nauna sakin si bachoinkchoink ng tatlong buwan pumunta sa sakhalin bago ako sumunod sa kanya on the new year's eve of 2007. nakaka-senti din dahil sino ba namang hindi, sarap mag-ihaw at makipag-inuman habang nanonood ng mga nagpapaputok sa labas at sa dvd. naalala ko pa noon, 12 midnight pa talaga ang flight ko kaya't habang naghihintay ako ng pagpasok sa gate, kitang kita ang mga paputok kahit sa malayo, para lang sa poster ng meteor garden na nakatingin sila sa langit habang nakaupo. pagkaangat ang eroplano ay kitang kita ko ang mga paputok na umaangat sa himpapawid galing sa mga bahay-bahay. pero hindi ko nakikita siyempre ang mga nagpapaputok dahil sobrang layo na nung eroplano siyempre.
pero mas nanaig pa rin sakin ang excitement dahil gusto ko na rin makita at makasama ulit si bachoinkchoink, na first time magpasko at bagong taon sa labas ng pilipinas. excited din dahil first time kong makakaranas ng isnow at doon mayaman ang bansang russia. umaabot ang temperature ng -25 celcius sa umaga kapag winter. pag bagong ligo at naglakad nga kami ni bachoinkchoink sa labas eh biglang namumuti at naninigas ang buhok nya. mukha lang talagang masarap ang snow, pero kapag ihip ng hangin, parang makapunit
sa totoo lang, walang kabuhay-buhay ang buhay sa isla. oil and gas plant kasi ang ginagawa namin, kaya talagang sa remote na lugar ang dapat na location. dati rin ginawang tapunan ng mga kriminal at mga sanggano ng mainland russia ang sakhalin island kaya ang mga buildings at structures sa city ay parang pinagdaanan ng giyera.
hindi rin tourist friendly ang lugar. halos walang mga english translation magmula sa kalye hanggang sa karamihan sa mga menu ng mga restaurants. halos hindi rin marurunong mag-english karamihan ng mga local. naaalala ko pa nga nung kakain sana kami ni bachoinkchoink, hindi namin maintindihan ang nasa menu dahil russian characters ang nakasulat. tinatanong din namin ang waitress pero 'no english' din sila. nagturo na lang kami kung ano ang mapag-tripan namin. para kaming mga musmos na hindi marunong bumasa at walang kaalam-alam sa mundo.
kaya nga buti na lang at pinagkaloob na magkasama kaming dalawa sa lugar na yon. kung siya lang o ako lang mag-isa ang nandoon, nakaka-buang siguro. masarap kapag kasama mo ang asawa mo sa ibang bansa. parang hindi mo ramdam na nagtatrabaho ka pala. kahit araw-araw ay trabaho-bahay lang ang routine walang pagka-bato at pagka-bagot. para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan at namamasyal-masyal at pagkatapos ay pareho kayong makakatanggap ng payslip na mas malaki di-hamak kumpara sa pilipinas. parang YEMEN - Yugyugan Every Morning Every Night. december last year nung sabay kaming umalis doon.
at ngayong disyembre, wala kaming magawa kundi ang magtiis-tiis muna. hindi naman kami nasa ganitong setup habang buhay. alam naming darating ulit ang pagkakataon na magkakasama ulit kaming magtrabaho sa isang lugar at sa pwedeng makapagsimula ng pamilya. kaya dito sa qatar kapag tumatama ang homesick, nasa aking mga kamay lang ang kasagutan.
malayo na naman kami sa isa't isa, wala akong magagawa but to think at a positive sides of things kaysa magmukmok. kahit papano, meron pa ring masasabing advantages. tuwing umuuwi kasi ako, nararamdaman ko ulit ang tamis unang halik namin ni bachoinkchoink nung
kakanta na lang muna ako dito sa ngayon...
pagka't miss kita
anumang pilit kong magsaya
miss kita, kung krismas..."
15 comments:
ang lungkot naman ng song mo...may kasabihan nga "absence makes the heart grow fonder"...for sure mapapalaban si bachoinkchoink mo pagnagkita kayo ulit (sa pagaalaga at pagaasikaso sayo..baka kung anu isipin mo hehehe)...bakit di mo nalang sha papuntahin jan para masaya holiday nyo?
happy pasko!
kahit di ko pa nararanasan na may asawang kasama mukhang masarap nga ang YEMEN...
uy, ganyan talaga pag pasko at may okasyon, hinahanap hanap ang mga mahal sa buhay. hindi madali ano? pero at least, meron kayong mga ganitong memories to go back to, di ba?
nakakainggit kayo, yun lang.
hehehe
nako dyey malayo na naman pala ikaw... hindi ko kamo maimagine na ganiyan kami ni my man parang di ko kaya... more blessings for you and bachoink.
at natawa naman ako dun sa acronym mo hahaha
konting tiis lang naman kayo ni wifey mo... ilang buwan lang naman diba?
hayzzzz buhay OFW nga naman
Sir isa lang masasabi ko maligayang malungkot na pasko sa iyo teka2x pati pala ako hehehe si kamay na lang bahala sa atin Sir hahahah
@lovalot: hindi lang basta mapapalaban, umaatikabong bakbakan... ng pagaalaga at pagaasikaso. hehehe yun yon. =D
@pokwang: pero dahil dugong pinoy talaga ako, paborito ko talaga ang philippines. pumping hot i love it please please i need erotic stimulation. hahaha! kaluma-lumaang joke! =D
@kengkay: para ko lang nilalabanan ang epekto ng mga dementors, thinking of happy memories always. hehehe. =D
@tapsiboy: kami'y mga simpleng mamamayang katulad nyo lamang. hehehe. =D
@PM: akala din namin hindi namin kaya. pero kapag nandun na, no choice kundi kayanin.
@yanah: kung iisipin ay swerte pa nga rin ako at every 6 months. marami din ang nagtitiis ng mas matatagal. mabuhay tayo! hehehe. =D
@bomzz: panahon na para mapalaki ko naman ang kaliwang braso ko. hindi na kasi pantay eh. hahaha. =D
bakit may halong "L" between the lines? hehe talaga namang may bagong word pa akong natutunan: YEMEN. wahahaha
parekoy paano kayo namuhay sa isla ng ganun? may ibang pinoy pa ba kayong kasama? nyaiks parang hindi ko yata kayang mamuhay sa bansang di marunong magsalita ng universal language: martian ba. hehe
awww... :(
so sad naman the post you know!!!
I never knew na nagRussia ka din pala, dun ka ba natuto ng mga escape moves mo sa mga kriminal ng Russia kaya nagamit mo sakin laban sa basketbol natin?
Parekoy, at least ngayon may teknolohiya nang kahit paano'y naiibsan ang pagkakalayo ng mga tao... At tama ka, nasa ating mga kamay ang kasagutan sa paglulunggati sa minamahal.
hehe...
ahaha.. parang naiimagine kitang kinakanta yung song with matching emote...parang di bagay dyok...
napansin ko lang... bakit parang mas maraming nag-react na commenters dun sa YEMEN mo.. ahehe... napansin ko lang rin naman...
awwwww...
kaya pala ang lakas ng loob ng pinsan kong sumunod sa dubai dahil nandun na ang asawa nya kahit 1 taon pa lang ang anak nila at hindi man lang nya iniisip na paguwi nilang dalawa eh maaring hindi sila kilala nito.
ganyan talaga ardyey. tiis tiis na lang muna. sabi mo nga, darating din ang panahon na magkakasam ulit kayo sa araw ng pasko. :)
meri xmas dyan!!!
Popoy
@bechay: madami namang pinoy sa company namin pero kapag kami lang ang pupunta ng bayan, para ka ngang nasa mars at kakaunti lang ang makakaintindi sayo. nakalimutan ko rin palang sabihin na beer at vodka ang pinaka-softdrinks nila. yun ang iniinom nila sa kalye habang HHWW. hehehe.
@LV: escape moves amft! hahha! problema lang hindi ako marunong gumamit ng kaliwang kamay. hindi sa escape moves ha, kundi doon sa kasagutang sinasabi mo. hahaha! =D
@glesy: hindi mo naitatanong eh magaling akong mag-emote at magpatulo ng luha. pwede ko ngang kumpetensyahin si claudine at juday eh. hehehe. sarap kumanta ng pangmalungkot. hehehe.
@popoy: mas mahirap kung meron nang anak na maiiwan. kung may anak lang sana kami ay di ko rin paaalisin si misis at maiwan ang anak namin. di rin naman papayag si misis siyempre. =D
ngak! this is the first time i ran across an OFW working in Sakhalin Island. Di ba nasa taas sya nang Japan?! Wow! Interesting! Hope mag post ka nang pics! Salamat nga pala nakita ko kapa ko sa sidebar hahaha maligayang pasko to both of you!
@reyna elena: yes i worked there last year. at siya yung maliit na isla na nasa itaas lang ng japan. sige sa susunog magpost ako ng mga pictures. hehehe. maligayang pasko. =D
Post a Comment