Tuesday, November 16, 2010

13 reasons

13 reasons kung bakit mas gusto ko manood ng boxing kapag foreign commentators ang telecast particularly HBO. galing ito sa TFC pay per view telecast ng pacquiao-margarito fight:

1. tolentino: "at eto po, an estimated crowd of 70,000 people dito po sa cowboy stadium, arlington, texas. yes, texas, dahil dalawang panabong po na slugger ang ihahatid sa inyo."

2.tolentino: "sa daming titulo ni manny pacquiao iisipin mo, beauty queen. hindi po, boxing king."

3. tolentino: "yung mga suntok ni manny hindi mo alam kung saan nanggagaling eh! luzon, visayas, mindanao!" (wowowee!)

4. tolentino: "the tijuana tornado is about to exit the philippine area of responsibility!" (meganon?!)

5. tolentino: "and look at the way he pivot away from any resbak punches ni margarito!"

6. tolentino: "ang lupet ano po? hindi ng round girl ha, kundi ng ipinapakita ni manny pacquiao!"

7. tolentino: "eto ang sinasabi ko na peso-dollar ang palitan! ano ba ngayon? 42 is to 1? 43 is to 1?" (referring to the volume of punches of pacquiao to margarito)

8. tolentino: "at pati cameraman nahihilo na rin sa dami ng suntok ni manny pacquiao!"

9. nathaniels: "congressmansaludoakosayo!!!"

10. tolentino: "ang reperi! wala pa rin! dedma pa rin!"
nathaniels: "anobayan?!" (tonong bading)
tolentino: "eh double dead na! botcha na si margarito eh!" (botcha amft)

11. tolentino: "ano bang gusto ng reperi?! mabulag si margarito?!"

12. tolentino: "mga kababayan, eto po. walang personalan! buntalan lang!"

13. tolentino: "triple B! battered! bruised! bugbug!" (bwakanginang korni)

11 comments:

Chingoy said...

buti na lang live streaming ako nanuod, hehehe

pero sinundan ko pa rin sa gma. hayun, namaga ang mata ko sa ads. peste!

p0kw4ng said...

ahahahaha buti na lang sa maliit na screen lang ako ng pc nanonood...yung may buffering,ahahaha!

Maldito said...

sino ba yang tolentino na yan nang maturuan ng leksyon.ahahaha.joke

beero said...

hahaha. parang adik lang ang commentator eh. LOL

beero said...

hahaha. parang adik lang ang commentator eh. LOL

Artiemous said...

hahahah eto pinaka panalo sa lahat "yung mga suntok ni manny hindi mo alam kung saan nanggagaling eh! luzon, visayas, mindanao!"

gasti said...

panalo sakin yung botcha! haha! double dead amputs!

pinanood ko pa to sa sinehan eh atleast mga HBO crew ang commentator.

nielz said...

Hi! I've enjoyed reading your posts.. Nakakatuwa at nakaka relate ako. Xlinks tayo. :D

Panaderos said...

Sangayon ako sa iyo. Ang sama nga ng hirit ng commentator na iyan. Bakyang-bakya.

Merry Christmas to you and your dear family, Pards. May the new year continue to bring you more blessings and happiness. Ingat!

Traveliztera said...

hahahha iba talaga pag pinoy e noh hahaha quotable wits! hahaha

RJ said...

happy new year to all!