pagkatapos ng halos tatlong taon ko dito sa qatar, halos patapos na rin ang planta na ginagawa. impak, bilang na ang mga araw ko dito sa qatar.
kaya nga 'no-permanent-address' ako. dahil palipat-lipat ang aking workplace. ganon naman talaga sa construction industry. kung nasaan ang project, nandoon din ang pera. masaya rin dahil you travel a lot. yun nga lang, kadalasan ay hindi tourist destination ang punta. pawis at buhangin. sa kasagsagan nga ng summer, para kang siomai na nasa steamer. ganon.
gaya ng karamihan, contractual. after ng project, tapos ang contract. meaning, hanap ka na naman ng malilipatan. putol ang sweldo at diyan papasok ang financial insecurities dahil hindi mo alam kung kailan ka ulit magkakaroon ng susunod mong trabaho.
eto ang mga munti kong tips kapag panahon na ng uwian o tag-tuyot:
1. plan ahead, fly them cv's - kung alam mong malapit nang matapos ang kontrata mo, mag-umpisa ka nang magpalipad ng cv mo. give time para sa mga employer na mareview ang papel mo. hindi mo naman maeexpect na tawagan ka nila 10 minutes pagkatapos mong magsubmit. libre lang naman ang email.
2. keep off loans - gaya ng #1, kung alam mong malapit na ang end date mo, huwag ka munang kumuha ng housing loan or car loan na hindi mo sigurado kung kaya mo pang bayaran pagkatapos ng kontrata mo.
3. try to save at least 6 months of your salary - just to be safe kung mahirapan kang makahanap ng susunod mong trabaho.
4. at kung sakaling makahanap ka na ng bagong trabaho sa ibang kumpanya, don't burn the bridges sa dati mong pinagtrabahuhan. sa panahon ng gipitan, maaari mo pa ring malapitan ang mga dati mong amo at kasamahan.
"Pearl GTL is a gas to liquids (GTL) project based in Ras Laffan, Qatar. It will convert natural gas into liquid petroleum products. When constructed, it will be the largest GTL plant in the world." - wiki
Sunday, October 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
Ibig bang sabihin Insan eh meron ka ng panibagong project, o marami ka lang ipon? Hehe.
practikal ang mga suhistyong ito kung ikaw ay OFW. aprub!
gandang suggestions...aprubado ng BFAD,hihihi
naranasan ko din ang magpalipat lipat..hindi bilang construction worker kundi katulong...ang hirap kasi mahirap ding mag plano..
yan ba yung ginagawa nyo?? ang laki ah.. pre hanap ka na agad ng malilipatan mo para ready ka na pagnatapos na yan..
yung iba makakatulogn talaga sakin..lalong lalo na yung tipirin ang 6 months worth na sweldo..wahahahha.
shet! penge! hahahahaha!
anong lasa pre? ako nung bata ako nainom ko ang sarili kong wiwi. hahaha
insan gasul, pwede bang none of the above? hehehe.
blogusvox, oo nga pards. pang-ofw. hindi ko pala nabanggit. hehehe.
pokw4ng, oo nga, ikaw yata ang reyna ng lipatan nitong mga nakaraan taon. naligaw na nga ako sa mga adventures mo eh. hehehe. mahirap talaga.
eto nga ang mundo ko, axel.
maldito, importante talaga may pondo ka sa panahon ng tag-tuyot. para maiwasan din na tumanggap ng kahit na anong trabaho na lang dahil gipit na.
insan jeck, sige sa susunod na kapihan natin eh aabutan kita ng gamit kong cotton buds. yung fresh. hehehe. naligaw yata itong comment mo.
Post a Comment