1. WHAT WAS I DOING 10 YEARS AGO?
10 years ago? shet, medyo gurang na pala talaga ako ngayon dahil 4th year high school pa lang ako noon sa notre. hindi pa ako nagkaka-syota.
lahat excited na dahil simoy graduation na sa pagtatapos ng school year. kapag naglalakad sa canteen, ang mga kasalubong naming lower years na ang tumatabi sa daraanan naming mga seniors dahil sa astig 'IV' na badge na nakadikit sa aming uniform.
ang peyborit naming meryenda kapag recess ay ang sabaw ng pares galing sa tindahan sa may front gate ng notre. take note, sabaw lang na nakalagay sa plastic cup. libre ang kasi ang sabaw kaya ang binibili lang namin ay fried rice na nakaplastic sa halagang 5 pesos. bonus na kapag may sumamang taba at laman sa sabaw. dumudungaw lang kami sa pader at nagpapabili kay manong na patawid tawid sa kalsada para ideliver ang aming mga orders.
2. WHAT ARE THE FIVE THINGS ON MY TO-DO LIST TODAY?
a. dahil friday ngayon at day off namin, tanghali na ko gumising at derecho sa internet cafe at gawin ang post na to. 1 month na pala akong hindi nagpupunta ng doha, nakakatamad kasi mainit.
b. maya maya kakain na ko ng lunch.
c. matutulog pagbalik sa room, o kaya'y mag-PSP at solusyunan ang problema ko sa metal gear solid portable ops. maghintay na rin ng update kay bachoinkchoink ko dahil 4th month check up nya ngayon sa doktor, excited sa balita ang tatay.
d. magpunta sa gym at magbuhat-buhat ng kaunti, tapos derecho dinner na.
e. magkulong sa kwarto habang makatulog. hindi ko na babanggitin ang ritwal ko para makatulog agad.
3. SNACKS I ENJOY:
a. fishballs, squidballs, kikiam at tokneneng. yung nasa kariton at hindi ang nasa stall ng malls.
b. tunay na halo-halo. hindi yung puro makukulay na sago at gulaman lang ang laman.
c. lugaw ni ogo sa malabon, with matching mata ng baka at sawsawang calamansi at patis. sabayan mo pa ng malamig na sprite. deym.
d. laman-loob barbeque specials; isaw (manok/baboy), balumbalunan, tenga, adidas, at helmet. with matching c2 apple.
dumadayo pa kami minsan dati sa yupi para lang kumain ng isaw. i miss you
4. PLACES WHERE I LIVED:
a. bahay ni lolo jose sa navotas
b. bahayang pagasa sa valenzuela
c. metrovilla sa valenzuela
d. showa-ryo sa nagasaki, japan
e. cityland tower 1 sa makati
f. refrigerator sa sakhalin, russia
g. blk. 196, rivervale drive sa singapore
h. oven sa qatar
5. THINGS I’D DO IF I WERE A BILLIONAIRE (USD):
a. magrerequest ng sariling atm machine sa bakuran.
b. maglalagay ng sariling kariton ng fishball at barbequehan sa garahe.
c. magtatayo ng sariling engineering school at kakalabanin ko ang mapua. tatawagin itong tejada institute of technology or TIT.
d. magiging action star, packed with beatiful leading ladies (style pacman)
e. bibili ng mga isla sa the world at magpapagawa ng mga mansyon para sa mga mahal ko sa buhay.
f. magnenegosyo para mabayaran ang mga nasa itaas.
g. iaayos ang aking will of testament para sa dalawa kong tagapag-mana.
hindi na muna ako magtatawag ng gagawa nito, kung trip nyo at wala kayong magawa, feel free lang na sagutan ito. ciao!
19 comments:
TIT!! hahaha! Pero in fairness... it sounds very professional "TEJADA INSTITUTE OF TECHNOLOGY".
Don't forget to update me too sa developments ng mga twinniesss!!!
anong tokneneng?
wala kang drinks ha. what about the pink na palamig na binebenta sa sidewalks? :D
kadyot..di ba bastos to sa tagalog..laging pinagtawanan ako sa word na 'to dati
ayos. favorite din namin ni labidabs ko ang isaw. dun naman kami sa may likod ng sm manila pumupunta para makakain nun.
sama ako sa TIT ah. tejada rin naman ako e. haha!
Notre ka pala, Pards. Ako naman ay galing sa sister school mo. Hehe :D
Matagal ko nang gustong subukan iyang Metal Gear Solid. Ilang games na niyan ang nalaro mo?
Mukhang pareho tayo ng ritwal. Hehe Oops!
Bad trip at nalimutan kong idagdag ang fishball at halo-halo sa listahan ko. Naman o!
Ang tindi mo, Pards. Nasubukan mo na palang tumira sa Sakhalin Islands. Kung ok lang, pakikuwento minsan kung paano ang buhay doon.
Gusto ko ang itatayo mong engineering school. Pag bilyonaryo na ako, magiging stockholder din ako ng school mo. Mabuhay ang TIT!!
Maraming salamat, Pards for doing the tag. Much appreciated. :)
Pag nagkatotoong naging bilyonaryo ka, yung eskwelahan mo, wag mong gagawing international ha. Kasi Magiging Tejada Institute of Technology International. Hindi masyadong maganda pag pinaikli. hehe
"...tejada institute of technology or TIT..."
****
pagnagpartner ba ako at lalagyan mo ng incorporated sa huli eh magiging TITI na?
haha
ako rin magpapalagay ng sariling ATM machine pag naging bilyonaryo.
:D
neens,
isa sa mga magiging requirements ng pagpasok sa TIT eh dapat likas na mahalay ang pag-iisip. hehehe.
mari,
tokneneng, yung itlog na pugo na orange. hehehe also known as kwek-kwek.
oo nga paborito kong inumin ang samalamig nung bata pa ko. yung nilalagyan pa ng gatas para tumamis. pero nung nakikita ko kung saan kinukuha ang tubig (sa butas na tubo ng NAWASA), hindi na ko tumitikim. hehehe.
islander,
mukhang may mapait kang experience sa word na kadyot ah. hehehe di ko alam eh, naririnig ko lang sa radyo. tagal ka na sigurong hindi nauwi sa pilipinas. =D
jeck,
meron palang masarap dun sa likod ng SM manila? di ko kasi alam, laganap naman kasi sa intramuros ang mga laman-loob specials. hehehe.
walang problema, isa ka sa mga stock holders at gagawin pa kitang dean. (nga pala, alam mo bang exclusive for girls lang ang itatayo kong TIT?)
panaderos,
sister school? teka, siret! ano nga ba ang sister school ng notre? olga ba? di ba exclusive for girls iyon? =D
MGS sa PS1 pa lang ang natatapos ko, nalagpasan ko ang PS2 series dahil walang time at ngayon lang ako nakakapaglaro ulit.
tumira ako sa sakhalin dahil dun ako nagwork ng 1 year. magpost ako minsan ng tungkol doon. hehehe.
tito rolly,
oo nga ano, wag ko rin lalagyan ng 'established 2008' sa huli. dahil magiging TITE 2008. hahaha!
pangit din ang magiging tawag sa mga alumni, Tejada Institute of Technology Alumni.
"miyembro ako ng mga TITA, pare"
UM,
sure stock holder ka rin tiyak, requirements lang eh dapat mahalay, eh mukhang pasok ka naman sa requirements kaya walang problema. hahaha juk juk juk lang. =D
maganda ang sinabi ni utak munggo. haha. TITI. naiimagine ko ang mga maattract na mga estyudyante 'pag nagkataon. haha.
watusiboy,
ikaw ang una kong gagawing estudyante. scholar ka kaya ililibre kita. hehehe. =D
Damer ka pala hehe... kamusta pamboboso sa kabilang school? hehe...
chrone,
uy bintang yan ha. hindi kaya ako namboboso ng 3pm tuwing friday sa bintana ng olga.
=D
Post a Comment