isang dahilan kung bakit ayaw kong mapunta sa middle east noon ay ang tindi daw ng init dito. isa rin ito sa mga tanong ko kung gaano nga ba kainit ang sinasabi nilang mainit. at alam kong mararanasan ko na iyan sa mga susunod pang mga araw at buwan.
mula nitong nakaraang buwan, unti unti nang nagpaparamdam ang init dito sa qatar. kung sa pilipinas ay may morning breeze na tinatawag, hindi ko pa nararanasan yon dito. paglabas ko kasi ng kwarto ng alas-singko ng umaga, mainit init na agad ang hangin kahit pasilip pa lang si haring araw. pinakamatindi ang init tuwing tanghali (10am to 3pm), nag-aaverage na ng 42 deg celcius.
kahapon, kapansin pansin ang tindi ng humidity sa labas. pano ko ba maide-describe? parang humihinga ka sa loob ng napakalaking sauna bath. ok sige, hindi naman todo ang heater syempre, pero yung hinihinga mo ay parang mamasa-masa at may kasamang vapors, ganun.
aabot pa raw ng 55 deg celcius malamang next month. Sabi pa ng mga matatagal na dito sa qatar, para mo daw inangat ang takip ng kaldero at nilanghap ang simoy ng sinaing, ganun daw ang pakiramdam ng init dito sa agosto. kaya ang kwento din nila, itong qatar daw ang pinakamainit kumpara sa mga napuntahan na nilang lugar sa middle east gaya ng saudi, oman, or iraq.
ngayon pa lang, konting lakad lakad ka sa labas kahit walang araw ay maba-'baskil' o basang kili-kili ka talaga (word baskil courtesy of ayz). pwede rin tiyak maging 'basbur', bahala na lang kayong magbuo nyan, i dont want to explain further.
kaya ang kawawa dito ay yung mga skilled o blue collared laborers na nakabilad sa labas. sila kasi ang naka-frontline sa trabaho. at least ako kahit papano, pasilip silip lang sa ginagawa nila pagkatapos ay magtatago na para magpalamig. kaya hanga rin ako sa mga mababahong mamang mga ito, talagang napakadami nilang tinitiis para may maipadalang kaunting pera sa pamilya. they’ve been through hell ika nga, literal.
kung gusto nyong madama at maisapuso ang kwento ko kung gaano kainit dito, punta na sa pinakamalapit na sauna bath center. wag na nga lang kayong kukuha ng maganda, cute, chinita at sexy na attendant para magmasahe, malamang kung saan pa mauwi ang lakad nyo. bad yun. wholesome at authentic sauna bath lang ang pino-promote ko.
Tuesday, July 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
28 comments:
OFW din ako sa DUbai for 5 years kaya nakaka-relate ako dito sa entry mo. Hindi ko makalimutan ang dating ginagawa ko dati na nag iipon ng tubig sa timba sa gabi pa lang para palamigin. Para kinabukasan eh maligamgam na sya pang ligo.
Pucha! Pag nagkamali kang buksan ang shower sa umaga, malamang dressed chicken ang kalalabasan mo sa tinding init ng tubig.
Iba ang init talaga sa middle east. Tuwing bubuksan ko ang pintuan ng flat ko para lumabas...para na rin ako nagbubukas ng oven. Ganun na ganun ang klaseng init na naaalala ko.
ramdam ko ang hinagpis mo kapatid! hehehh naalala ko dati pagumuwi kami ng tanghali sa accommodation namin magsitakbuhan papasok ng building kasi parang nakakaluto na ng itlog ang init dyan sa middle east...heh
waaaahhhh...
grabeh pala ng init dyan...
plano ko sna magpunta ng saudi kaso mukhang sa tindi ng init dyan...dudugo lagi ilong ko pag nag punta ko....
tipid pla sa LPG dyan kasi pwede ka magluto ng ulam pag lumabas ka ng bahay o kaya uminom ng kape kasi may instant hot water...wahahaha
sabay kabig sa huli ha, may pa-wholesome wholesome ka pang nalalaman samantalang nasa parehong post ang katagang "basbur". ahaha
saludo talaga ako sa mga todo kayod para sa pamilya't kaanak. tinitiis ang lahat para lang maitaguyod ang mga mahal sa buhay. sana naman ay suklian rin ng mabuti, gaya ng mataas na grades ng anak, o malagong negosyo ni kuya, etc.. hindi yung lahat ng pinagpaguran eh winawaldas sa walang kwentang bagay o worse, sa drugs.
eh baskil ka ba habang nagta-type nitong post mo? hehe
oppps...mali pala ang user id na gamit ko. heheh rf photography is not my blog but from my friend na tinuruan ko sa paggawa ng blog
Matindi pala ang init diyan sa Qatar. Ingat na lang na hindi ma-dehydrate or heat stroke.
Siguro sa tindi ng init diyan, puwede kang mag-prito ng itlog sa ibabaw ng hood ng sasakyan. :)
Mainit din dito sa Singapore ngayon. Kaya kina-career ko ang paliligo. *LOL*
maru,
nag-OFW ka pala sa dubai, at naririnig ko nga rin yang mga kwentong ipunan ng tubig sa timba para pampaligo. pero dito okay okay pa naman dahil may hot and cold. sosi eh. hahaha! =D
pero totoo nga, parang oven. :(
islander,
hahaha ikaw din pala si RF, kala ko may bago ulit akong reader. =D hirap lang dito eh galing sa init tapos pasok sa ercon. masama sa baga. tsk tsk.
emoterang nurse,
kung sa ospital ka lang naman naka-duty eh okay lang. giginawin ka pa nga sa lamig ng mga AC eh. sa tanghali lang nakakapaso ang araw. sa umaga at gabi naman eh okay din dahil parang nasa sauna ka lang, pinagpapawisan kaya healthy. hehehe. =D
UM,
ano ba kasing naiisip mo sa 'basbur'? sige nga ano nga? (tinatanong kita kasi wala akong maisip na ibang palusot eh. hahaha)
grabe talaga nakakaawa ang mga laborers. liit pa ng sweldo.
panaderos,
safety naman ang priority dito kaya hinay hinay lang din sa trabaho sa labas. kwento kwento nga, kahit sa semento ka magbasag ng itlog eh maluluto. kahit hindi sa bakal. :D
insan GD,
at least diyan, malinis linis ang pawis mo. dito sandamakmak ang libag mo sa leeg. hhahaha! =D
oist bawal ang magtanong sa commentors ano. unspoken rule yan. hehehe
hinde ko kakayanin ng ganyang temperatura, mabilis pa man din ako ma-dehydrate dahil may hyperhydrosois ako..
kapatid, dito sa nz ang temperatura ngayon ay 10 degrees celsius.
so kamusta naman ang kutis natin jan tatay? HAHAHA
UM,
ah bawal ba? sorry hindi ko alam eh. hehehe. kumain ka na ba?
madbong,
alam mo bang dalawang beses na ko nahihimatay buong buhay ko dahil sa dehydration? hahaha!
napaka-ideal ng ganyang temperature para sakin, naranasan ko yan noong summer season sa sakhalin.
HOY bebang!
hu u? nyahahaha! musta na ang soon-to-be-mumay? kutis ko? eto, adorable pa rin. =D
Pards, may tag ako para sa iyo. Iyong detalye eh nasa blog ko. Simple at maigsi lang siya. Salamat. :)
HOY!
baket parang respetadong respetado ka dito?? hahahaha
hoy may kwento ako sayo. Langya ka di ka nageemail ito lang pala inaatupag mo HAHAHA
ganyang kainit?necessity na siguro ang aircon dyan. ingat sa heat stroke
pareho pala ginagawa namin ni maru. nagiipon din ako ng tubig sa timba para lumamig pampaligo, dahil sa tindi ng init, para kang manok na binanlian ng mainit na tubig. kung pwede lang inumin yung tubig sa gripo pwede ng pang kape...LOLs.
hanggang september pa ang init dito sa saudi, malamang parehas dyan sa qatar, kaya tiis muna tayo, ayaw mo nun, dito lang sa middle east nararanasan na habang naliligo ka pinagpapawisan ka rin...LOLs
bebang,
at ano naman ang maipaglilingkod ko sa iyo kapatid? :)
watusiboy,
necessity dito ang aircon at heater, dahil malamig naman kapag tapos na ang summer. wala naman problema sa kuryente. 24 hours 7 days a week naka-on ang AC ko sa room. hehehe.
ah kong,
andiyan ka pala sa saudi, oo nga nakakarinig na ako ng mga ganyang kwento na nagiipon ng tubig para lumamig lamig ng konti. kaya siguro kadalasan eh panot na ang mga ofw dito sa middle east. hehehe.
oo nga....lumalapad na nga rin ang runway ko eh...nyah..ha..ha..ha..ha
kaya nagpapalong hair ako, pag mahaba na yung sa likod, yun ang ginagawa kong bangs...LOLs
buti ka pa nakakapagpa-long hair, pag nagpahaba kasi ako ng buhok, muka akong bilog na inihaw na mais dahil kakaunti na lang ang buhok. hahaha. =D
Post a Comment