nitong nagdaang mga araw, lalo akong naiinip sa dalawa kong kuting. sila kasi ang mga unang anak namin ni bachoinkchoink at mga unang apo ni daddy at mommy. naglalaro na ang isip ko kung pano ko sila kakargahin at paliliguan at papalitan ng mga lampin. umaabot na rin ang imagination ko kung paano at saan kami maglalaro, kung saan kami mamamasyal at kung anu ano pa.
napapa-isip tuloy ako tungkol sa buhay buhay. sobrang nabibilisan kasi ako sa panahon. parang kailan lang kasi nung ako palang ang 'baby' ng mommy ko. meron akong natatandaang mga scenario ng mga pangyayari nung bata pa ko na sariwang sariwa pa rin na parang ilang araw o buwan pa lang ang nakakalipas.
1. paborito kong ulam noon ay tocino. hindi pa ako makalunok ng karne ng baboy noon kaya si mommy ang kumakain ng laman at ibinibigay nya sa akin ang taba. nasa bilugan kaming lamesa namin noon. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.
2. 3 years old ako noon at kapag sabado, sinasama ako ng mommy ko sa office nya sa may mabini. kabisado ko pa ang linya ng LRT mula monumento at pedro gil. gustung-gusto ko sasama dahil bukod sa nakakapaglaro ako ng computer game sa office, nakikita ko pa ang anak ng officemate ni mommy na mas matanda di hamak sa akin na crush ko. musmus pa lang, may halay na. tandang tanda ko pa ang mga araw na yon, parang kailan lang.
3. nung una akong matae sa brip nung kinder sa school, sobrang lamig ng pawis ko at sobrang nerbyos sa kahihiyan. ang ginawa ko, sumilip-silip ako sa ilalim ng mesa na kunwari may naaamoy ako na mabaho. sabay turo at sigaw ng malakas sa katabi kong si emmanuel ng "AMBAHO! MAY TUMAE!". siya tuloy ang napagbintangan at napagtawanan hanggang uwian. paguwi sa bahay, galit na galit ang yaya kong si lola rosa at ako ang pilit pinaglaba ng brip kong puno ng ipot. syempre di pa ko marunong maglaba non. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.
4. isang mainit na hapon sa graduation day nung kinder, pagka-akyat sa stage, inabot ni mrs. llenado (principal) ang kamay nya sakin. imbis na shake hands, nagmano ako. parang kailan lang.
5. tuwing kasagsagan ng init ng hapon, paborito naming past time noon ng mga kalaro ko ang manghuli ng tutubi, manghuli ng gurame at butete, at maglaro ng apoy sa basurahan (at iyan ang mga dahilan ng pagkakaroon ng lalaking nognog). tumatambay din kami sa itaas ng puno ng aratilis para magkuwentuhan ng kung anu-ano basta tungkol kay pedro at juan. tandang tanda ko pa ang mga alaala na yon, parang kailan lang.
6. nung magkasunod na ipinanganak ang dalawa ko pang kapatid, hindi ako nagselos katulad nung sa commercial ng mcdo. tuwang tuwa ako sa kanila dahil ang cucute nilang dalawa noon (hindi na ngayon. hehehe joke lang). ang liliit pa nila noon, at nauuto ko pa lagi. kapag nag-aaway, sila lagi ang magkakampi. i miss those days, parang kailan lang.
madami pa akong masasayang memory nung kabataan ko na kung iisipin ay parang kailan lang. parang masarap balikan ang ganung panahon na sa tingin ng bata, napakasimple lang ng mundo. quarter-life crisis yata ang tawag dito. naiisip ko kasi ang pakiramdam tungkol sa mundo ng mga kuting ko paglabas nila. kung ano-anong first times ang mararanasan nila na napagdaanan ko na din. sana maranasan din nila ang mga naranasan ko, childhood well spent, parang ganon.
Sunday, July 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
35 comments:
katuwa nga talaga mag reminisce ano. ang problema ko, palyado ang aking memorya at wala akong maalala masyado nung bata pa ako kaya naiingit ako sa mga taong may naaalala.
good luck sa yung mga kuting sa kanilang pagdating.
Nyahaha! Leche! Bigla ko tuloy naalala nung taym na natae ako nung grade school! Ahahaha shyet! = P
hindi quarterlife crisis, parekoy. related to impending fatherhood ang attack of the memory lane mo. haha
parang kailan lang. oo, nakakamiss ang pagiging musmos, at lalong nakakamiss ang mga panahon noon na winiwish mong sana ay tapos ka na sa studies.. susko kung alam lang natin noon diba? e di sana nag ala peter pan na tayong lahat.
feel ko rin ang apprehension mo, dyey. na sana mapalaki mo sila ng maayos, na sana maturuan mo sila ng mabuti, na sana.. maraming sana
sige lang. wala naman kasing manual ang pagiging magulang. kanya-kanyang diskarte pa rin sa bandang huli.
bakit parang di nagbago mukha mo...
Tingin ko ay nagiging sentimental ka lang para sa mga panahong lumipas dahilan sa malapit ka nang maging tatay. Ok lang iyan, Pards. Mabuti na rin iyong may ipinaplano ka na para sa mga magiging tsikiting niyo kaysa wala. :)
Sigurado akong magiging mabuti at masaya kang ama para sa mga magiging anak niyo. Congrats!
buti hindi sinabi ng klasmeyt mo na,
"ikaw kaya ang tumae! tingnan mo ang binti mo may kalye na ng ebs!"
ahahaha!!!
aba bata pa lang, may style ka na. kawawa naman yung napagbintangan.
at kamusta naman yung pagmamano. haha.
kakatuwa ang mga kwento mo... bata ka pa lang pala madiskarte ka na lalo na sa pagpapalusot.. hahaha
gudluck sa pagiging tatay...
i know excited ka na sa mga kutings mo..
lahat ata ng bata noon nagtae sa school. ako rin kasi natae, ang masama pa, di ko talaga maitatangi kasi umagos sa lunchbox n nasa ilalim ng upuan ko ang aking ebs.yikes!
pareho tau ng topic reminiscing childhood memory.
nag-iimagine narin ako ng mga gagawin namin ni baby lilo paglabas nya.
prinsesamusang,
oo masarap ang magbalik tanaw lalo kapag masaya at makulay ang iyong nakaraan. baka naman puro pork, beans, at hipon ang pinagkakain mo nung bata ka kaya maaga ka nagka-memory gap. hahaha!
salamat! =D
insang GD,
lahat naman yata ng bata dumaan sa ganon ano? di ko pa lang natatanong kung sino ang mga hindi natae sa salawal sa school. kapag naiimagine ko nga ngayon, napapangiwi ako sa diri. hahaha! =D
utakmunggo,
tama, impending fatherhood nga ang tawag doon. katunayan lang na hindi na ko bata at hindi na makakabalik pa.
irony of life, kapag bata ka gusto mong tumanda agad. pero habang tumatanda gusto mong apakan ang preno at ikambyo ng reverse ang oras. hehehe.
excited na nga ako talaga, lagi ko naiisip kung magiging anong tatay ba ko. lagi ko kasi iniisip na ako ang magiging coolest dad para sa mga anak ko. hehehe. =D
lyzius,
hindi lang mukha ang hindi nagbago, pati pototoy. ahehehe. =D
lyzius,
hindi lang mukha ang hindi nagbago, pati pototoy. ahehehe. =D
panaderos,
ganun na nga ang nangyayari pards, nakakasenti din pala kahit papano ang pagpasok sa tinatawag na fatherhood. pero im sure kapag nagkita na kami ng mga anak ko eh mawawala lahat iyon. hehehe. =D
salamat. =D
chrone,
buti na lang pala at hindi ikaw ang nakatabi ko non kundi yari ako. hehehe pero impernes, hindi umagos ang ebaks ko sa binti. tubol kasi pare, tubol. hahaha! =D
watusiboy,
eh sa dami kasi ng mga uncle at tita ko, nakasanayan ko nang magmano sa mga matatanda. malay ko bang shakehands pala yun. hehehe. =D
prinsesa,
ngayon naman, sa asawa naman ako magaling magpalusot. hahaha! biro lang. =D
kuri,
sa classmate mo pa siguro yung naiputan mo na lunch box? hahaha! lahat nga yata dumaan sa ganun, kasi ba naman ang bata takot tumae sa school dahil walang taga-hugas di ba? kakatakot naman kung ang janitor ang maghuhugas ng pwet mo. hahaha! =D
ayos yan, sabay tayong nagiimagine ngayon. batchmate kasi tayo eh. hehehe. =D
"first time matae sa brip"
...ayos! so ano naman ang mga sumunod?
parekoy, hintayin namin ang paguwi ko sa November, sakto bday ko din!
...magpapainom KA hehe
bwahaha! ok na ang tubol kesa bugrit! :D
LV,
alam ko meron pa, mga isa pa yata o dalawang beses pang naulit. huling huli nung college na ko. hahahaha! =D
gwaping talaga ang mga may birthday ng november pansin ko lang. huwahaha! =D
chrone,
badtrip lang ang tubol kapag tumatae ka sa kubeta, may bumabalik na tubig sa pwet pagka-splash tapos minsan nagma-mcarthur pa pagkaflush. babalek babalek!
ahahaha. naalala ko din lahat ng kalokohan ko nung bata pa ako.
naku excited na din ako sa mga kuting mo. :)
hahaha dati ang alam ko bahay-tuta...
bahay-kuting na pala ngayon... hahaha
at nakakatuwa naman ang iyong pagkabata... naway matandaan ko din ang akin pag matanda na ko... hahaha
at dahil naaliw ako sa pagpapalusot mo... iaad kita sa blogroll ko...=)
mia,
sarap balikan ano? wala kang pakelam sa lahat at walang problema. hehehe.
tungkol sa mga kuting ko, sobrang excited na rin ang tatay nila. hehehe. =D
neurotic sister,
wag mong kakalimutan ang pagkabata mo, masarap balik balikan ang mga iyon kapag walang magawa. imbis na mangulangot balikan mo na lang ang oras. hehehe. =D
pwede rin ang tuta, misis ko kasi ang nagbansag ng kuting dahil para lang daw silang mga kuting noong ultrasound. hehehe.
salamat sa pag-add. =D
nambintang ka pa kung sino ang tumae! hahaha! tawa ako ng tawa dito :D
bosing! baka gusto mong lagay to sa blog mo...
http://www.widgetbox.com/widget/baby-ticker
count down timer para sa mga kutings!!!
huwaaw nakakamiss nga ang musmos days :D
gudlaks sa iyong fatherhood :)
eksayting atsaka kayang kaya mo yan. :D apir apir!*
mari,
namili talaga ako ng kaklase kong tahimik lang at walang kibo para walang angal. pero hindi naman ako yung nambu-bully. hehehe. =D
thanks damdam!
pareho lang yata nitong nasa homepage ko di ba? sarap ng pakiramdam kapag unti-unting nababawasan bawat araw. hehehe.
mahiwagang sibuyas,
disapir wanhap wanport wanport wanhap disapir apir! =D
siguro mararanasan mo rin ang pagbabalik tanaw kapag ikaw naman ang magkakabebi. hehehe.
naku, pag ganyan na ang iniisip eh....tumatanda na. hehehe.
duke,
oo nga pare, ang bilis ng panahon talaga.
Post a Comment