Saturday, December 13, 2008

asian tour

kakatapos lang ng week-long trip sa hongkong at vietnam ni bachoinkchoink kasama ang kakambal nyang si leo. nagkatuwaan kasi ang magkapatid na magliwaliw muna saglit para naman bago matapos ang traumatic na taon na ito ay meron naman silang bonding moment.


heto ang aking poging bayaw at magandang asawa. sa unang tingin, mapagkakamalan mo pa silang mag-syota lang kung hindi mo sila kakilala.. buti nga rin at hindi sila identical at hindi ako malilito kung sino ang asawa ko sa kanila.

mag-isa munang pumunta ang asawa ko sa hongkong para i-meet ang kapatid nyang doon nagtatrabaho at sabay silang nagtour sa vietnam. at dumaan ulit sa hongkong nung pauwi na.

wala rin akong alam kung anong magandang meron sa vietnam. ang naiimagine ko lang na itsura ng vietnam eh puro palayan at mga singkit na taong merong suot na salakot. yung scene doon sa rambo 4 na pinapasabog ng mga NPA ang mga magsasaka. at kung hindi sa china at taiwan, dito rin ginagawa karamihan ng mga rubber shoes na ibinebenta sa pinas.

bisitahin nyo na lang ulit sa isang araw ang site ni bachoinkchoink para sa kumpletong kwentong vietnam. sa isang araw pa ha, sa lunes, hindi pa daw kasi niya tapos ang nobela. binigyan ko na siya ng deadline para tapusin. nauna lang muna ang advertisement. hehehe.


si carol... si bachoinkchoink sa totoong buhay, in vietnam.

14 comments:

lovalot said...

sarap naman nila..buti pa sila..kakatuwa naman sila magbro..sana may bro din me..

Anonymous said...

hehe natawa ako sa rambo 4.

panalo yung nakatapak ng landmine biglang naglaho at nagsabog ng giniling sa palayan...

hehehe

yAnaH said...

kay taps ako natawa... talagang ang kinoment nya eh about kay rambo hahaha

saya naman ng asian tour ni wifey mo...at least diba nakapagunwind sya...

UtakMunggo said...

mahirap nga yon parekoy, kung naging identical si carol at ang bayaw mo. baka maging mala brokeback ka pag nagkataon. hehe

oo nga ano? anong meron sa vietnam bukod sa palayan?...

Anonymous said...

sarap naman nun, may kakambal! :)

RJ said...

@lovalot: kakatuwa nga silang tignan magkakambal. hehehe. =D

@taps: explicit blood and gore. hehehe.

@yanah: oo nga eh, sayang nga lang at di ako kasama. hehehe.

@bechay: brokeback amft! meron bang identical na boy and girl? hahaha!

@princesscha: ansarap isipin kung may kakambal ka ano? hehehe. =D

p0kw4ng said...

puro bangka daw ang way of transportation dyan kahit nasa city ka at ang pera daw eh milyon milyon..hihihi

isa sa mga place na gusto kong marating yan!

UtakMunggo said...

*nerd persona talking*

meron pong identical na boy and girl, yan ay ayon dito sa research kong ito:

Although extremely rare, there are now documented cases of boy/girl identical twins.

A brief science lesson as to how the phenomena could realistically take place would begin with an egg being fertilized by one sperm, then dividing itself into two separate eggs, which is also the exact way identical same-gendered twins begin life. However, in the case of boy/girl identical twins, those fertilized eggs initially both contain male DNA only.

We all learned in high school biology that male DNA have an X-chromosome and a Y-chromosome and it’s the Y-chromosome which makes him male and female DNA have two X-chromosomes. Well, in the case of mixed-gendered identical twins, which always begin male, the Y-chromosome disappears, and science has offered no explanation for it. As a result of losing the Y-chromosome, the male twin becomes female with an XO DNA chromosome pairing.

ahm, pakitanong nalang sa ibang tao kung anong ibig sabihin niyan kasi parang russian yata ang pagkakasulat. hehe

Anonymous said...

this is cute. nakakatuwa naman silang dalawa. at salamat sa diyos hindi sila identical. kung iisipin mo nakakatakot!

RJ said...

@pokwang: oo nga puro motor at palayan nga raw. kakagulat din dahil 4th pala ang vietnam sa mga tourist destination. 6th lang ang pilipinas.

@mareng bechay: woohoo! yan ang gusto ko sayo, dami ko natututunan. mapa-kambal at mapa-burat eh very knowledgeable ka. hahahha! =D

@PM: alin ang nakakatakot, ang magkaroon ng kakambal na identical o magkaroon ng asawa na identical? hahaha. =D

Anonymous said...

kainggit naman.. yung tropic thunder ba sa vietnam shinoot yun? duda ko sa pilipinas kasi may mga saging eh, parang sa arayat lang. nadaan ulet hehe.

Anonymous said...

maganda ang vietnam. ang background syempre ay puro agricultural. aside from the usual vietnamese food, uso din ang french cuisine.

Panaderos said...

Maganda rin ang Vietnam. Magaling din sila sa French. Teacher ng sister ko noon sa French was Vietnamese. Yumayaman na rin sila unti-unti. Baka abutan na rin tayo balang araw. Hay naku.

RJ said...

@yin: pilipinas ba yun? ewan ko lang, hindi naman kasi naibalita ni 'lar santiago' ng chikkaminute yun eh. hehehe. =D

@mari: ayos lang pala at hindi ako sumama. buti na lang at hindi ako mahilig sa french cuisine. hehehe. =D

@panaderos: pati nga mga ibang bansa sa middle east eh pinagdududahan kong malalagpasan din tayo balang araw eh. haaay nakngteteng talaga.