Wednesday, June 11, 2008

hello? is it me you're looking for?

ang mahal ng international rate ng tawag at text dito sa qatar papuntang pilipinas. monopoly kasi ng Qtel ang linya ng telepono dito, hind katulad sa pilipinas na merong globe, smart, touch mobile at talk n text. ang isang sms ay pumapatak ng 6.50 pesos, ang mms ay 13 pesos. at ang tawag naman ay 30 pesos per minute.

importante ang communication sa mag-asawa, kaya kahit mahal, tumatawag ako at least once a week kay tabachoinkchoink ko. mga 30 minutes a week. kaya sa isang buwan ay gagastos ako ng humigit kumulang 5,700 pesos, call card pa lang! tangnangbuhayto, sweldo ko na sa kinsenas sa pilipinas yun ah!

pero nagpapasalamat na rin ako at kahit papano ay can afford akong bumili ng call card madalas para makatawag, dahil alam kong marami rin ang hindi maka-afford. umiiral lang ang pagiging reklamador ko, at hindi ko naiisip ang positive side. (pero paking shet naman kasi, limang libo??! call card??! are you kidding me? don’t kid-kid me huh!)

namimiss ko tuloy ang singapore, doon kasi sulit ang tawag. 10 pesos per minute lang kasi kaya para ka lang nasa pilipinas. hindi tulad dito, hindi mo rin gaano maenjoy ang usapan nyo kasi laging nagmamadali at iniisip kung ilang minutes na lang ang natitira.

wala pang internet connection sa bulacan sila tabachoinkchoink ko, at nakablock ang chikkatxt sa office kaya sa text lang thru cellphone ako nakakapagkwento sa kanya kung hindi man ako tumawag. kung mahaba naman ang kwento ko, mms na ang sinesend ko. pareho lang kasi ang rate kahit gaano kahaba ang message, may kasama pang sexy pics. yun yon eh.

sana magkaron na sila ng linya ng telepono para sa internet, mas makakatipid kasi kaysa mag-smartbrow. para naman makapag-chat na kami ng tuluy-tuloy at makatipid sa lecheng call card na yan. at makapag-liveshow na din tuloy, kwentuhan lang naman eh. (take-it-off! take-it-off!)

22 comments:

UtakMunggo said...

uu nga. naranasan ko rin yan dyey, nung si sargent sabaybunot ko naman ang umalis at ako ang naiwan sa pinas. nagsmartbro rin ako nun. ambilis! tipid pa, at may umaalalay pag may problema 24/7. yun yon eh.

pero hindi joke yang 30 pesos per minute sa tawag diyan ha. ang lupit! sige lang, tiis tiis..

isang saludo para sa haligi ng tahanan!!

The Gasoline Dude™ said...

Sana nga mura ang makipag-communicate from Singapore to Manila... *wink*

ayzprincess said...

bat di mo subukan ipa roaming ang globe o smart fone mo?? di ba mas mura yun??

ayun subukan mo yun! at agree ako ang mahal ng 5k na call card!

masaya ako at kahit papano you still get time to communicate with your wife.. sama kami sa binyagan ha?! :P

Panaderos said...

Ang maganda eh mayroong means para ma-contact ang ating mga mahal sa buhay. Ang pangit nga lang eh sobrang mahal ang bayad, lalo na kapag walang internet connection. Masakit talaga sa bulsa.

Sana ay magkaroon na ng internet connection sa Bulacan soon. May balita ba kung malapit na silang magkaroon ng connection doon?

Dakilang Islander said...

whhhhat?! 30 pesos per minute ang long distance call dyan! sobrang mahal naman. monopoly din dati sa dubai pero 15 pesos a minute lng..buti makontrol mo na once a week ka lang tumawag

Anonymous said...

di ba available sa qatar yung unlimited call plan ng bayantel? inquire ka kaya. mas tipid ito tapos one to sawa ang chikahan portion.

Maru said...

may prepaid internet na ngayon ang SMART. baka pwede yun sa labidabs mo. josko! magtipid tipid ka naman sa calls mo. ako ang nanghihinayang eh. eh kasi high-tech na tau ngayon di ba, tsaka maraming paraan na para makakamura. (dakdak mode)

rolly said...

Count your blessings, ika nga. Isipin mo kung nabuhay ka nuong unang panahon na snail mail lang ang paraan ng communication. Isasakay pa ito sa barkong layag lang ang paraan upang umusad. Taon ang bibilangin mo bago mo makuha ang katagang "k!"

RJ said...

utakmunggo,

oo 30 pesoses per minute, pero di naman siguro magtatagal na ganyan ang gagastusin ko monthly, syempre adjustment period pa at magpapakabit pa lang ng linya si misis.

RJ said...

GD,

dont worry, masarap sa singapore at mageenjoy ka. hindi ka gaanong mahohomesick, home**x lang siguro. hahahaha! biro lang. =D

RJ said...

ayz,

ang roaming ko ay ginagamit ko lang pangrecieve ng text. piso lang kasi ang text from manila papunta dito. ang problema lang ay yung papunta ng pilipinas.

i'll keep you posted. =D

RJ said...

panaderos,

naiinis na nga sya dahil ambagal ng mga taga-pldt doon. kasi ichacharge pa daw sila sa bawat poste na pagkakabitan ng linya, alam mo na, kasi liblib pa kaya sila pa lang ang magpapakabit doon. sa tagal ng service baka magsmartbro na nga lang muna si misis.

RJ said...

islander,

kakadiscover ko nga lang na mas mura pala kung sa pilipinas manggagaling ang tawag, papatak na 15 pesos per minute din. tingin ko mas okey na yun. hehehe.

RJ said...

mari,

okey yan ah, kaso nasa liblib kaming lugar sa qatar dahil sa industrial city kami nakatira. baka kailangan pa ng landline eh hindi pupwede. thanks for the info anyway. =D

RJ said...

yes mami maru,

nasindak din ako sa nagastos kong call card ngayong first month ko dito, syempre next time medyo hinay hinay na ng konti. saka baka nga magpakabit na nga sila ng smartbro, ako din balak kong maginquire sa starhub dito para meron akong connection sa kwarto para makapag-show. joke. weeeeh. hahaha. =D

RJ said...

tito rolly,

tanda ko pa noon kapag susulat ang mommy sa daddy sa saudi, pinapasulat ako sa bandang hulihan. eh wala pa kong muwang noon kaya puro pasalubong ang sinusulat ko, parang nagsusulat kay santa claus. hahaha may kasama pang voice recorded tape. =D

ToxicEyeliner said...

onga ang mahal...

sana ung ibang ways maging accessible sa inyong dalawa para makatipid nman kyu ... pero at least di ba, siguro naman nakkalimutan mo ung gastos dahil si labidabs ang makakausap mo ;P

=D

RJ said...

steph,

sinabi mo pa, mahal talaga. nakakalimutan ko nga ang gastos kapag kausap ko sya, pag tapos na doon ko nacocompute kung magkano ang nabawas sa load ko. hahaha! =D

GODDESS said...

ang mahal naman! may magic jack na ba diyan? i suggest bili ka nun para one to sawa na kayo ni choinkchoink sa usapan...

regards!

RJ said...

goddess,

ano yung magic jack? parang portable modem ba yun parang smartbro? one of these days makakapagpakabit na siguro. hehehe. =D

Anonymous said...

ehloe po... nde ba pdeng install-an ung computer sa office ng chikka? para naman makakatipid ka na din sa pag text kahit papaano. saka ung gcc2u ata un na card. install mo din sa computer ung gcc2u(software) then pde mong itawag sa pinas ung card, from computer to cellphone or telephone. mahaba habang usapan na din un.

RJ said...

shayleigh,

yun nga, nakablock kasi ang chikka application dito sa office. kapag nasa internet shop sa camp ako doon pwede, kaso minsan lang ako dun. malas. hehehe. =D