Thursday, December 4, 2008

ang kasabay ng kape at monay sa umaga

sa mga katulad kong walang ginawa kundi ang magbilang ng oras at araw sa maghapon, malaking bagay ang makahanap ng mapaglilibangan sa araw araw. kumbaga sa mga misis at lola (at pati na rin mga mister) sa pilipinas, katumbas ito ng pagsubaybay sa mga kapanapanabik na mga telenobela tuwing hapon at gabi.

bukod sa email at sa blog ko, dito ako lagi nagbabasa ng balita pagdating ng opisina:

1. nba results/opinions dito at dito. para kasing telonobela ng totoong buhay ang araw araw na nangyayari sa isang season ng nba. may nananalo, natatalo, trades, nai-injured, highlight plays etc etc.

2. pacland, where pacman fans around the globe congregate. dito mababasa lahat ng balita at updates sa buhay ng idol nating si manny pacquiao. news sa trainings, next bouts, boxer's info, transactions at mga forums meron dito. pati na rin kung ano ang inulam ni pacman habang nasa training, pati kung ano ang tatak at kulay ng suot nyang brief ay nababalita dito.



sobrang atat na atat na nga ako dahil 3 tulog na lang ay bakbakan na naman. nabasa ko na lahat ng balita, tsismis at mga sabi sabi patungkol sa dream match. naikasa ko na nga ang QR200 kong pamusta. kay pacman pa rin ako siyempre kahit sinasabi nilang dehado. mas masarap kasing manood ng boxing kung may pustahan, pampadagdag libog ba.

note: hindi na ko nagbabasa sa internet ng balita tungkol sa ating bayang minamahal. nauumay akong makibalita lalo kung tungkol sa mga kakurakutan at anomalya ng mga pulitiko lang din ang masasagap ko. pagtaas lang ng dollar ang tinitignan ko.

15 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Eh di updated ka din sa lablayp ni Pacquiao? Totoo bang nag-aanuhan sila ni Ara Mina? *LOLz*

Anonymous said...

ang balita ko namahagi yata ng $50k worth of tickets sa match itong si pacman. 50k or 500k? ang yaman talaga! sana manolo ulit!

Bloom said...

parati ako nananalo ng 300 peso load pag may laban si pacquiao. hahaha! kaya lang ngayon, dahil wala akong pera, wala. pero pwede ako magbluff noooooh? hahahaha! TAMA!

Panaderos said...

Medyo mahirap ang laban niya pero sana manalo pa rin si Manny.

Medyo mahina raw ang benta dito ng Pay-Per-View sa laban niya. Hindi ko alam exactly kung bakit.

lovalot said...

hay naku prehas kayo ni jowa..di ko nanaman makakausap sa sabado un dhil sa dream match at sa malamang after the fight eh lasing na..madami nanamang pinoy na oorder ng Pay per view at kasabay nito ang pag call off sa work para lang makapanood..

p0kw4ng said...

eh ano naman daw ang sukat ng ano ni puckman pag matigas at pag malambot???

ay ako din hindi na nanonood ng balita at paulit ulit na lang din..

RJ said...

@insan gasul: iba kasi talaga ang charisma ni idol. ang secret? ang kiliting nakukuha sa kanyang maswerteng bigote. hehehe. =D

@mari: USD500k worth ang binili nyang tickets. medyo napapailing na lang din nga ako. pero siya yun eh, ganun sya kagenerous. =D

@bloom: pumusta ka na ulit. kapag natalo manok natin, ako na lang ipambayad mo. hehehe. =D

@panaderos: mahina siguro ang PPV ngayon dahil sa crisis na rin lalo diyan sa merika. very interesting ang laban na ito. hehehe. =D

@lovalot: natawa ko sayo, lasing na ba pagkatapos ng boxing? hahaha! gusto ko nga rin magoff sa sunday. friday kasi ang off dito eh. salamat sa pagbisita. =D

@pokwang: hindi ko alam kung ano ang sukat. pero ang tatak naman daw ng brief nya ah 'no fear', kaya maliit lang din siguro yun. pinoy rules! hahaha! =D

lovalot said...

lasing na un after ng fight minsan nga di pa tapos fight knock out na sila ng friends nya..hehehe..naku dito kasi sa SF pag may laban si pacman mistulang holiday..dinaig pa ang thanksgiving dito at pasko sa pinas..tingin ko madami parin ang magpupurchase ng PPV..un nalang kc libangan ng pinoy dito..

lovalot said...

pahabol: add kita sa blog roll ko ha..salamat..

Anonymous said...

oi oi dream match bukas weeeee nakapusta ka na ba?

RJ said...

@lovalot: sana nga maging mabenta pa rin diyan sa states ang PPVs. kaya nga yung pambayad ko dapat ng PPV eh pinusta ko na lang. hahaha! =D salamat! =D

@PM: pag natalo si pacman, ubos ang kabuhayan ko. hahaha! =D

UtakMunggo said...

natawa ako sa comment ni gasdude at pokwang. hahaha

eh kelan ba raw manganganak si jengke? ahihi

xXx

ako nakikibalita pa rin sa pinas through internet. kasi excited akong tingnan kung namatay na bang lahat ng politiko o hindi pa. hehe

Anonymous said...

sos! tagal mo inabangan tapos ngayon, lalayasan mo lang si pacquiao???

sos ka, RJ!!!!

Anonymous said...

Oo nga totoo nga bang nag anuhan sila ni ara mina?

hehehe

RJ said...

@bechay: marekoy, astig nga kung ganun ang balita ano? isipin mo na lang na nasa eroplano silang lahat para umattend ng meeting slash lamyerda sa ibang bansa tapos bilang bumagsak sa dagat at pagpiyestahan ng mga pating. sige na nga manonood na rin ako, baka magkatotoo. =D

@goddess: hindi ko nga napanood yung laban ng live. pero paulit-ulit na ipinapalabas dito sa cable samin. pang-katorseng ulit ko na yata ito. hahaha! =D sos!

@taps: hindi ko alam pareng taps. pero alam ko ang sikreto ni idol manny kaya siya malakas sa tsiks. nasa bigote dude, sa bigote!