out of nowhere bigla ko na lang naalala ang funny komiks. una ko tong nakitasa pinsan ko, si kuya noel. at dahil nagustuhan ko to eh naaddict narin ako. hehehe. php4.00 pa lang yata ang isa nito. ang naabutan ko noon ay sila tomas at kulas, superblag, planet op d eyps, mr & mrs, petit at si eklok. pero ang dahilan kung bakit ako nagkokolekta ng funny komiks ay dahil sa combatron.
ok, a little introduction:
si combatron ay ang pinoy version ni megaman o rockman ng family computer noong 90s.meron syang horse-shoe magnet sa ulo na pinanggagalingan ng kanyang galacticpowers. nagsimula ang istorya kay empoy, na nasa sementeryo habangdinadalaw ang puntod ng kanyang mga magulang. nang biglang may nakita syang bumagsak galing langit na parang bulalakaw. doon nya nakitaang original na combatron na malapit nang mamatay dahil sa pakikipaglaban saspace. hanggang ang nangyari eh inilipat nya ang kanyang powers kay empoy at sinabing ipagpatuloy nya ang ang laban kalaban ang mga masasamang space warriors.
maraming talento itong si combatron, nandyan ang omega laser, nuclear eye beams,hip blades, double teleported punch, space thunder at ang pinakapamatay nyanggalactic space sword.
madami ding naging nakakatuwang mga characters sa istorya na mga kakampi at mgakaaway nya. dahil ang ilan eh kapangalan ng mga banda. nandyan si axel, ang isasa mga naging kakampi nya at ang kapangyarihan nya eh ang shock waves. bastaparang ganon. hehehe at kapartner nya si metalika, ang gumagamit ng solar energy. syempre kung may roll si rockman, si combatron eh merong askal, natumitira ng missiles at flying skateboard pa. (pero namatay din sya, napatay ngisa sa mga nakalaban ni combatron, si diaconda! nadepress ako noon pramis.hehehe.) pero meron ding pumalit kay askal, si dobbernaut. mas malaking aso namanito parang dobberman (obvious ba?).
sa mga villains naman, si alchitran ang mortal na kalaban ng original nacombatron, dahil tinraydor sya ni alchitran sa kalagitnaan ng laban at kumampisa kalaban (at dahil sugatan si combatron ay nagpunta sya sa earth at doon nyanakita si empoy, now there is the connection!). pero si alchitran ay napatayni abodawn na kakampi din nya at that time. nagpalutang lutang sa space si alchitran nang tamaan sya ng bulalakaw at naging si deathmetal (komiks version ni undertaker!). at noong mga bandang huli ang kalaban na ni combatron ay ang ubod ng laki na si megadeth, na sa sobrang laki eh sakop nyaang isang page ng komiks. hehehe
every friday ang labas ng funny komiks. at excited na excited ako papunta pa langng tindahan. gustong bulatlatin agad ang combatron at tignan kung ano na angnangyari (na minsan eh walang combatron sa issue na yon, kabadtrip yun!).at pagkabasa eh yun na ang laman ng kwentuhan naming magkakalaro at classmate ko.
nasaan na ang mga komiks ko ngayon? wala na. bahain kasi ang lugar namin noonsa valenzuela, at nakaligtaan kong ilagay sa safe place ang mga komiks ko, nakatago lang kasi yun sa ilalim ng kama ko. meron pa kasing additional na kamayung kama ko, pero wala lang kutson kaya doon ko natatago ang komiks ko. pero one rainy day eh huli na ang lahat, nabasa na ng baha ang komiks ko at napilitanakong itapon na lang dahil mabantot. at isa yon sa mga pinanghihinayangan kong mga bagay ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
I'm glad you took the time to chronicle the story of Combatron. Now I know the story. :)
weird for a first post no? hehehe
i just really dont know what to write first, and combatron flashes to my mind because it reminded me of my childhood. and i love thinking about it.
nostalgic. paborito ko rin ang funny komiks noon. eklok at combatron ang lagi kong binabasa. nababaduyan ako minsan kay superblag kasi para lang syang si mighty mouse sa costume niya. haha
di ba may babae ring kakampi sila combatron at axel? nakalimutan ko na yung pangalan. haha
nakakatuwa kapag meron akong nakakakwentuhan tungkol sa funny komiks. dahil sobrang adik ako noon. hehehe
si metalika yung kakampi nilang babae na tumitira ng 'solar slingshot' =P
Post a Comment