Saturday, June 21, 2008

babies in black

our babies are now on the 12th to 13th week, kaya bumalik si carol sa doktor para sa kanyang checkup. ang first trimester daw kasi ng pagbubuntis ang pinakamaselan, kaya pinag-ultrasound sya ulit para makita kung nasa tama ang paglaki na ang mga babies ayon sa kanilang age.

nagresearch din ako sa internet kung ano na ang status ng isang fetus na 12 weeks old, at eto ang resulta:

“Week 10: The fetus can bend, stretch, make fists, open hands, lift its head, squint, swallow and wrinkle its forehead.

Week 11: The fetus is now two inches long. Urination occurs.

Week 12: The fetus now breaths amniotic fluid, sleeps, awakens, exercises, turns its head, curls its toes and opens and closes its mouth.

Week 13: Fine hair has begun to grow on the head, and sexual differentiation has become apparent.”


as it turns out, eto ang nakita sa ultrasound (malabo dahil mms lang ito na isinend sa akin). i would like you to meet sila tee-wan and tee-tu, laging magkasama, sa lahat ng oras sila ay masaya:




aninag nyo ba? ako rin nung una hindi ko magets, kung hindi ko pa pinalagyan ng label. sa awa naman ni God ay healthy daw ang magbarkada at normal na normal ang heartbeats.

magkaharap ang dalawa, nagtsitsismisan na siguro. si tee-wan pa lang ang nalaman ang gender. yes pipol, i will have a baby boy. nakitaan kasi ng maliit na etits na malamang nagmana sakin. si tee-tu naman daw hindi pa malaman ang kasarian. ayaw magpasilip ng private part kasi naka-pahalang daw ang position, ang bata bata pa eh mahiyain na. Ang anak ko naman, nambitin pa. padyak daw ng padyak si teetu, siguro pedicab driver ito paglaki.

ang cute, parang mga kuting lang. hehehe ganito pala ang feeling. bawat bata talaga na pinapanganak ay isang himala. ang galing galing talaga. parang last month lang, kasing laki lang sila ng dalawang sago, ngayon buong buo na ang itsura nila. meron na nga raw silang buhok, buti pa sila.

ang lagi ko lang hiling, sana tuluy-tuloy pa ang healthy development nila sa mga susunod na buwan. sa walang mangyaring any untoward incidents. pati sana si choinkchoink ko ay maging maayos. nag-lose kasi siya ng 7 lbs dahil walang gana sa mga kinakain kahit laging gutom. sana ako na lang magbuntis para mabawasan ang timbang ko.

kaya nananawagan ako kung sino man ang magiging sponsor ng dalawa kong kuting, maaari na po kayo bumili ng mga gamit nila ngayon pa lang. baka kasi mahirapan na kayo sa november o december dahil madaming nagki-christmas shopping. pwede na po sila maglaro ng playstation 3 paglabas, kaya kung sino man ang magreregalo, our kids will be very happy to accept it.

34 comments:

Anonymous said...

naks naman, kambal! ang sarap ng pakiramdan nyan parekoy. every day is exciting lalo na kapag malapit ng lumabas si t1 at t2, at mas lalong masaya yan kapag sa pasko eh meron na silang ps3. tiba tiba ang buong pamilya lalo na yung tatay! lols

GODDESS said...

saya saya naman! so happy for you. i know super excited ka na sa 2 mont chikitings.

ingat palage dyan ha!

UtakMunggo said...

atsus ang proud daddy nga naman eh. sana nga eh healthy ang inyong twins.

bananas and pyjamas pala ang tema ano? B1 at B2. hehe

Panaderos said...

Ang ganda ng larawan ng mga kambal mo, Pards! I'm very happy for you and the Misis. Glad to know na malusog iyong magka-kosa. :)

Tungkol sa PS3, ok lang ba sa kanila ang pinakabagong version ng Grand Theft Auto? :-D

Ingat, Pards. :)

ayzprincess said...

wow!! excited na kaming lahat para sayo!

pagpe-pray ko si choinkchoin na wag na masyadong malungkot para makakain sya ng madami, minsan kasi nakakalungkot talagang kuamin ng mag isa e. :D

ang cute naman.. t1 at t2. ahihihi.. at natawa talaga ako sa pedicab drayber! ahahah..

congrats ng marami sanyo rj! :D

pahiram din ng ps 3 ha?! :P

lethalverses said...

woow, ang excited and proud father!!!

namiss ka na namin dito parekoy! at sakto din, pag labas ng babies mo, nandito ka diba?

inuman na!!!

RJ said...

azrael,

naku sinabi mo pa, ganito pala ang feeling. sa gabi nga eh lumilipad na ang isip ko at naiimagine na naglalakad kami sa mall at tig-isa kami ng akay akay ni misis. hehehe.

yung sa PS3, tiyak mageenjoy ang mga anak ko kung magkakaroon. hahaha! =D

RJ said...

goddess,

thank you! oo super dooper excited na ko, lalo pa't nagkakaroon na sila ng porma. hehehe nakaka-atat din malaman kung sino ang magiging kamukha. =D

RJ said...

utakmunggo,

sana lang wag silang magmukhang saging. hahaha! =D

RJ said...

panaderos,

isa iyang milestone, ang kanilang 2nd picture. hehehe yung una kasi eh sinlaki lang sila ng sago, iyan medyo may porma na.

naku GTA4? alam kong magiging peyborit nila yon! blood and violence! hahaha! =D

RJ said...

ayz,

malungkot talaga kumain mag-isa, pero ako wa-epek kung may kasama ko wala. hahaha! ganun pa din, mahirap magutom. =D pero ganun daw talaga pag naglilihi, yung mga dati mong gusto kainin aayawan mo na. kailan ka ba kasi magbubuntis para maexperience mo na? hahaha!

joke lang yon wag sana magkatotoo. sana yung de-motor naman para di mapagod kakapadyak. =D

RJ said...

LV,

oo pards nakaka-excite pala ito, kakaiba. yung mga milyones kong naitatapon sa kubeta ay buhay na. hehehe.

God willing nandiyan ako sa pilipinas paglabas nila. inuman na! (welcome tuda jungle!) =D

rolly said...

I jsut remembered the first time my wife recounted to me that her ob-gyne let her listen to the baby's heartbeat. I jumped with joy as she told me how that little heart sounded.

Sa ultrasound, mas sigurado kang lalaki kasi I was told na pag babae, maaring hindi lang lumabas pa yung etits eh.

Anonymous said...

hahaha. nanawagan pa ng sponsore eh no. maganda siguro kung lalapit tayo sa tanggapan ni mel tiangco. baka sakaling mapagbigyan ang hiling natin. lols

kung babae si t2, malamang sya ang papantay sa pagiging adorable couple niyo. hehe

neens said...

tatang rj!!

I'm so excited for you! A baby boy!! Can't wait to hear what the other one will be...

So happy to hear that both mommy and twins are fine healthy.

God Bless you and your family...

Dakilang Islander said...

super excited ah! sabagay sino naman ang hindi lalo na kambal...

Anonymous said...

wow! excited ka na. magiging magastos ka na rin kasi kambal. =)

The Gasoline Dude™ said...

Magpapa-contest ka pa ba??? Excited na ko eh! Hehe. = P

RJ said...

tito rolly,

astig ano? sayang di ko marinig ang heartbeats nila, ang dami siguro nun kasi dalawang mabibilis na tibok ang maririnig mo. at pano kaya kapag nagpapadyakan na sila, malamang maaga sila matuto ng mixed martial arts nito. hehehe.

sana nga talaga babae na, para kumpleto na agad ang family. =D

RJ said...

jeck,

naku baka mag-away kayo ni misis kung lalapit ka kay mel tiangco, solid kapamilya kasi yun eh. hahaha! saka ayoko din lumapit dun, baka katabi nya si mike enriquez eh mahawa pa ang mga bebi ko. hahaha! ampogi ko kasi eh! =D

RJ said...

nanang neens,

siguro kung boy pa rin si t2 eh bagay na bagay sila sa mga twin girls mo ano? hahahaha! =D

thank you thank you!

RJ said...

islander,

oo pards super excited. sa gabi hindi rin ako gaano makatulog kakaisip minsan sa kanila. hehehe.

RJ said...

coldman,

oo nga magiging magastos ito dahil sabay mag-aaral, etc etc. pero worth it naman, kaya lalong inspired si daddy rj magtrabaho ngayon eh. hehehe. =D

RJ said...

GD,

hahaha excited ka na ba? ireserba mo na lang muna iyan habang hinihintay pa natin ang gender ni teetu, kung tete o pepe ang lalabas. ahehehe. =D

Keith said...

watching a baby develop is fascinating. I have b ee n sparedf from that experience, But your documentation is interesting, and you seem quite excited. Congratrulations

RJ said...

hi there keith!

thanks for dropping by. yes, watching a baby develop from the mother's womb is very fascinating. everyday i am amazed to whatever is happening to my babies right now. can't wait to see them. =D

Anonymous said...

wow twins. di ko rin magets ang picture. pero yung pamangkin ko, nung una ko syang binuhat pagkapanganak, feeling ko rin para lang kuting. naku dapat praktisin mo ang pagbubuhat ng dalawang babies nang sabay :)

RJ said...

watusiboy,

alam mo yan pa nga ang isa kong problema, takot akong kumarga ng sanggol lalo pa't bagong panganak. feeling ko kasi mapipisak sa grip ko. pero kailangan nang harapin ang fear ko na yan. hehehe.

TENTAY™ said...

Wow naman!! you're so lucky you'll have twins. wow wow. congrats. kahit hindi kita kilala at napadaan lamang ako, i know your happy and congrats ulit. ang kulit ko no. ang saya mo naman =) salamat pala sa pagdaan sa aking lugar.

=)

Anonymous said...

aba at may request pang ps3! eh ikaw ang magalalro nyan eh. :D

RJ said...

hello tentay!

paborito ko kasi ang patis. hahah wala lang. oo masaya talaga lalo first borns at kambal pa. mararanasan mo rin itong high na pakiramdam na to sa future. hehehe. salamat! =D

RJ said...

mari,

hindi po. sila kambal po talaga ang maglalaro non promise. hahahaha! =D

Maru said...

uy congrats! whew! dalawa agad! sagana! lols! kung mga bugoy kaya ang mga yan...malalaki kaya ang pototoy nila? hahaha

RJ said...

maru,

oo nga eh, two birds in one shot. hehehe. yung sa pototoy, kung magmamana sa tatay eh hindi tayo sigurado. hahaha! =D