Thursday, September 11, 2008

drama-rama with professor X

sa istorya ng buhay, hindi pwedeng laging smooth ang mga bagay bagay. laging merong problema, laging merong drama para mas exciting ang plot. gustuhin man nating maging smooth ang pagbubuntis ni bachoinkchoink at paglabas nila kambal, merong drama in between to spice things up.

muntik na kong mapa-emergency leave kanina. nagpa-confine kasi sa CGH si bachoinkchoink dahil nananakit ang tiyan, likod, tagiliran, lahat, dahil hindi maka-wiwi ng maayos (isang kutsara kada sampung minuto) kaya hindi siya makatulog ng normal for the past few days dahilan ng pagtigas at pagkasakit ng tiyan. dahil siguro malaki na ang mga dobol trobol sa loob, naiipit na ang pantog niya at hindi makapag-function ng maayos.

ready na talaga akong magpaalam sa amo ko na uuwi ako, kaso pagkatawag ko kay bachoinkchoink kaninang umaga ay nasa ospital na siya at okay na rin ang sitwasyon. she feels fine at ang pakiwari ni doktora ay baka magpremature siya, kung sakali ay next month which is 7th month. matigas na raw kasi ang tiyan. kasi naman, 5 flat lang si bachoinkchoink ko tapos kambal pa ang baon, astig.

hindi ko na itinuloy ang balak kong paguwi, for the meantime. pinigil na rin kasi ako ni bachoinchoink, ok na raw naman at wala naman akong magagawa rin. in two to three days, lalabas na rin siya ng ospital. mas gugustuhin pa namin na ang stay ko sa pinas ay ang pag-aani sa aming dalawang chikutings. kung next month ako mage-emergency leave, mas ayos. november pa kasi ang appoved vacation leave ko.

* * *

ang hirap din ng maging ofw, para kang si professor x. libangan ay ang mag daydream ng kung ano-anong mga nangyayari sa pilipinas. wala ako doon physically, pero nandun ang utak at isip ko.

wala ako doon para magasikaso sa asawa kong buntis, hindi ako makatulong, hindi ko siya maalagaan specially for times like these, (you need a juicy). lagi lang naka-antabay kung anong mga mangyayari. naguutos sa mga makakagawa at makakatulong in my absence. buti na lang very supportive ang aming pamilya at lagi silang naka-alalay.

si professor x ay para ding matinong ofw tulad ko (ehem!), walang sex life.

5 comments:

rolly said...

buti na lang at hindi ka natuloy at umokey na nanan pala si misis. Makakabawas din yun ng bakasyon mo once lumabas na mga baby mo. Sayang din ang bonding time with them.

UtakMunggo said...

palagay ko'y ipabe-bed rest na ng kanyang dok si misis ganda hanggang sa siya'y manganak. ang selan kasi kapag kambal, idagdag pa ang height deficiency ni misis ganda. ehehe

ang magagawa mo sa ngayon parekoy ay ang magdasal para sa kalusugan ninyong mag-anak. at wag mong kukunsomihin si misis ganda. dapat good boy ka at pag-aralan mo na ang mga katagang "yes, dear." wag kang kokontra sa lahat ng ideas niya. keep the peace, baga.

ay chismis yan. talaga bang walang sex life si prof x? sus wag ka. e diba boyps niya si magneto? charing charing!!! ahehe

Anonymous said...

it's good to know na um-ok na din ang wife mo. i'll pray na maging ok ang kalusugan nya hanggang sa siya ay manganak.
un nga ang mahirap sa kambal... nag-aagawan kasi sila sa lugar ng tiyan ni bachoinkchoink. she'll get by, my prayers will always be with her.

tagal lagi bago ako makabalik... busy-busyhan kasi sa buhay! :P

prinsesa000 said...

ay parehas lang kami ng height ni bachoinkchoink!

thanks God na okey na sya. pray lang lagi rj para okey pa rin si bachoinkchoink at ang dobol trobol mo.

natawa ako kya naman pala professor x ha.. chismax yan!

.::. Vanny .:. said...

its my first time here. and sobrang naexcite ako to see ur twins. ;)

looove babies. ;)

tc. hopefully ur babies are in good health. ;)