bigla tuloy nag-flashback ang memory ko noong 90's. gabi-gabi ang brownout noong panahon ni cory. naglalaro lang kami ng mga kapitbahay sa labas habang naghihintay magkaroon ng kuryente ulit.
naalala ko nga, kapag madilim, masarap maglaro ng taguan. ginagawa ko noon, tumatayo lang ako sa pader at nagtatanggal ng dami at salawal (pati brip), hindi na nila ko nakikita kahit harapan. hehehe.
bigla ko rin naalala na noon, ang dami naming mga kwento na pinagbibidahan nila juan, pedro at mga pari at mga madre. hanggang ngayon, meron pa rin akong kwento na hindi ko nakakalimutan. heto:
habang nagmimisa, umakyat siya sa simbahan sa may kampana.
eh biglang natatae si juan.
nakakita siya ng butas sa sahig. doon siya tumae.
eh nagmimisa pala si father sa ibaba. saktong na-shoot ang tae sa kopa ni father habang umaawit.
sabi ni father, "♫ kanino toooo? ♪"
sumagot ang mga nagsisimba, "♫ aaa-meeeen...♪"
6 comments:
hehehehe, eh yung panty nung madre, kaninong panty ito...
ameeeen....
meri krismas!
Natuwa naman ako sa joke mo, naalala ko tuloy ang mga sakristan jokes nuong high skul ako, I'll share it later sa post ko hehehehe.
Merry Xmas bro, saan ka sa pala sa Dona?
ahahaha madami ngang ganyang kwento non...nasaan na kaya sila ngayon!
aww musta naman ang init non dyan kung walang AC???
hapi pasko RJ!!
chigoy, oo. nakaabot din sakin yang panty version na yan. hehehe.
ras laffan based ako, kaibigang the pope. looking forward sa mga old school jokes mo. hehehe.
pokwang, malamig na dito kaya walang problema kahit walang aircon. ikaw anong baon mong kwento? hehehe.
Post a Comment