Wednesday, June 18, 2008

sometimes i wish i was born in the 60's

10 years old pa lang yata ako noon ng maging peyborit kong banda of all time ang beatles. naimpluwensyahan ako ng mga pinsan ko, sa kanila ko kasi unang nakilala ang fab four dahil narinig ko na lang na pinapatugtog nila sa cassette. pati ang kapatid kong si trisha nahilig na din sa beatles, mas fanatic pa nga yata kaming mga kabataan kaysa sa magulang at sa mga tito tita namin.

inaabangan ko pa dati ang show sa RJTV 29 na beatles forever, tuwing sabado yata ito ng 5:00pm. at bago pumasok sa school sa umaga, bubuksan ang radyo sa 100.3 ng 5:00am to 6:00am dahil ito ay ang beatles hour.





the music of the beatles caters to all my moods, trips at pati age na rin. noon bata pa ko kasi, mas gusto ko ang music nila nung nagsisimula pa lang sila. tulad ng twist and shout, she loves you, please please me at iba pang mga pambata. pero habang tumatanda, nagiiba rin ang taste sa music. parang ang beatles mismo, nagrevolutionize ng husto ang music nila kumpara sa early days nila nung 60s. yung dating hindi ko gusto noon, yung dating nilalagpas-lagpasan ko lang, syet, napakagaganda pala.

at ito ang paulit ulit na pinapatugtog ko sa music player ko ngayon, ang happiness is a warm gun, sexy sadie at ang pinaka-ultimate ay ang something ni george harrison.

yeah, its definitely beatles forever!

28 comments:

neens said...

The Beatles are a legacy. No matter how young, you'll always find a fan.

Our children will probably be fans too! hehehe

Panaderos said...

BEATLES FOREVER!!

Agree ako with every word you put in. I was 7 years old naman when I became a fan. Napanood ko ang "Hard Day's Night" sa tv one afternoon after I got home from school. From them on, Beatles fan na ako! :)

Dakilang Islander said...

gayahin mo na lang ang mga buhok nila para 1960's feel..hehh

UtakMunggo said...

nakuu! peborit ko rin ang bitols dyey! orig na orig talaga sila, at karamihan sa kanilang kanta niri-revive ng paulit ulit ng mga sikat na songers. ngayon.
peborit ko naman ang across the universe, strawberry fields, here comes the sun, at in my life.

e wag na nating pagusapan ang edad ha, pero rest assured, di pa ako pinanganak nung sumikat sila. ( naku biglang nag defensive)

Anonymous said...

fan rin ako ng beatles, naalala isa sa mga unang natugtog ko sa keyboard yung yesterday. =)

RJ said...

neens,

yes, imumulat ko ang mga anak ko sa musika ng beatles. magugustuhan din nila yun tyak. hehehe. kung ako lang ang buntis ay beatles ang mapapakinggan ng babies ko habang nasa tiyan ko pa. =D

RJ said...

panaderos,

nakakabighani dahil ilang generations na ang dumaan ay buhay na buhay pa rin sila hanggang ngayon. kung tutuusin nga ay hindi ko na inabutang buhay si john lennon.

RJ said...

islander,

kung tungkol sa buhok, patay tayo diyan. hahaha!

RJ said...

utakmunggo,

sa dami kong favorite eh isa rin yan sa mga favorites. hehehe. medyo nakakainis nga ang trend ngayon dahil puro revivals na lang, wala ba silang maisip na bago? hehehe =D

si john lennon nga, 'dont let me down' lang ang lyrics ng chorus eh buhay na buhay na. hehehe.

RJ said...

coldman,

hindi ako marunong mag-gitara or keyboard, pero ginagaya ko lang ang sakang na legs ni john lennon kapag tumutugtog sya noong 60s. hahaha. o kaya ang ulo ni ringo habang nagda-drums. =D

jheyamhei said...

yes naman!..
gusto ko itong post na ito.
actually,masarap talaga pakinggan ang music ng beatles,hindi ko alam kung ano sekreto nila at hanggang ngayon,totally awesome ang grupo nila.nitong last lang ako mas nahumaling sa kanila nung napanood ko yung across the universe,ganda ng mga songs talaga,at dahil dun kahit yung isa kong klasmeyt na nkapanood na din,nakikinig na rin ng beatles.

ROCK AND ROLL kuya rj!.. ;)

RJ said...

jheya,

hindi ko pa napapanood ang 'across the universe' pero mapapanood ko ito paguwi ko. sikreto? hindi ko din alam eh, healthy competition kasi ang nabuo kila john and paul kaya ang dami nilang hits na nacompose. bukod don, gwaping silang lahat. hehehe. =D

Anonymous said...

wala akong choice kundi mahalin ang beatles. nagdj ako sa starfm [na sinundan ng rjfm] samin nung college. dahil ako ang pinakabatang dj na pwedeng utuin, sakin pinahawak ung pang linggong oldies. kaya ngayon, pag umiihi ako sa may kangkungan namin, kinakantahan ko ang mga kangkong ng ng strawberry fields forever - syempre kangkong version.

RJ said...

badoodles,

pero hindi ka naman nagkamali parekoy na mapamahal sa oldies pero still astigies na beatles. hehehe. DJ ka pala, siguro mala-jun banaag ang boses mo. ahihihi.

yeah, kangkungan fields forever!=D

Leyn ♥ said...

beatles i love!

i bet napanood mo ang across the universe.

RJ said...

leyn,

nakakahiya man aminin pero hindi pa. hahaha! hindi kasi ako updated, yaan mo paguwi ko mapapanood ko na tiyak. =P

Lyzius said...

kapag naririnig ko ang kantang imagine, di pumapalya na kinikilabutan ako at in truthfully yours eh teary eyed ako, pramis, kahit sa public place pa...

pero gurl, kung pinanganak ka sana nung 60s eh di damatans ka na nayun

Anonymous said...

BEATLES FOREVAH!!! lols

walang tatalo sa kaastigan nila. bata pa lang ako, nakikinig na rin ako ng music nila at hanggang ngayon may impluwensya pa rin sila sa buhay ko.

trivia: ka-birthday ko si George Harrison! wala lang. haha!

Anonymous said...

die hard fan din kami ng beatles ni wifey pare...meron akong discography nila hehe.

rolly said...

lumaki rin ako sa music ng Beatles. If you were learning to play the guitar back then, dapat alam mo lahat ng licks ng Beatles.

The songs you mentioned are all on one of my favorite albums they created. The White Album. Ang isa pang gustung-gusto ko ay ang Revolver at Sgt. Pepper's... sige sama na rin natin ang Abbey Road at Let it Be.

RJ said...

lyzius,

oo hanga rin talaga ako sa imagine, imaginin mo na lang, naimagine pa ni john lennon ang ganun! hindi ko maimagine. ahaha! labo.

sometimes ko lang naman naiisip yun, parang masarap kasi manood ng live concert ng beatles kasama ang mga babaeng nagwawala at nagsisiiyakan. =D

RJ said...

jeck,

astig talaga, kahit labanan ng papogian eh wala ring tatalo. ahehehe nabading pa yata.

may trivia din ako: kabirthday ko si nina. =D

RJ said...

kuri,

yahoo! dami pala nating diehard. hindi naman kasi mahirap magustuhan ang music nila eh. at pati ang mga naglalabasang ibang kantang revival ngayon, baka ang original pala ay beatles hehehe. =D

RJ said...

tito rolly,

wala ka ngang maitapon sa mga albums nila eh, lahat laman tiyan din. ahehehe. dati nga ayoko ng white album, hindi ko pa gusto nung bata pa ko. pero ngayon ko lang naaappreciate at halos lahat nga din ng paborito ko ngayon ay nandun pala.

Nick Ballesteros said...

Bloghopping po...

Napanood mo na ba yung Across the Universe? Beatles musical sya. It was shown only this year. Mukhang you will enjoy it.

RJ said...

watson,

hello! salamat sa pagdaan.

hindi ko pa napapanood pero iyan ang isa sa aking must-do kapag nakauwi na ko. hehehe wala akong copy ng movie non dito eh. pero napanood ko na yung ibang clips sa youtube.

Anonymous said...

dumating din yung oras na sobrang patay na patay ako sa beatles... high school yun. ngayon, ang trip ko eh yung mga nasa white album nila.

medyo nag-mellow na ako compared sa dati, kasi naaalala ko noon, dahil wala kaming video recorder, nirerecord ko pa 'yung audio, tapos papakinggan ko bago matulog... lol!

RJ said...

lenggai,

wala pa kasi tayong internet dati kaya di pa tayo nakakapagdownload ng mga songs, mahal din naman bumili ng original, kaya nirerecord na lang ang galing sa radyo. minsan kasama pa ang boses ng DJ. hahaha inabutan ko rin yun noon.

pareho din tayo na white album ang trip ngayon, pero dati di ko sya type. hehehe. =D