Friday, August 15, 2008

oh girl!

is there anybody going to listen to my story, all about a girl who came to stay?

matapos ang ilang buwan na hindi ako patulugin sa curiosity ng pangalawa kong kuting na mahiyain, confirmed! it’s a baby girl! kumpleto na ang barkada ko, meron na kaming magiging daboy and dagirl!


kanina ay ang pangatlong scheduled checkup (20th week) ni tabachoinkchoink ko sa doktor at sinilip ulit ang dalawa sa loob ng tiyan para tignan kung okey lang ba ang buhay buhay nila sa looban. sumama si daddy at mommy ko para may special participation ang mga lolo’t lola na excited na rin sa kanilang unang apo.

mas malaki daw talaga si dagirl and she weighs around 0.344gms samantalang ang kapatid naman nya ay mas mababa ng kaunti ang weight division, 0.300gms si daboy.

pasag daw ng pasag at mas aggressive si big sister. huling huli pa nga ng 'bitag extreme' ang kolokoy na hine-headbutt ang kanyang mahal na kapatid. hindi na ako magtataka kung paglabas nila eh makita kong may bukol, pasa at kalmot itong si daboy. hehehe.

nauna na namin nalaman na boy ang isa sa kanila, kaya hiling talaga namin na sana girl naman yung isa. although gusto ko magkaroon ng baby boy dahil masarap itong makalaro ng mga larong pang-barako, i think one is enough. masarap din magkaroon ng baby girl dahil masarap silang maglambing at magpacute. gustu ko din magkaroon kami ng isang daddy’s girl.

ngayong confirmed na ang identity ng dalawa, makakapag-isip na rin kami ng malinaw sa wakas tungkol sa ibibigay naming pangalan sa kanila. mahirap din pala magpangalan lalo kapag hindi mo pa alam kung boy-boy or boy-girl ang magiging anak mo. dapat kasi maging bagay o angkop ang itatawag sa kanila. kumbaga, dapat relevant at may meaning kahit papano ang maging pangalan nila, hindi iyong kahit ano na lang na mapagtripan. baka sa future eh mabasa ng mga anak ko ang pangalan nila sa mga listahan ni coldman. inangkupo! hehehe.

salamat po.

Wednesday, August 13, 2008

don't lie to me

kapag meron nangta-tag sa akin para gumawa ng kahit na ano, pakiramdam ko eh para akong nahihipuan nata-touched. naisip ka kasi nila nung mga time na yon (bukod sa nautusan kang magsasagot ng kung ano ano, hehehe). nai-tag ako ng kumare kong itatago natin sa alyas na utak munggo, and here it goes:

* * *

Here’s the rule..

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go to, over and over:

dito sa qatar, parang putol ang kaligayahan ko dahil wala naman ibang mapuntahan kundi trabaho. kapag wala naman pasok, wala ako sa mood magexplore kapag ako lang mag-isa at hindi kasama si bachoinkchoink ko. isa pa, mainit kaya i'd rather stay in my room at magjack-en-poy holiholihoy.

* work / job site
* camp / recreational area (internet, billiards, beer)
* doha city center, para maiba naman kapag day-off paminsan minsan.
* repeat and repeat hanggang makauwi ng pilipinas.

2. Four people who e-mail me regularly:

* mga dating katrabaho na nagfoforward ng kung ano ano
* mga katrabaho ngayon na nagfoforward ng kung ano ano basta mahahalay
* si lina jobstreet
* si penis enlarger sales agent

3. Four of my favorite places to eat:

* ineng’s chicken inasal, with suka na kasing kulay ng diesel
* dampa sa macapagal ave
* glutton's bay sa singapore
* mcdo, anywhere

4. Four places i’d rather be:

* kahit saan basta kasama ang bachoinkchoink ko with the kutings
* kahit saang lugar basta't maiiyak ako sa kakatawa. gusto kong umiyak sa kakatawa.
* beijing, at manood ng USA basketball
* tumira sa bansa na maayos ang sistema, at bansa na ang pangalan ay hindi pilipinas

5. Four TV shows I could watch over and over:

* prison break
* nba games
* movies: kung pow / white chicks
* porno porno

6. Four people I think will respond:

* prinsesa
* prinsesa musang
* panaderos
* wei

Saturday, August 9, 2008

ang pakwan



tatlong buwan sa gitnang silangan
tatlong buwan din walang kuwan
ikaw, gusto mo ba "pakwan"
gusto ko talaga "pakwan"

Wednesday, August 6, 2008

usapang mainit

dahil masyadong exposed sa init ang mga nagtatrabaho sa isang construction facility dito sa qatar, nauuso na dito ngayon ang tuwaran tumbahan.

yes maybilabedbraderensister, you heard it right. usung-uso na dito ang torohan tumbahan.

last week, meron nang namatay sa gitna ng initan. hindi naman direktang init ang dahilan dahil nagkaroon daw ng heart stroke ang mama habang nagtatrabaho, pero pwedeng sabihin na heat related ang pangyayari. this week, dalawang beses nang nagbandera ng black flag ang management, meaning ay stop work ang mga nasa site dahil umaabot ng 60 deg celsius ang temperature. tatlo ang hinimatay noong sabado at onse naman kanina. tumbahan blues.

sobrang tindi na kasi ng humid at init dito, parang hininga na ng tao ang nilalanghap mo. pag lumalabas tuloy ako, laging lumalabo ang suot kong shades dahil sa moist na parang hiningahan ng bakulaw. lagi tuloy basang basa sa pawis ang mga trabahador pati na rin ang mga bisor. kung ipapakita nga sa tv, parang peke lang dahil parang binuhusan lang ng tubig ang epek. pero this is true to life.

tsk. ang hirap talaga kitain ng dolyar dito. pawis talaga.

* * *

speaking of hotness, bihira lang ako magka-crush sa mga negra or semi-negra, except syempre kay beyonce. yung tunay na beyonce ang tinutukoy ko ha, hindi yung kung sinu-sinong kabarkada nila chenelyn, chorvalou at cobralyn. type ko talaga ay mga babaeng mapuputi dahil naniniwala ako na opposite attracts.

pero kakapanood ko lang ng wnba kung kaya napaisip ako sa mga bagay bagay na negra or semi-negra, at eto ang ilan sa mga bihira na iyon:

candace parker, forward rookie sensation of the los angeles sparks



leilani mitchell, point guard of the new york liberty



sige na nga, isasama ko na rin ito kahit hindi siya negra. eat bulaga kasi ang huling napapanood ko sa tv sa gabi bago matulog. isa siyang eb-babe, kaya madel, itaktak mo na yaaan!

Saturday, August 2, 2008

golden pacman

medyo matagal ko nang nalaro ang fight night round 3 sa psp at nasubukan ko na din pagboksingin si pacman at golden boy. 5’6” featherweight (130 lbs) vs. 5’10” welterweight (147 lbs)? wala lang trip lang. para may challenge naman. lagi na lang kasi ako panalo kapag computer ang kalaban. ang resulta ng boxing match, nanalo ako gamit si pacman sa best of seven series sa score na 4-3.

pero dahil mukhang malapit na sa katotohanan na mangyari ang paglalaban ni pacman at ni golden boy sa totoong buhay, naisipan kong laruin ulit ang fight night round 3 sa aking psp. once and for all, this is it, no holds barred, walang rematch rematch.

kayang saktan ni pacman si dela hoya sa pamamagitan ng mga jab at hook sa tagiliran, kaliwa’t kanan. in and out style. right jab sa mukha, left haymaker sa katawan at hook naman sa kanan sabay ilag pabalik. kaso lang, hindi pwedeng hindi tatamaan si pacman lalo kapag napa-parry ni dela hoya ang mga suntok. babawi ito ng malalakas na hook sa mukha.

umabot ng round 11. basag na basag na ang mukha ni pacman. hingal kabayo na, pero poging pogi at malakas pa ang stamina ni dela hoya. pero kahit sino pwede nang bumagsak kung tatamaan ng matindi-tindi. nang biglang saluhin ng ulo ni pacman ang isang matinding left uppercut na pinakawalan ni dela hoya , tumigil ang laro.



pinutol ng siraulong referree ang laban. hindi na raw kayang ipagpatuloy ni pacman ang boxing sa dami ng pasa at sugat sa mukha. hindi malayong mangyari sa totoong buhay.



poor pacman, rich pacman. 20 million dollars in the bank! kaching kaching!

Sunday, July 27, 2008

parang kailan lang...

nitong nagdaang mga araw, lalo akong naiinip sa dalawa kong kuting. sila kasi ang mga unang anak namin ni bachoinkchoink at mga unang apo ni daddy at mommy. naglalaro na ang isip ko kung pano ko sila kakargahin at paliliguan at papalitan ng mga lampin. umaabot na rin ang imagination ko kung paano at saan kami maglalaro, kung saan kami mamamasyal at kung anu ano pa.



napapa-isip tuloy ako tungkol sa buhay buhay. sobrang nabibilisan kasi ako sa panahon. parang kailan lang kasi nung ako palang ang 'baby' ng mommy ko. meron akong natatandaang mga scenario ng mga pangyayari nung bata pa ko na sariwang sariwa pa rin na parang ilang araw o buwan pa lang ang nakakalipas.

1. paborito kong ulam noon ay tocino. hindi pa ako makalunok ng karne ng baboy noon kaya si mommy ang kumakain ng laman at ibinibigay nya sa akin ang taba. nasa bilugan kaming lamesa namin noon. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.

2. 3 years old ako noon at kapag sabado, sinasama ako ng mommy ko sa office nya sa may mabini. kabisado ko pa ang linya ng LRT mula monumento at pedro gil. gustung-gusto ko sasama dahil bukod sa nakakapaglaro ako ng computer game sa office, nakikita ko pa ang anak ng officemate ni mommy na mas matanda di hamak sa akin na crush ko. musmus pa lang, may halay na. tandang tanda ko pa ang mga araw na yon, parang kailan lang.



3. nung una akong matae sa brip nung kinder sa school, sobrang lamig ng pawis ko at sobrang nerbyos sa kahihiyan. ang ginawa ko, sumilip-silip ako sa ilalim ng mesa na kunwari may naaamoy ako na mabaho. sabay turo at sigaw ng malakas sa katabi kong si emmanuel ng "AMBAHO! MAY TUMAE!". siya tuloy ang napagbintangan at napagtawanan hanggang uwian. paguwi sa bahay, galit na galit ang yaya kong si lola rosa at ako ang pilit pinaglaba ng brip kong puno ng ipot. syempre di pa ko marunong maglaba non. tandang tanda ko pa ang eksena na yon, parang kailan lang.

4. isang mainit na hapon sa graduation day nung kinder, pagka-akyat sa stage, inabot ni mrs. llenado (principal) ang kamay nya sakin. imbis na shake hands, nagmano ako. parang kailan lang.

5. tuwing kasagsagan ng init ng hapon, paborito naming past time noon ng mga kalaro ko ang manghuli ng tutubi, manghuli ng gurame at butete, at maglaro ng apoy sa basurahan (at iyan ang mga dahilan ng pagkakaroon ng lalaking nognog). tumatambay din kami sa itaas ng puno ng aratilis para magkuwentuhan ng kung anu-ano basta tungkol kay pedro at juan. tandang tanda ko pa ang mga alaala na yon, parang kailan lang.

6. nung magkasunod na ipinanganak ang dalawa ko pang kapatid, hindi ako nagselos katulad nung sa commercial ng mcdo. tuwang tuwa ako sa kanila dahil ang cucute nilang dalawa noon (hindi na ngayon. hehehe joke lang). ang liliit pa nila noon, at nauuto ko pa lagi. kapag nag-aaway, sila lagi ang magkakampi. i miss those days, parang kailan lang.



madami pa akong masasayang memory nung kabataan ko na kung iisipin ay parang kailan lang. parang masarap balikan ang ganung panahon na sa tingin ng bata, napakasimple lang ng mundo. quarter-life crisis yata ang tawag dito. naiisip ko kasi ang pakiramdam tungkol sa mundo ng mga kuting ko paglabas nila. kung ano-anong first times ang mararanasan nila na napagdaanan ko na din. sana maranasan din nila ang mga naranasan ko, childhood well spent, parang ganon.

Wednesday, July 23, 2008

fixing a bed

hindi ako mahilig magligpit ng pinag-higaan sa kama. hindi ko kasi makita ang logic kung bakit kailangan ang pagliligpit ng mga kumot at bedsheet pagka-gising kung sa gabi naman ay magugulo rin ito ulit.

hindi rin naman ito katulad ng sala o kusina, dahil madaming tao ang makakakita kung malinis o madumi ang iyong bahay. maraming paroo't parito kaya para safe din ang iyong bahay lalo sa sunog, dapat i-maintain ang good housekeeping. pero sa kama sa kwarto, wala naman ibang papasok kundi ikaw. wala rin naman ibang mahihiga kundi ikaw din. mas masasarapan pa nga ako matulog kapag magulo ang kama.

hindi ko naman binibigyan ng dahilan ang pagiging tamad ko kung minsan, pero nakakatamad naman talaga gawin ang isang bagay na hindi mo nalalaman ang dahilan kung bakit mo siya kailangan gawin.

bigla ko tuloy naalala si kuya sa pinoy big brother (na ubod ng bagal magsalita, lalo kapag nagpapalusot) na nagsabi ng ganito:

"hindi ba't... mas masaya... kapag... ginagawa natin... ang isang bagay... na... hindi natin nalalaman... ang dahilan..."

mali si kuya. kaya nga tayo ginaganahan ay dahil alam natin ang dahilan at pinaglalaanan ng ating ginagawa. pero alam ko namang nagpapalusot lang itong si kuya kapag napipikon na ang mga pinagtitripan nya sa bahay nya kaya pinapatawad ko na siya.



iyan ang nasa isip ko kanina. kanina lang, mga 15 minutes ago.

sa tingin ko okey lang naman kung hindi ako nagliligpit ng hinigaan ko noon dahil binata pa ako at ako pa lang naman mag-isa sa kwartong natutulog. pero hindi na ngayon (okey, hindi pa ngayon dahil nasa abroad nga ako at paguwi pa sa pilipinas ako magkakaron ng kasama matulog).

ngayong may asawa na ko, dapat bigyan din ng respeto si bachoinkchoink kaya dapat panatiliing maayos at nakaligpit ang kama pagkatapos gamitin sa mixed martial arts magdamag. iba pa rin kasi ang maayos ang kwarto, malinis at maaliwalas. nakaka-stress din kapag nakikitang magulo ang paligid.

kaya mula ngayon, hindi na ko kailangang sabihan sa umaga ni bachoinkchoink ng...

"hoy lumarga ka na naman magligpit ka muna ng higaan mo hoy!"