Wednesday, October 13, 2010

caught on bad

"time to wake up! time now is... four forty-five AM..."

"shit, nag-snooze na naman pala ang alarm ko."

nagising ang lalaki sa tunog ng kanyang alarm clock. nagmamadali siyang tumayo at pupungas pungas na pumunta ng banyo.

tumingin sa salamin. tinitigan ang sarili. ngumiti.

nagsipilyo. naligo. nagba....nlaw, nagbanlaw. nagpunas. nagbihis. lumabas ng banyo.

"gusto ko magtimpla ng chocolate drink. kaso male-late na ko. hayun! buti na lang nandito pa yung bote ng gatas na ininuman ko kagabi. dito ko na lang isasalin ang chocolate at dito ko na lang iinumin", ang wika ng lalaki sa kanyang sarili.

patay pa ang ilaw sa silid dahil natutulog pa ang kanyang roommate.

binuksan ang bote. isinalin ang chocolate powder. naglagay ng maligamgam na tubig. shake. shake. shake.

lumabas ng bahay. naglakad papunta sa sakayan ng bus. binuksan ang bote. tinungga. lunok. lunok. may nakapa ang kanyang dila na magaspang.

"siguro'y buo-buo pa ang chocolate, hindi pa siguro nahalo na mabuti. hayaan mo na siya", ang sabi ulit ng lalaki sa kanyang sarili. hindi pinansin ang nakapa ng dila na magaspang. tuloy sa paglagok.

"puta, bakit parang may stick?!"

kinabahan. kinagat ng lalaki ang 'stick' sa kanyang iniinom na chocolate at hinila palabas ng bote. idinura sa lupa.

at doon tumambad ang naghuhumindig na dalawang pirasong cotton buds na kanya palang ginamit kinagabihan at itinapon sa loob ng bote ng gatas na walang laman.

lumingon-lingon. walang nakakita. masuka-suka si lalaki.

end of story.


moral lesson: dispose your trash properly.

trivia: the lalaki is me.

8 comments:

gillboard said...

hahahaha

tama yang moral lesson na yan.

cotton buds. hahaha

YanaH said...

natawa much ako anuverrrrr alas tres ng madaling araw tawa ko ng tawa dahil sa post mo hahahahaha

lesson learned na ha.. hhehehe

Chingoy said...

ewww... loko!

p0kw4ng said...

ahahahaha akala ko kung ano na ang sumama sa choco drink!

RJ said...

gillboard, badtrip di ba. buti na lang wala akong luga.

RJ said...

yanah, lesson learned in a gross way. hehehe.

RJ said...

chingoy, sarap pre, try mo. hehe.

RJ said...

pokw4ng, iniisip ko na lang, maswerte pa rin dahil sarili kong cotton buds yun. hindi ko na siguro maikukwento kung hindi pa akin yung nasawsaw doon. hehehe.