alam kong hindi biro ang pinagdadaanan mo ngayon, nasa stage ka pa kasi ng hindi matapus-tapos na hilo, kabag at pagsusuka. kwento mo nga sa akin, para kang laging may hangover. ang hirap kaya non, ako nga isang beses lang malasing eh para na kong mamamatay at sumusumpang hinding-hindi na iinom. eh iyan pa kayang araw-araw mong nararamdaman. pero lagi ko ring ipinapaalala sayo na kaya mo yan, na lahat ng naging ina ay naranasan at lahat ng dinadaanan mo ngayon. ikaw pa, mas astig ka pa nga kaysa sakin.
alam kong tinitiis mo rin ngayon ang pagbubuntis na hindi man lang kita maalagaan at mapagsilbihan. hindi ko man lang maibigay sayo ng personal ang mga gusto mong kainin. hindi ko man lang mailigpit ang arinola mo tuwing umaga. kapag sumasakit ang likod mo, hindi ko man lang mahilot. kapag nanggigigil ka, hindi ko man lang maipresenta ang mukha ko para makurot mo at masampal. pasensya ka na, wala ako sa tabi mo ngayon na you really need me most.
alam ko rin na mataas ang iyong mga pangarap sa buhay para sa atin at handa mo akong tulungan sa pagtatrabaho. kaya naman napakalaking sacrifice para sayo ang huminto muna saglit sa iyong career, para hindi ka mastress at matutukan mo kung paano maging healthy ang sarili at ang development ng ating babies. ni hindi pa nga natin alam kung makakapagtrabaho ka pa pagkapanganak mo, dahil tiyak na our babies will need most of the time of their parents. kaya napaka-dakila ng mga nanay talaga, handang i-giveup lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak.
marami. marami kang tinitiis. kung tutuusin, wala nga itong tinitiis ko dito, dahil homesick lang. wala ito kumpara sa nararanasan mo ngayon. dahil dito sa qatar, sarili ko lang ang iniintindi ko. Ikaw, meron ka ng binibitbit, meron kang pananagutan na dinadala bukod sa sarili mo.
gusto ko lang ipaalam sa yo kung gaano ko naaappreciate all those sacrifices you are making. na nakarecord sa akin lahat ng yan at hindi ko nakakalimutan. kung gaano ako hanga sa tapang at sa laki ng puso mo, mas malaki pa sayo (5 flat ka lang mahal di ba? hehe ang cute). although magkahiwalay tayo ng napakalayo, gusto kong malaman mo na ikaw ang lagi ang laman ng isip ko. mahal na mahal kita.
ay susmiyo pagkacute naman ng ngiti ni tabachoinkchoink ko. miss na kita.
Saturday, June 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
37 comments:
aaaawwww sweet. ^^
leyn,
oo nakakadiabetes to. hehehe. =D
Pakisabi na lang kay Misis na mag-ingat siya lagi at alagaan ang kanyang sarili. She'll be fine. I'm very happy for both of you. :)
o shya tama na pag emote baka maiyak ka na dyan..heheh
isa yan sa mga cons pag mangibang bansa pero tiis tiis lang para sa kinabukasan ba
aaaawwwww.. sinong magaakalang isa kang gentle giant?
ang chwerte naman ni misis at labs na labs ni fafa to be.
oi rj wag mong baguhin yang pagiging twit mo kahit na makalbo ka na sa kakabantay sa makukulit na babies to be ha.
danda danda pati ni misis. chwerte ka naman dun. hehe..
ang happy happy naman at pretty pretty ni tabachoinkchoink!
grabe saludo talaga ako sa mommy's at mommy to be, sabe mo nga, di talaga biro maging ina! :D kaya nya yan.. at blessed sya kasi mahal na mahal mo sya kahit magkalayo man kayo ngaun!
yngat sanyo palage.. pagpepray ko na mabilis lang ang mga araw para magkasama na ulit kayo :D
ang sweet pare.. pakiss nga
panaderos,
salamat parekoy. so far so good naman siya. everything looks okay naman. iba nga lang talaga kapag katabi mo ang iyong partner habang naglilihi at nagbubuntis.
islander,
lahat naman ng bagay may pros and cons, kapag ganito lang na malayo ay naiinis ako bakit mahirap ang mga pilipino na kailangan pang mangibang bansa para mabuhay ng maayos ang pamilya. tanginang mga kurakista na yan.
utakmunggo,
swerte din naman sya sakin, ehem! ahehehe. kalbo na nga ako eh, hindi na siguro ako magbabago pa. =D
oo gentle giant, pero kapag sa kama nagiging wild na. ahihihi anu bayan?! hahaha! =D
ayz,
salamat salamat sa preyyurz mo. sana talaga walang maging problema sa pagbubuntis nya. nakaka-tense din pala kahit hindi ako ang magbubuntis. hehehe.
chrone,
ang kulit mo pare ah, dati ka pa. isa pang kulit mo pagbibigyan na kita. HAHAHAHA! =D
Mahirap talaga ang magbuntis. Kaya ang pagtuunan nyo ng pansin ay ang kagandahang idudulot nito sa inyong pagsasama.
Maganda ang comparison mo ah... buntis - lasing...
Parehong mahirap. Nung minsan nga na nagrereklamo misis ko at wala daw akong ginagaw sa bahay, ang sabi ko...
"sige nga, subukan mong ikaw ang makipag-inuman gabi-gabi at umuwi ng madaling araw na lasing na lasing. Baka akala mo madali yun. O di ba?
nakaka-aaawwww nman to!!
parang gusto ko na magbuntis ulet.. pero this time, gusto ko may mag-aalaga na sakin! hahahaha!!!
ingat kay choinkchoink!
awww..sweet. parang may langgam nga akong nakita sa blog mo habang binabasa ko 'tong post mo. haha!
unang kita ko palang sa inyo, nasabi ko na ang swerte mo pre sa asawa mo. haha. naalala ko nga si Clang nun e. nung sa book launch ni batjay? cute din kasi yun tsaka chubby. sana maging kagaya namin kayo. astig ang pagmamahalan hanggang huli. thanks for this post, it makes me value our relationship more. :)
mali pala yung nasabi ko. "sana matulad kami sa inyo" yun yun e. hahaha.
ay ang sweet naman!
parang sarap ng magbuntis kung lahat ng husband to be magiging maunawaing gaya mo... and it will be best kung magkasama talaga ayo. nweis, naiintindihan naman niya ung sacrificse na ginagawa mo eh.
basta GOD bless and i'll pray para sa maayos na pagbubuntis ng future mommy. :)
aww..so sweet! Good job rj! A woman loves to be appreciated.
I hope you will continue to appreciate your wife and never lose your sensitivity in the years to come. Kudos to you and I hope all guys can be as sensitive to a woman's feelings as you are.
ps. how are the babies?
tito rolly,
yun kasi ang description nya sakin eh, parang laging may hangover lalo kapag umaga. parang bumabaligtad ang sikmura nya. hehehe.
ayos yung logic mo ha, itatago ko yan para meron na akong maisasagot pagdating ng panahon. hahaha! =D
goddess,
sundan mo na bilis, para magkaron na ng kalaro. ahahaha! =D
hirap nga ng walang mag-aalaga, kaya nga gusto ko umuwi para maalagaan ko sya. kaso wala namang papasok na pera kapag ganun. haaaay pros and cons talaga.
jeck,
akala ko ang naisip mo ang swerte ng asawa ko sa akin, hindi mo ba talaga naisip yun? hahahaha! biro lang.
mahilig ka rin pala sa chubby, tumulad na lang kayo sa amin, lakasan mo lang ng konti pa ang pagkain mo. yun ba ibig mong sabihin? hahaha! sana next time makita ko naman si clang clang mo.
shayleigh,
salamat salamat! dabest scenario talaga kung magkasama kami ngayon, tapos kumikita ako ng ayos. kaso hindi pa pwede ngayon, we can't have it all ika nga. sana dumating din ang time na yon. hehehe.
mommy neens,
yun lang naman kasi ang magagawa ko sa kanya sa ngayon, ang ipaalam sa kanya kung gano ko pinapahalagahan ang paghihirap nya ngayong buntis, physically at emotionally. doon ko lang naman sya maicocomfort dahil hindi ko pwede tapikin ang pwet nya hanggang makatulog.
abangan natin ang next development sa 20th, babalik sya sa doktor. excited na nga rin ako, at kinakabahan din. sana healthy ang dalawa. sana makakuha sya ng copy ng ultrasound result. =D
Hahaha bakit ba ngayon ko lang nabasa ito??? *LOL*
Pare-pareho talaga tayong magpipinsan ng gusto. 'Yang si Jeck, dati gusto pa akong agawan nyan! (Haha nagsumbong!)
Swerte din sa'yo ang misis mo Parekoy. Dahil sa post na ito ay pati kami ay ramdam na ramdam ang sobrang pagmamahal mo sa kanya. Sana pinabasa mo ito sa kanya.
GD,
bat ngayon mo lang nabasa? masyado ka lang sigurong busy sa buhay mo. hahaha! alam ko pa namang nasa cloud 9 ka pa ngayon eh. ahhahaha! ibuking ba.
yaan mo, malapit na nyang mabasa ito dahil malapit na silang magka-net. hehehe.
salamat parekoy. =D
sweet naman ng post na ito...
swerte kayo ni tabachoinkchoink sa isa't isa...
konting tiis na lang balik pinas ka na ulet at magkksma na kayo...
nababasa nya ba ito??
wow naman...sana lahat ng daddy to be ganyan ka appreciative (tama ba yun)...ahahaha...
wag kamo iinom ng malamig at softdrinks...tsaka matatamis para iwas taas ng sugar...para di umitim ang leeg at kili-kili...
ang cute ni tabachoinkchoink! i'm sure cutie din ang twins ninyo. :)
emoterang nurse,
yup ganun talaga, tiis tiis. hindi pa nya nababasa ito, hindi pa kasi sya makapagonline eh. sana pag nabasa nya matuwa sya.
lyzius,
ganoon ba yon, kung ako pala ang nagbuntis kahit uminom ako ng softdrinks hindi mahahalata ang itim ng leeg at kili-kili. hahaha! =D
sabi nila pag nangitim daw ang leeg at kili-kili eh lalaki daw ang anak. may kakilala akong nagkaganon, pero ewan ko lang kung scientific yung paniniwalang yun.
mari,
naku sana talaga, nakaka-kaba rin pala kapag hindi pa lumalabas noh? hehehe nakaka-excite kung sino ang magiging kamuka. =D
pakiss nga...
bwahahahah!!!
awww cute ng bebs mo =)
i'm happy na todo suporta ka kahit papano sa pinagdadaanan ngayon ng asawa mo kasi ang ibang lalake, parang walang pakialam kaya pumapangit ung pagsasama nila. ikaw, ayos ka! =D parang u appreciate her sacrifices and all... yehey! yan ang tatay na mahal ang pamilya! woot woot!
ipagpatuloy mo kuya! =)
chrone,
sige na nga, walang malisya. hahahaha! =D
steph,
salamat! binibigay ko lang ang dapat sa dapat bigyan ng appreciation. hehehe. =D
akala ko magkasama kayo diyan sa abroad?
o akala ko lang yun. tsk.
KDR,
malamang akala mo lang siguro yon, baka nagkakalabo-labo na mga binabasa mo. hehehe. =D
Post a Comment