Wednesday, June 4, 2008

its been a long time, the cake's remain the same (beat on the doldrums)

dahil almost 2 weeks na ko mula nang magsimulang magtrabaho dito sa ras laffan, medyo nasasanay na ko at medyo bumibilis na rin ang oras kahit papano. kapag busy ka kasi sa trabaho, hindi ka na masyadong maiinip sa kakahintay ng muling paguwi sa pilipinas. eto ang aking daily activities mula sabado hanggang huwebes:

4:00am - magigising dahil tumutunog ang alarm clock. Pupunta sa kubeta para umihi. Babalik sa kama at iseset ulit ang alarm.

4:15am - maliligo, at maglalaba ng brief. pagkatapos ay magbibihis.

5:00am - maglalakad ng 1 minute para magbreakfast.

5:15am - sasakay at matutulog sa bus (15 minute ride) hanggang opisina.

5:30am - magbubukas ng pc, check email at ng blog. adik.

6:00am - work sa construction site. kasama na rin ang pagtambay.

11:00am - balik sa opisina, check email at ng blog. adik talaga.

11:30am - sasakay ng bus pabalik sa camp para maglunch.

11:45am - kain ng lunch na parang patay gutom, hayok na hayok.

12:00pm - lakad ng 1 minute pabalik sa room para matulog at magsiesta.

1:00pm - lakad ng 1 minute para sumakay ng bus pabalik ng opisina.

1:30pm - work sa construction site. Kasama na rin ang pagtambay.

4:30pm - balik sa opisina, make and submit daily report, check email at ng blog.

5:30pm - sakay ng bus pauwi.

6:00pm - dinner time

6:30pm - leisure time. nood tv (24 oras, eat bulaga, saksi, nba), billiards, gym.

8:30pm - tulugan time.

araw araw ganito. parang robot. pansin ko nga mula ng nagtrabaho ako pagkatapos ng board exam, parang bumilis ang panahon. unlike noong nagaaral pa lang, parang forever ang paghihintay ng graduation. pero ngayon, feeling ko parang kailan lang mula noong graduation ko nung 2004. isang araw magigising na lang ako, damatans na rin ako, at pagkatapos ay haharapin na ang death. ano ba yan, kung ano anong pumapasok sa isip ko.

27 comments:

Panaderos said...

Hindi naman masama na pag-isipan ang mga bagay na iyan. Nakakatulong din sa atin ang mga ganyang pagmuni-muni dahil kailangan din natin gawin iyan paminsan-minsan. Nakakatulong sila sa pag-plano sa ating buhay.

So basa pala ang brief na sinusuot mo sa araw-araw? :D Biro lang, Pards.

RJ said...

panaderos,

hindi ko pala nasabi na siyam ang baon kong brief dito. hahaha! natatawa ko sayo! hahaha!

ganun talaga ang buhay noh, parang etits. very short.

UtakMunggo said...

iba na talaga ang nagagawa ng sobrang structure, bawa't minuto kinekwenta na ng utak otomatik..hehe

alam mo, mas masaya kung ire-reverse mo yung sked,..hehe (adik rin no?)

The Gasoline Dude™ said...

Parang gusto ko nyang schedule mo. Para kaseng andaming petiks time, tama ba? Hehehe. Sana sa susunod kong trabaho, magkaroon din ako ng maraming time para makapag-check ng blog.

Anonymous said...

hmmmm.... Ras Laffan... sang panig nga ba ng Qatar yan? tama nga ba ako? wala lang... ok sa sched ah... talagang nilalabhan na agad ang brip pagkasuot? wahahaaha!!!

ano naman ang trabaho ng weekends... kainip din!!! buti na lang malamig lamig pa ngaun, masarap maglakas sa Al-Corniche! :D

napadaan lang poh...

Anonymous said...

i mean maglakad sa Corniche.. weeeh!!! :D

or mamasyal sa City Center...

RJ said...

utakmunggo,

ganun talaga pag araw araw eh everyday. hahaha! nasasanay na ang katawan mo. although wish ko talaga eh gumising ng 9am tuwing umaga, hindi matupad tupad. hehehe.

ireverse? pano yun? sasakay ako ng bus pauwi pero papasok ako ng office? hahaha! labo!

RJ said...

insan GD,

wish you all the best pare. sumisimple lang talaga ako sa work para kahit papano makasilip sa blog. hehehe. ang kalaban lang talaga dito ay ang klima na maaamoy mo na ang singaw ng impyerno.

RJ said...

shayleigh,

ang ras laffan ay sa norte ng qatar, 1.5 hours drive from doha. dun kasi makikita ang mga refineries at gas field, tabi tabi dito. parang SM at robinsons. hehehe.

hindi pa ako nakakapunta sa al-khor, putangina naman kasi ang init sa tanghali eh. mas masarap pang matulog sa kwarto at manood ng dyesebel.

balik balik ka ah. =D

ayzprincess said...

talagang kasama sa sched ang blog. ahaha.. magaling magaling magaling! hhahaha..

mabuting mabuti yan!

tska bat ganun, magkasunod ang 24oras at eat bulaga?? hahahhalc

Anonymous said...

alam ko edited na yang sked mo. wala bang sexy time na tinanggal dyan? wahahaha!

ayos din ang sked mo. routinary na ba talaga yan? minsan, pag libre ka pasyal ka dito sa makati. sabay tayo ng lunch, treat kita. mwehehe.

Dakilang Islander said...

hindi ko kayanin yung schedule mo ang agang gigising at saka matulog pero hanep mukhang more on blog ka pag sa office...if im ur boss ur fired...hehehh joke lng

rolly said...

Mabilis talaga panahon at hindi na ito bumabalik pa. Ganyan din ako nung araw, inip na inip ako tapos ngayon, matanda na ko.

Actually parang gusto ko ang lifestyle mo. Sa buong timetable mo, parang parating me kasamang fun. Check email, blog, tulog, kain, at pag nagtrabaho, me kasama pang tambay. Ano pa hahanapin mo? hehe

Anonymous said...

kaya naman pala maaga matulog kasi maaga din magising, ayos! pansin ko ilang beses kang magcheck ng blog, adik nga ahh hehehe! good for you na di mo na nararamdaman ang inip, di mo mamamalayan nyan naka ilang taon kana pala sa ras laffan. :)

Anonymous said...

i see... wala lang...
yes, balik balik ako dito...
sana din makabalik balik jan... :D

RJ said...

ayz,

oo automatic na yung pagcheck ng blog, kasama sa pinirmahan kong kontrata yun. hahaha!

ganun talaga dito, yun ang magkasunod. yun lang naman pinapanood ko, hindi ko naman pinapanood ang joaquin bordado at dyesebel at daisy syete eh.

RJ said...

insan jeck,

hindi mo ba nabasa yung pagtambay sa construction site? nakasingit na ang sexy time dun. hahahahah! yung sexy time ko naman eh wala pang 30seconds, pagkatapos nun eh mahimbing na ang tulog ko. nyahaha!

sabi mo yan ha, tatandaan ko yan. hehehe.

RJ said...

islander,

ganun talaga dito, maaga pumapasok. kasi 4am pa lang eh medyo maliwanag na. at mejo mainit ang hangin di tulad sa pilipinas. kaya mas okey pumasok ng maaga para malamig lamig pa, at makauwi ng maaga.

RJ said...

tito rolly,

ganun naman talaga ang style dito, oras ang tinatapos hindi ang trabaho. hehehe. kanya kanya lang ng style ng pagpapanggap at pagtatago para di makita ng amo. hehehe.

RJ said...

misyel,

ganito karaniwan ang kwento naming mga OFW, lumilipas ang oras ng wala sa tabi ng pamilya. kaya pagdating sa pilipinas ang dami mo nang namiss. haaay. sabi nga ni boss batjay, we can't have it all. si edu lang naman ang mga hab-it-ol. buti pa sya.

RJ said...

shayleigh,

oo balik balik ka lang, di naman ako naniningil ng entrance fee. hehehe. =D

ToxicEyeliner said...

rj =)

grabeng tight sched yan a!
at adik ka na nga sa net hahaha!


ayon... onga... ambilis ng panahon bigla noh? ... ganyan din ako minsan. bigla nalang nadedepress kasi masyadog madali ang panahon. parang kelan lang, nagbablog ako bung 1st year highschool ako tapos ngayon, nagboblog ulet ako na incoming 4th year na ahaha... pero bumagal bigla oras kasi graduating na--tulad ng sbi mo.

pero don't worry... basta net ka nang net (hahaha bad influence!), andito kami para i-make yang day mo ahahaha!


ingat lage!


at net nang net!

RJ said...

steph,

magiging ganito ka na rin kapag nagwork ka na, major in robotics. hehehe.

eto yata yung tinatawag na quarter life crisis no? kaya importante na you live your life to the fullest para wala kang regret.

salamat sa pampalakas ng loob. =D

ipanema said...

hahaha...naalala ko sked ko nung nasa ibang bansa pa ako. ganyan - boring noh? :)

Anonymous said...

may nakalimutan ka

5:01 - breakfast
tsk tsk tsk
hahaha


sobra naman
death agad?
wag muna

RJ said...

ipanema,

kanya kanyang style kung paano lilibangin ang sarili. hehehe.

buti ka pa graduate ka na. ako kinder pa lang.

RJ said...

xienahgirl,

minsan hindi talaga maiwasan makapagisip isip. lalo kapag bored. hehehe.

ay sya! nakalimutan ko nga pala ano, wala naman kasing kwenta ang agahan dito kaya hindi worth mentioning. hehehe.