Monday, September 7, 2009

and after all i'm only sleeping

nitong mga nagdaang araw, lagi akong balisa tuwing pagkagising ko sa umaga. lagi ko kasing napapanaginipan na nasa college pa rin daw ako sa mapua.

pero ganito ang scenario: nasa kalagitnaan na raw ang isang semester na hindi ko pa napapasukan ang isang major subject na nag-enroll ako. nasa resibo ang list of subjects na binayaran ko sa registrar pero hindi ko napansin ang isang major subject na ito. ultimate katangahan.

ilang beses na raw nagro-rollcall na wala ako, at ilang exams na rin ang nalagpasan ko. hindi ko na alam kung makakapasa pa ako kahit ano pang gawin ko. maiiwanan ako ng mga kaklase ko. magkaka-dungis ang transcript of records ko. papagalitan ako tiyak sa bahay.

pero pagkatapos kong mahimasmasan pagkagising, sigh of relief. buti na lang at panaginip lang. nagtatrabaho na ako at wala na sa college. pero bat ba ako kinakabahan eh sanay na sanay naman akong bumagsak noong college. hehehe.

mas gusto ko kasi ang freedom ng working life kaysa sa college life:

1. bahala ako kung ano ang gagawin ko sa sweldo ko. nakaka-konsensiya kasing gastahin sa kabulastugan ang pera kapag bigay lang sa iyo.

2. bahala ako kung anong oras ko gusto umuwi. hindi tulad pag college, monitored ang oras lalo sa gabi. parents have their rights, pera nila ang ipinampapa-aral sayo.

3. bahala ako kung ano ang gusto kong gawin paguwi ng bahay. walang iintindihing homeworks at exams (na kokopyahin lang din naman).

ilan lang yan sa mga naiisip ko ngayon. hindi ko na isasama yung nakakapasok na ko sa mga sinehan nang walang kahirap-hirap kapag R-18 ang palabas. pero kahit noong college naman ako eh hindi naman ako nakaranas pigilan ng ticket booth at gwardiya, eh mukha pa naman akong baby noon.


* * *


kagabi, nasa classroom ng mapua na naman ako sa panaginip ko. this time, ang professor daw ay si berlin manalaysay. hindi ko pa nakikita ang itsura ni berlin manalaysay pero para sa mga hindi nakakakilala sa kanya, siya dakilang gumawa ng combatron na sobrang idol ko noon. 'stig di ba?





sobra lang siguro akong nanghihinayang sa mga nawala kong funny komiks noon. kumpleto ko pa naman ang combatron series mula sa simula. nabasa kasi ng baha lahat at bumaho kaya itinapon ko na lang. kung hindi eh ako lang sana ang may kumpletong archive ng combatron na available sa internet.

(ang komiks ay inumit dito.)

11 comments:

p0kw4ng said...

ang panaginip daw eh yung mga bagay na naiisip mo..baka nasa kailaliman ng utak mo yung pagpasok ulit kaya ganon,hihihi...

gillboard said...

COMBATRON!!! Paborito ko yan nung elementary ako!!! kaya lang di ko na nasundan... astig...

Mapua ka pala college, malamang may common friends din tayo dyan. Dami Andrean dun.

BlogusVox said...

Nakarelate ako dito. Madalas ko ring napapanaginipan yang estudyante ako at parang babagsak sa subject dahil sa palaging absent. O di kaya hindi makagraduate dahil kulang sa units o subject.

Sabi nila manifestation ang panaginip ng subconcious mind na kinatatakutan mo. Ano kaya ibig sabihin nyan? Hindi kaya mga unfullfilled "dreams" na gusto nating maabot?

Traveliztera said...

hahahaha

wala pa ako sa working stage pero super excited na ako dahil mgiging independent na rin ako sa wakas! hahaha binebaby kasi ako dito e =\ hindi naman ung tipong nggng dependent na ako. strict nga sila e haha pero anhirap pag bantaysarado. hahahahha

Jepoy said...

Aba ikaw ang pangalawang Mapuan na na nakita ko sa mundo ng blogosperyo. lagi korin napapanaginipan these days ang college days ko, si Mrs Bernardino daw pinag eerase ako ng board tapos na kalimutan ko kaya binagsag daw nya ako sa Calculus. Tapos biglang mag fast forward sa pila kung saan kinukuha ang final grade sa West Building ang status daw ng grade ko nakalagay 3.55 ***OUT**** Buti nalang panaginip lang at naka pag graduate na pala ako. LoL (Ang dami kong sinabi nakikidaan lang naman ako at nakikomento)

Ingats!

antuken said...

ako, i keep on having this dream na hindi pa talaga ako graduate. kse meron pa raw akong isang major subject na hindi nakuha. isa sa mga hate ko. di ko na matandaan exactly what it was pero engineering something. everytime i wake up after having that dream, parang balisa ako talaga.

Anonymous said...

mapuan ka rin!?!?!
parang lahat na lang taga mapua
harujosku

kayong mga mapuans
notorius sa mga nursing students
o mga engineers pala yun?
hahahaha

pero seryoso ako
dati nung nagaaral ako
gusto ko magtarbaho
pero ngayon?
gusto ko na ulit magaral

gusto ko bumalik sa school
:(









.xienahgirl

RJ said...

@pokw4ng, siguro ayaw ko na lang talaga bumalik ng school. nagsawa na. hehehe.

@gillboard, inaabangan ko pa nga ito tuwing biyernes, at lungkot na lungkot kapag naubusan ako ng kopya.

oo nga, maraming andrean sa mapua. although nakalimutan ko na kung sino sa kanila ang andreans.

RJ said...

@blogusvox, hindi pala ko nag-iisa at mukhang marami tayong ganiyan ang panaginip.

ewan ko pero siguro sa akin, ayoko na bumalik ng school ulit. mas pressured kasi ako sa school kaysa sa work.

@steph, masarap ang freedom ng nasa working class. yun nga lang, dun mo mararanasan ang sobrang pagbilis ng oras. wala ka na kasi hinihintay kungdi 15th at 30th ng kada buwan. hindi mo tuloy mamamalayan ang panahon.

RJ said...

@jepoy, so mapuan ka rin pala? ikaw naman ang pang-apat na kakilala ko. anong batch mo? hindi ko lang kasi naging teacher si bernardino. hehehe.

siguro naiisip natin na nakalusot na tayo once, ayaw na natin makakuha ng failure.

@chona, madami pala talaga tayo. hindi ako nagiisa. i am completely normal. hehehe.

RJ said...

@xg, narinig ko na nga yun, na bagay daw talaga para sa mga engineers ang mga nurses. at madami nga akong kakilala na nurses ang naging nakatuluyan.

namimiss ko lang ang samahan naming magbabarkada at magkakaklase noon. pero ang bumalik sa school, ayaw ko na muna.