Saturday, December 27, 2008

ang tatay kong adik

birthday ngayon ng daddy at 51 years old na siya pero matikas pa rin. paano ba naman kasi, adik na adik sa paglalaro ng tennis. derecho sa court pagkagising ng alas-singko y medya ng umaga. kung saan saan pa ngang subdivision nakakarating para iba-iba ng nakakalaro. kaya tuloy kapag namimili kami sa mall, paborito nyang puntahan ang sports shop at nagtitingin tingin ng mga accesories nya sa paglalaro. natatawa pa nga ako dahil minsan ko siyang naabutan na nanonood ng prince of tennis, cartoon sa QTV channel 11 na tungkol pa rin sa tennis.

buti na nga lang sa sports naadik ang daddy kaya maayos pa ang katawan nya ngayon at walang sakit. laging kasing batak at pinagpapawisan. kaysa nasa bahay lang na nakaupo at painom inom.

pero kahit anong gawin ay mahirap kalaban ang edad. kahit anong gawing pagtatambling ni vicky belo eh pupusta akong hindi nya kayang solusyunan ang mukha ni madam auring. nitong nakaraang buwan kasi eh nagkaroon ng pamamaga ang tuhod ng daddy. nagpa-MRI pero salamat naman at negative daw sa ACL tears, sakit sa joints ng tuhod dahil gasgas na ang cushion. ito pa naman ang kadalasang injury ng mga superstar sa sports, sayang at sikat na sana.

kaya pinaghihinay-hinay na siya sa paglalaro at hindi na todohan tulad ng dati. gusto pa ng isip, nagrereklamo na ang katawan. kumbaga sa sex, malibog pa pero lambot titi na.

sana bago siya magretire sa tennis eh makapagshowdown muna kami. hindi pa kasi ako marunong magtennis saka kapag nasa bakasyon ako pilipinas, hindi ko kayang gumising ng alas-singko y medya.

happy birthday dad!

Friday, December 19, 2008

Wednesday, December 17, 2008

extreme! extreme! magic sing!

ngayong araw na ito ang 30th birthday ng idol nating lahat. ang mala-lollipop (payat pero malaki ang ulo), jologs-looking (kulay manok panabong at hati ang buhok) na boksingero noong 90's pero poging pogi na ngayon, ang mas nakatatandang anak ni aling dionisia at kapatid ni bobby da "blow-blow" man, champion in four weight divisions, ang reigning wbc lightweight champion at world's number one pound for pound boxer of the world, si emmanuel dapidran pacquiao.

wala naman talagang sikreto sa tagumpay na tinatamasa ng pambansang kamao. si freddie roach na mismo ang nagsabi na ang attitude sa training ni pacman ang kaibahan nya sa ibang boksingero. work etits etits grrrr... etits (hinga malalim) ethics ang totoong nakakabilib kay pacman. talagang makikita mo sa trainings nya kung paano siya kadedicated kahit maraming distractions at linta ang nakapaligid sa kanya. read mga pulitiko.

masasabi kong swerte ang generation natin na ito dahil sa lumitaw sa panahon natin ang once-a-generation kind of boxer sa pilipinas. inaamin kong hindi ako mahilig sa boxing dati. pero nang mapanood kong makipagbugbugan ang batang taga-gensan laban kay chatchai sasakul noong 1999, bigla akong nagka-interes sa boxing. ganon ang impluwensiya nya. parang si michael jordan sa states, parang beatles sa england. parang april boys, phenomenal.


* * *


medyo mali ang prediction ko noon. medyo lang dahil meron naman talagang nabugbog ng husto at umayaw sa boksing. mali dahil hindi iyon si pacman. si golden boy ang nabugbog at si pacman ang umuwing poging-pogi at walang kagalos-galos sa mukha.

sa totoo lang, paulit-ulit kong pinagpraktisan si golden boy sa fight night sa psp. mahirap naman talaga dahil maliit si pacman, pero pagtagal ay nahuli ko din ang laro niya. nakakatuwa lang dahil ganon na ganon ang ginawa ni pacman sa actual na laban. 5-punch combinations sa katawan at mukha, in and out. kaya kapag babanat na ng suntok si manong oscar, nakalayo at naka-ilag na si manong manny. at ang isa pang nakakatuwa, sa maniwala kayo't sa hindi, although napapabagsak ko na si oscar sa earlier rounds, 8 rounds ang pinakamabilis ko para mapasuko si golden boy. parehong pareho sa totoong buhay.

ngayon naman, dahil si ricky "hitman" hatton ang napipisil na susunod na makalaban ni pacman, siya naman ang pinagpa-praktisan ko. pero hindi katulad ni oscar, mas madaling kalabanin itong si hatton. mas maliit pero mas bulky ang katawan. sugod din ng sugod kaya swak na swak ito sa style ni pacman. ang hula ko eh puro right hook at left straight powershots ang sasaluhin ng mukha nitong si hatton. napapatulog ko si hatton sa fight night ng round 3 lang. malamang ganon din sa totoong buhay. ngayon palang magiipon na ko ng pamusta. buti na lang nasa lupain ng mga bitoy si mareng bechay na pwedeng maging taga-kubra sa mga pupustang mga bitoy sa manok nila (may porsyento ka 'day).

dapat ngayon pa lang, kunin nang trainer ni hatton si george bush. para maturuan siya ng magaling na pag-ilag kung ayaw nyang lamunin ng buong buo ang mga malulutong na hambalos ni marvelous manny.



sabi nga ni larry merchant patungkol sa panggu-gulpi ni pacman kay golden boy last week: "death by a thousand left hands"


* * *


sa dalawang sunod na pagkakataon, may lumubog na naman sasakyang pangdagat sa pilipinas pagkatapos lumaban ng boksing ni pacman. barko noong june at malaking bangka naman ngayong disyembre.

madami na naman ang namatay kaya't hindi lang gasolina ang magro-rollback, pati presyo ng isda babagsak din.

Saturday, December 13, 2008

asian tour

kakatapos lang ng week-long trip sa hongkong at vietnam ni bachoinkchoink kasama ang kakambal nyang si leo. nagkatuwaan kasi ang magkapatid na magliwaliw muna saglit para naman bago matapos ang traumatic na taon na ito ay meron naman silang bonding moment.


heto ang aking poging bayaw at magandang asawa. sa unang tingin, mapagkakamalan mo pa silang mag-syota lang kung hindi mo sila kakilala.. buti nga rin at hindi sila identical at hindi ako malilito kung sino ang asawa ko sa kanila.

mag-isa munang pumunta ang asawa ko sa hongkong para i-meet ang kapatid nyang doon nagtatrabaho at sabay silang nagtour sa vietnam. at dumaan ulit sa hongkong nung pauwi na.

wala rin akong alam kung anong magandang meron sa vietnam. ang naiimagine ko lang na itsura ng vietnam eh puro palayan at mga singkit na taong merong suot na salakot. yung scene doon sa rambo 4 na pinapasabog ng mga NPA ang mga magsasaka. at kung hindi sa china at taiwan, dito rin ginagawa karamihan ng mga rubber shoes na ibinebenta sa pinas.

bisitahin nyo na lang ulit sa isang araw ang site ni bachoinkchoink para sa kumpletong kwentong vietnam. sa isang araw pa ha, sa lunes, hindi pa daw kasi niya tapos ang nobela. binigyan ko na siya ng deadline para tapusin. nauna lang muna ang advertisement. hehehe.


si carol... si bachoinkchoink sa totoong buhay, in vietnam.

Tuesday, December 9, 2008

2007 - year of sakhalin island

napaka-ideal sana ng sitwasyon kung magkasama kaming nagtatrabaho dito sa abroad ng maganda kong asawa. walang homesick, walang inip, mas malaki ang ipon. parang last year lang, magkasama kaming nagtrabaho sa maliit na isla ng russia, ang sakhalin island.

nauna sakin si bachoinkchoink ng tatlong buwan pumunta sa sakhalin bago ako sumunod sa kanya on the new year's eve of 2007. nakaka-senti din dahil sino ba namang hindi, sarap mag-ihaw at makipag-inuman habang nanonood ng mga nagpapaputok sa labas at sa dvd. naalala ko pa noon, 12 midnight pa talaga ang flight ko kaya't habang naghihintay ako ng pagpasok sa gate, kitang kita ang mga paputok kahit sa malayo, para lang sa poster ng meteor garden na nakatingin sila sa langit habang nakaupo. pagkaangat ang eroplano ay kitang kita ko ang mga paputok na umaangat sa himpapawid galing sa mga bahay-bahay. pero hindi ko nakikita siyempre ang mga nagpapaputok dahil sobrang layo na nung eroplano siyempre.

pero mas nanaig pa rin sakin ang excitement dahil gusto ko na rin makita at makasama ulit si bachoinkchoink, na first time magpasko at bagong taon sa labas ng pilipinas. excited din dahil first time kong makakaranas ng isnow at doon mayaman ang bansang russia. umaabot ang temperature ng -25 celcius sa umaga kapag winter. pag bagong ligo at naglakad nga kami ni bachoinkchoink sa labas eh biglang namumuti at naninigas ang buhok nya. mukha lang talagang masarap ang snow, pero kapag ihip ng hangin, parang makapunit hymen balat ang lamig. ang hirap din huminga.

sa totoo lang, walang kabuhay-buhay ang buhay sa isla. oil and gas plant kasi ang ginagawa namin, kaya talagang sa remote na lugar ang dapat na location. dati rin ginawang tapunan ng mga kriminal at mga sanggano ng mainland russia ang sakhalin island kaya ang mga buildings at structures sa city ay parang pinagdaanan ng giyera.

hindi rin tourist friendly ang lugar. halos walang mga english translation magmula sa kalye hanggang sa karamihan sa mga menu ng mga restaurants. halos hindi rin marurunong mag-english karamihan ng mga local. naaalala ko pa nga nung kakain sana kami ni bachoinkchoink, hindi namin maintindihan ang nasa menu dahil russian characters ang nakasulat. tinatanong din namin ang waitress pero 'no english' din sila. nagturo na lang kami kung ano ang mapag-tripan namin. para kaming mga musmos na hindi marunong bumasa at walang kaalam-alam sa mundo.

kaya nga buti na lang at pinagkaloob na magkasama kaming dalawa sa lugar na yon. kung siya lang o ako lang mag-isa ang nandoon, nakaka-buang siguro. masarap kapag kasama mo ang asawa mo sa ibang bansa. parang hindi mo ramdam na nagtatrabaho ka pala. kahit araw-araw ay trabaho-bahay lang ang routine walang pagka-bato at pagka-bagot. para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan at namamasyal-masyal at pagkatapos ay pareho kayong makakatanggap ng payslip na mas malaki di-hamak kumpara sa pilipinas. parang YEMEN - Yugyugan Every Morning Every Night. december last year nung sabay kaming umalis doon.

at ngayong disyembre, wala kaming magawa kundi ang magtiis-tiis muna. hindi naman kami nasa ganitong setup habang buhay. alam naming darating ulit ang pagkakataon na magkakasama ulit kaming magtrabaho sa isang lugar at sa pwedeng makapagsimula ng pamilya. kaya dito sa qatar kapag tumatama ang homesick, nasa aking mga kamay lang ang kasagutan.

malayo na naman kami sa isa't isa, wala akong magagawa but to think at a positive sides of things kaysa magmukmok. kahit papano, meron pa ring masasabing advantages. tuwing umuuwi kasi ako, nararamdaman ko ulit ang tamis unang halik namin ni bachoinkchoink nung nireyp sinagot nya ako noong 2005. sabi nga ni drew barrymore sa 50 first dates, "nothing beats the first kiss". tuwing umuuwi ako, parang first time ulit naming nagho-honeymoon.

* * *


kakanta na lang muna ako dito sa ngayon...

"ang disyembre ko ay malungkot
pagka't miss kita
anumang pilit kong magsaya
miss kita, kung krismas..."

Thursday, December 4, 2008

ang kasabay ng kape at monay sa umaga

sa mga katulad kong walang ginawa kundi ang magbilang ng oras at araw sa maghapon, malaking bagay ang makahanap ng mapaglilibangan sa araw araw. kumbaga sa mga misis at lola (at pati na rin mga mister) sa pilipinas, katumbas ito ng pagsubaybay sa mga kapanapanabik na mga telenobela tuwing hapon at gabi.

bukod sa email at sa blog ko, dito ako lagi nagbabasa ng balita pagdating ng opisina:

1. nba results/opinions dito at dito. para kasing telonobela ng totoong buhay ang araw araw na nangyayari sa isang season ng nba. may nananalo, natatalo, trades, nai-injured, highlight plays etc etc.

2. pacland, where pacman fans around the globe congregate. dito mababasa lahat ng balita at updates sa buhay ng idol nating si manny pacquiao. news sa trainings, next bouts, boxer's info, transactions at mga forums meron dito. pati na rin kung ano ang inulam ni pacman habang nasa training, pati kung ano ang tatak at kulay ng suot nyang brief ay nababalita dito.



sobrang atat na atat na nga ako dahil 3 tulog na lang ay bakbakan na naman. nabasa ko na lahat ng balita, tsismis at mga sabi sabi patungkol sa dream match. naikasa ko na nga ang QR200 kong pamusta. kay pacman pa rin ako siyempre kahit sinasabi nilang dehado. mas masarap kasing manood ng boxing kung may pustahan, pampadagdag libog ba.

note: hindi na ko nagbabasa sa internet ng balita tungkol sa ating bayang minamahal. nauumay akong makibalita lalo kung tungkol sa mga kakurakutan at anomalya ng mga pulitiko lang din ang masasagap ko. pagtaas lang ng dollar ang tinitignan ko.