahil napogian sa akin ng registrar, pinapili ako ng ibang course na available. industrial, chemical at mechanical engineering.
kasama ko noon ang pinsan ko na 2nd year electrical engineering student sa Adamson, tinanong nya ko kung bakit hindi electrical ang kunin ko. ang sagot ko naman, “pangalan pa nga lang ng course mo, takot na ko eh.” oo xerex, takot ako sa kuryente, kahit ma-ground lang. buti na lang mas matapang magbuntingting ng circuit breaker ang misis ko kaysa sakin. Hehehe.
baktudatapik, tinanong ko ang pinsan ko kung ano ang idea nya sa mga pagpipilian ko para matulungan nya ko kung ano ang kukunin ko.
una, industrial engineering. no idea. ang perception ko, magiging empleyado ako sa mga pabrika. yun lang. oo xerex, hindi ako resourceful magresearch that time. ang mga mayayaman pa lang ang may alam yata ng internet at tamad akong magpunta sa library. ekis.
pangalawa, chemical engineering. madami daw babae dito. isang lalake sa bawat apat ng babae, isa sa mga pangarap ko (hanggang ngayon. Hehehe). at isa pa tong pangalan pa lang eh turn-off na ko. Chemistry kasi ang pinaka-ayokong subject (dahil terror na bading ang teacher) nung highschool, kasunod ng english. ekis pa rin.
lastly, mechanical engineering. hindi ko malaman kung anong klaseng bata ba ako noon, walang kaalam alam sa mundo. natatandaan ko pa rin ang tanong ko sa pinsan ko kung ano ba itong ME na to: “ito ba yung mga gumagawa ng mechanical pencil?”.
iyon na rin ang kinuha ko eventually, dahil ang reason ko eh maganda naman pakinggan ang ‘mekanikal’. mukhang hightech. watdapak!
at pagkatapos ng apat at kalahating taon ng pangongopya at pagiging maparaan, nakagapang ako hanggang maka-graduate. at pagkatapos ay nakapasa din naman ng licensure examination.
sa darating na ika-pito ng hulyo, magiging ika-apat na taon ko na ng pagtatrabaho kalakip ang titulong mechanical engineer. minsan, wala sa hinagap natin kung paano tayo naging tayo sa ngayon. parang series of events na nagtulak sayo kung saan ka man nais papuntahin ng tadhana. sabi ng iba, nasa guhit daw ito ng bayag. gusto ko nga ipakapa sa manghuhula minsan.
being so is not my dream when I was a kid, but i had learned to appreciate it.
parang mcdo, im lovin' it. papparappapa…
Wednesday, July 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 comments:
wow!!una ata ako...hahaha
korek ka dyan kuya!!!
minsan iba ang gusto ntin at dahil sa hindi maipalawinag na aura ng kapangyarihan ni shaider bigla naiiba at boom!!mapupunta tyo sa tadhana natin ng hindi inaasahan...
ano nga ba ang mechanical? yun ba ang inaaral ng mga mekaniko para kay monica??Ngek!!corny...wahahaha
isa sa mga frustrations ko ang engineering courses. kahit anong engineering basta may engineer ka kalakip. sadly, hindi kaya ng payrents ko ang taas ng tuition noon kaya bumagsak ako sa pagiging psychology major. ako ba o payrents ko ang may problema? nag-exam din kasi ako sa PUP noon para sa ECE kaso di ko na rin inalam kung pumasa ako. basta kung ano man ako ngayon, minamahal ko na rin ang kursong natapos ko. sabi mo nga di ba... paparapap... lols
simple lang panagarap ko nung bata pa ako - maging member ng that's entertainment LOLS.
emoterang nurse,
pinag-aralan na din namin ang pagmekaniko kay monika, hustler na nga ako eh. hehehe.
jeck,
naniniwala ako sa kasabihang 'everything has a reason', madaming beses ko na napatunayan yun. ang pinakaimportante lang naman eh you learn to love whatever you are doing. pati na yung anuhan, lab na lab ko yun. hahaha! =D
madbong,
so anong club ka ba? ka-batch mo siguro sila jojo alejar ano? hahaha!
"being so is not my dream when I was a kid, but i had learned to appreciate it." tama yan, matutong i-appreciate ang mga bagay na nasa atin na. ganda ng entry na 'to. paparapapap...
aba
taga valenzuela ka nga ano?
wowness
:)
pangarap ko talaga
maging flight stewardess
pero di pwede
malululain ako e
hahaha
:)
.xienahgirl
oo nga...wala din akong kaalam alam kung anong meron sa course ko dati buti nalang tiniis ko at natapos rin...
naks, title na title pa lang eh milong milo na. hehe (ay anong konek?)
nakakatuwa talaga ang bata. biruin mo, ang tingin mo noon sa driver ay napakayayaman dahil sa mga barya nila. at gusto mo pang tagaabot ng bayad at sukli ha! hehe
ako naman dati'y pangarap maging janitor. nakalagay pa yang sa yearbook namin nung prep ako. ewan ko kung bakit (kasi matagal na yon kaya di ko na matandaan ang reason).
e pano yan, nasira ang pangarap mong maging driver? hehe
bihira ang taong tulad mo, na kahit ayaw ay pinilit na gustuhin. saludo ako sa iyo. rare na ang ganyan at uso ang pasaway na tulad ko. hehe.. ingats ka!
nga pala, ako rin takot sa kuryente.. ahehe
Congrats, Pards. Hanga ako sa ginawa mong pag-buno sa pag-aaral. Dire-diretso ka hanggang sa licensure exams.
Saludo ako sa ginawa mo because it shows that you have the discipline to focus on and achieve your goals in life. Malaking bagay iyan. Suwerte ang Misis mo at ang mga magiging anak mo sa iyo. Ingat. :)
buti na lang pala at pogi ka no? Ang galing ata ng Mapua sa Engineering. Incidentally, dun ako nag high school hanggang itapon ako nung third year. hehehe Bakit? Let's just say I had not been a very good boy. Yun na.
pensucks,
salamat pards, dun ka lang naman makakaramdam ng contentment kapag appreciated mo ang mga binigay sayo. =D
xg,
yup tunay na tunay. walang stir taga-valenzuela ako. hahaha!
kung hindi doktor eh flight stewardess ang pangarap ng karamihan sa mga little miss philippines. pwede ka naman mag-FS kahit malululain ka, magiging adik ka nga lang sa (ano nga iyong gamot sa byahilo? kalimot ko. hehehe) =D
islander,
ang galing ano? basta talaga matyaga at mapagtiis eh nagbubunga rin. walang nakukuha ng instant, noodles lang. nyork nyork. =D
utakmunggo,
napaghahalatang 'batang tv' ka noon ano, pero milo inspired talaga yang title ko. hehehe.
ok din ang janitor, related sa pangalawa kong pangarap. ang taga-ligpit ng mga pinagkainan sa mga foodcourts. astig kasi ambilis magligpit, magsort ng plato at baso, at magpunas ng lamesa. hehehe.
damdam,
hindi naman sa ayaw ko ang course na kinuha ko, hindi ko lang talaga alam kung ano ang gusto ko at wala akong idea sa kinuha ko. kaya napilitan na rin akong gustuhin. no choice eh. hehehe.
=D
panaderos,
salamat pards, i'd say na may halo na ring swerte dahil hindi naman talaga ako nagseryoso rin ng pagaaral nung college, nung review na lang talaga ako nagtino.
minsan nga naiisip ko, si misis na lang ang magtrabaho. ako na lang maiiwan sa mga bata at magpe-playstation. hehehe biro lang. =D
tito rolly,
mataas talaga ang tingin sa mapua kapag engineering ang usapan. pero not anymore. iba na kasi ang administration ng mapua ngayon at quarterly systema na sila, enrollment every 3 months! pera pera na lang talaga, kaya wala na maging sa top 20 ang MIT ngayon.
nung batch namin, medyo naghihingalo na non. mas malala na ngayon.
ako naman dati pangarap ko raw maging street cleaner.
muntik na ko matapon sa bintana ni mama nung sinabi ko iyon.
joke lang..
mahal ko ang mga manggagawa. seryoso.
pasalubong!
chrone,
defensive mo ah. hahaha! lahat naman tayo simple lang ang pangarap nung bata, kung ano ang nakikita sa mga paligid yun ang gusto nating maging.
ako never ako nangarap kung ano gusto ko maging paglaki ko,in short wala akong pangarap.hehe.
nabakante ako ng isang year sa bahay bago ako tumuntong ng college pero wla man lang akong naisipan na course sa isang buong taon kaya sumablay ako nung unang pili ko,sa TUP ako nun,nagsayang ako ng isa pang taon dahil hindi ko linya yung mga ginagawa dun.pero dahil sa course na yun,nalaman ko na kung ano bagay sa'kin.MASSCOM.happy na ako.di ko linya ang engineering
kung si madam auring ang kakapa, gusto mo pa rin ba? haha.
minsan may mga nangyayari talaga sa atin na beyond our wildest dreams.
things change as you go on.and you'll find it funny looking at old pictures.wahaha
--
hakhak
sana makagapang din ako sapangongopya sa mga kalasameyts ko
hakhak
tanong ko lng kung ano trabaho u?
kase inhinyeriya din ang kurso ko pero hnd ko alam kung anung mngyyri in d pyutyur para saken
hakhak
elyens
XXXxx
jheya,
kanya kanya lang naman tayo ng linya, ang importante eh mahal mo ang ginagawa mo. kung hindi man eh matutunan mo na lang mahalin. parang pagpili lang ng boyfriend yan, minsan kung ano na lang ang dumating eh matututunan mo rin mahalin. hehehe. =D
watusiboy,
oo nga ano, wala pala akong kilala na magandang manghuhula. sa iba ko na lang ipapakapa kahit hindi marunong manghula. hahahaha! =D
el bulakenyo,
yup, things will never be the same, thats just the way it is. oh yeah! -tupac
rimewire,
galingan mo lang sa pangongopya at wag kang papahuli. dito ako nagtatrabaho sa qatar, gumagawa kami ng planta na susupsop ng likaas na yaman ng earth para gawing pera ng mga dambuhalang kumpanya.
galingan mo sa school, sobrang dami pang demand ng mga engineers ngayon. salamat. =D
hehe..mechanical din kinuha ng erpats ko... pero ayaw niya ko pakuhanin nun..
ang engot nga lang, takot siya sa board exam, kaya eto..sabay na siguro kami kukuha ng board exam
-
teka... ang galing! papabasa ko to sa utol ko... di rin niya alam yung course na gusto niya eh.. kaya nag IT na lang siya.. kakainspire naman to ^^
-
wei
gagitos,
hindi naman talaga board exam ang nakakatakot, ang nakakatakot ay yung kung bumagsak ka sa exam. madaming pressures, nakakapagod dahil magrereview ka na naman ng 6 months, nakakahiya sa mga kamaganak etc etc. pero lakasan lang din ng loob.
ayos din ang kinuha ng kapatid mo, actually mas mataas pa nga ang sweldo ng mga ibang IT specialists kaysa sa mga ibang engineers.
Post a Comment