september 10 nang dalhin sa ospital si bachoinkchoink dahil sa contraction ng kanyang tiyan. nang mawala ng bahagya ang pananakit dahil sa mga gamot at turok, under constant monitoring na siya at kambal sa delivery room maya't maya. hindi pa muna inultrasound at minonitor lang ang heartbeats ng dalawa, at normal naman. ang unang plano ng mga doktor ay magstay na si bachoinkchoink sa ospital hanggang sumapit ang ika-7th month ng kanyang pregnancy para makapagcomplete bedrest talaga siya sa ospital, siya ay nasa 6th month sakto pa lang.
september 12, 3:00pm, nang isagawa ang scheduled ultrasound sa kanyang tiyan at doon na nga nagconclude ang doktora na very very slim or almost impossible ang survival ng dalawa kong anghel. nagkaroon na kasi sila ng tinatawag na twin to twin transfusion syndrome. sa madaling sabi ay sharing sila ng veins at nutrients na tinatanggap, merong donor at recipient sa kanila. kaya ang resulta, payat na payat at halos walang dugo ang isa, samantalang malaki at puro tubig naman sa katawan at ulo ang isa. nagiging visible lang daw ang ganitong problema bago dumating ang 26th week.
halos wala na daw magagawa para sa survival ng dalawa kahit pahinugin pa sila sa tiyan ni bachoinkchoink ng another month. so we decided na tanggalin na sila sa tiyan and hope na masurvive sila, kaysa sa loob pa sila mamatay at madamay pa ang maganda kong asawa.
hindi ko pa alam ang totoong sitwasyon noon. ang sabi lang sa akin ay ini-schedule na daw ng c-section si bachoinkchoink at umuwi na daw ako. friday noon kaya walang tao sa opisina kaya hindi ako makapagpa-book ng flight agad agad. nakausap ko pa ang asawa ko bago siya manganak, and she seems to be excited and ecstatic sa pagkakabalita nya sa kin, to assure me that everything is alright. although nalaman na nya sa ultrasound na ang survival rate ng mga bata ay 1% lang. doon ako sobrang touched kay bachoinkchoink, kahit sa ganoong sitwasyon ay ayaw nya akong mag-alala habang ako ay nasa malayo.
ceasarian section... groggy na si bachoinkchoink ko ng marinig nya ang unang umiyak na sanggol. 3 seconds. yun lang ang itinagal ng 'recipient' twin na puno ng tubig ang katawan. 2.5 liters of water was removed from her body. pinaalalahanan din sya ng doktor na wala na nga siya.
2nd baby comes out, at halos isang dangkal lang siya at payat na payat. tinutulungan ng parang bag para lang makahinga. 10 minutes lang siyang umiyak at pagkatapos non ay wala na. pagkatapos ay another 3 liters of water has to be removed from her womb.
hindi na nakita ni bachoinkchoink ang aming babies, pero narinig niya ang sandali nilang pagiyak.
at doon pa lang ibinalita sakin ng daddy ko ang nangyari nang tumawag siya sa akin sa qatar. alam ko namang anything can happen kaya i already braced myself to hear the worst. nang marinig ko ang boses ng daddy kong "hello jay... wag kang mabibigla...". that's it. alam ko na agad ang ibabalita nya. ang concern ko na lang ay kung kumusta ang asawa ko pagkatapos ng operasyon. tinanong din ako kung ibuburol pa ba o ipapalibing na agad. sa totoo lang, parang ayaw ko makita ang sitwasyon nila. sabi nga rin ng daddy ko, hindi rin makakatulong sa aming mag-asawa.
september 13, 2:00pm, nang ilibing ang dalawa naming anak sa iisang lalagyan.
september 14, 5:00pm, doon pa lang kami nagkita ni bachoinkchoink sa ospital derecho galing ng airport. everybody was cool and joking around, to keep the atmosphere happy. oo malungkot, pero mas nananaig sa amin ang pagiging thankful dahil walang masamang nangyari sa bachoinkchoink ko.
kapag pinatagal pa ang twins sa loob, baka mas masama pa ang mangyari sa asawa ko. kung magsurvive man ang isang baby, maaaring abnormal at puno ang complications. kinuha na agad sila ni Lord para hindi na nila maranasan ang mga iyon, at iniligtas din ang asawa kong maganda sa sakit ng dulot ng pagbubuntis nya.
* * *
ang mga anghel naming umakyat na sa langit ay identical twin girls pala. hindi rin pala 100% reliable ang ultrasound results.
* * *
gusto kong magpasalamat sa aking mga kaibigan, kakilala at mga napadaan na nagpahatid ng kanilang panalangin, sentimyento at comments para sa aming pamilya sa pagkakawala ng pinakahihintay naming mga anghel. salamat sa mga nakihintay, naki-update, nakisabik, nakiramay at nakidalamhati.
alam kong lahat tayo ay naging excited habang palapit ng palapit ang kanilang pagdating pero minsan may kaloob ang langit na dapat nating tanggapin sa ayaw natin at sa gusto.
especially sa mga kaibigan kong nag-effort pa ng pagpost sa kanilang mga blogs, hindi ko rin maisalarawan kung paano ako relieved nacomfort at may virtual akong mga kaibigan na concerned. parang 'tccic' ba.
1. insan gasoline dude
2. lyzius
3. mareng betchay aka utakmunggo
4. mariano
5. ms. maru
6. ron turon
7. pareng badoodles
8. chico
9. trishabiik
maraming salamat sa inyong lahat. kung meron man akong hindi alam, kalabitin nyo na lang ako. gustu kong malaman nyo na naappreciate ko kayo.
let's cheer up and move on. standby lang kayo at magse-second honeymoon muna kami. =D
Wednesday, September 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
62 comments:
sobrang nalungkot din ako dun sa nangyari bro. di ko alam kung anong sasabihin ko. basta alam mo na un. buti naupdate mo na kami, bawas worries. ineexpek pa naman nating maging dadi ngayong taon or next year. pero syempre God knows what's best for us. pakisabi kay tabachoinkchoink mo, teyk care. naudlot pagiging ninong ko.
salamat sa update. nakikiramay kami sa nangyari...
huwag sanang mawala ang optimisim mo papa...
Bossing, alagaan mo si misis bachoinkchoink mo para gumaling siya agad at magkaroon na ng panibagong angels, hehe.
Salamat sa Kanya at okay na din ang si misis mo at pati na din ikaw. Mukhang kailangan nga talagang maging ganun ang dahilan para di na mahirapan ang mga angels.
Bossing, sana nga maging maayos na ang lahat sa susunod na pagkakataon.
Mabait pa din talaga ang Diyos. Spend more time with your wife. She needs you now the most.
I'll continuously pray for the both of you, Insan.
salamat kay papa God, parekoy, at nasa okay na state of mind and heart kayong magasawa. nakikiramay ako sa pagkawala ng mga unang anak nyo sana. kasali rin kasi ako sa mga nasabik sa kanilang pagdating.
hamon ng buhay. buti nalang matatag kayo at andyan ang buong angkan para mag-abot ng suporta sa inyo.
sabi nga ng dakhilang cliche, "when you're down, there's nowhere else to look but UP."
at syempre pa, when you look up, your twin girls will be there, to guide you every step of the way.
:D
salamat sa update... tama ka,God has better plans for you and bachoinkchoink.
take care and you're always in my prayers.
Dont think God's delays are God's denials...^^
pray lang..
take care...
mabuti naman at kahit papano eh medyo maayos na. hindi man lahat, hindi man ganun ka-ok but atleast nasa mabuting kalagayan na si esmi mo. that's something to look forward to.
gud luck sa next honeymoon. :) at God Bless.
nalungkot ako dito pre...
my deepest condolences.
alagaan mo na lang si misis para madaling maka-recover.
then ull have many chances pa naman ulit. God will provide.
hmmmm....condolence po..nakakaiyak nman xa...
..just take care of your wife now..
tama ka.. move on and cheer up!
arjey, mabuti naman at sa tingin ko hindi ganun kabigat ang dating sa inyo, masakit yan syempre pero kelangan tanggapin kasi for sure nasa langit naman sila mapupunta..pinakamahirap ang dinadala nayun ni tabachoinkchoink mo kaya kelangan mas dagdag pang suporta sa kanya...tama yan second honey moon kayo...habol sa pag gawa ng kasunod ng daboy at dagirl
pre, musta ka na at si misis? be strong ha?
nga pala, nakikisimpatiya din yung friend ko sa inyo. nabasa kasi nya yung post ko.
eto yun:
http://boredomspeaks.wordpress.com/2008/09/16/pagbasa-mula-sa-sulat-001-bawi/#comment-31
You have sent 2 angels po to heaven now and God is happy to have them there.
nalulungkot ako personally dahil, kani-kanina lang eh nag-aaral ako for OB at nadaanan ko yung tungkol diyan sa nangyari sa twins niyo. mas okay pang sa libro ko na lang siya nababasa at hindi as a personal experience mula sa blog. =(
hindi mo ko kilala at hindi ko rin kayo kilala pero gusto kong sabihin na nakikiramay ako sa inyo. it will be hard pero nararamdaman ko naman na malakas ang pananalig niyo sa Kanya at di Niya kayo iiwan. =) my tita had a pair of twins. sadly, one of them died after 1 year and 4 months due to a congenital heart disease. it was really difficult, but we knew it was for the best. this will be difficult but this is for the best.
sana sa second honeymoon niyo may dumating ulit na munting anghel =) god bless po.
xs: napadaan pala ako dito dahil kay mariano :)
Sori to hear that bro...kakalungkot naman tong balita na to.
dont worry may kapalit din yang mas greatness kuya rj..
sana lalaki nalang ang nagbubuntis..para msa malakas tayu.
hope si misis OK lang.
Love lots,
Maldito
hello po. napunta dito through Marinao.
hindi ko alam ang sasabihin eh. Sabi nga sa Meet the Robinsons, keep moving forward. =)
mabuti na lang positive thinking ka pa rin..sobrang wala akong masabi sa nangyari..parang kelan lang nagbnabasa ako kung gano ka ka excite eh..hayyy
-
wwei
@badoodles, bawas worries talaga iyong maabutan ko nang ayos si misis pagkatapos ng nangyari. delay lang siguro ito, hahabol din kami sa baby nyo ni bebeMo. hehehe. salamat dre.
@chie,
optimistic pa rin kami, iniisip ko na ngang triplet na ang sunod naming babies eh. hehehe biro lang. =D salamat.
mariano,
bachoinkchoink is in good hands now. ehem. ako ang kanyang personal caregiver ngayon. babawi ako dahil wala ako noong nagbubuntis sya ng pagkahirap hirap. salamat. =D
@insan GD,
salamat insan, ramdam namin ang iyong concern. sana sa susunod financial concern naman. hehehe biro lang. salamat ulit. =D
@betchay,
sarap ngang isipin na nakapag-produce kami ng dalawang anghel sa langit. sana magkakilala kami kung sa heaven ako mapunta. hehehe. salamat. =D
@goddess,
lagi namin tinitimbang mag-asawa na what if nabuhay sila pero madami naman komplikasyon. mas nakabuti na nga ang nangyari for both parties, wala na silang pain, pati ang asawa ko. salamat. =D
@pey pilya,
tama ka, delay lang ito. at least nalaman namin mag-asawa na capable kami at hindi baog. nakakaturete din isipin minsan kung baog ba ang isa sa amin o hindi. hehehe. salamat. =D
@pedro,
ang nangyari ay parang exam, bumagsak man ako sa exam, hindi naman nagalit ang parents ko. so ok pa din. parang ganun. gets nyo ko? hehehe salamat. =D
@ron turon,
nakakalungkot talaga pre pero we are forced to look on the brighter side. tapos na ang hirap sa pagbubuntis ni misis at hirap ng mga babies sa loob ng tiyan. sana sa susunod magkasabay na tayo magka-baby. hehehe. salamat. =D
@mayyang,
ganun talaga, kaysa magmukmok at magiiyak, nakakawrinkles lang. hehehe salamat. =D
@mareng lyzius,
ok lang naman siya, at least she is now free of the burden of pregnancy for now. may problema kasi sa pagbubuntis kaya sobrang sakit daw ng naranasan nya. pero hindi naman sya natrauma at game ulit kami. hehehe. salamat. =D
@mamaru,
ok naman na kami, busy ako sa kaka-alalay sa kanya para umupo sa arinola tuwing gabi. hehehe. we are fine at nagiisip kami kung saan maganda magliwaliw pagkagaling ng sugat nya. salamat ha. =D
salamat na rin kay chico! =D
@sel,
yun nga din ang iniisip ko sa ngayon. at least meron kaming ambag na anghel sa langit. salamat. =D
@doc mnel,
kakadiscover nga lang namin ng maigi tungkol sa syndrome na yan, saklap lang dahil nasampolan kami. rare case naman daw sya kaso lang nachambahan.
naiisip nga namin na mas malungkot kapag nakasama na namin sya ng matagal at nagkaroon na ng memories together.
salamat ha. =D
@maldito,
lalaki ang magbuntis? sige ikaw na lang goodluck! hahaha! biro lang.
hirap talaga magbuntis, lalo kong naappreciate si bachoinkchoink ko ngayon sa nangyari. i almost lost her. salamat dre. =D
@saminella,
hello. salamat sa pagbisita. keep moving forward, kailangan ganun ang outlook sa buhay.
@gagitos,
lahat naman naexcite nung binalita ko sa amin pati dito sa blogging world. pero ganun talaga, the best is yet to come. salamat. =D
nadagdagan na naman ang mga anghel na magbabantay sa atin dito sa mundo. saludo ako sa pagiging matatag ninyong buong pamilya, at oo, siguradong mas gusto ng mga anghel ninyo na masaya kayo at patuloy na nagmamahalan.
i'm glad at positive ang outlook mo ardyey. alagaan mo mabute si bachoink mo. nakakainspire ang attitude mo. keep it coming!
i'm glad at positive ang outlook mo ardyey. alagaan mo mabute si bachoink mo. nakakainspire ang attitude mo. keep it coming!
that's the attitude! kudos! God wants them to guide you and don't worry, dadating din ang mga babies nyo. happy honeymoon! :)
sori tagal kong di napasyal dito... sabi nga lets see things in a positive way.. ang mahalaga mas marami pang time mag honeymoon.... =)
ngaun lang ako napadpad sa blog na to... pero nakikiramay po ako... nakakalungkot.. just remember na everything happens for a reason... i'm sure kasama na ni God ang mga twin angels mo sa heaven at alam nilang madaming nagmamahal sa kanila lalo na parents nila...
Glad to hear that your wife's okay. Ingatan mo siya. I'm glad din na very positive ang attitudes niyo. This was a tough and sad situation but I'm glad that you guys stayed strong through it. Ingat.
kengkay,
yup, naniniwala pa rin ako na okey pa rin ang mga nangyari sa kabila ng lahat. salamat. =D
salamat prinsesa musang,
ganoon nga ang ginagawa ko ngayon. ako ang caregiver at si bachoinkchoink ang pasyente ko. may libre pang kiss. hehehe.
@myk2ts,
kapag nagkaroon na ulit kami ng baby, tatawagin ko na siyang 'the child who lived' at lalagyan lightning scar sa noo. hehehe.
@prinsesa,
masarap maghoneymoon, lalo pa't magaling na ang mga sugat. hehehe. =D
@glesy the great,
you are correct. salamat. =D
@panaderos,
oo nga pards malungkot talaga kung iisipin pero may plan si God kaya no hard feelings na lang. salamat. =D
condolence. Sayang naman yung twins, tska diba karamihan ng mga twins magaganda. Artista sana sila paglaki. Pero siguro may dahilan si god kaya sila kinuha. You know, lahat naman ng bagay may dahilan. Kahit wala pa akong malay sa ganyang bagay dahil teenager palang ako, I understand naman what you feel. Yung pinsan kasi namin premature nung pinanganak tapos kaylangan pa ng dugo nung babay. Super malungkot talaga ung uncle ko and si tita. Pero buti naman ngayon super healthy na nung baby, pero ganun pa man, super nag.alala kami.
Go! go! go! nalang sa second honey moon nyo. Yaan nio triplets naman sana ung kasunod and i'll pray na sana malusog sila. :) Goodluck kuya.
isa rin ako sa mga umasa at nalungkot. indi madali ang pinagdadaanan nyo ngayon at sa ganitong sitwasyon, mas kailangan nyong maging strong para sa isa't-isa.
God bless!
nakakalungkot..
pero at least magkasama pa rin kayo ng wifey mo. Kaya niyo yang pagsubok na yan. Great idea yung second honeymoon, ngayon niyo kailangan ang isa't isa. I wish you happiness.
GOD bless you.
i'm sad for the lost of your twins but happy that your wife is fine. ipagpatuloy ang positive attitude, rj!
bro, GOD has something bigger planned for you and your wife. masakit kung sa masakit, but life goes on. Baka kaya nya kinuha agad ang twins, to spare you and your wife from a life of torment. Take care of tabachoink. She needs your strength now more than ever. I wish her well.. I wish you well.. And I will pray for the souls of your two angels..
goosebumps ako sa nangyari...
pag may nawala, meron paring dadating. stay happy kuya, at least okay na si wifey.
Ngayon lang ako nakadalaw ulit at naging busy ako sa trabaho. Nalungkot naman ako sa balitang ito. I know how excited you and your wife were over the twins. But that's life. We come and go. Bata pa naman kayo and you can still make more. Nakikidalamhati ako sa inyo.
nakikiramay po ako sa pagkawala ng dalawa ninyong angel...
kakalungkot po..
sana po ay gumaling na kaagad si misis tabachoinkchoink nyo..
count me in bossing, nasa archive ko lang yun. =) pero kahit ganun pa man, ganun talaga ang buahy..we must move on!
@lei: talagang may reasons lahat, gustu ni God na siya na lang ang mag-alaga sa kanila dahil baka lalo lang kami mamroblema kung kami ang mag-aalaga at madaming problema. salamat sa pagdaan.=D
@aling baby: hindi madali pero kailangang magsimula ulit. wala talagang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas.
@mayui: thank you mayui, pagkatapos gumaling ng mga sugat physically and emotionally, laban na ulit. hehehe. =D
@mari: mas marami pang nakaranas ng mas malala kaysa sa amin, kaya tuloy ang buhay. hehehe. salamat.
@azrael: natumbok mo pre, mas maigi kung si God na nga ang mag-alaga sa dalawa. mas madali din sa amin na mag-move on dahil hindi naman namin nakita ang itsura nila, di naman sila nakasama sa labas at wala kaming moments together sa bahay. mas mahirap yung ganun. salamat.
@leyn: yun nga ang pinakaimportante dun, safe si misis. salamat! =D
@tito rolly: yes we come and go. pag may ganitong pangyayari eh nareremind tayo how temporary this life is.
@rio: salamat po!
@pensucks: life goes on - tupac. hehehe
hay andami kong sinabi sukat naman nawala!
anyways, shortcut na lang (kabuset) sana po makarecover kayo ni tabachoinkchoink mo agad and i know Lord will give you your little angel soon..
anonymous: maraming salamat at napadaan ka sa blog ko. sayang di ka naman nagpakilala. taga-langit talaga yung dalawa kaya sila kinuha agad.
Post a Comment