Tuesday, September 2, 2008

interview with the vampire bachoinkchoink

excited na ko sa pagdating ng aming munting mga anak. malalaman ko na rin ng lubos kung ano ang feeling ng pagiging daddy pag narinig ko ang kanilang unang iyak. maeexperience rin namin kung ano ang pakiramdam ng maging magulang sa isang pares ng kambal.

naitanong ko na rin sa sarili ko noon kung kumusta naman kaya ang magiging buhay ko ngayon kung nagkaroon ako ng kakambal ko. una kong naisip na ang sarap sarap siguro ng meron kang permanent companionship at sanggang dikit na maituturing. meron kang malalapitan sa lahat ng oras at kayo kayo ang matutulungan, dahil kayo ay kambal.

pero minsan nao-overlook natin na marami ring hirap ang pinagdadaanan ng mga multiples. halos lahat ng happily ever after ending ay nagsisimula sa masalimuot na once upon a time.

you can never have the full attention of your parents. laging hati dahil pareho kayong dapat bigyan ng atensyon. you and your sibling are on a constant comparison with each other. mula sa pagiging baby, sa paglalaro, at maging hanggang school. marami pang iba.

* * *

mas maeexplain ng isang taong may kakambal ang mga bagay na ito. buti na lang, natyempuhan ng ardyeytology para sa isang maikling interview si bachoinkchoink, ang maganda kong asawa na buntis sa kambal, at meron ding kakambal na lalaki. adik. hehehe.

ardyeytology: how was the kids baby kong jontis?

bachoinkchoink: eto nakahiga lang kami. kanina tahimik lang sila, tinapatan ko ng music, ayan nag-gagalawan na naman. nag-sasayawan siguro. hehehe.

ardyeytology: hahaha kakatuwa. siguro pwede natin sila isali sa sexbomb at sa universal motion dancers. teka matanong lang kita, kumusta naman ang buhay nyo ni ogidapogi noong mga bata pa kayo?

bachoinkchoink: we really had sibling rivalry since childhood. puro away talaga. andiyan maghabulan ng tadyakan, sabunutan, suntukan at kagatan. andiyan butasan ko alkansiya nya at kunin ang pera. andiyan gupit-gupitin nya shoes ko, basta gamit ko. basta may lihim siyang galit sa akin kasi tinusok ko ng pencil ang gilid ng mata niya at tinadyakan ko balls nya nung bata pa kami. pinukpok naman nya binti ko ng plastic na pamaypay na matigas kaya nagpoklat.

ardyeytology: kaya pala sanay na sanay ka sa mixed martial arts kapag binubugbog mo ko no?

bachoinkchoink: gago.

ardyeytology: ok next question, kumusta naman sa school? Lagi ba kayong napagkukumpara?

bachoinkchoink: mas matalino siya at gusto ko lage papaturo or kokopya ng mga assignments for reasons na hindi na ko mahirapan at tama answers ko. ayaw nya kahit bigyan lang ako ng clue or hints or turuan how he solved that pero ayaw nya. bahala daw ako magdiscover ng ginawa nya. madamot yan pinaturuan sya organ nung bata kami, there were nights na umiiyak ako sa gabi dahil bakit siya pinaturuan at bakit pag natuto lang siya saka lang ako tuturuan, hindi rin niya ginawa dahil gusto nya siya lang magaling. we were always being compared. lagi siyang pinagmamalaki kasi laging honor, well ako honor din nun. nung tumagal, top na lang ng class.

ardyeytology: siguro puro abnoy, adik at mga sintu sinto mga classmate mo noon kaya nag nagto-top?

bachoinkchoink: abnoy parang ikaw. hehehe.tsup!

ardyeytology: pogi naman. hehehe so pano ka naka-cope up at paano ka nag-aadjust?

bachoinkchoink: well, hinayaan ko na siya sa academics. extra curricular like dancing, declamation and drawing ako nag-excel in which he tried doing also pero hindi nya kinaya pantayan, mas magaling pala ako sa kanya. mula nun naovercome ko na yung selos at competition.

ardyeytology: buti hindi na kayo nagsisipaan, sapakan at tadyakan ni ogidapogi ngayon, sagwa na eh. Ang laki laki nyo na. Kelan kayo naging close na?

bachoinkchoink: we have to live together in an apartment nung college. nung una, nagsusungitan kami at hindi masaya. until we discovered the goodness in each one of us. pinaglalaba ko na sya at gentleman na sya sakin. dahil film ang kinuha nya, sometimes he even consulted my ideas at ganun din ako sa kanya sa mga projects and assignments ko. we learned to trust each other and became very supportive sa isa’t isa.

ardyeytology: buti naman at happily ever after ang nangyari sa inyo. at least meron kang maraming idea on how to raise our twins well, dahil dumaan ka rin sa may kakambal sa paglaki. salamat sa pagpapaunlak sa aking interview. isang tanong na lang, ano ang masasabi mo sa nalalapit na laban ni idol pacman at golden boy?

bachoinkchoink: ewan! whatever!

ardyeytology: tignan mo to…labyu.

30 comments:

Lyzius said...

wow me kakambal pala si tabachoinkchoink mo...

matagal ko na ring pangarap yan magkaanak ng kambal para isang hirap lang...

hamsoheksayted na men!

UtakMunggo said...

aba kaya naman pala naka two in one ka eh. orig two in one member pala si misis ganda. haha

96 days to go. tick tock tick tock.

The Gasoline Dude™ said...

Aysus me kakambal sa Bachoinkchoink! Siet! Kaya naman pala...

Makahanap nga din ng me kakambal... *LOLz*

RJ said...

lyzius,

mituhamsoeksatednaren! hehehe

try mo magtest tube baby, may tsismis na ganun daw ang ginawa nila brangelina. hehehe.

double fun, double cost. =D

RJ said...

betchay,

sabi tuloy ng byenan ko sa misis ko: "now you know!" hehehe.

pwede bang mandaya? sana paggising ko bukas 15 na lang. =D

RJ said...

insan GD,

tamang tama, may kakilala ako gusto mo ireto kita.

identical boy twins nga lang.

hahaha! =D

Panaderos said...

Oks na oks ang interview mo. May kambalistic history pala sa side ni Misis. That's good for you because she has the previous experience to rely on that would certainly help both of you raise your kids properly.

Anonymous said...

nasa lahi pala ng misis mo ang kambaleyshen. at fraternal din! ang galing.

Anonymous said...

naman//kaya pala kambal eh..hahah~!
konting intay na lang..makikita mo na mga baies mo.. =)
-
wei

Anonymous said...

dyey so sweet naman kayo ni bachoinkchoink mo ayi! god bless to your relationship anf to your family. i'm sure you'll make great parents because you love each other so well, pati na din ang kutings kahit di pa sila lumalabas. tsaka gusto ko talaga nakikita yung picture ni tabachoinkchoink, she is very pretty. and very pregnant. lol. sana kami din ni my man ganiyan din pag dating ng araw!

Anonymous said...

ang kyuut naman kambal na sila, kambal din ang baby nyo. :)

ako din, i've always wanted to have twins kaso indi na yata mangyayari yon haha.

sana boy and girl din ang twins nyo pra isahan na lang. :)

gudlak!

RJ said...

panaderos,

yup, that experience will really help. dahil yung iba siguro ay magiging insensitive pagdating sa mga ganyang bagay. at least alam na nya ang gagawin. =D

RJ said...

mari,

ang galing nga eh, wala pa talaga akong kakilalang kambal ang anak ng kambal. hehehe.

RJ said...

gagitos,

ang tagal pa ng konti. tagal ng oras kapag binibilang mo ang kada araw. hehehe.

RJ said...

thanks prinsesa musang,

sana nga maging great parents kami sa aming mga babies. di ko pa kasi nasusubukan. hehehe.

okay lang maging ganito rin kayo ni papa mo, wag ka lang muna magbubuntis ngayon at bata ka pa. hahaha! =D

RJ said...

aling baby,

baby boy and girl nga po ang aming mga chikutings. hehehe. tama na siguro ito dahil kumpleto na agad, pwera na lang kung mapagtripan kong mangalabit ulit. hehehe.

http://ardyeytejada.blogspot.com/2008/08/oh-girl.html

Anonymous said...

wish ko din magkakambal..pero wala sa lahi namin..wala din sa lahi ni pricesss fiona..pano nalang ang pangarap ko? lalaho nalang ba sa dalampasigan?lols

congrats bro! Im happy for u..pahiram ng kambal ha!ahhahaa

prinsesa000 said...

sana maging kasing cute nyo rin ang mga babies nyo! game na game sa pagsagot si bachoinkchoink mo ah! ang sweet nya lalo na ung sabi nya sau "gago!" nayahah!

Anonymous said...

inggit! i've always wanted a twin! goodluck sa kambal nyo! ;-)

Anonymous said...

wow! super cool na mommy and daddy kayo ni bachoinkchoink mo! hahaha wag mo kakalimutan iupdate kami tungkol sa mga kuting ha?? hahaha kami ng ditse ko lagi napagkakamalan na kambal nung bata pa kami, ang nakakatawa lang - kambal na LALAKI! hahaha ang popogi daw namin! haha

The Gasoline Dude™ said...

Shet Gurl, type ko itetch boyzzz na twinzzz... Nyahaha! *LOLz*

MAY said...

wow!! pangarap ko din dati yang kambal.. kaya lang, la kami lahi ng twins eh, dang! ang suerte nyo naman.. take good care of your babies.. congrats in advance... and pa-compliment din sa wifey, ang cute din ng pix!!! excited na siguro kayong dalwa.hehe.. ;)

RJ said...

maldito,

pwede na yatang magpa-inject ngayon, ayon sa nasagap ko, nagiinject daw ng maraming eggs sa babae, tapos mabubuhay ng sabay sabay ang milyon milyong sperm ng mga lalake. tapos papatayin isa isa hanggang sa maging dalawa na lang. gross. tsk tsk.

ipapahiram na namin sila agad sa showbiz, para kumita agad. hahaha! =D

Anonymous said...

ang sweet naman...

RJ said...

prinsesa,

ganun talaga kami magusap ni bachoinkchoink, very casual pero very sweet deep inside. naks! hahaha!

kapag nalalapit na ang due date, pangatlo na lang na hiling ang maging cute ang mga babies. una ang pagiging normal at healthy.

RJ said...

hello caryn!

sobrang sarap nga ng feeling na dalawa ang magiging new addition sa amin, pero sobra ding hirap ang pinagdadaanan ngayon ni bachoinkchoink ko. i wish i was there with her.

RJ said...

piapot,

hahaha pareho ba kayong mukhang barako?! para palang si jeck, napagkakamalang tomboy. hahaha! =D

RJ said...

insan GD,

landi!! hahahha! =D

RJ said...

hi may!

yup super excited na. excited na kong makauwi at salubungin sila, si bachoinkchoink naman eh excited nang matapos ang paghihirap sa pagdadala ng dalawang mabibigat. hehehe. =D

RJ said...

taps,

uu, nakaka-diabetes. =D