nung mabasa ko ito, nagkaroon ako ng
natuwa dahil naging proud ako sa pagiging pinoy kahit papano. sa totoo lang, iba kung gumawa ang mga pinoy. bukod sa very flexible, merong diskarte pagdating sa kanya kanyang mga trabaho. ilang taon na rin naman ako sa abroad kaya masasabi ko na meron talagang kaibahan kung ikukumpara tayo sa ibang lahi. idagdag mo pa na madaling makaintindi at makapagsalita ng english ang mga pinoy.
honda-aderand, hindi rin naman yata nakakatuwa na ang pangunahing export na lang ng pilipinas sa mundo ay serbisyo ng tao. sabagay, overpopulated kasi ang pilipinas kaya mayaman tayo sa tao.
hindi ko rin maialis sa isip ko na mura lang ang upa sa mga pinoy kaya tayo ang laging kinukuha ng mga ibang lahi. sa konting halaga, they get their money’s worth ika nga. saan ka pa nga naman, effective at flexible na, mura pa. mababango na, kyut pa!
kailan kaya mangyayari yung tayo naman ang kukuha ng mga foreigners para magtrabaho sa pilipinas? yung tipong kukuha tayo ng mga japanese engineers para maging empleyado ng filipino firm, kukuha tayo ng mga chinese nurses para sa mga ospital sa atin. haaay nangangarap lang ng gising, kalokohan.
13 comments:
you sed it all dyey!
pero ito opinyon ko tungkol sa pinakahuling katanungan mo ha.. pwede namang maging mayaman at maunlad ang bansa natin kung meron lang political will ang bawat tumatakbo sa eleksyon eh.
IQ lang naman at iron hand ang kulang sa mga lider natin. subukan kaya nilang katayin lahat ng pasaway na pinoy gaya ng adik, magnanakaw, mamamatay tao, isnatcher, atbp.. e diba titigil rin yang mga walang saysay na rally and we will move forward as a nation.
example ko ang davao city. di na ako magdedetalye. alam na siguro yon ng lahat.
:D
mixed din ang feeling ko everytime i read articles like this...oo nakakatuwa dahil kahit papaano maraming bilib sa atin pero naisip ko rin kung hanggang ganito nalang ba tayo...nasa sistema at pamamalakad talaga ng gobyerno natin ang may problema.
maganda sana kung tayo naman ang umaangkat ng ibang lahi para maging utusan lang natin sila. kaso hayaan mo yung tayo ang nangingibang-bansa. tutal nag i-excel din naman tayo sa ginagawa ng karamihan sa atin. hayaan mo na yung tayo ang dumadayo, para naman maiba....para unique...para masaya. lols.
wag na lang natin masyadong i-complicate ang buhay para hindi tayo magka-kutis betlogs. hindi naman talaga lahat sa buhay ay patas.
Pards, mixed din ang feelings ko about this article.
Masaya ako na pinupuri niya ang kalidad ng trabaho ng mga Pinoy. Pinupuri niya ang magandang edukasyon at sipag ng ating mga kababayan. Ok iyan.
However, his article is also a warning and a wake-up call to his fellow Saudis to start learning to do the jobs that Filipinos are doing for otherwise, their country will die "a slow death". His article kept mentioning Filipinos as people to be "employed" which for me, he seems to be implying that they do not see Filipinos rising to levels of management. I may be wrong in my interpretation but iyan ang mensahe na parang ipinararating din niya.
utakmunggo,
political will, hindi ko alam. tingin ko kasi kahit sino ang umupo sa pwesto eh wala ring mangyayari dahil nasa sistema ang problema.
tama ka, we need an iron hand. gaya nga ng lagi kong nahihiling, parang masarap magkaroon ng 'death note'. lam mo yon? hehehe.
islander,
pareho tayo ng simpatya. nasa sistema ang problema, kahit sino maupo, hindi mawawala ang katiwalian sa gobyerno. ano nga ulit yung kasabihan na na ang sakit is within us ba yun? hehehe.
maru,
oo nga, life in this world is amfer. pero ayos din ang pagiging positive mo ha, para maiba at masaya nga naman. hahaha. kung hindi kasi nagaabroad ang iba sa atin, wala yung 'thrill' na tinatawag tuwing uwian time. hehehe. at ang thrill na yan ay 5 months pa for me. ehehe. =D
panaderos,
kaya gustung gusto ko ang mga comment mo pards, kung ano ang hindi ko masabi, natutumbok mo. hahaha! minsan nga gustong kong i-copy paste ang comment mo sa post ko eh. swak!
parang warning din ang wari ko. na hindi na nila kailangan ang mga pilipino once matuto ang mga kababayan nya sa mga ginagawa ng mga pilipino para sa kanila. para kapag nakuha na nila ang kailangan nila sa mga pinoy, they can dispatch us anytime.
ayon kay jessica zafra, plot lang ng pinoy ang mga overseas workers. this is our stepping stone to WORLD DOMINATION!!! bwahahahaha.. (evil laugh) Bwahahaha!!!
imaginin mo naman, ang buong mundo ay may lahing pinoy na.. unti unti na nating mauubos ang mga bansa dito sa mundo.. bawat bansa may half-pinoy na..
excited na kong mapuno ng pinoy ang globe.. its a very small world na para sa mga ibang lahi.. maghanda na kayo!!!
jhaynee,
oo nga ano, bat ba hindi ko naisip yan. dapat pala eh anakan ko na ng anakan ang mga foreigner dito alang alang sa pilipinas kong minamahal. hehehe.
mixed emotions din ako(gaya-gaya eh)
i believe that filipinos are passionate pag dating sa pagtratrabaho ndi kagaya ng ibang lahi(yan ang sabi nila sa akin)...hehehe...
in a way siguro dapat maging proud na din tyo dahil globally-competitive tayo...
go rj, padamihin mo ang lahing pinoy...hahahahaha
emoterang nurse,
kapag nakapag-abroad ka na at nakasama sa trabaho ang ibang lahi, dun mo lang maikukumpara ang sarili mo. at isa ako sa mga nagsasabing ganun nga.
ayan na nga oh, pinarami ko na ang angkan ng pilipino, dalawa agad. hindi nga lang half pinoy. hehehe pero mukha naman daw akong fil-am eh. hahahahah egoy!
Post a Comment