binalita nga pala ng nanay ko na nagpunta sila ng tatay kasama ang friendly neighborhood naming sila tito tomas at tita nida doon sa isang palaisdaan sa malanday, namingwit at nag-ihaw ng tilapia. nainggit ako, yun kasi ang matagal ko nang gustong gawin. yung pumalaot sakay ng bangka o yate tapos mamimingwit, either iihawin o kaya gagawing sashimi, habang may iniinom na beer. wow! pero kung palaisdaan lang, ok na rin.
isang beses pa lang kasi ako nakakapangisda, at yun eh noong batang-bata pa ko. hindi ko na nga matandaan kung saan, 3yrs old pa lang ata ako. basta ang sabi lang sakin ng tatay eh doon yun sa dating palaisdaan ng lolo narding ko sa obando. ang napipicture ko na lang doon eh may isang kubo sa gitna ng palaisdaan, at nandoon ako sa bintana, suot lang ay sandong puti at naka-brip lang. wala rin naman ako nahuling isda dahil puro kataba lang ang nakukuha ko. hehehe
so hindi pa pala ako nakakaranas makahuli ng isda (pwera na lang kung isasama ko yung mga nahuli naming gurame galing sa baha sa dating bahay namin sa valenzuela, ibang story yon. hehehe)
paguwi ko next next week ay babalik kami at doon kami maglulunch. kasama syempre ang aking babsy, na ubod ng mis na mis ko na.
Thursday, March 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment