nasaan si ardyey, si ardyey si ardyey si ardyey?
ang tagal ko nang hindi nakapag-update dito. paano ba naman kasi, iniba ang working schedule namin kaya sobrang pagod ako lagi at hindi makapag-isip. 5am to 6pm ang bago naming working schedule, with 3 hour lunch break from 11am to 2pm. sinasabayan kasi namin ng pasok ang mga tauhan namin. tatlong oras ang lunch sa tanghaling tapat dahil matindi ang init. gardenget!
kailangan din akong nasa site office palagi, kung saan walang internet connection. kaya pagkatapos kong kumain ng tanghalian ng 12pm, babalik sa main office at doon lang ako nakakapag-internet ng isang oras, pagkatapos ay matutulog ng isang oras din bago bumalik sa trabaho.
(eh sa gabi pwede ka naman makapag-internet ah?)
sige na nga, ito ang tunay na salarin kung bakit hindi ako nakakapagupdate pati sa gabi:
ngayon lang kasi naitayo dito sa kampo ang basketball courts, kaya sabik ang lahat na maglaro. kahit pagod at puyat galing sa trabaho, naglalaro pa rin ako araw araw hanggang 8pm. ganun talaga kapag adik. next month na kasi ang first basketball tournament dito pagkatapos ng ramadan.
isang linggong straight palang akong naglaro ng basketball, im down to 170lbs mula sa 180lbs kasama ang pagcontrol sa pagkain. hindi rin ako nakapagbawas ng timbang sa gym dahil sa bukod sa nakakatamad, ang lamig ng aircon kaya napakahirap pawisan. hindi tulad ng paglalaro sa labas, tagaktak ang pawis hanggang kasingit-singitan at nageenjoy ka pa.
at least naman nalilibang ako kahit papano, meron na akong alternative bukod sa ritwal kong “J-walking” gabi gabi.
Monday, August 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
wow ardyey andito ka na ulit long time ah! siguro may nadulot ding mabuti ang pagbasketball mo o diba pumapayat ka lol! ang laki na ng twins mo! konti na lang! tapos yung picture ni bachoink-choink mo ang cute-cute sobra!
Glad to see you back. Tinatamad din akong mag-workout sa gym. Nababato ako. Mas gusto ko pa ang maglakad sa labas kahit umabot ng dalawang oras. Ok lang kasi at least, iba-iba ang mga nakikita mong tanawin.
Ok ngang gawing exercise ang isang bagay tulad ng basketball na enjoy mong gawin. Hindi ka tatamarin.
Pero ituloy mo pa rin ang j-walking dahil ang balita ko eh hindi lang daw nakakatanggal iyan ng sakit ng ulo, nakakapagpasarap pa raw ng tulog iyan pagkatapos. :D
tsk.. tsk..
excuses, excuses.. hay naku nakakasira ng prendship.
ahahhaa
ayos ah. isang linggo lang ten pounds agad ang nawala? hmm... makapag-indoor basketball nga. (Hehe)
laki na ng tiyan ni choinkchoink mo ah.
ayan buti naman at bumalik ka na! hehehe namis ko post mo ah! wow ten 10 pounds in 1 week? ang galing nyan!
mukhang kailangan ko ring magbasketball ah!
prinsesa musang,
masarap talaga kapag active ka sa sports. kumbaga sa kotse eh laging tumatakbo ang makina at hindi ka kakalawangin.
konti pa, ilang linggo na lang ganap na akong tatay. di pa rin ako makapaniwala. hehehe. =D
panaderos,
thanks pards! mas masarap pa nga ang magtatakbo sa labas kaysa sa magstationary threadmill, nakakabato nga.
sa case kasi dito, sobrang lamig ng aircon sa gym kaya kapag nakapagpalabas ka na ng pawis, agad ding matutuyo. di tulad sa labas, tanggal lahat ng sebo sa katawan. hehehe.
kapag galing akong basketball, agad din akong nakakatulog kahit walang j-walking. pero kapag naaalimpungatan ako sa madaling araw at may morning glory, tuloy ang ligaya. anu ba yan. hahaha! =D
elizabeth,
tuloy na ang ligaya dont worry! hahaha! =D
di rin nga ako makapaniwala na 10 lbs na ang nabawas sa akin eh. pero yung 180 lbs ko pala eh yung bago ako umalis ng pinas, so 3 months ago na yun. hahaha!
ang laki laki na nga ng tiyan, kwento nga nya parang wala na raw paglalagyan. buti pa ang kangaroo may bulsa lalagyan ng anak. =D
prinsesa,
iba kasi ang basketball dito, parang pinaghalong basketball at sauna. hehehe.
tenchu!! =D
Off-topic ang comment ko.
ANG LAKI NA NG T'YAN NI INSAN-IN-LAW BACHOINKCHOINK!
Ako ang na-eexcite eh.
*LOLz*
hahah jwalking bago yan ah...at least may outdoor basketball ka na aside sa indoor na solo mo lang ginagawa...wahihihhi
sana makabuo na rin ako... hehehe
speaking of basketball, ang ganda ng hyperdunk ng nike.
masakit nga lang sa bulsa pero sulit sa gaan, at tibay. :)
insan GD,
oo nga dude, ang sarap himas-himasin sana. parang antigas tigas at ang kintab kintab. hehehe kaso pinagkaitan ako ng pagkakataon. sana abutan ko pa kahit kaunti. =D
islander,
at least kapag basketball outdoor, lahat ng parts ng katawan ang naeexercise. kapag puro indoor kasi kanang braso lang ang lumalaki.
hindi nga lang pwede magindoor pagkatapos magoutdoor, pulikat ang aabutin mo. =D
taps,
ayos, salamat sa info. balak ko na nga rin palitan ang rubber shoes kong nike na carter, sumasakit ang left ankle ko lagi.
yes, nagbabasketball ka pala..
nanonood ka ba ng PBA?
Ginebra. Ginebra. wahaha
winkii,
hindi ako nakakapanood ng nba dito, puro eat bulaga at paking dyesebel.
wow ardyey. buti ka pa pumayat! kainggit! ako forever yoyo.. papayat tataba.. nag aaya ako ng basketball dito sa amin.. walang may gusto.. lahat busy sa opis.. buti pa kayo jan may oras.. kainggit..
damdam,
yoyo amft! parang plastic balloon ba, minsan banat minsan kulubot. hehehe.
astig ikaw pang nagyayaya ng basketball, baka naman volleyball trip ng mga kasama mo. ahehhe. =D
magandang exercise yang basketball. Hindi ko na nga lang kaya eh. Buti ka pa. Tuloy mo lang yan.
tito rolly,
kaya nga ineenjoy ko na nang lubusan hanggang nasa peak pa ang katawan ko at mga binti. alam kong darating ang panahon na gustu ng isip, ayaw na ng katawan.
ayun
nagbball pala ang idol namin. paguwi mo laro tayo nila chie...
ala-nowitzki si chie, hanep sa three points! sa isang game sa liga, ang 3 point FG nya 9 of 8!!!
LV,
napalingon ako ulit sa stats para namalik-mata ako. hahaha! tirador pala si chie, ayos pala, magtitirahan kami. hehehe.
magpapractice muna ako ng husto dito bago ko labanan kayong mga bigaten. hehehe. =D
Post a Comment