inaalala ko ngayon ang mga maikling panahon na nagkasama kami ng daddy noong bata pa ako. dati din kasi syang ofw mula pagkabinata hanggang pagkagraduate ko ng highschool, 20 years. at minsan sa isang taon lang sya nakakauwi ng pilipinas.
* tuwang tuwa kami kapag dumarating sya dahil lagi kaming pumupunta ng duty free pagkagaling sa airport. sa una nagkakahiyaan pa, pero pag dumampot na ng mga chocolates at laruan, wala nang hiya hiya.
* kapag nagpapamasahe siya sa aming magkakapatid, sinisingil namin sya ng sampung piso. kadalasan kapag tapos na ang masahe, hindi kami babayaran at magtutulug-tulugan na ang daddy. bilang ganti, binubugbog namin sya hanggang magbayad. ang sweet no?
* ayaw namin sya kasama manood ng tv sa gabi, kasi gusto namin nila mommy at mga kapatid ko sa mga maricel drama presents achuchuchuchu, si daddy naman nililipat lagi sa basketball.
* at kapag nanonood sya ng tv sa hapon, ayaw kong magpapakita sa kanya. kasi lagi akong uutusan bumili ng isang kahang yosi araw araw. buti ngayon hindi na siya nagyoyosi.
* kapag tapos na siya maglaro ng basketball sa labas, kumukupit pala siya ng barya sa alkansya kong garapon ng peanut butter pambili ng softdrinks. kaya pala hindi mapuno puno.
* sinamahan nya ko manood ng sine noon kahit labag sa kalooban nya. nanood kasi kami ng ‘captain yagit’ ni redford white, anim lang kami sa loob ng sinehan.
* si daddy ang nag-choreograph ng tinula ko noong elementary na ‘oh captain my captain’, sobrang bagal, talo tuloy ako. tapos narinig ko ang ibang version ng tula na yon sa kaklase ng kapatid kong kinder, mabilis pala dapat ang bigkas, ayun, panalo.
* may pagkakataon na madaling araw ang alis nya pabalik ng saudi, nagpaalam na siya sa amin ng gabi pa lang para makatulog na kami dahil may pasok pa kinabukasan. hindi nya alam umiiyak ako sa kama, sana hindi na siya umalis ulit. masarap ang kumpleto ang pamilya.
hindi nya natapos ang kanyang pagaaral, kaya’t maagang pumunta sa abroad ang daddy, para maging maalwan kami sa buhay at mabigyan kami ng magandang edukasyon. maaga siyang nakipagsapalaran sa abroad para maibigay nya sa amin ang mga hindi nya naranasan nung bata pa siya.
pagkatapos ng highschool hindi na bumalik sa abroad ang daddy. dumaan ang pagco-college ko at 2 years na pagtatrabaho sa pilipinas, ako naman ang ofw ngayon. parang 7 years lang kami nagsama ng matagal sa pilipinas. tapos ngayon, minsan na lang sa isang taon kami magkikita.
pero hindi bale, dahil sa inyong pagsisikap at pagtitiis na maitaguyod kaming magkakapatid, ngayong tapos na kami sa pagaaral at ganap nang mga professionals, relax ka na lang diyan at ienjoy ang pilipinas with the family. its time to return the favor.
ngayong magiging daddy na rin ako, kahit sandali lang tayo nagkasama, naipakita mo sa akin kung paano maging mahusay na ama. at ikaw ang aking role model.
happy father’s day dad. i love you.
Saturday, June 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
24 comments:
kahanga-hanga ang mga tulad ng daddy mo, dyey. ikaw naman ngayon si part 2 of part 1. buhay nga naman.
isang masigabong palakpak para sa mga daddy at daddy-to-be!
kainis ka ha, twing nagbabasa ako ng mga flashback tumutulo pati sipon ko. wa poise.
HAPPY FATHERS DAY SA INYO NG DADDY MO!!
"parang 7 years lang kami nagsama ng matagal sa pilipinas. tapos ngayon, minsan na lang sa isang taon kami magkikita."
funny how the world works huh?
I couldn't help but smile when I read your memories with your dad. He must be a great guy just like you.
HAPPY FATHERS DAY RJ!!
Hayaan mo, Pards. Sa awa ng Diyos by this time next year eh Daddy ka na rin. For now, Daddy mo muna ang babatiin ko dahil gusto ko siyang i-congratulate sa kanyang mga nakamit sa buhay. Sa mga nabasa ko sa blog mo mula nang mag-umpisa kang mag-blog, hanga ako sa pagmamahalan at pagsisikap ng mga magulang mo. Yes, it is time for him now to relax and enjoy the fruits of all his hard work.
Happy Father's Day!
gusto mo pabasa ko ke dadi? ehehe
happy tatay's day kuya!
ang dad ko umalis nung 3 years old ako, pumunta ng states. tapos ganun din, once every two years umuuwi hanggang tumanda na ako nun. hanggang ngayon, andito na ko sa canada, ang dad ko nasa states pa din. pero ngayon mas madalas na kami magkita kasi mas malapit na kami sa isa't isa.
share ko lang...
alam kong magiging katulad ka ng dad mo, a great guy and a wonderful father.
take care daddy RJ and happy father's day!
happy fathers day!:)
pareho pala tayo ofw ang tatay..
utakmunggo,
salamat! nakikita ko kasi ang daddy ko noon sakin, ganito rin siguro ang pinagdaanan nya. as much as possible kailangan mag-ipon para makatigil sa pag aabroad ng mas maaga. happy fathers day din sa pamilya nyo. =D
neens,
ang ikli ng 7 years no? syempre busy pa sa school at trabaho non. buhay nga naman, kinabuhi.
yup, my dad is the coolest dad in the world. parang barkada lang ang turing namin sa kanya.
happy fathers day din sa inyo! =D
panaderos,
same to you pards, happy fathers day. ako rin, hanga ako sa style ng pagpapalaki nila sa amin. kaya nga they set a blueprint for us how to raise our children properly. =D
trisha,
wag mo na ipabasa muna, nahihiya pa ko. ahehehe. salamat! =D
goddess,
mas astig ka pala, mas maigsi ang pagsasama nyo ng dad mo. at once every 2 years pa ha. sobrang hirap nun.
yup, nakikita ko rin na magiging katulad din ako ng daddy ko. marami kaming pagkakapareho, mas pogi nga lang ako. mwehehehe. blog ko to, bakit ba. =D
happy fathers day too!
mia,
uu parehas tayo, kaya nga natutuwa rin ako at ayos ang pagpapalaki ng mommy mo sa inyo. sa totoo lang bwisit na bwisit ako sa mga nakikita ko sa pelikula na nagwawala at nagrerebelde ang anak dahil iniwan sila ofw nilang daddy o mommy.
happy fathers day din kay ka-benjie! =D
happy father's day,rj!
nakakatuwa naman ang pagreminisce mo sa happy moments nyo ng daddy mo. ako man, galing ako sa ofw family. maliit pa lang ako nag-saudi na si papa para mapaaral kami sa maayos na school at syempre para may maganda din kaming kinabukasan.
tatay natin pwedeng hampas hampasin. at gumaganti. hehe kayo nga nagsusuntukan pa eh. buti hindi kayo nag cho-choke slamman :) sila din pala ni mami naghahabulan pa sa bahay minsan. hehe
hapi fathers day sa inyong dalawa!! counted na rin yung sayo kahit di pa lumabas...heheh
mari,
mabuhay ang ating mga tatay! hehehe. ginugol nila ang karamihan sa oras ng buhay nila malayo sa pamilya para maging maayos ang par-aaral ng mga anak. sniff sniff.
trisha,
sarap nga boksingin kasi ang liit liit eh. hehehe.
islander,
salamat pards, same to you. =D
wooow im proud of you parekoy!!
magiging tatay ka na!!
teka, may mga anak ka ng nakadikit sa tiles diba??
hehehe... I'M BACK!!!
belated happy father's day sa tatay mo. at sa iyo na rin, insan! :D
Ilang panahon na lang at tatay ka na rin. I know you will be a good dad. So, next year, babatiin na rin kita ng Happy father's day.
LV,
where you've been?! hehehe
oo nga ang dami na nila, naipon na, pati nga sa tissue ko gumagapang na sa pader. =D
jeck,
salamat insan, ikaw kailan kita babatiin ng apipadersdi? hehehe
tito rolly,
salamat pards, same to you. nawa'y magkatotoo at matupad ang mga sinabi mo. hehehe. =D
Post a Comment