Wednesday, August 6, 2008

usapang mainit

dahil masyadong exposed sa init ang mga nagtatrabaho sa isang construction facility dito sa qatar, nauuso na dito ngayon ang tuwaran tumbahan.

yes maybilabedbraderensister, you heard it right. usung-uso na dito ang torohan tumbahan.

last week, meron nang namatay sa gitna ng initan. hindi naman direktang init ang dahilan dahil nagkaroon daw ng heart stroke ang mama habang nagtatrabaho, pero pwedeng sabihin na heat related ang pangyayari. this week, dalawang beses nang nagbandera ng black flag ang management, meaning ay stop work ang mga nasa site dahil umaabot ng 60 deg celsius ang temperature. tatlo ang hinimatay noong sabado at onse naman kanina. tumbahan blues.

sobrang tindi na kasi ng humid at init dito, parang hininga na ng tao ang nilalanghap mo. pag lumalabas tuloy ako, laging lumalabo ang suot kong shades dahil sa moist na parang hiningahan ng bakulaw. lagi tuloy basang basa sa pawis ang mga trabahador pati na rin ang mga bisor. kung ipapakita nga sa tv, parang peke lang dahil parang binuhusan lang ng tubig ang epek. pero this is true to life.

tsk. ang hirap talaga kitain ng dolyar dito. pawis talaga.

* * *

speaking of hotness, bihira lang ako magka-crush sa mga negra or semi-negra, except syempre kay beyonce. yung tunay na beyonce ang tinutukoy ko ha, hindi yung kung sinu-sinong kabarkada nila chenelyn, chorvalou at cobralyn. type ko talaga ay mga babaeng mapuputi dahil naniniwala ako na opposite attracts.

pero kakapanood ko lang ng wnba kung kaya napaisip ako sa mga bagay bagay na negra or semi-negra, at eto ang ilan sa mga bihira na iyon:

candace parker, forward rookie sensation of the los angeles sparks



leilani mitchell, point guard of the new york liberty



sige na nga, isasama ko na rin ito kahit hindi siya negra. eat bulaga kasi ang huling napapanood ko sa tv sa gabi bago matulog. isa siyang eb-babe, kaya madel, itaktak mo na yaaan!

31 comments:

AZRAEL said...

syet, 60 degrees? hindi nga??? hala sobra init pala dyan.. dito sa oman ngayon nasa 30 lang dahil 2 days ng umuulan ng pakalat-kalat. pero minsan ko na ring naranasan mag-field ng around 40-45 degrees. suko ako ampft. hindi ako nakatagal, retreat!!! kawawa yung mga ibang lahi na ang trabaho eh sa construction at roadworks. maghapon nakababad ang mga yun, tapos ang liit pa ng sweldo

mahirap talaga kumita ng pera damn!

pero teka may nakalimutan kang ka-crush crush na negra.. si Hale Berry hehe.. MILF yun rawwwwr!

The Gasoline Dude said...

Ako, ang crazz kong Negra eh si Alicia Keys. Ganda ng mukha!

Hindi ko ata kilala 'yang Madel na 'yan ah. Me crazz din ako sa EB Babes, chinita na medyo chubby, kaso di ko alam pangalan. Hehe.

prinsesamusang said...

eh di maghubad na lang kayo para hindi na basa ng pawis ang inyong mga damet. lol. nasa malayo ka ba sa mommy ng iyong twins? alam mo ako ang naeexcite sa mga nakikita ko na may baby countdown widget eh! malapit na ang twins mo! konti na lang!

sommer said...

...syet! lukdet, 60 deg jan??ang init pala sobra. dito pinakamainit na ang 52, halos sumuko ako..dapat wala ng trabaho pag ganyan kasobra init.
...uuy, si rosario dawson din super maganda..kras ko sya *blush*
...ah so, sya pala si madel.=)

RJ said...

azrael,

oo pards umaabot ng 60 degrees...daw! hahaha yun lang ang report na nakakarating sa amin kaya nagdedeclare ng stop work sa field, tulad ngayon, stop work na naman.

ang narinig kong ginagawa ng ibang company sa ibang lugar eh 4am to 12pm ang patrabaho para pahinga na pagdating ng hapon. kawawa nga sila.

di ko nagustuhan si hale berry eh, medyo payat kasi yung kaseksihan nya. pero kung milf na milf na ko eh pwede na nga siguro. hahaha! =D

RJ said...

insan GD,

oo nga, balita ko nagconcert raw yata sya sa pilipinas di ba?

si eb babe joyce yata ang tinutukoy mo. shet alam na alam ko ah. hahahaha!

RJ said...

musang,

bawal ngang magtalop ng damit, kahit safety glasses at gloves for safety purposes. kaya dagdag pa sa tinitiis ng mga trabahador iyon.

nandito ako sa qatar at naiwan sa pinas ang mag-iina fyi. nadedepress nga ako kapag naiisip kong hindi ko man lang maalagaan physically ang bachoinkchoink ko. we cant have it all talaga.

RJ said...

sommer,

uu nuknukan ng init at humid nga dito. napapalibutan kasi ng dagat itong qatar. nagdedeclare naman ngayon lagi ng stop work pero hirap pa rin talaga magtrabaho dahil sa init ng simoy.

sige nga research ko nga si rosario dawson, baka bigla ako mapa-aba ginoong marya. hehehe. =D

The Gasoline Dude said...

Ni-google ko na! Si EB Babe Joyce nga! Woot woot!

Si EB Babe Lian maganda din, kaso mukhang nalaspag na ni Mark Herras. *LOLZ*

Asan na 'yung EB Babe na kamukha ni Cindy Kurleto?

Susmariano! Ang showbiz!

*LOLZ*

RJ said...

insan GD,

basta si madel lang ang napapansin ko, galing kasi sumayaw eh. hehehe.

oo nga masyado kang showbiz! baka kasali ka pa sa mga fan club fan club nila ha. hahaha! =D

Mari said...

eh si halle berry at vanessa williams? hotness din sila ha.

UtakMunggo said...

aba aba aba aba abaaa!

hindi ba naman ito binabasa ni mrs. ganda?

xXx

kawawa naman yung mga nagtatrabaho sa labas kapag ganyan ka-init. kahit siguro nasa shade eh parang bangus na piniprito pa rin ang balat..

jeck said...

i love madel!!! w00t!

sa wakas, nakapag-comment din. wuhooo!

RJ said...

mari,

hmmm. pwede na rin. although hindi ko gaano gusto si halle berry. ewan ko hindi ko lang type. hehehe.

RJ said...

UM,

nababasa ito ni bachoinkchoink minsan minsan, pero walang problema. open kami sa kahit anong bagay na paguusapan. thats what make my bachoinkchoink more adorable. hehehe.

kawawa nga, pero hindi pinipirito ang tamang description, inii-steam!

RJ said...

insan jeck,

hahaha! love mo rin pala si madel. ayos may kasama na ko! isa na lang bubuo na tayo ng fans club. hehehe =D

chroneicon said...

malapit na ang kambal!!! party na iteeech!!!

baka naman pagbalik mo dito kakulay mo na si ben wallace

Panaderos said...

Sobrang init talaga diyan pero magfo-focus ako sa mga bebot.

Type ko rin ang mapuputi sa babae pero hindi ko rin namang masasabi na moreno ako. May lahing intsik kasi kami e. :D

Pero sa mga negs, type ko rin si Beyonce, Tyra Banks, and Vanessa Williams. Hindi ko rin type si Halle Berry dahil hindi ako gaano nagagandahan sa kanya at hindi rin ako gaano nagagalingan sa pag-arte niya.

Ingat sa trabaho diyan. Ingat sa pagtuwad at baka masundot ka. Hehe :D

prinsesa000 said...

ang init init naman jan....
parang elnino na mas matindi pa...
wala kasi akong kras na negra hehe
mukhang nanonood ka lagi ng eat bulaga a!

Dakilang Islander said...

wahhhh...maluto na itlog mo nyan sa 60 degrees na init ah! heheh grabi di ko pa naranasan yun...

lei said...

mainit nga daw dyan.. sabi ng hipag kong nasa abu dhabi. yung husband ko malapit na din sumunod sa kanya..

ganun talaga, kailangan magsakripisyo para sa future ng pamilya.

cute nga yang si "madil", crush din yan ng asawa ko. hehe. pero mas cute ako dyan. hahaha.

add kita sa bloglist ko ha. thanks.

RJ said...

chrone,

malapit na nga. balita ko nga nagiinuman na ng amniotic fluids ang mga anak ko sa tyan ni bachoinkchoink ko eh. hehehe. =D

umitim na nga ako dito, meron na kong bakas ng shades sa mata. gaddamet!

RJ said...

panaderos,

yup, si tyra banks din panalo. pareho pala tayo ng mga tipo. hehehe. di na ko gaanong nakapagisip kasi ng mga egay dahil ang kakapanood ko lang kasi ay wnba. hehehe

karamihan kasi ng mga kilala kong babae, mas gusto daw nila ay mas maitim kaysa sa kanila. para nga naman litaw na litaw ang pagkababae nila di ba? hehehe.

RJ said...

prinsesa,

mainit talaga. hanggang mid september pa yata ito eh.

RJ said...

islander,

maluluto talaga itlog mo dito pards, parang steamed siomai. hehehe. =D

RJ said...

hi lei!

mag-OFW na rin pala ang mister mo. goodluck na lang. hirap talaga kumita ng pera para sa pamilya.

oo si madil, bisaya daw kasi. hahaha!

salamat! =D

neuroticsister said...

60 degrees? grabe naman yun! buti wala pang dinudugo sa inyo jn? hirap talaga kumita ng pera... anyway, drink plenty of water (mga 3 galon!) hahaha para hindi maubos sa kakapawis... at wag masyado magkape, kasi lalo mauubos ang tubig sa katawan... at higit sa lahat, dalasan ang paliligo! lol

RJ said...

neurotic sister,

i stand to be corrected. yung 60degrees pala ay humidex value, not temperature alone.

sayang ang tubig pampaligo, inumin na lang sana. hahaha! joke lang. =D

watusiboy said...

wow, ang init a. mahilig ka pala sa mga babaeng basketbolista. heheh. yung mga ganyang tipo,di dapat naheheart break kasi kaya nilang mambugbog. haha.

RJ said...

watusiboy,

nyahaha! hindi naman, nataon lang na nakapanood ako ng WNBA kaya ko sila nabanggit. =D di ko type ang macho. hahaha!

Lyzius said...

oi me bago ng balita...makichismis ka na dun