Saturday, November 14, 2009

prediction ko...



harujosko! atat na atat na ko. kay tagal kong hinintay ang laban na 'to. mula pa noong tigbakin ni pacman si hatton noong mayo. sa dami na ng nabasa kong balita sa pacland, di ko na alam kung ano pa ang ikukwento ko. hehehe.

nanghihinayang nga ako. sakto dapat sa bakasyon ko ang laban na to. pero nausod pa ang uwi ko sa january. ang siste tuloy, replay sa gabi ko pa ito tuloy mapapanood. naghahanda ng projector ang mga pilipino dito para sama-samang mapanood ang laban.

prediction ko? for the record, pacquiao via 6th round knockout. sa bagal ni cotto eh tingin ko kayang lusutan ni pacman ang strong left niya. cotto will fall due to the accumulation of power punches fired by the bruce lee of boxing.

mabuhay ka, manny!

2 comments:

gillboard said...

pacquiao din ako... pero parang gusto ko for a change, matalo naman siya... la lang

Panaderos said...

Panalo si Pacman! Nagulpi nang husto si Cotto. Manny has the record now of having won 7 titles in 7 divisions. Go Manny!!