wala naman talagang sikreto sa tagumpay na tinatamasa ng pambansang kamao. si freddie roach na mismo ang nagsabi na ang attitude sa training ni pacman ang kaibahan nya sa ibang boksingero. work
masasabi kong swerte ang generation natin na ito dahil sa lumitaw sa panahon natin ang once-a-generation kind of boxer sa pilipinas. inaamin kong hindi ako mahilig sa boxing dati. pero nang mapanood kong makipagbugbugan ang batang taga-gensan laban kay chatchai sasakul noong 1999, bigla akong nagka-interes sa boxing. ganon ang impluwensiya nya. parang si michael jordan sa states, parang beatles sa england. parang april boys, phenomenal.
medyo mali ang prediction ko noon. medyo lang dahil meron naman talagang nabugbog ng husto at umayaw sa boksing. mali dahil hindi iyon si pacman. si golden boy ang nabugbog at si pacman ang umuwing poging-pogi at walang kagalos-galos sa mukha.
sa totoo lang, paulit-ulit kong pinagpraktisan si golden boy sa fight night sa psp. mahirap naman talaga dahil maliit si pacman, pero pagtagal ay nahuli ko din ang laro niya. nakakatuwa lang dahil ganon na ganon ang ginawa ni pacman sa actual na laban. 5-punch combinations sa katawan at mukha, in and out. kaya kapag babanat na ng suntok si manong oscar, nakalayo at naka-ilag na si manong manny. at ang isa pang nakakatuwa, sa maniwala kayo't sa hindi, although napapabagsak ko na si oscar sa earlier rounds, 8 rounds ang pinakamabilis ko para mapasuko si golden boy. parehong pareho sa totoong buhay.
ngayon naman, dahil si ricky "hitman" hatton ang napipisil na susunod na makalaban ni pacman, siya naman ang pinagpa-praktisan ko. pero hindi katulad ni oscar, mas madaling kalabanin itong si hatton. mas maliit pero mas bulky ang katawan. sugod din ng sugod kaya swak na swak ito sa style ni pacman. ang hula ko eh puro right hook at left straight powershots ang sasaluhin ng mukha nitong si hatton. napapatulog ko si hatton sa fight night ng round 3 lang. malamang ganon din sa totoong buhay. ngayon palang magiipon na ko ng pamusta. buti na lang nasa lupain ng mga bitoy si mareng bechay na pwedeng maging taga-kubra sa mga pupustang mga bitoy sa manok nila (may porsyento ka 'day).
dapat ngayon pa lang, kunin nang trainer ni hatton si george bush. para maturuan siya ng magaling na pag-ilag kung ayaw nyang lamunin ng buong buo ang mga malulutong na hambalos ni marvelous manny.
sabi nga ni larry merchant patungkol sa panggu-gulpi ni pacman kay golden boy last week: "death by a thousand left hands"
sa dalawang sunod na pagkakataon, may lumubog na naman sasakyang pangdagat sa pilipinas pagkatapos lumaban ng boksing ni pacman. barko noong june at malaking bangka naman ngayong disyembre.
madami na naman ang namatay kaya't hindi lang gasolina ang magro-rollback, pati presyo ng isda babagsak din.
10 comments:
dude magpalit ka na ng karir kung ganon...mag boksingero ka na din..pusta ako sayo...lupa ng kapitbahay namin!
Napapadami ata ang post mo tungkol kay Pacquiao. Nagiging kamukha mo na tuloy siya.
JOWK! Hehe. = P
sayang nga di ako lumaban ng pustahan laki sana ng mapalunan ko...
pero paano na yan may balak pala tatakbo ng senador ang pambansang kamao natin...
tama dapat kunin ni Haton si Bush para maging coach.. haha
natuwa ako sa bday ni pacman.. nakagown si Aling Dionisa nung gown tulad nu Belle ng beauty and the beast yun nga lang kulay pink.. bwahahaha. debutante
@pokwang: dati ko pa pinagiisipan magpalit ng career. kaso mahirap talaga lumayo sa industriya ng showbusiness. hehehe. =D
@insan gasul: ganun talaga kami, lapitin ng mga tsiks gaya ni ara mina. wachechepacheche! =D
@islander: sayang, kung noon mo pa mga 2003 sinimulang makipagpustahan eh malamang umangat na rin ang buhay mo. hahaha joke lang. =D
@ferbert: pang-comedy lang naman talaga si aling dionisia eh. hahaha! sorry po! mayweather or hatton, bring it on! hehehe. =D
abanakukajan!!! ahahay! ka-aga pa'y binigyan mo na ako ng asayment parekoy.
naguluhan ako kay pacman at kay sabit chingchonggo eh. hehe sabi ni packers it's too early raw, sabi naman ni sabit confirmed. anuvatalaga.
nakow si hatton sana lang matalo siya ni packers dahil saksakan ng hambog ang bitoy na yon.
(ah, mabalik lang tayo sa partihan ano.. magkano porsyento ko? hehe)
Mukhang kaya ni Manny si Hatton.
As for Mayweather, I don't think he'll come out of retirement to fight Pacquiao. Matakutin iyan eh.
@mareng bechay: hindi ka pa nasanay kay pacman, magulo talaga kausap yun. hahaha!
wag kang mag-alala sa porsyento. mapaguusapan yan. hehehe. =D
@panaderos: pareho tayo ng sapantaha, mukhang mas madaling kalaban si hatton at hindi kinakalaban ni mayweather ang mga dabest, malamang hindi na sya pretty boy pagtapos. =D
wow, ang dami mong alam kay pacquiao. pati middle name. ngayon ko lang nalaman na emmanuel ang pangalan nya :)
@watusiboy: nasa internet era na tayo parekoy, salamat sa wikipedia. hahaha! =D
Post a Comment