Sunday, March 30, 2008

dumb and dumber

nung friday, nagtreat ako ng lunch sa mga ka-officemate ko. padespedida ko na sa kanila kasi paalis na ako ng singapore. kumain kami sa thai express sa isang mall along orchard.

singaporean waiter: is that all, sir?

rj: (to officemates) ano wala na ba kayong oorderin? ayos na ba yan?

officemates: (to rj) mamaya na lang umorder kapag may kulang pa.

rj: (to singaporean waiter) mamaya na lang daw.

officemates: (tawanan)

singaporean waiter: (tulala lang)


minsan nata-tagalog ko ang mga foreigner na kaharap ko, lalo kapag biglaan, natataranta ako at nauutal. english kasi ang isa sa pinaka-ayokong subject sa school noon, at hindi rin ako nakapag-practice nung college dahil hindi naman masyado kelangan sa engineering. kaya nga ang lusot namin noon kapag english barok ang nasasabi namin, ‘engineer eh!’. dati na akong may naririnig na karamihan daw ng mga engineers (hindi naman lahat) eh mahina sa english., hindi ko alam kung bakit pero isa ako doon. hehehe.

flashback noong first year highschool pa ko, nasa bahay lang ako at umalis ang nanay at tatay nang biglang nag-ring ang telepono. riiiiiiiiiiing!

rj: hello?

caller: yeah hi! can i speak to mister roberto tejada (pangalan ng tatay ko) please?

rj: (nagulat, nataranta) who is this?

caller: this is an overseas call from houston, texas. can i speak to him?

rj: (nagulat, natataranta pa rin, porenjer eh!) uhmmm.. together.. away.. together they go away!..

caller: oh okay. thanks! i will call again later. bye!

akala ko lusot na ko, akala ko wala nang makakaalam ng nagawa kong kahihiyan. yun pala kapatid ng tatay yung tumawag na taga-navotas at ginogoyo lang pala ako. kalat tuloy sa angkan namin ang kwento, ang nasasabi ko na lang ‘engineer eh!’.


* * *


Advertisement: batjay will be launching his second book, mga kwento ng batang kaning lamig, on april 14, fully booked in the fort at 3:00pm. the ‘ultimeyt tambay’ himself will be there. im looking forward to meet him in person and have the 2 books signed. :)

8 comments:

Panaderos said...

Going home for good? Gaano ka katagal sa Singapore?

RJ said...

2 months and 1 week ako dito sa Singapore pards. punta naman ako ng Qatar siguro by May. kaya magbabakasyon muna ko sa tin.

Panaderos said...

Ok, best of luck sa mga plano mo, Pards. Keep in touch through your blog. Ingat.

lethalverses said...

hahaha natawa ako sa together they go away...

nice blog, keep it up parekoy.

RJ said...

salamat sa pagbisita pare.

nakakatawa and nakakahiya at the same time. pero ganon talaga, life's full of bloopers. hehehe

ingat!

Anonymous said...

hehe. "they go away?"..
i lab the english of you! haha.
ok lang yan. kahit ako. minsan,
tinatagalog ko yung mga korean na
schoolmates ko, or even yung englisherang classmate ko. sabay na lang palusot ng "YOU KNOW. THAT, YEAH, THAT'S IT." haha. :D

nice posts. :)

RJ said...

trish,

sabay sabing "i dont feel any pressure right now." hahaha! *goosebumps*

Anonymous said...

@rj
-- haha. *nosebleed*