Thursday, October 7, 2010

if you liked it then you shoulda put a rubber on it

nagtatalo ngayon ang gobyerno at simbahang katoliko patungkol sa isinusulong ng una na reproductive health bill.

ang sa gobyerno, malaya ang mamamayan na makapili ng gusto nilang pamamaraan ng pagbi-birth control, either natural or artificial method. Katunayan, bibili ang gobyerno ng condoms, contraceptive pills, at injectibles para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng php 400 million. at ipapamigay daw ito ng libre sa mga health centers.

ang kay padre damaso naman, immoral daw ito. abortion na daw maituturing iyon. ha? ano daw? ito talagang mga ito, ang gagaling magpatawa. ginagawa pa nilang basehan ang bibliya na humayo daw at magpakarami. kung ang bilang ng tao ay kasingdami lang ng mga nakasakay sa arko ni noah, maniniwala pa ko sa mga ito. pero kung aabot na sa 100 milyon ang tao sa kakarampot na lupa ng pilipinas kong mahal at gusto mo pang magpakarami, tangina naman. give me a break.

may balita pa raw na ititiwalag daw nila sa simbahan si president noynoy dahil suportado nito ang RH bill. ayos din naman ano? ang mga masakerista, mga rapist, mga big-time corrupt etc etc eh wala akong nabalitaang itinitiwalag. excommunicate mo your face.

naisip ko tuloy na kaya matigas ang mga pari patungkol sa condom, hindi naman sila ang makikinabang dito. hindi naman sila nagko-condom. may nagko-condom ba ng nagtitikol lang?

on the other hand (hindi sa pagtitikol), naisip ko lang din naman. paano naman kaya ang padidispose ng sangkaterbang condom na ito? malamang, karaniwan nang magiging tanawin ang makakita ng lumulutang na condom sa mga kanal, estero at ilog. pag dumating ang baha at bagyo, wag ka na magtaka kung may condom na lulutang lutang papasok ng bahay mo. mauuso rin siguro ang wash and wear condom para makatipid. makikita mo na lang na nakasampay sa mga bahay-bahay at pinapatuyo ang bagong hugas na mga condom. how lovely.


sa injectibles at contraceptive pills naman, kada taon ba ay gagastos ng ganon kalaki ang gobyerno para lang ma-accommodate ang family planning ng mahihirap? dahil ang paggamit ng pills ay tuloy tuloy. Kung pumalya ka pa nga ng inom ang babae, mas malaki ang chance na mabuntis ang babae.

hay naku naman talaga si juan dela cruz. iiyot na nga lang ang sakit pa sa ulo.

10 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Naks! Nagbabalik-blogging si Insan!

BlogusVox said...

Doon ako na tawa sa last paragraph! Dapat may PG ang post mong ito. ;)

gasti said...

pwede naman sana ang oral sex. baka paboran na ng simbahan yan...ehem!

mukhang sayang din yung 400 million na ipambili sa contraceptives. baka pwedeng ipa-tubal ligation na lang yung misis o magpavasectomy si mister. kesa naman taon taon aasa yang mga malilibog na yan sa libreng condom at pills.

Anonymous said...

bongga naman ang conclusion mo dyey! haha! panalo!

p0kw4ng said...

natatandaan ko noong bata pa ako..madaming condom sa bahay na ginagawa naming lobo..libre daw ito non galing sa mga health center...ewan ko ba kung bakit nawala.

katoliko ako pero yan ang hindi ko maintindihan sa simabahan..mas gugustuhin pa nilang makakita ng maraming bata na halos wala ng makain kesa sa eeducate ang mga mag asawa sa contraceptives.

RJ said...

insan gasul, weather weather lang ba. hehe.

RJ said...

blogusvox, pasensya na pards. mahirap talagang topic kapag may kasamang religion.

RJ said...

gasti, papalag nga kaya ang simbahan kapag oral sex? haha.

yan din ang naisip ko. kung ako bibigyan ng 400 milyon, lahat ng di afford mag-anak ng madami eh papipilahin ko at tatalian lahat. kung sino pa kasi ang walang kita, sila pa yung malalakas ang loob mag-anak ng mag-anak.

RJ said...

prinsesamusang, nakaka-init naman kasi ng ulo. yung mga taong walang iniisip kahit ilan ang maging anak kahit nakatira lang sa kariton.

RJ said...

pokw4ng, alam ko namang ginagawa lang ng mga pari ang trabaho nila dahil may nag-uutos din sa kanila na mga bossing sa itaas. kaya nga ang dapat eh political will na pinakita ni noynoy, wag na masyado intindihin ang pinagsasasabi ng mga pari lalo kung tungkol sa pamamalakad ng gobyerno.

kung sabagay, ilan na lang naman yata ang nakikinig sa mga pari ngayon.