lalaban na naman si idol manny sa linggo, kalaban si david diaz para sa WBC lightweight crown. gagawa na naman ng history si manny kapag natalo niya si diaz, wala pa kasing asian na nagkaroon ng apat ng world title sa apat na weight divisions.
sayang hindi ko na naman mapapanood ng live ang laban. lumulundag kasi ang puso ko sa saya kapag naaalala ko yung mga napanood kong mga laban nya na live. nandun kasi ang thrill at excitement na hindi mo pa alam ang kahihinatnan ng laban, kaya kapag nanonood ako ng laban, off ang cellphone ko lagi dahil baka may magtext na asungot na spoiler, na ipagyayabang na nanood sya ng laban sa sinehan kaya alam na nya agad ang result.
Marco Antonio Barrera 1
Juan Manuel Marquez 1
Hector Velasquez
Erik Morales 1 & 2 & 3
those were the days. hindi na ko nakapanood ulit ng live dahil sa lagi akong wala sa pilipinas at sa gabi ko na lang napapanood. alam ko na rin ang resulta kapag mapapanood ko na. wala na gaanong excitement. pero ayos na rin, at least nananalo ang manok natin.
pero sa kabila ng tagumpay at yaman ni mang manny ngayon, very humble pa rin siya at very down to earth, masa pa rin siya, hindi gaya ng inaakala ng iba diyan. sa totoo lang, nabubuwisit ako sa mga nagsasabing mayabang siya. subukan nyong ikumpara si manny sa ibang boksingero na kagaya ng status niya nang makita nyong hinahanap nyo. hirap kasi sa atin, minsan hinahatak natin pababa ang tao kapag nakakaangat na. minsan, ang gusto natin eh tayo lang ang magaling. bat hindi na lang natin iappreciate kung ano ang tagumpay nya sa ring sa ngayon. very rare ang mga achievements ni manny ngayon kaya namnamin nyo na habang hindi pa siya natatalo at nagreretire.
at ang iba ay kinukutya pa ang english ni manny, tignan nyo kaya iyong ibang mga boksingero kung nakakapag-english, ni hindi pa nga yata makaintindi at kailangan pa ng interpreter. bilib nga ako sa mga bisaya at kahit kaninong may ibang dialect bukod sa tagalog, mas marami silang alam na salita. eh kung ito kayang mga nangungutya na ito ang pagsalitain ng straight na english, ilaban mo ng inglisan kay manny na ngayon ngayon lang nakatapos ng highschool at galing sa hirap. magagaling kasi kayong mag-english eh. pakyu!
ayan, obvious tuloy akong fanatic. hehehe.
goodluck mr. manny pacquiao. sa likod mo lang kami
* * *
kinuwento ko kay choinkchoink ko na meron akong kapustahan para sa linggo. natawa lang ako sa reply nya:
choinkchoink: goodnight daddy kong sugarol.
* * *
hango ito sa jackpot round ng constest na ‘sa pula, sa puti’ sa eat bulaga. parang ‘pass the message’ ang theme. yun nga lang, tanong ang ipapabasa at dapat tama ang sagot sa huli.
host: sa darating na linggo sa nevada, las vegas, sa anong weight division maglalaban sila manny pacquiao at david diaz?
at pagkatapos ng ilang bulung-bulungan...
final answer: very very much!
ang labo! hahaha!
22 comments:
sugarol ka pala dyey? haha
naalala ko nung college, lahat ng cup ng pba pinagpupustahan namin para may pang outing sa beach. haha
is dat tru na meron nangungutya sa ingles ni handy manny? aba, hindi na kaiba yan sa pinoy. tawag diyan ay PINOY mentality. nagmamagaling eh wla namang binatbat.
goodluck nalang kay pacman. kinakabahan na ako ngayon pa lang. naku baka matae ako sa duty sa linggo dahil sa streys. haha
Hindi ako pupusta pero manonood ako sa Pay-Per-View dito sa barrio ko. (Parang pumusta na rin pala iyon. Hehehe)
Dito kasi eh pag PPV na ang mga laban ng isang boksingero, ibig sabihin noon ay Big Shot na siya. Sikat na sikat na. Kumpiansa na ang HBO na kikita sila sa laban ni Manny.
Iyong mga huling laban ni Manny simula sa unang laban niya kay Eric Morales ay puro PPV na. I'm very proud of Manny dahil pati buong mundo eh hangang-hanga na sa kanya. He is even considered as one of the best fighters today pound-for-pound.
Kaya sa mga nagsasabing yumabang na raw si Manny, puwede akong maniwala sa kanila kung maipapakita nila sa akin na nakatayo pa rin sila nang derecho pagkatapos nilang makatikim nila ng malakas na kaliwang gulpi ni Manny. Hehehe
Go Manny!!
hindi ako fan ni manny.. hindi rin naman kasi ako fan ng boxing eh.. hehehe.. pero astig ang ingglis niya.. patawang natural to the max.. hehehe
tiyak panalo na naman sya.:D
very very much. haha. natawa ako dun.
ako, kapag may laban si manny, iniisip ko na matatalo sya. ewan ko. kapag confident kasi ako sa manok ko, usually natatalo. so far effective naman.
sana manalo si manny.
utakmunggo,
hindi naman ako sugarol, occasionally lang. hehehe hindi ako nagbabaraha, nagbibingo, nagmamajong..etc etc. mas masarap kasi manood ng boxing lalo si idol manny ang lalaban. feel na feel mo kasi kapag natalo si manny, talo ka din. kapag nanalo, masaya rin ako. yung ganun ba. i want to be involved. hahaha.
may nabasa kasi akong ibang blog na kumukutya, kaya ko nabanggit. para kasing ang gagaling nila eh, sabagay blog nila iyon pwede nila sabihin ang gusto nilang sabihin. pero pupusta ako 100% hindi nila kayang sabihin ang mga pangungutya nila sa harapan ni manny. demmet!
relax ka lang sa panonood, inum ka muna immodium bago ang laban. hahaha delikado iyan. =D
panaderos,
bigtime na talaga ang boksingero lalo kapag naihilera ka na sa mga PPV fighters. kaya nga nagkanda-tulo ang laway ng mga gustong labanan si manny eh, ang haba haba na nga ng pila. kung pwede lang sa boksing ang tag-team gaya sa WWE eh di madami ang mapapaligayang kalaban ni manny. hehehe. pati nga mismo si oscar dela hoya nakikipila na rin dahil sa perang igegenerate ng laban kung sakali. big time! buti ka pa you stil get the chance to watch it live, once in a lifetime lumilitaw ang mga boksingerong pinoy na katulad ni manny.
yun nga ang hirap sa atin, kapag mataas na ang narating ng tao, mayabang na agad ang dating sa kanila. eh anong magagawa ni manny, eh meron naman talagang ipagyayabang yung mama di ba? tsk tsk mga talangka kasi.
jhaynee,
naging fan lang ako ng boxing mula ng lumitaw si manny, dati ayaw ko rin ng boxing kaya inis ako sa daddy ko kapag nililipat sa channel 9 ang tv tuwing linggo ng tanghali. hehehe.
oo astig na mag-english si manny, pati nga mga amerikano hanga sa kanya kasi marami talagang boksingero ang hindi makapagsalita at makaintindi. kung pwede nga lang sa tv ang 'watdapak' eh baka namura na nya sa tv itong mga mayayabang na pinoy pa man din na mga ito eh.
arnie,
sana magdilang anghel ka, sayang ang 50 riyals ko. hahaha! salamat sa pagdaan. =D
watusiboy,
isa ring reason yon kung bakit malakas ang appeal ni manny sa mga nanonood, sa style kasi nya na sugod nang sugod ay malaki rin ang chance na matamaan sya ng matindi, which makes the fight more exciting.
balitaan nyo na lang ako, hihintayin ko na lang ang replay. huhuhu.
hindi niya ko fan...ewan ko ba...
simula nung sumabak siya sa politics, bumaba na tingin ko sa kanya...
anyhow, i wouldn't mix politics form sports kaya...
go manny!
-wei
wei,
ako rin hindi ako agree sa pagsabak nya sa politics, obvious naman na nabubulungan lang talaga siya ng mga pulitiko sa likod nya. pero iba ang manny ng boxing. =D
sino si pacquiao?? di ba si navarette ang pambato ng pinas?? teka lang biro lang yun. ang totoo nyan, sino ang hindi makakakilala kay manny. kahit sabihin pang hindi sila fan ng mamang ito, at naiinis sa kanya sa pagsabak nya sa politika, o kaya naman eh yung pa-ingles ingles nya, sigurado ako lahat nga mga yan, nakaabang kapag may laban ang pambansang kamao. baka mas tense pa nga ang iba dyan kesa sa mga tunay na panatiko ni pacman eh lols.
dito sa oman wala rin akong paraan para makita ko ang laban nya against diaz. langya aasa na naman ako sa yotube neto huhuhu
azrael,
kung may ruling nga lang na kung hater ka eh wag na wag ka makanood ng mga laban eh mas maganda. malamang titikom ang bibig ng iba diyan. hehehe.
lagpas 1 month pa lang kasi ako dito pero sabi ng mga matagal tagal na dito, nagpapalabas daw ng laban ni pacman sa kampo namin. malalaman ko bukas kung meron. hehehe.
may sports bar dito sa isla na ipalabas ang laban ni manny...sana panalo para di masayang pagsisigaw ko,,
--
pag natalo si pakyaw, magpapaparti ako
hakhak
elyens nga naman oh
XXXxx
Nyahaha! Binanggit na din sa'kin ni Pam yang game na yan sa Eat Bulaga. Tawang tawa din s'ya sa "Very Very Much". Sayang di ko napanood. Hindi kase ako Kapuso. *LOL*
At nanalo na naman si Pacman! Hindi pa ata pinapanganak ang tatalo sa kanya. Hehe. = P
islander,
siguro naman ay sulit na sulit ang sigaw mo ngayong binabasa mo ito. hahaha! nakaka-inggit, sana mamaya uwian meron ding palabas na replay sa kampo. =D
rimewire,
sorry, ireserba mo na lang muna yang pampa-party mo. not now. hehehe. =D
insan GD,
oo tawa di ako ng tawa, ang malupit pa, tinanong yung unang bumasa ng tanong. hindi rin pala alam ang sagot kaya nagka leche-leche sa huli. ang sagot nya ay "middle east". hahahaha!
wag mo muna isipin ang pagkakatalo nya sa future, namnamin muna natin ang bawat sandali na pinoy ang nasa tuktok ng boxing world. aaaaaahhh sarap. hehehe. =D
hahah sinabi mo pa! at kahit papaano bawi ang mga nainom kong beer! heheh
islander,
bawi ba, mukhang malaki ang pinusta mo ah. umamin ka na. hahaha! napanood ko na rin, ipinalabas sa recreational bar sa camp, parang may sabong sa loob. hahaha! =D
Post a Comment