Wednesday, December 2, 2009

league of extraordinary time traveler men

8 hours ang byahe from manila to doha. kapag nasa byahe, nakaka-tatlo or apat na pelikula ako bago makatulog ng saglit.

nung bumalik ako dito sa qatar nung isang araw, isa sa mga napanood ko ang the time traveler's wife. tungkol ito sa isang lalaki na time traveller, kaya nababalik-balikan nya ang panahon na bata pa ang asawa niya.

una kong naisip, time traveller din ang maraming ofw na gaya ko. wala nga lang rewind. puro fast forward. dahil tuwing umuuwi ng pilipinas, makikita mo ulit ang mga mahal mo sa buhay na 2 months, 3 months, 6 months, 1 year, 2 years o kahit 10 years older mula noong huli mo silang nakita.


league of extraordinary time traveler men of nagasaki, japan circa 2006

14 comments:

Anonymous said...

sabi sayo magugustuhan mo yung time traveler's wife. have you read the book? mas maganda yun. hehe

regular lurker na lang ako ng blog mo.
-jeck

The Pope said...

Welcome back to Doha bro, ooops, you just arrived from Manila? Kasama ka namin na magse-celebrate ng Xmas and New Year here in Doha.

A blessed weekend.

BlogusVox said...

Oo nga ano. Karamihan sa mga OFW ay ganyan nga. Umalis silang buntis ang mrs, pag dating may baby ng kalung-kalong. Umalis silang gumagapang ang anak at bumalik na nakikitang tumatakbo na papunta sa kanya.

Excellent comparison.

Maldito said...

mabuhay ka ardyey!mabuhay!
ahehehe...

RJ said...

jeck, hindi ko pa nababasa yun book. wala akong time talaga. hehehe. pero lagi namang ganun eh, bihira lang yung movies na nabibigyan justice yung laman ng book.

RJ said...

the pope, oo nga dito rin ako magpapasko at bagong taon. nga pala, ras laffan based ako kaya bihira lang ako magpunta ng doha.

ilan bang bloggers ang meron dito sa qatar?

RJ said...

blogusvox, kaya nga parang nabibilisan ako sa oras. parang nakafast forward. buti ikaw pards kasama mo ang pamilya mo diyan.

RJ said...

maldito, mamatay! ang mga pulitiko mamatay!

p0kw4ng said...

di ko pa napapanood o kahit nababasa ang book...pero maganda nga ang rating!

antuken said...

sabi nga ni jeck, maganda raw yan. i have a copy of the movie, pero di ko pa pinapanood. i want to read the book first e. kahit nga yung love in the time of cholera, inaamag na yung dvd ko. di ko pa tapos basahin yung book e. since i got married, nabawasan ang reading moments ko. wala kse kaming bedside table. mahirap magbasa kung yung ilaw lang yung galing sa ceiling. project ko talaga, sa christmas, dapat yan ang ibigay ni santa saken. hehehe.

BongK said...

meron din ako movie nyan, pero di ko pa na napapanood, kase balak ko nga sana ay mabasa muna ang libro.

usually mas maganda ang version ng book compared to the movie, minsan nasisira ang expectation mo hehehehe katulad nung kite runner, mas nagustuhan ko yung book kesa sa movie (altho maganda din naman ang movie neto)

maligayang pasko na lang syo at nawa'y maging maligaya ka nga sa pasko hehehehehe

ingats

RJ said...

pokw4ng, hindi ko pa rin nababasa ang book. pero hindi ako satisfied sa pagkakagawa ng movie. parang pwede pa siya mapaganda.

RJ said...

antuken, natawa ko sa comment mo. napunta ang usapan sa project mong bedside table. hahaha!

bihira naman kasi talaga yung mas maganda ang movie kaysa sa book. halos lahat, mas maganda ang version kapag binasa.

RJ said...

bongK, ang problema ko lang, madali akong antukin sa pagbabasa ng libro. kaya kadalasan 5 pages at a time lang ang nababasa ko. by the time i finished the book, nasa movied classics na yung pelikula. inamag na sa tagal. hahaha.