Saturday, August 2, 2008

golden pacman

medyo matagal ko nang nalaro ang fight night round 3 sa psp at nasubukan ko na din pagboksingin si pacman at golden boy. 5’6” featherweight (130 lbs) vs. 5’10” welterweight (147 lbs)? wala lang trip lang. para may challenge naman. lagi na lang kasi ako panalo kapag computer ang kalaban. ang resulta ng boxing match, nanalo ako gamit si pacman sa best of seven series sa score na 4-3.

pero dahil mukhang malapit na sa katotohanan na mangyari ang paglalaban ni pacman at ni golden boy sa totoong buhay, naisipan kong laruin ulit ang fight night round 3 sa aking psp. once and for all, this is it, no holds barred, walang rematch rematch.

kayang saktan ni pacman si dela hoya sa pamamagitan ng mga jab at hook sa tagiliran, kaliwa’t kanan. in and out style. right jab sa mukha, left haymaker sa katawan at hook naman sa kanan sabay ilag pabalik. kaso lang, hindi pwedeng hindi tatamaan si pacman lalo kapag napa-parry ni dela hoya ang mga suntok. babawi ito ng malalakas na hook sa mukha.

umabot ng round 11. basag na basag na ang mukha ni pacman. hingal kabayo na, pero poging pogi at malakas pa ang stamina ni dela hoya. pero kahit sino pwede nang bumagsak kung tatamaan ng matindi-tindi. nang biglang saluhin ng ulo ni pacman ang isang matinding left uppercut na pinakawalan ni dela hoya , tumigil ang laro.



pinutol ng siraulong referree ang laban. hindi na raw kayang ipagpatuloy ni pacman ang boxing sa dami ng pasa at sugat sa mukha. hindi malayong mangyari sa totoong buhay.



poor pacman, rich pacman. 20 million dollars in the bank! kaching kaching!

26 comments:

prinsesa000 said...

una ako!

natalo si pacman? wala bang interview after?? hahaha

UtakMunggo said...

nakibasa si mr. sabaybunot. alam mo namang adik yon sa dalawang bagay, psp at pacquiao. haha

ang lupit mo naman dyey! kakayanin pa ba ni pac ang welter weight e di mistulan na siyang mini-tangke de gyera niyan kung sakali, at mababawasan ang kanyang lakas dahil sa added poundage.

alam mo, napakabobo ko sa psp at kahit pa man anong computer games. bukod sa challenged ako sa coordination pagdating sa tunay na isports, isa ang computer games sa mga frustration ko sa buhay. buti pa noong araw e napaka-simple ng game and watch. haha

Anonymous said...

akyen plotesta....akyen plotesta....hini pwele talo pakman, hini pwele...hwaahhhh....
ako talo pusta, 1 million sentimo.....dapat panalo pakman...

pasensya na rj itong si ah'kong eh diehard fan ni pacman....ayus yan ah, basag basag yung mukha ni pacman...

bili nga rin ako ng fight night meron ba sa PS2 nyan ?

Mar C. said...

haha... may laro na pala na si pacman ang character? haaay... di naman kai ako mahilig maglaro ng games.

The Gasoline Dude™ said...

Haha. Isa 'yan sa mga bibilhin ko dito sa Singapore kapag nagka-work na ko. PSP!!!

*LOLZ*

Anonymous said...

huahehehe... nakita ko na nga yang larong yan. Aliw yung resemblance ni CGI pacquiao sa HUMAN pacquiao. Panalong panalo! Ang talo lang naman eh ako, lintek na controls kasi yan, di ko magamay-gamay. Buti na lang may iba pang laro dito sa PSP sa opis (may PSP sa opis???) -tekken saka Marvel, rise of the Imperfects.Woohoo!! Gudlak sa career!

Leyn ♥ said...

langya, may ganyang palang game.

ang alam kong pacman na game yung bilog na kumakain ng mga maliliit na bilog.

RJ said...

prinsesa,

panoorin mo na lang yung mga previous interviews nya, ganun pa rin naman ang sasabihin nya for sure.

salamat sa suporta, sa sambayanang pilipino, sa mahal na pangulo etc etc. hahaha! =P

RJ said...

UM,

sarap sana kung maglaro kami ni pareng sabaybunot, sarap ng may ka-multiplayer. out of place ka tiyak. hahaha!

yun naman ang masarap panoorin kay pacman, lagi syang underdog kaya naman napakadaming elibs sa kanya.

naglalaro lang naman ako kapag nabubugnot. pero hindi ako yung talagang naguubos ng oras. kapag hindi na ko makaraos pinapatay ko na sa inis ang computer. hahaha! =D

RJ said...

ah kong,

matagal na itong meron sa PS2 at PSP. fight night round 2 pa nga lang nai-feature na si pacman. pero mas dabest ang graphics sa PS3 at Xbox. hehehe

RJ said...

pensucks,

ganyan kaastig si pacman, nasa video games na. hehehe =D

RJ said...

insan GD,

mag-Xbox ka na lang if i were you! hahaha! konti na lang ang games na lumalabas sa PSP. sarap bumili jan sa singapore, lagpas kalahati ang discount kapag IT fair sa suntec city. =D

RJ said...

chillidobo,

di ko lang type ang ginamit nilang buhok ni pacman. yung buhok-kachupoy! hahaha! sana yung medyo pogi pogi naman.

yan ang masarap kung puro kabatch at madaming merong PSP dito, kahit sa mga cubicle ng cr kami maglaro hahaha!

RJ said...

leyn,

yup, nasa video game na si pacman. alam ko 2005 or 2006 ata nai-feature si pacman. =D

Anonymous said...

...nasa psp na din pla si pacman. kaalam ko nga lang na merong wretling sa psp.hehehehe!

Anonymous said...

hahaha ayus ah... pwede ng sports writer! hahaha manalo o matalo... panalo pa din naman ang bulsa ni pacman! lols waging-wagi!

RJ said...

sommer,

oo 2005 pa nasa computer game si pacman kaya astig. hehehe sana lang hindi na pasukin ni pacman ang wrestling, at lalo ang politics. hehehe. =D

RJ said...

neurotic sister,

ano kayang feeling ng mga anak ni pacman habang nakikipag-basagan sya ng mukha sa ring ano? parang di ko type panoorin tatay ko makipagbugbugan.

layo ng sagot ko sa comment mo. hahahha! =D

Panaderos said...

Mukhang ok na game iyan. Hmmm.... pinag-iisip mo ko, ha. Hehehe

Anonymous said...

sa laro ba na yan may interview si pacman after? 'you know' lol

Dakilang Tambay said...

kung gwapo lang si pacman, lalandiin ko talaga un. joke lang. hahaha.

kelangan makadownload ng fight night sa psp. haha

RJ said...

panaderos,

okey din ang fight night pards. alin ang naiisip mo? bibili ka ng game o kung matatalo ni pacman si golden boy? hehehe =D

RJ said...

prinsesa musang,

ayoko pakinggan ang interview kung meron man. malamang katulad din ng mga sinasabi nya tuwing interviews. paulit ulit lang naman. hehehe. =D

RJ said...

mia,

hahaha! napatawa mo ko dun ah. landiin pa amft! pero impernes naman pumopogi na si pacman ngayon ha, iba na talaga nagagawa ng milyon ano? =D

Anonymous said...

naka bili ako ng fight night round 3 para sa ps2, kwela ampotek... sinubukan kong ialaban si pacman kay barrera....basag basag yung mukha ni barrera eh...tapos pag KO duling duling pa yung mata...LOLs

enjoy..!!!!

RJ said...

ah kong,

wow dapat pala bayaran ako ng ea sports dahil sa advertisement na yon ah. epektib eh. hahaha! pero sa pirata ka naman yata bumili kaya wag na lang. hahahha! =D