Sunday, June 1, 2008

yaki

bakit kaya ang iba, kapag nagbabasa,
libro, yellow page, maging pati ang bibliya,
dahil madulas sa daliri ang pahina,
kinakalabit ang dila, para madakma.

ganito ka ba, kaibigan?
ako kasi hindi.

32 comments:

Nash said...

nako ayoko ma drenched ang libro ko sa sarili kong laway ahahahaha

UtakMunggo said...

ay naku pag ayaw bumukas ng page edi huwag! tkaw asar lang yang mga ganyang klaseng papel sa kin. sunugin ko pa yan eh.

(huramentado mode)

@_@

wanderingcommuter said...

hahaha... matagal ko na rin tanong yan, actually... kung sino man nag pa-uso niyan, naku...

ayzprincess said...

ako dati, nung maliit ako, ginagawa ko yun.. wala lang, for fun tsaka out of curiosity.. nagtataka kasi ako kung bat ginagawa yun ng mga matatanda.. kaya ayun.. nitry ko rin. hahahaa

yun nga lang, dapat kapag ginawa mo yun, di ka bagong gising o bagon kain ng bawang. hahahah :P

RJ said...

nash,

kaya wag mong gagawin yon, yaki yon. hehehe. =D

RJ said...

utakmunggo,

hahaha! relaks lang. highblood ka agad eh. siguro meron ka noh? hahaha! nakakakunsumi nga naman kasi kung hindi mo mabuklat.

RJ said...

wandering commuter,

saan nga kaya nagmula yun no? oo nga no, di ko naitanong kung sino nagpauso nyan. tingin ko nagkakagayahan na lang kaya dumami ang mga ganun eh.

RJ said...

ayz,

pareho pala tayo, sinubukan ko rin gawin kung masarap ba o hindi. kaso pagkalabit ko ng dila ko eh nawawala yung focus ko sa binabasa ko, naiisip ko kasi agad kung ilang bacteria na yung nasa dila ko bago ko lunukin. hehehe.

Panaderos said...

Marami sa mga puti dito sa States eh ganyan ang gawi. Mas madali raw maglipat ng pahin dahil mabilis ang kapit ng page sa daliri kung moist daw ito.

Ang nakakatawa eh kung nasa tindahan ka at nakita mong iyan ang ginagawa din nila pag nagbibilang ng pera. Hahaha

Anonymous said...

eh yung pagdila sa nakatuping papel para mahati? mas kadiri yun. hehe

chroneicon said...

tumutubo! (gross!)

Leyn ♥ said...

LOL. yung iba ang barubal pa maglaway ng daliri. kada page talagang kailangan may marka ng laway.

euch.

RJ said...

panaderos,

oo nakakakita ako ng ganun sa mga tindahan, pati pa nga sa palengke ng mga karne at isda!

kaya ako kulangot na lang ang nilalagay kong pampakapit, pwede mo pang gawing bookmark. =D

RJ said...

trisha,

no comment ako. diyan kasi ako guilty nung bata pa ko kapag pinapahati ng titser ang intermediate pad lengthwise or crosswise. hahaha! =D

RJ said...

chrone,

wrong sent ka yata, anong tumutubo ka jan? paki-explain at hindi ko gets. masyadong mahaba ang comment mo eh. hahahaha! =D

RJ said...

leyn,

yung iba nga eh apat na daliri pa yata ang nilalapat sa dila sa sobrang kaadikang magbuklat ng libro eh. hahaha! =D

Anonymous said...

kaderder! pati sa palengke may ganyan???

GODDESS said...

yaki nga! ang mga puti dito (ultimo presidente ng kumpanya namin) ganyan ang gawain... nawindang talaga ako ng una kong makitang ginawa niya, tambling ako ng bonggang bongga kasi akala ko pinoy lang ang ganun.

at eto pa, ang hilig nila magdila ng envelope para i-seal! akala ko talaga pinoy ang mahilig gumawa nuon.

yakididakdak!

Dakilang Islander said...

nakakahiya man pero aminin ko gawain ko rin yun...heheh nung bago pa ako sa ofc di ko muna ginawa kc nahiya ako pero yun pala gawain din ng director namin na puti...madali kc buklatin pero pagpera ayokong gawin...hehh

RJ said...

mari,

kapag nagbibilang ng pera minsan merong ganon. hehehe.

RJ said...

goddess,

oo nga no, hindi ko naisama sa post ko yung envelope. siguro dahil doon din ako guilty. hahaha! oo nga noh, ngayon ko lang narealize dinidilaan ko rin pala ang envelope. pero hindi naman yung buong kahabaan ng pang-seal, padampi dampi lang. (tumawad pa.)

RJ said...

islander,

ok lang yun, guilty rin naman ako sa ibang mga bagay. mahilig lang kasi akong mangulangot kaya aware ako sa dumi ng daliri ko. hehehe.

rolly said...

Parang si David Letterman, ang hilig dyan.

Bihirang bihira ko gawin yan eh. Pag nakita mong ginagawa ko ito habang nagbabasa, iisa lang ang ibig sabihin. Nayayamot na ko't ayaw maghiwalay ng pages.

RJ said...

tito rolly,

madali din akong mabugnot kapag di ko mailipat ng page ang binabasa ko. nilulukot ko na lang kahit pa mapunit ang page. hahaha!

lethalverses said...

ayos!! haha... may nakasabay ako na uber gandang tsikabeybs dati sa MRT: katawang mahubog pa sa gitara, kutis na mas makinis pa sa cattleya notebook, mukhang makabubuhay ng natutulog na TITIG - pero lalo ako nainlab ng dilaan niya ang hinlalaki niya bago ilipat sa ibang pahina ang binabasa niyang LIBRE newspaper...

ayyy tsampiyon!

wanderingcommuter said...

kungsino man ang gumaya nun. siraulo at pinagkalat pa...hahaha1

damdam said...

ako hindi.. pero nangdudura ako.. si PB kasi e! ahehehehe!

RJ said...

lethalverses,

mukhang nakakaakit nga yung style na yun ah, yung tipong nakatingin pa sayo sabay labas ng dila. hehehe. sana nilabas mo rin ang iyo. =D

RJ said...

wanderingcommuter,

kaya ko kasi ginawa iyan dati kasi ginaya ko lang mga kaklase ko, so tingin ko eh naggagayahan na lang kaya ito kumalat. ewan ko lang. hehehe.

RJ said...

damdam,

nandudura ka? margie holmes!! help!! hahahahahahha!!!!

Dakilang Tambay said...

naku kung ayaw magpabukas ng pahina e di wag.. ibig sabihin nun wag ka na magbasa.. hahaha

RJ said...

mia,

minsan nakakapikon nga, kaya balewala kung malukot ang papel, ayaw bumukas ng gagong papel na yun eh. leche. bwisit. tanginang yan. hahahaha!