Thursday, December 31, 2009

i think i'm fallin'....

luna.



fallin' luna.


happy new year everyone!

Monday, December 28, 2009

free as a bird

malamig na dito. sa umaga pagkagising talaga namang pahirapan sa pagbangon ng alas-kwatro y medya. lagi akong nagdadalawang isip pumasok dahil sa ang sarap pa ituloy ng tulog. paglabas ko naman ng bahay, gumuguhit sa ilong ang lamig.

pero kanina, ibang klaseng lamig ang naramdaman ko. kahit may suot akong makapal na jacket, tumatagos pa rin sa kaloob looban ang lamig. inisip ko nga climate change na talaga. sumosobra na ang lamig kapag december sa middle east. pagtagal pa siguro magkaka-isnow na dito.

pero bandang hapon ko na nalaman kung bakit ganon na lang ang lamig na nararamdaman ko sa maghapon. eto ang salarin.

Thursday, December 24, 2009

f*ck you very very much, floyd

warning: explicit language

quick post lang.

unang una sa lahat, mga PUTANGINA NYO, TEAM MAYWEATHER! teka, isama mo na rin ang GOLDEN BOY PROMOTIONS! mga bwakanangina nyo lahat.

ano na namang kalokohan itong pinapalabas ng mga bwakananginang mayweather team na to?! obvious na obvious naman na gumagawa na lang sila ng palusot para lang hindi matuloy ang laban. puro kaduwagan at kadaldalan ang mga putangina.

una. akala ng putanginang mayweather na aatrasan siya ni pacman ng hamunin nya ng march 13 ang date ng gusto nyang laban. which puts the pacman at the disadvantage dahil kagagaling lang nya ng bugbugan kay cotto, natamaan ng husto ang kanang tenga na. at dahil election ng mayo, kaya magiging distracted tiyak si pacman. pero hindi siya inurungan, kumasa si pacman. napasubo ang putanginang negro.

pangalawa. 154 lbs ang proposal nyang weight ng bout. hindi uubra. masyadong obvious ang tactics ni putanginang negro. at dahil 147 lbs pa rin ang laban, 8oz gloves ang gagamitin at hindi 10oz, na gusto ng bwakananginang gagong mayweather.

at ang ikatlo. ang "drug issue" na sinimulan ng panget na halimaw. gusto nila ng olympics-style drug testing at hindi sapat ang testing na ginagawa ng nevada athletic commission. kumasa si pacman pero dapat ay 30 days before the fight at kahit mismong pagkatapos ng laban siya kunan ng dugo. pero ang gusto ng mga bwakananginang mga hinayupak na kukunan ng dugo si pacman kahit kasagsagan ng training nito at kahit ilang araw bago ang laban. tangina nyo talaga nakuuu.

kumalat na tuloy ang tsismis tungkol sa steroid issue. lumalabas pa tuloy na merong tinatago si pacman kaya ayaw nya ng blood testing. okay naman sa kanya, wag lang kapag malapit na ang laban. common sense.

sino ba tong mga kupal na to para magbigay ng mga insane demands? ang daming palusot dahil alam nilang gulpi sarado si floyd kapag natuloy ang bakbakan. para umayaw si pacman sa mga hinihingi nila at siya ang tawaging umatras sa laban. mga putangina talaga tong mga to. pure harassment.

napaka-unfair sa 7-time world champion at one of the best boxer of all time. mga walang basehang allegation galing kay mayweather sr, na isang high school graduate at galing sa pamilyang tulak ng droga. ang nakakapikon pa, sinakyan ng ilang media at mga expert kuno ang issue. naging circus. tanginangyan.

pasensya na, naligo ng mura ang post na 'to.

oo nga pala, merry christmas.

Sunday, December 20, 2009

eh kasi walang kuryente

nag-shutdown ang power supply dito sa camp noong thursday night hanggang friday. nakakapanibago ang brownout. walang magawa. walang aircon sa room, nakakabingi ang katahimikan. it just shows how much we depended on electricity. walang ilaw, tv, battery empty ang cellphone, laptop, psp at ipod. nakaka-homesick ampota.

bigla tuloy nag-flashback ang memory ko noong 90's. gabi-gabi ang brownout noong panahon ni cory. naglalaro lang kami ng mga kapitbahay sa labas habang naghihintay magkaroon ng kuryente ulit.

naalala ko nga, kapag madilim, masarap maglaro ng taguan. ginagawa ko noon, tumatayo lang ako sa pader at nagtatanggal ng dami at salawal (pati brip), hindi na nila ko nakikita kahit harapan. hehehe.

bigla ko rin naalala na noon, ang dami naming mga kwento na pinagbibidahan nila juan, pedro at mga pari at mga madre. hanggang ngayon, meron pa rin akong kwento na hindi ko nakakalimutan. heto:


si juan ay sakristan.

habang nagmimisa, umakyat siya sa simbahan sa may kampana.

eh biglang natatae si juan.

nakakita siya ng butas sa sahig. doon siya tumae.

eh nagmimisa pala si father sa ibaba. saktong na-shoot ang tae sa kopa ni father habang umaawit.

sabi ni father, "♫ kanino toooo? ♪"

sumagot ang mga nagsisimba, "♫ aaa-meeeen...♪"

Sunday, December 13, 2009

carry that weight

just last week, pinilit ko na naman ang sarili kong bumalik sa gym para magbuhat at magpapawis. i am standing 5 foot 10 inches tall and lying down 5 inches only and weighing 175 lbs. kung titignan ang body mass index ko, slightly overweight. kumbaga sa boksing, nasa light heavyweight division na ko.

kailangan patigasin ko ulit ang aking mga muscles. 27 years old pa lang ako pero mukha nang pang-silhoute kwarenta ang katawan ko.

pero ang kinakatakot ko talaga, baka paglabas ng anak ko at pagkarga ko sa kanya eh sakin siya dumede (read: man-boobs).

Tuesday, December 8, 2009

name game

nanaginip ako kagabi na lumabas na daw ang baby ko. my little baby clawed his way out right in front of his mother's tummy, literally. sa lakas ng baby eh napunit daw niya ang tiyan ni bachoinkchoink at doon siya lumabas.

kaya sa panaginip ko, Claude daw ang ipinangalan namin. kasi nga, he 'clawed'.

ayoko. lagi ko lang maaalala si Van Damme.

naisip ko rin na kapag malaki na siya at matigas na ang ulo, ang maisisigaw kong pangalan niya ay CLAUDIOOOO!

ansagwa.

Wednesday, December 2, 2009

league of extraordinary time traveler men

8 hours ang byahe from manila to doha. kapag nasa byahe, nakaka-tatlo or apat na pelikula ako bago makatulog ng saglit.

nung bumalik ako dito sa qatar nung isang araw, isa sa mga napanood ko ang the time traveler's wife. tungkol ito sa isang lalaki na time traveller, kaya nababalik-balikan nya ang panahon na bata pa ang asawa niya.

una kong naisip, time traveller din ang maraming ofw na gaya ko. wala nga lang rewind. puro fast forward. dahil tuwing umuuwi ng pilipinas, makikita mo ulit ang mga mahal mo sa buhay na 2 months, 3 months, 6 months, 1 year, 2 years o kahit 10 years older mula noong huli mo silang nakita.


league of extraordinary time traveler men of nagasaki, japan circa 2006

Sunday, November 22, 2009

letter to lolo ardyey

dear 60 year old ardyey,

kung sakali lang na limot mo na ang mga nangyari 33 years ago, eto at magkukwento ako:

company provided ang air ticket natin tuwing umuuwi tayo every 6 months at january pa talaga ang rotation leave natin. pero dahil merong eid holidays dito sa qatar sa november 26 to 30, meron tayong naisip.

tutal birthday din naman natin, naisip nating samantalahin ang holidays at regaluhan ang sarili natin ng two-way ticket pauwi ng pilipinas gamit ang miles (ng iba. hehehe)sa mismong araw ng birthday natin. halos kalahati din ng original price ang natipid mo noon tsong.

surprise talaga dapat sa lahat ang isang linggong bakasyon nating ito. kaso lang, sadyang malakas makaamoy ang asawa natin kaya nabuking din agad tayo. kila mommy at daddy na lang ang surprise tuloy. hehehe.

ang ilang nasa checklist nating makain in 1 week:

1. steamed talaba
2. pork barbeque including the taba on the dulo
3. halabos/sinigang na sugpo
4. alimasag
5. baby's crispy pata sa navotas

pero ang pinakahighlight kung bakit natin gustong gusto umuwi kahit isang linggo lang, ay para makasama naman natin ang misis nating 28 weeks na buntis. sabik tayong maramdaman ang mga suntok at sipa ng dayunyor natin habang nasa tiyan pa. woohoo!

your old self,
27 year old ardyey

PS: ito ay scheduled post. dahil baka mabasa sa bahay ang blog na ito, buking na ko agad. hehehe. nandito pa ko sa qatar at mag-iimpake pa lang. sa oras na mapublish ang post na ito, kasalukuyan na siguro akong bumabanat ng steamed talaba.

Thursday, November 19, 2009

engk engk

sa family feud...

richard gomez: magbigay ng bagay na hinihipan?

contestant: condom?

richard gomez: tignan natin ang sabi ng survey...

engk engk.

condom amputcha.

Saturday, November 14, 2009

prediction ko...



harujosko! atat na atat na ko. kay tagal kong hinintay ang laban na 'to. mula pa noong tigbakin ni pacman si hatton noong mayo. sa dami na ng nabasa kong balita sa pacland, di ko na alam kung ano pa ang ikukwento ko. hehehe.

nanghihinayang nga ako. sakto dapat sa bakasyon ko ang laban na to. pero nausod pa ang uwi ko sa january. ang siste tuloy, replay sa gabi ko pa ito tuloy mapapanood. naghahanda ng projector ang mga pilipino dito para sama-samang mapanood ang laban.

prediction ko? for the record, pacquiao via 6th round knockout. sa bagal ni cotto eh tingin ko kayang lusutan ni pacman ang strong left niya. cotto will fall due to the accumulation of power punches fired by the bruce lee of boxing.

mabuhay ka, manny!

Tuesday, November 10, 2009

be iba!

oo nga pala. mali pala ang hula ng karamihan samin. hula kasi ng karamihan, girl ang magiging baby namin dahil sa matinding aura (naks) ng misis ko. pero the week before ng ultrasound lang nila nadiscover na maitim pala ang batok niya.

and so a betlog was spotted. and he is kikoman (kee-koo-man). medyo malalim-lalim ang ibig sabihin ng kikoman. spill ko na, makinig mabuti, eto na: kick daw kasi ng kick ang baby sa loob, ang there goes kikoman.



sabi nila, matalino daw ang magiging anak paglaki kapag habang nasa sinapupunan pa lang ang bata ay pinapakinig na ng classical musics.

ibahin nyo si kikoman.

dahil bukod sa classical musics, nakikinig din siya ng Dr. Love Radio Show with Jun Banaag tuwing gabi.

♫ kung ika'y binata pa, at wala pang asawa, wag ka nang mag-alala at meron pang pag-asa, god bless you mama mary loves you ♪...

Tuesday, October 27, 2009

farm town

original plan naming mag-asawa ang bumili na kami ng pwesto para sa itatayo naming sariling pugad.

impak, meron na nga kaming kursunada na kukuning lupa sa valenzuela pagkauwi ko sa january. naikwento ko na noon na i want to have an erection na.

pero mukhang mapopostpone muna ito. change to plan B muna.


nagulat na lang ako noong isang araw biglang tumawag sakin ang asawa ko. humahangos at nagmamadali na akala ko noong una ay emergency.

"huy gusto mong lupa?" bungad nya sakin. parang nag-aalok lang ng mani.

sa madaling sabi, may nakita siyang 2,000 square meters farm lot na bank property kaya mura at walking distance lang sa lugar namin sa bulacan. kaya agad din namin itong binili.






ang kagandahan kasi ng lupa na to bukod sa malapit lang sa amin at sa presyo, eh pwede din taniman ng palay, pwedeng magtayo ng piggery or poultry. or kung ayaw na namin, madali namin siyang maibebenta ng doble or triple. pero kung ano man ang kahinatnan, this should be a great start.

sabi nga rin ng dadi, pwede din daw magtayo ng beerhouse na may malaking parking space. para pwede ang mga bus kung sakaling may mag-field trip. hehehe.

nakatulong din siguro pagiging inspired ng misis ko sa paglalaro ng farmtown at restaurant city kaya medyo nagiging business minded na siya.

kaya naman ang kinakatakot ko lang, baka makahiligan naman ng misis ko ang paglalaro ng mafia wars. baka maging inspired naman kami sa panggagantso at violence.

dati ko na rin kasi gusto na magkaroon na ng sariling negosyo. kapag nandito kasi ako sa abroad, lagi ako nag-iisip kung paano kikita ng hindi ako umaalis at kasama ang buong pamilya. kapiling ang asawa at masubaybayan ang anak. i am longing for the day na hindi ko na kailangang mangibang bansa.

nasasayangan ako sa oras. life is short, so is the dick.

Wednesday, October 21, 2009

something ula-ish



hindi ako nanonood ng mga telenovela at wala akong katiyaga-tiyagang sumubaybay sa mga ganyan. sukang suka na ko sa walang katapusang iyakan at mga paulit ulit na tema. nagkapalit ng anak, nadiscover ang tunay na magulang, minaltrato ang ampon, ang tunay mong ama ay si... ay si... ay si... (dead).

naalala ko lang, 6 years old pala ako noong una akong maadik sa mga teleserye. paborito kong pinapanood noong 1988 ang Ula, Ang Batang Gubat starring judy ann santos. tandang tanda ko pa, pinapaalala ko pa sa mommy ko tuwing gabi na palabas na sa tv ang ula.

crush na crush ko kasi si juday noon. siya ang aking very first celebrity crush. nanonood lang ako ng ula para lang makita siya araw araw. at bwisit na bwisit ako kaya eruel tongco (kontrabida) kapag ginugulpi at pinapaiyak nya si ula.

nasa isip ko nga noon na magpalaam kaya ako sa mommy na pakakasalan ko na si judy ann. kaso nahihiya ako eh. baka ipatuli ako bigla, eh takot pa ko magpatuli.

siguro nga i see something "ula-ish" sa misis kong bachoinkchoink kaya crush na crush ko pa rin siya hanggang ngayon. walang stir.


Thursday, October 15, 2009

read more

sa wakas, sinipag ako at natutunan ko na rin kung paano lumalabas sa blogger yung "read more..." na option para maputol ang post at maipagpatuloy sa susunod na page.

kung alam mo na kung papano, press "CTRL + F4".

kung hindi pa at gusto mo malaman, eh di click read more.



1. pumunta sa Blogger Dashboard. click layout, then edit HTML


2. tick Expand Widget Templates


3. type Ctrl-F at hanapin ang code na to:
4. isingit ito before the code:
then ilagay naman ito after ng code:
it will look like this
7. then click Save.

8. balik tayo sa Blogger Dashboard. click Settings, then Formatting.


9. hanapin ang Post Template sa ibaba at i-type ang ganire:



tapos na. ngayon, kapag gumawa ka na ng post, ilagay angpagkatapos ng gusto mong mailagay sa first page. at ilagay angsa pinakahuling part ng post.

Tuesday, October 6, 2009

no blood, no glory


pindutin nang lumaki.

Sunday, September 27, 2009

toledo st., vista verde, cainta

please include in your prayers our relatives located in toledo street, vista verde, cainta. sila tita babes and my two cousins patrick and jaycee (also known as kamoteforce).

bungalow lang ang bahay nila and obviously, bubong na lang ng bahay ang natira. buti na lang, nakalipat sila sa kapitbahay na may second floor. pero ang problema, nandoon pa rin sila ngayon at hanggang leeg or dibdib pa rin daw ang tubig sa kalsada. walang kuryente, telephone connection at wala nang battery ang mga cellphones nila kaya't hindi na namin sila macontact. nagwo-worry kami dahil baka kinapos na sila ng pagkain at tubig doon. marami rin kasi yata silang nakituloy sa second floor ng kapitbahay. baka may mga bata din o kaya'y sanggol na mas kailangan ng atensyon.

naghihintay ako sa daddy ng balita tungkol sa kanila. i hope and pray that they are safe.

* * *


(a note that came from Mr. Ramil Digal Gulle that shares most of my sentiments. i couldn't agree more.)

"...Our families are not prepared for climate change. Typhoon Ondoy was true to its name, which means “little boy”—it wasn’t a supertyphoon. And yet, we all failed in so many fronts.

In our own home, we don’t have an emergency kit. The flashlight is no longer where I always put it. Furthermore, I’m not aware of any evacuation plan in our community. Who do we call? Where do we evacuate when waters start rising? I have no idea. It’s the sort of ignorance that kills.

One friend of mine lost her possessions in the floods. Her husband and kids are safe. She had the quick and sensible thinking to have her family evacuate shortly after the water began seeping into their house and after the power was cut off. They left everything and booked themselves in a hotel. “I lost everything,” she told me over her mobile phone. I told her that the most important things in her life were saved.

Our government—both the national government and the LGUs--is not prepared for climate change. If people are safe now—relatively, for some, because it’s again starting to rain and many are still trapped on rooftops, awaiting rescue—it’s because of prayer. So many people were—are still—praying. It seems the prayers were heard because we all got a respite from the rain.

Filipinos have a saying, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” (God dispenses mercy but man has to do the work). God has already dispensed his mercy. Will we do our part?

There’s no excuse for the lack of rubber boats, for example. We have floods every year. But every year, we are unprepared. The two rubber boats that began rescuing people in Marikina were a relief to know about, but why only two?

Philippine National Red Cross Chairman Dick Gordon tried to transport several more rubber boats but these had to come all the way from Olongapo. And with the traffic jams at the expressways, they could not get to Metro Manila in time.

The headquarters of the National Disaster Coordinating Council and the headquarters of the Armed Forces of the Philippines are both in Quezon City. And yet, for nearly 12 hours, Quezon City residents trapped in floods could not be rescued. The AFP, if I remember correctly, usually has the biggest slice of the national budget every year. But where were the choppers? Where were the rubber boats? Clearly something is very wrong.

Then we recall how General Carlos Garcia, former AFP comptroller, was caught (by US authorities, not by Philippine authorities) trying to bring in millions of pesos in cash to the US. It does not inspire faith in the military leadership.

We also recall a lot of things that are disquieting: government resources being used to secure a questionable telecoms deal with a Chinese firm; millions of pesos spent on Presidential dinners abroad; millions of pesos in campaign contributions unaccounted for; millions of pesos spent on a California mansion; billions of pesos spent on foreign trips; and a cancelled plan to buy a new Presidential jet.

How do you explain all that to kids trapped on their rooftop for nearly 24 hours—soaking wet, hungry, crying for their mothers and going insane with fear?

How do you explain the fact that the government can spend millions upon millions on so many other projects, but could only produce two rubber boats to rescue scores of residents trapped in a flooded Marikina village? How do you explain the President’s lobster and steak dinners to Rizal residents neck-deep in muddy floodwaters?

Every year, we get floods and typhoons. Every year, we give money to the AFP and the NDCC. And all that the Marikina residents get are two rubber boats?

And wasn’t Marikina always being trumpeted as some sort of “First World City in a Third World Country”? Clean and green Marikina. Disciplined Marikina, a jewel of law and order in the chaos of the Mega Manila.

The Marikina River floods every year. Every year. But when it really mattered, the City Government of Marikina did not have enough emergency equipment, did not have enough rubber boats. Or if it did, it did not have the capacity to deploy these resources in time. It seemed to have no plan for the evacuation of residents at Provident Village before floodwaters could reach it.

And former Marikina mayor Bayani Fernando wants to run the rest of the country the way he did Marikina—or at least, that’s the impression we get. We could be wrong.

To be fair, none of us expected something like Typhoon Ondoy. But the lack of rubber boats, the seeming lack of coordinated response, the empty promises made over the media—these are simply not acceptable. These do not inspire our confidence in government once the next super typhoon hits.

I mentioned Marikina only as an example. I’m not blaming Fernando or his wife (the present Marikina mayor). I’m just stating how things appear. The real story about the slow rescue, etc. might unfold in the next few days.

[Kris Aquino was talking on TV about Marikina rescue efforts. She said that according to one Marikina resident, there were rubber boats deployed by the Marikina government--but the river's currents were so strong that the rubber boats got overturned. It was also pointed out that Marikina Mayor Marides Fernando did everything she could but "nature's wrath" was just too powerful. In the interest of fairness I should point this out.]

What happened to Marikina can happen anywhere. The local governments of Bulacan, Pasig and Rizal fared no better. Are our local governments prepared for climate change? Are they prepared for typhoons like Ondoy, or much stronger ones? Your guess is as good as mine.

What would have happened if Ondoy didn’t leave the country in the hours following the massive flooding? What if it was a super typhoon that decided to stay for a few days?

The answer is so obvious that we’re scared to state it: Death and Chaos. So many people, so many children will die. Our loved ones will die. We will die.

The next few days, weeks and months will tell us whether the government cares to prevent this, or whether it wants to use climate change as a kind of population control.

The government’s priorities have been clear in the way it spends its money and allocates its resources. For example, the AFP budget keeps growing. But what about the budget for the national weather agency PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration)? There were reports a few years back that the budget was actually slashed.

During a report on GMA-7 news last night, PAGASA OIC Nathaniel Cruz said that there was a piece of equipment that could help the agency estimate a typhoon’s potential amount of rainfall (very useful in the case of Ondoy, which poured a month’s worth of rainfall in about five hours)—a Doppler radar. Does PAGASA have this equipment?

No. The national weather agency, the only one that could warn us if we should evacuate because a typhoon will bring a deluge, does not have a Doppler radar. But it’s on its way, clarifies Cruz.

PAGASA, in Filipino, also means “Hope”. Based on how the government seems to prioritize PAGASA, the weather agency, do we have reason to hope?

It was drummed into my head a long time ago that when we use the term “government” in a democracy, we should really refer to ourselves. After all, in a democracy, governance must be by, of and for the people.

So it’s either we’re not really a democracy (because we always stand back and just let a bunch of evil yoyos run things for us) or we’re all just not getting this governance thing right. We’re not governing things the way we should.

It’s raining again. I hope we get our acts together soon."

Thursday, September 24, 2009

the lonely hearts club band

gusto ko ng ganitong t-shirt. the lonely hearts club band ang tawag ko sa kanila, na gawa ni christian san jose. astig 'di ba?



sino pa bang hindi nakakakilala sa kanila? sumikat na tuloy ang magkakabarkadang 'to. nasan na kaya sila? ano na kayang itsura nila ngayon? buhay pa kaya sila?

Monday, September 21, 2009

old manila

kapag napupunta ako ng manila, bumabalik sa isip ko yung years ko noong college. araw-araw, back and forth from valenzuela. sumasakay ng tricycle at jeep papuntang monumento, lrt, bababa sa central station at maglalakad papuntang intramuros. isa't kalahating oras ang byahe one way. hindi ako kumuha ng boarding house dahil iba pa rin ang comfort ng umuuwi sa sariling bahay. libre kain, libre tubig/kuryente, libre laba, pati ligpit ng kama libre na rin. hehehe.



kapag nasa biyahe, ginagawa kong libangan ang pagsa-sight seeing ng mga cute na mga students na nakakasabay at nakakasalubong ko. pero i had this conclusion na halos karamihan (80%) ng mga students ng UST ay magaganda, lalo na kapag white dress ang uniform. sa intramuros area, nandiyan ang mga girls ng lyceum (40%) at letran (30%). (note: ang mga percentages ay sariling haka-haka ko lamang) eh ang sa mapua? okay, next topic.

ngayon, kapag nasa bakasyon at mapapadaan ako ng manila, binabalikan ko pa rin ang porkchop ni manang na makikita isa sa mga stalls sa pader ng intramuros. makikita ito sa gitna ng mapua at lyceum. masarap ang pagkakaluto ng porkchop with her patented sauce na talaga namang di mo makakalimutan sa sarap.

saan ba patungo itong post ko na 'to? hindi ko din alam. nakita ko lang kasi sa inbox ko itong old pictures ng manila. mga panahong buhay pa ang mga magulang ng mga lolo't lola ko. mga panahong puro kalabaw at kabayo pa lang ang means of land transportation.

binondo early 1900's


escolta year 1884

gate to intramuros late 1800's

gateway to fort santiago


ilog pasig 1900's

luneta park 1900's: wala pa halos mapupwestuhan ang mga mahihilig mag-quickie.

napakahirap palang magplantsa noon, pero kahit madali na lang ngayon, tamad pa rin ako magplantsa. hehehe.


ang malacanang noong panahong hindi pa niya kailangan ng gates at sandamakmak na pulis para bantayan ito

may tram din pala sa atin noon. 1900's

san sebastian church and hidalgo street

sampaloc street



Saturday, September 12, 2009

baby under construction

today marks the first birth and death anniversary of our twins. ang bilis ng panahon! kung tutuusin, dapat kalimutan na lang para hindi masakit kapag inaalala pa. pero it also marks the day when my beautiful wife was given her second life. dahil lalong malalagay sa panganib ang buhay nya kung patatagalin pa ang mga babies sa kanyang sinapupunan. kumbaga, nailabas ang mga babies in the nick of time. at iyon ang gusto naming alalahanin sa araw na 'to, thanksgiving.

bachoinkchoink is in her 18th week of our third baby. so far so good, very very good compared last year. kung totoo yung kasabihang kapag maganda at blooming ang buntis ay babae ang magiging baby nya, siguro ay babae na naman ito (pero kapag humarap siya sa akin sa webcam nang hindi pa naliligo, wari ko ay lalaki. hehehe).

binibiro ko nga siya. sabi ko next year ulit gawa kami baby para blooming siya ulit lagi. hehehe. bisyo na 'to.

(ninenok lang ang larawan dito)

Monday, September 7, 2009

and after all i'm only sleeping

nitong mga nagdaang araw, lagi akong balisa tuwing pagkagising ko sa umaga. lagi ko kasing napapanaginipan na nasa college pa rin daw ako sa mapua.

pero ganito ang scenario: nasa kalagitnaan na raw ang isang semester na hindi ko pa napapasukan ang isang major subject na nag-enroll ako. nasa resibo ang list of subjects na binayaran ko sa registrar pero hindi ko napansin ang isang major subject na ito. ultimate katangahan.

ilang beses na raw nagro-rollcall na wala ako, at ilang exams na rin ang nalagpasan ko. hindi ko na alam kung makakapasa pa ako kahit ano pang gawin ko. maiiwanan ako ng mga kaklase ko. magkaka-dungis ang transcript of records ko. papagalitan ako tiyak sa bahay.

pero pagkatapos kong mahimasmasan pagkagising, sigh of relief. buti na lang at panaginip lang. nagtatrabaho na ako at wala na sa college. pero bat ba ako kinakabahan eh sanay na sanay naman akong bumagsak noong college. hehehe.

mas gusto ko kasi ang freedom ng working life kaysa sa college life:

1. bahala ako kung ano ang gagawin ko sa sweldo ko. nakaka-konsensiya kasing gastahin sa kabulastugan ang pera kapag bigay lang sa iyo.

2. bahala ako kung anong oras ko gusto umuwi. hindi tulad pag college, monitored ang oras lalo sa gabi. parents have their rights, pera nila ang ipinampapa-aral sayo.

3. bahala ako kung ano ang gusto kong gawin paguwi ng bahay. walang iintindihing homeworks at exams (na kokopyahin lang din naman).

ilan lang yan sa mga naiisip ko ngayon. hindi ko na isasama yung nakakapasok na ko sa mga sinehan nang walang kahirap-hirap kapag R-18 ang palabas. pero kahit noong college naman ako eh hindi naman ako nakaranas pigilan ng ticket booth at gwardiya, eh mukha pa naman akong baby noon.


* * *


kagabi, nasa classroom ng mapua na naman ako sa panaginip ko. this time, ang professor daw ay si berlin manalaysay. hindi ko pa nakikita ang itsura ni berlin manalaysay pero para sa mga hindi nakakakilala sa kanya, siya dakilang gumawa ng combatron na sobrang idol ko noon. 'stig di ba?





sobra lang siguro akong nanghihinayang sa mga nawala kong funny komiks noon. kumpleto ko pa naman ang combatron series mula sa simula. nabasa kasi ng baha lahat at bumaho kaya itinapon ko na lang. kung hindi eh ako lang sana ang may kumpletong archive ng combatron na available sa internet.

(ang komiks ay inumit dito.)

Wednesday, September 2, 2009

Friday, August 28, 2009

sweet child in me

paborito kong panoorin ang prison break. impak, paulit-ulit ko itong pinapanood mula season 1 for the past 3 years na naka-save ito sa ipod ko.

one busy day sa work, biglang naisip kong gayahin at gawin din ang paper crane na laging hawak ni michael scofield, and i named her 'silver'.



at dahil mas magaling daw ako kaysa kay michael scofield, gumawa na rin ako ng frog named 'echo'. parang ginutom tuloy ako, sarap ipirito ng mga legs.



but wait, there's still more! here's 'puff' the colorless dragon.



apat sila. itong huli ang pinaka-leader sa kanilang lahat. siya si 'spandex' the t-rex.



itong si puff at spandex din ang pinaka-talented sa kanila. pag sumigaw si spandex ng "let's volt in!", automatic na lumilipad si puff paatras kay spandex para mag"volt-in". *insert voltes V music here*. at sila'y tatawaging the horny jurrasics.



teka lang. nasabi ko bang busy ako sa work?