Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Monday, August 1, 2011

two things

sabi nila, dalawa lang ang pwede mong kahinatnan kapag napunta ka ng saudi. ang makalbo ka o kaya ay mabading ka.

buti na lang, naka-kalbo na ako.

haller?!

Friday, July 29, 2011

lapu-lapu

gustong gusto namin kasama mamili sa fish market ang kaibigan naming amerikano. kapag bumibili kasi siya ng lapu-lapu na 7 kilo, fillet lang ang binibili niya. hindi daw kasi siya kumakain ng ulo at tinik tinik. sa amin tuloy napupunta.

ang sarap ng sinigang na ulo ng lapu-lapu kapag biyernes. lalo kapag libre.

Friday, July 22, 2011

extra rice please

biruin mo, sabi ko dati sa sarili ko hinding hindi ako pupunta ng saudi para magtrabaho. pero nandito na ako ngayon at lagpas dalawang buwan na. ok naman ako dito. mabilis din ang oras kapag paulit ulit na ang ginagawa. kailangang magtiis para makaipon.

kailangan ng pambili ng kanin at kung hindi'y baka magalit ang anak ko kapag nagutom.

Thursday, February 10, 2011

bum bum pow

kung mapapansin lang, lagi kong sentimyento sa buhay ang bilis ng panahon. tulad ngayon, almost 3 months na ko agad nakabakasyon. tapos na kasi ang pinagtrabahuhan kong project sa qatar kaya pahinga muna at quality time with family.

parang naka-fast forward. mag 3 months na kong walang trabaho. but hey, i'm happy. i'm having the time of my life. lalo pa't meron kang lumalaking chikiting.

Monday, November 8, 2010

childhood longganisa

may kaibigan na galing bakasyon at nagdala ng longganisang lucban dito sa qatar galing pinas. ang sarap tuloy ng kain namin.

at tuwing nakakakita ako ng longganisa, naaalala ko ang aking kabataan.


naaalala ko kasi ang mga panahong supot pa ko.

galing dito ang supot longganisa picture.

Sunday, October 10, 2010

and now the end is near

pagkatapos ng halos tatlong taon ko dito sa qatar, halos patapos na rin ang planta na ginagawa. impak, bilang na ang mga araw ko dito sa qatar.

kaya nga 'no-permanent-address' ako. dahil palipat-lipat ang aking workplace. ganon naman talaga sa construction industry. kung nasaan ang project, nandoon din ang pera. masaya rin dahil you travel a lot. yun nga lang, kadalasan ay hindi tourist destination ang punta. pawis at buhangin. sa kasagsagan nga ng summer, para kang siomai na nasa steamer. ganon.

gaya ng karamihan, contractual. after ng project, tapos ang contract. meaning, hanap ka na naman ng malilipatan. putol ang sweldo at diyan papasok ang financial insecurities dahil hindi mo alam kung kailan ka ulit magkakaroon ng susunod mong trabaho.

eto ang mga munti kong tips kapag panahon na ng uwian o tag-tuyot:

1. plan ahead, fly them cv's - kung alam mong malapit nang matapos ang kontrata mo, mag-umpisa ka nang magpalipad ng cv mo. give time para sa mga employer na mareview ang papel mo. hindi mo naman maeexpect na tawagan ka nila 10 minutes pagkatapos mong magsubmit. libre lang naman ang email.

2. keep off loans - gaya ng #1, kung alam mong malapit na ang end date mo, huwag ka munang kumuha ng housing loan or car loan na hindi mo sigurado kung kaya mo pang bayaran pagkatapos ng kontrata mo.

3. try to save at least 6 months of your salary - just to be safe kung mahirapan kang makahanap ng susunod mong trabaho.

4. at kung sakaling makahanap ka na ng bagong trabaho sa ibang kumpanya, don't burn the bridges sa dati mong pinagtrabahuhan. sa panahon ng gipitan, maaari mo pa ring malapitan ang mga dati mong amo at kasamahan.



"Pearl GTL is a gas to liquids (GTL) project based in Ras Laffan, Qatar. It will convert natural gas into liquid petroleum products. When constructed, it will be the largest GTL plant in the world." - wiki

Wednesday, June 2, 2010

when an american meets a pakistani

dito sa trabaho ko, puti ang amo namin. kaming pinoy ang mga bisor, at mga pakistani naman ang mga tauhan namin. ito naman eh napapagusapan lang.

boss: hey ardyey, who's the contractor in-charge in here?

ardyey: ifaqat, sir. his name is ifaqat.

boss: what?! where the hell this fuck at?!

ardyey: (nagpipigil ng tawa) hey ifaqat, come here!

ifaqat: yes boss?

boss: who's your engineer in here?

ifaqat: engineer ashfaq, boss.

boss: what?! now you're telling me his ass is fucked?! you gotta be kiddin' me!

ardyey: bwahaha.

Thursday, February 18, 2010

puerco de amor

kapag bumabalik ako ng qatar, lagi ako nagbabaon ng spicy binagoongang baboy na luto ni mommy. pinapa-lata ko ito sa malabon para hindi mahuli sa xray ng airport. kaya naman tuwang tuwa ang mga kasamahan kong kasabay kong kumain. talaga namang mapapamura ka sa sarap. at mapapasigaw ng "extra rice pa, teh".


wala kasi ditong baboy. miss na nila ang binababoy baboy.

Friday, January 22, 2010

approximately 9 days BY

isa sa pinakamasarap at pinakarewarding na pakiramdam para sa mga ofw kapag papalapit na ng papalapit ang araw ng paguwi after gruelling months of work. medyo matagal na rin akong pabalik-balik ng pilipinas pero masasabi kong bawat paguwi ay merong kakaibang unique excitement. it's just keep getting better, ika nga.

kakaiba ang feeling itong susunod na bakasyon ko. magkahalong excitement at kaba. bakit? bachoinkchoink is on the last leg of her pregnancy. and we ought to meet a brand new person sometime on the first week of february.

what is the date today? approximately 9 days BY(before Yohan).



we are all excited for you, my little man.

Tuesday, April 7, 2009

on wasabi and nasabi

isa sa paboritong bahog sahog ng mga japanese sa pagkain ay ang kanilang wasabi. lalo kapag isinasama ito sa toyo para sa sawsawan ng sushi o maki. pero ako, ayoko ng wasabi. hindi kasi ako mahilig sa maanghang. naalala ko rin nung sinabi ko sa amo kong hapon na hindi ako kumakain ng wasabi, para daw akong baby. hehehe.

naaalala ko rin kasi yung napanood ko sa jackasss na sinisinghot yung wasabi. adik.

pero alam nyo rin ba yung “nasabi”? eto yun:

1. noon: kapag naka-graduate ako at nagtrabaho, iti-treat ko ang mga magulang at kapatid ko kung saan-saan at ako ang magbabayad ng bills sa bahay.

ngayon: hindi ko nagawa. cannot be. php8000 a month ang una kong sinusweldo. minus daily expenses, php3000 lang ang natitira sakin. eh pano pa yung pang-girlfriend.

2. noon: nung nagtrabaho ako, isang kumpanya lang ang paglilingkuran ko hanggang tumanda.

ngayon: sa five year working experience ko, apat na ang nagiging kumpanyang napasukan ko. hindi ito maiiwasan. lalo pa’t kung aburido ka sa napasukan mo at merong nasisipat na greener pasture over the horizon. pero pangarap ko pa ring mapasama sa kumpanyang worth staying for.

3. noon: hinding-hindi ako mag-aabroad. ayoko maging ofw.

ngayon: lahat ng kumpanyang pinasukan ko ay required akong lumabas ng pilipinas. ayos din naman, maliit ang sweldo ng mga engineers sa pilipinas.

4. noon: hangga’t maaari, hindi ako pupunta ng middle east para magtrabaho.

ngayon: no choice, nandito ang greener pasture. hindi maiiwasan lalo pa’t global recession, kakaunti ang choices for a place to work.

5. noon: lalong hinding-hindi ako pupunta sa africa para magtrabaho din.

ngayon: ika nga nila, we can never really can tell (bwahaha). niluluto na. tanginang greener pasture yan.


isa lang ang ibig sabihin non, ang dami ko na palang nakain na nasabi. nagiging favorite ko na nga siya. kayo nakakain na ba kayo ng nasabi? try nyo.

Thursday, March 12, 2009

let me go home

because i am so fucking homesick.

133 days and counting. this has been the longest time that me and my beautiful bachoinkchoink are apart. i am so excited to go home already, but that's still a month and a half from now. i am missing you very much. everyday i dream of being at the airport's arrival section and to see you waving and your beaming face smiling at me.

this is the effect of homesickness to me. i talk english.

Sunday, February 15, 2009

ang kuratcho

kung merong mga tao na mas gusto ang walang ginagawa sa trabaho, meron din namang gustong gusto ang busy at madaming ginagawa tulad ko. sa kagaya ko kasing hobby na ang magbilang ng araw para sa susunod na bakasyon, at maghintay ng payslip buwan buwan, very helpful ang pagiging occupied sa trabaho para bumilis ang pagsikat at paglubog ng araw.

tulad ngayon, ang bilis ng oras. biruin mong 66 days na lang pala eh uuwi na ko ulit.

daig ko pa nga si kuratcha. dahil ako, ihi lang ang pahinga.


"duwag talaga ako, kaya h'wag nyo na akong paharapin..." - ardyey

Thursday, December 4, 2008

ang kasabay ng kape at monay sa umaga

sa mga katulad kong walang ginawa kundi ang magbilang ng oras at araw sa maghapon, malaking bagay ang makahanap ng mapaglilibangan sa araw araw. kumbaga sa mga misis at lola (at pati na rin mga mister) sa pilipinas, katumbas ito ng pagsubaybay sa mga kapanapanabik na mga telenobela tuwing hapon at gabi.

bukod sa email at sa blog ko, dito ako lagi nagbabasa ng balita pagdating ng opisina:

1. nba results/opinions dito at dito. para kasing telonobela ng totoong buhay ang araw araw na nangyayari sa isang season ng nba. may nananalo, natatalo, trades, nai-injured, highlight plays etc etc.

2. pacland, where pacman fans around the globe congregate. dito mababasa lahat ng balita at updates sa buhay ng idol nating si manny pacquiao. news sa trainings, next bouts, boxer's info, transactions at mga forums meron dito. pati na rin kung ano ang inulam ni pacman habang nasa training, pati kung ano ang tatak at kulay ng suot nyang brief ay nababalita dito.



sobrang atat na atat na nga ako dahil 3 tulog na lang ay bakbakan na naman. nabasa ko na lahat ng balita, tsismis at mga sabi sabi patungkol sa dream match. naikasa ko na nga ang QR200 kong pamusta. kay pacman pa rin ako siyempre kahit sinasabi nilang dehado. mas masarap kasing manood ng boxing kung may pustahan, pampadagdag libog ba.

note: hindi na ko nagbabasa sa internet ng balita tungkol sa ating bayang minamahal. nauumay akong makibalita lalo kung tungkol sa mga kakurakutan at anomalya ng mga pulitiko lang din ang masasagap ko. pagtaas lang ng dollar ang tinitignan ko.

Wednesday, October 22, 2008

slow down the clock

isa sa pinaka ayaw kong lugar sa pilipinas ay ang second floor ng ninoy aquino international airport. lagi kasing malungkot ang mood tuwing mapupunta kami dito. dito nagaganap ang mga huling babye, iyakan at habilin ng mga aalis para sa mga maiiwan. sumisimbulo ng ilang buwan o taon na naman ang dapat bunuin para makabalik sa comfort zone at makasama ang mga mahal sa buhay. at next week ay pupunta na naman ako sa impaktong lugar na yan.



pero nagpapasalamat na rin ako at binigyan ako ng amo ko ng 2 weeks extension dagdag sa ipinaalam kong 1 month emergency plus rotational leave. sabi nga ng daddy ko, sa tinagal nya sa abroad hindi pa niya natry magbakasyon ng ganon kahaba. sa wari ko naman eh base to base casis lang naman talaga dahil alam naman ng lahat kung ano ang nangyari sa amin. kahit gaano kahaba naman ang bakasyon, talagang mahirap kapag parating na ang bye bye time.

on the positive note, hinahanap hanap na rin ng katawan ko ang trabaho. meron kasi akong parang napagiiwanan na pakiramdam kapag matagal akong nakabakasyon. kailangan ko ng bumalik sa agos ng buhay at kailangan na rin madagdagan ang ipon kung meron para siyempre sa future at sa mga bayarin. kapag nasa bakasyon kasi, puro withdrawals ang makikita sa mga passbook sa banko ng mga ofw.

at kapag naaalala ko ang mga bagay na ganyan, nasusura na naman ako sa gobyerno ng pilipinas. talagang kahit saan mo tignan, talagang sa gobyerno ang sisi. kung bakit kailangan pang lumayo at mapunta sa ibang bansa para lang kumita ng kaunti. and so on and so forth so help me god.

tapos mababalitaan mong 7 million pesos ang baon ng isang general sa russia. tanginangyan.

tama na muna ang drama at pagkamuhi. manonood muna kami ng pba sa araneta.

Thursday, September 11, 2008

drama-rama with professor X

sa istorya ng buhay, hindi pwedeng laging smooth ang mga bagay bagay. laging merong problema, laging merong drama para mas exciting ang plot. gustuhin man nating maging smooth ang pagbubuntis ni bachoinkchoink at paglabas nila kambal, merong drama in between to spice things up.

muntik na kong mapa-emergency leave kanina. nagpa-confine kasi sa CGH si bachoinkchoink dahil nananakit ang tiyan, likod, tagiliran, lahat, dahil hindi maka-wiwi ng maayos (isang kutsara kada sampung minuto) kaya hindi siya makatulog ng normal for the past few days dahilan ng pagtigas at pagkasakit ng tiyan. dahil siguro malaki na ang mga dobol trobol sa loob, naiipit na ang pantog niya at hindi makapag-function ng maayos.

ready na talaga akong magpaalam sa amo ko na uuwi ako, kaso pagkatawag ko kay bachoinkchoink kaninang umaga ay nasa ospital na siya at okay na rin ang sitwasyon. she feels fine at ang pakiwari ni doktora ay baka magpremature siya, kung sakali ay next month which is 7th month. matigas na raw kasi ang tiyan. kasi naman, 5 flat lang si bachoinkchoink ko tapos kambal pa ang baon, astig.

hindi ko na itinuloy ang balak kong paguwi, for the meantime. pinigil na rin kasi ako ni bachoinchoink, ok na raw naman at wala naman akong magagawa rin. in two to three days, lalabas na rin siya ng ospital. mas gugustuhin pa namin na ang stay ko sa pinas ay ang pag-aani sa aming dalawang chikutings. kung next month ako mage-emergency leave, mas ayos. november pa kasi ang appoved vacation leave ko.

* * *

ang hirap din ng maging ofw, para kang si professor x. libangan ay ang mag daydream ng kung ano-anong mga nangyayari sa pilipinas. wala ako doon physically, pero nandun ang utak at isip ko.

wala ako doon para magasikaso sa asawa kong buntis, hindi ako makatulong, hindi ko siya maalagaan specially for times like these, (you need a juicy). lagi lang naka-antabay kung anong mga mangyayari. naguutos sa mga makakagawa at makakatulong in my absence. buti na lang very supportive ang aming pamilya at lagi silang naka-alalay.

si professor x ay para ding matinong ofw tulad ko (ehem!), walang sex life.

Wednesday, June 25, 2008

like dreamers do

naka-receive ako ng isang article sa email tungkol sa kahalagahan ng workforce ng pinoy sa economy ng isang bansa tulad ng saudi. sinasabi rin dito kung gaano kagaling ang mga pinoy kumpara sa ibang mga lahi kaya pinoy ang mas preferred nilang kunin bilang mga empleyado. engineers, architects, nurses o maging pati mga blue collar jobs, hanggat maaari ay pinoy ang mas gusto nila. at masakit man pakinggan, pati nga mga pokpok na pinay, nagkalat na rin.

nung mabasa ko ito, nagkaroon ako ng identity crisis mixed emotions. di ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot.



natuwa dahil naging proud ako sa pagiging pinoy kahit papano. sa totoo lang, iba kung gumawa ang mga pinoy. bukod sa very flexible, merong diskarte pagdating sa kanya kanyang mga trabaho. ilang taon na rin naman ako sa abroad kaya masasabi ko na meron talagang kaibahan kung ikukumpara tayo sa ibang lahi. idagdag mo pa na madaling makaintindi at makapagsalita ng english ang mga pinoy.

honda-aderand, hindi rin naman yata nakakatuwa na ang pangunahing export na lang ng pilipinas sa mundo ay serbisyo ng tao. sabagay, overpopulated kasi ang pilipinas kaya mayaman tayo sa tao.

hindi ko rin maialis sa isip ko na mura lang ang upa sa mga pinoy kaya tayo ang laging kinukuha ng mga ibang lahi. sa konting halaga, they get their money’s worth ika nga. saan ka pa nga naman, effective at flexible na, mura pa. mababango na, kyut pa!

kailan kaya mangyayari yung tayo naman ang kukuha ng mga foreigners para magtrabaho sa pilipinas? yung tipong kukuha tayo ng mga japanese engineers para maging empleyado ng filipino firm, kukuha tayo ng mga chinese nurses para sa mga ospital sa atin. haaay nangangarap lang ng gising, kalokohan.

Saturday, June 14, 2008

'history repeats itself': a father's day special

inaalala ko ngayon ang mga maikling panahon na nagkasama kami ng daddy noong bata pa ako. dati din kasi syang ofw mula pagkabinata hanggang pagkagraduate ko ng highschool, 20 years. at minsan sa isang taon lang sya nakakauwi ng pilipinas.

* tuwang tuwa kami kapag dumarating sya dahil lagi kaming pumupunta ng duty free pagkagaling sa airport. sa una nagkakahiyaan pa, pero pag dumampot na ng mga chocolates at laruan, wala nang hiya hiya.

* kapag nagpapamasahe siya sa aming magkakapatid, sinisingil namin sya ng sampung piso. kadalasan kapag tapos na ang masahe, hindi kami babayaran at magtutulug-tulugan na ang daddy. bilang ganti, binubugbog namin sya hanggang magbayad. ang sweet no?

* ayaw namin sya kasama manood ng tv sa gabi, kasi gusto namin nila mommy at mga kapatid ko sa mga maricel drama presents achuchuchuchu, si daddy naman nililipat lagi sa basketball.

* at kapag nanonood sya ng tv sa hapon, ayaw kong magpapakita sa kanya. kasi lagi akong uutusan bumili ng isang kahang yosi araw araw. buti ngayon hindi na siya nagyoyosi.

* kapag tapos na siya maglaro ng basketball sa labas, kumukupit pala siya ng barya sa alkansya kong garapon ng peanut butter pambili ng softdrinks. kaya pala hindi mapuno puno.

* sinamahan nya ko manood ng sine noon kahit labag sa kalooban nya. nanood kasi kami ng ‘captain yagit’ ni redford white, anim lang kami sa loob ng sinehan.

* si daddy ang nag-choreograph ng tinula ko noong elementary na ‘oh captain my captain’, sobrang bagal, talo tuloy ako. tapos narinig ko ang ibang version ng tula na yon sa kaklase ng kapatid kong kinder, mabilis pala dapat ang bigkas, ayun, panalo.

* may pagkakataon na madaling araw ang alis nya pabalik ng saudi, nagpaalam na siya sa amin ng gabi pa lang para makatulog na kami dahil may pasok pa kinabukasan. hindi nya alam umiiyak ako sa kama, sana hindi na siya umalis ulit. masarap ang kumpleto ang pamilya.

hindi nya natapos ang kanyang pagaaral, kaya’t maagang pumunta sa abroad ang daddy, para maging maalwan kami sa buhay at mabigyan kami ng magandang edukasyon. maaga siyang nakipagsapalaran sa abroad para maibigay nya sa amin ang mga hindi nya naranasan nung bata pa siya.

pagkatapos ng highschool hindi na bumalik sa abroad ang daddy. dumaan ang pagco-college ko at 2 years na pagtatrabaho sa pilipinas, ako naman ang ofw ngayon. parang 7 years lang kami nagsama ng matagal sa pilipinas. tapos ngayon, minsan na lang sa isang taon kami magkikita.

pero hindi bale, dahil sa inyong pagsisikap at pagtitiis na maitaguyod kaming magkakapatid, ngayong tapos na kami sa pagaaral at ganap nang mga professionals, relax ka na lang diyan at ienjoy ang pilipinas with the family. its time to return the favor.






ngayong magiging daddy na rin ako, kahit sandali lang tayo nagkasama, naipakita mo sa akin kung paano maging mahusay na ama. at ikaw ang aking role model.

happy father’s day dad. i love you.

Wednesday, June 11, 2008

hello? is it me you're looking for?

ang mahal ng international rate ng tawag at text dito sa qatar papuntang pilipinas. monopoly kasi ng Qtel ang linya ng telepono dito, hind katulad sa pilipinas na merong globe, smart, touch mobile at talk n text. ang isang sms ay pumapatak ng 6.50 pesos, ang mms ay 13 pesos. at ang tawag naman ay 30 pesos per minute.

importante ang communication sa mag-asawa, kaya kahit mahal, tumatawag ako at least once a week kay tabachoinkchoink ko. mga 30 minutes a week. kaya sa isang buwan ay gagastos ako ng humigit kumulang 5,700 pesos, call card pa lang! tangnangbuhayto, sweldo ko na sa kinsenas sa pilipinas yun ah!

pero nagpapasalamat na rin ako at kahit papano ay can afford akong bumili ng call card madalas para makatawag, dahil alam kong marami rin ang hindi maka-afford. umiiral lang ang pagiging reklamador ko, at hindi ko naiisip ang positive side. (pero paking shet naman kasi, limang libo??! call card??! are you kidding me? don’t kid-kid me huh!)

namimiss ko tuloy ang singapore, doon kasi sulit ang tawag. 10 pesos per minute lang kasi kaya para ka lang nasa pilipinas. hindi tulad dito, hindi mo rin gaano maenjoy ang usapan nyo kasi laging nagmamadali at iniisip kung ilang minutes na lang ang natitira.

wala pang internet connection sa bulacan sila tabachoinkchoink ko, at nakablock ang chikkatxt sa office kaya sa text lang thru cellphone ako nakakapagkwento sa kanya kung hindi man ako tumawag. kung mahaba naman ang kwento ko, mms na ang sinesend ko. pareho lang kasi ang rate kahit gaano kahaba ang message, may kasama pang sexy pics. yun yon eh.

sana magkaron na sila ng linya ng telepono para sa internet, mas makakatipid kasi kaysa mag-smartbrow. para naman makapag-chat na kami ng tuluy-tuloy at makatipid sa lecheng call card na yan. at makapag-liveshow na din tuloy, kwentuhan lang naman eh. (take-it-off! take-it-off!)

Saturday, June 7, 2008

a recognition for a 'mumay-to-be'

alam kong hindi biro ang pinagdadaanan mo ngayon, nasa stage ka pa kasi ng hindi matapus-tapos na hilo, kabag at pagsusuka. kwento mo nga sa akin, para kang laging may hangover. ang hirap kaya non, ako nga isang beses lang malasing eh para na kong mamamatay at sumusumpang hinding-hindi na iinom. eh iyan pa kayang araw-araw mong nararamdaman. pero lagi ko ring ipinapaalala sayo na kaya mo yan, na lahat ng naging ina ay naranasan at lahat ng dinadaanan mo ngayon. ikaw pa, mas astig ka pa nga kaysa sakin.

alam kong tinitiis mo rin ngayon ang pagbubuntis na hindi man lang kita maalagaan at mapagsilbihan. hindi ko man lang maibigay sayo ng personal ang mga gusto mong kainin. hindi ko man lang mailigpit ang arinola mo tuwing umaga. kapag sumasakit ang likod mo, hindi ko man lang mahilot. kapag nanggigigil ka, hindi ko man lang maipresenta ang mukha ko para makurot mo at masampal. pasensya ka na, wala ako sa tabi mo ngayon na you really need me most.

alam ko rin na mataas ang iyong mga pangarap sa buhay para sa atin at handa mo akong tulungan sa pagtatrabaho. kaya naman napakalaking sacrifice para sayo ang huminto muna saglit sa iyong career, para hindi ka mastress at matutukan mo kung paano maging healthy ang sarili at ang development ng ating babies. ni hindi pa nga natin alam kung makakapagtrabaho ka pa pagkapanganak mo, dahil tiyak na our babies will need most of the time of their parents. kaya napaka-dakila ng mga nanay talaga, handang i-giveup lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak.

marami. marami kang tinitiis. kung tutuusin, wala nga itong tinitiis ko dito, dahil homesick lang. wala ito kumpara sa nararanasan mo ngayon. dahil dito sa qatar, sarili ko lang ang iniintindi ko. Ikaw, meron ka ng binibitbit, meron kang pananagutan na dinadala bukod sa sarili mo.

gusto ko lang ipaalam sa yo kung gaano ko naaappreciate all those sacrifices you are making. na nakarecord sa akin lahat ng yan at hindi ko nakakalimutan. kung gaano ako hanga sa tapang at sa laki ng puso mo, mas malaki pa sayo (5 flat ka lang mahal di ba? hehe ang cute). although magkahiwalay tayo ng napakalayo, gusto kong malaman mo na ikaw ang lagi ang laman ng isip ko. mahal na mahal kita.


ay susmiyo pagkacute naman ng ngiti ni tabachoinkchoink ko. miss na kita.

Wednesday, June 4, 2008

its been a long time, the cake's remain the same (beat on the doldrums)

dahil almost 2 weeks na ko mula nang magsimulang magtrabaho dito sa ras laffan, medyo nasasanay na ko at medyo bumibilis na rin ang oras kahit papano. kapag busy ka kasi sa trabaho, hindi ka na masyadong maiinip sa kakahintay ng muling paguwi sa pilipinas. eto ang aking daily activities mula sabado hanggang huwebes:

4:00am - magigising dahil tumutunog ang alarm clock. Pupunta sa kubeta para umihi. Babalik sa kama at iseset ulit ang alarm.

4:15am - maliligo, at maglalaba ng brief. pagkatapos ay magbibihis.

5:00am - maglalakad ng 1 minute para magbreakfast.

5:15am - sasakay at matutulog sa bus (15 minute ride) hanggang opisina.

5:30am - magbubukas ng pc, check email at ng blog. adik.

6:00am - work sa construction site. kasama na rin ang pagtambay.

11:00am - balik sa opisina, check email at ng blog. adik talaga.

11:30am - sasakay ng bus pabalik sa camp para maglunch.

11:45am - kain ng lunch na parang patay gutom, hayok na hayok.

12:00pm - lakad ng 1 minute pabalik sa room para matulog at magsiesta.

1:00pm - lakad ng 1 minute para sumakay ng bus pabalik ng opisina.

1:30pm - work sa construction site. Kasama na rin ang pagtambay.

4:30pm - balik sa opisina, make and submit daily report, check email at ng blog.

5:30pm - sakay ng bus pauwi.

6:00pm - dinner time

6:30pm - leisure time. nood tv (24 oras, eat bulaga, saksi, nba), billiards, gym.

8:30pm - tulugan time.

araw araw ganito. parang robot. pansin ko nga mula ng nagtrabaho ako pagkatapos ng board exam, parang bumilis ang panahon. unlike noong nagaaral pa lang, parang forever ang paghihintay ng graduation. pero ngayon, feeling ko parang kailan lang mula noong graduation ko nung 2004. isang araw magigising na lang ako, damatans na rin ako, at pagkatapos ay haharapin na ang death. ano ba yan, kung ano anong pumapasok sa isip ko.