Tuesday, December 8, 2009

name game

nanaginip ako kagabi na lumabas na daw ang baby ko. my little baby clawed his way out right in front of his mother's tummy, literally. sa lakas ng baby eh napunit daw niya ang tiyan ni bachoinkchoink at doon siya lumabas.

kaya sa panaginip ko, Claude daw ang ipinangalan namin. kasi nga, he 'clawed'.

ayoko. lagi ko lang maaalala si Van Damme.

naisip ko rin na kapag malaki na siya at matigas na ang ulo, ang maisisigaw kong pangalan niya ay CLAUDIOOOO!

ansagwa.

12 comments:

Anonymous said...

LOL mukang excited ka na talaga dyey. guto ko na din lumabas ang baby mo pero wag naman sana mapunit ang tiyan ni bachoinkchoink mo LOL

wanderingcommuter said...

hahaha. there is one very excited dad... congratulations, padi!!!

antuken said...

i have nothing against the name claude. pero, palitan mo nga. ang dating kse ng claude saken babaero e. hehehe. or malandi. hahaha. ewan ko kung san ko nakuha e wala naman ako kilalang claude.

Maldito said...

papangalanan mo nalang anak mo kagaya ng pangalan ko.
promise hindi ka magisisisi..ahahhaha...
congrats bro.malapit na labas.niyay!
virtual ninong ako ha!

p0kw4ng said...

uy Claudio bili ka nga ng suak sa kanto..ahahaha!

yan ang pinaka mahirap ang magisip ng name...gusto mo kasi lagi eh yung best..yung cute..yung maganda..yung may dating..kaya ang nangyayari ang hahaba ng mga name ngayon ng mga bata...eh kasi yung magulang ayaw paawat,hehehe

excited na ako sa baby nyo,hihihi

RJ said...

PM, excited na nga kami lahat. unti unti na nga namin binubuo mga kakailanganing gamit. hehehe.

RJ said...

wanderingcommuter, gusto ko yung tawag mo, padi. hehehe

RJ said...

antuken, sabi ko nga, sa panaginip ko lang yung claude. yoko rin naman talaga non. hahaha.

RJ said...

maldito, pag pinangalan ko sayo, lagi lang kita maaalala. at yun ang nakakapangsisi. hahaha biro lang. salamat bro. no prob, virtual ninong ka. hehehe.

RJ said...

pokwang, tama ka. ang hirap magisip ng pangalan. sa kakaisip mo ng maganda at unique eh hahaba ang pangalan at iibahin mo pa ang mga spelling. hehehe. buti pa noong araw, pwede na yung mga pangalang Mando, Ro-me, Kadyo.

BlogusVox said...

Uso rin yung dalawang pangalan ang binibigay sa bata. Mrs ko ayaw pahuli, ginawang tatlo. Ayun palaging nahuhuli sa "dictation" dahil nakailang linya na ang mga kaklase, sya hindi pa tapos isulat ang pangalan.

Namputsa! Sa ka-aarte ng ina, ang bata ang nahihirapan tuloy.

RJ said...

blogusvox, hahaha mukang guilty ako ah. samin naman ng misis ko eh ako yung mas maarte, ako pa yung nagsusuggest na tatlo ang pangalan. siya yung nagiisip na baka mahirapan yung bata sa pagsusulat. hehehe.